Chapter 56

824 25 7
                                    

Hennessy's


It's been a week since i visited the mansion. Plano kong mag tagal kaso nag iba ang pakiramdam at di ko ma explain. Umuwi ako dito sa rest house ni chad and i brought my car with me at kumuha ako ng ilang pirasong damit.

Sobrang wala ako sa mood nitong mga nakaraan and i don't even know why. Feeling ko ay lagi akong pagod kahit wala akong ginagawa at lagi lang akong nakahilata.

"I'm home, love." Naramdaman ko na tumabi sakin si chad sa kama and he wrapped his arms around me. Hindi ko siya pinansin.

"Love dinalhan kita ng ice cream." He kissed my nape pero di ko sya pinansin.

Maya maya ay naramdaman kong kumalas siya sa pag kakayakap sa akin. "May sinabi ba akong tumigil ka sa pag yakap sakin?" Iritable kong sabi sa kanya. I turn around and saw chad raising his eyebrow.

"Bat ang sungit naman ng asawa ko?" He asked. "Akin na ang ice cream nga." Napakamot pa ako sa ulo dahil ang tagal niyang kumilos.

Binubuksan niya iyon at hinihintay ko lang siya. "Love may good news ako." He's smiling.

"What is it?" I asked.

"Malapit ko na mabawi ang kumpanya ni daddy. Seiji and his dad is really helping me out."

"I'm so happy for you! Sabi ko naman sa iyo ay kaya mo iyon." Tinadtad ko siya ng halik sa mukha at niyakap.

Naikuwento niya sakin before na kaya siya nag Japan ay dahil sa pag kalugi ng kumpanya ng pamilya niya kaya lumipat sila doon. I'm really happy for him dahil kita ko ang hirap, pagod at sakripisyo para mabawi niya iyon. Nag insist ako dati na tutulungan ko siya para mabawi agad pero sabi niya ay kaya niya daw iyon and all i need to do is have faith in him and love him - which is ginagawa ko naman.

"Thankyou, love. Ikaw kaya ang lucky charm ko." He gave me a peck on the lips.

Iniabot niya sa akin ang kutsara na may ice cream at sinubo ko ito. Napangiwi ako nang malasahan ko ang flavor.

"What's wrong?" Chad asked. "Anong flavor ang binili mo? Hindi ko gusto." Diretsahan kong sabi.

"Coffee crumble, eh diba favorite mo iyan?" Tinikman niya ito and he looks so cute! Gigil na gigil ako at napakurot pa ako sa mag kabilang pisnge niya.

"It doesn't taste like it." Sabi ko. Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at ako ang nag subo sa kanya ng ice cream.

"Grabe!" Sabay kurot ulit sa kanya. Hindi ko alam pero gigil talaga ako to the point na gusto ko na lamutakin ang pag katao niya. Sorry for the word but I don't know the right word to use to describe how gigil i'am right now.

"Why are you so extra today?" Chad said at napataas ang kilay ko. "Why? Ayaw mo bang ganito ako sayo?" I asked him.

"It's not like that. It's just that you're a little diff—"

"May babae ka ba?" Bigla kong natanong sa kanya. Kinabahan naman ako dahil gulat na gulat siya sa tanong ko at parang ang defensive niya ha!

"W-what? What are you saying—"

"Oh bat hindi mo masagot ang tanong ko? Anong what what ka jan?" Dinuro ko pa siya sa sobrang inis.

"Hennessy a-ano bang nangyayari sayo?" At lalo talaga akong nainis sa tanong niya.

"Hennessy na ang tawag mo sa akin ngayon at hindi na love? Chad umamin ka sa akin kung may babae ka!" Napasigaw ako at nagulat din ako sa pag iyak ko. I'm crying at kita ko sa mukha ni chad na hindi niya alam ang gagawin.

Love me harderDonde viven las historias. Descúbrelo ahora