Chapter 67

526 21 0
                                    

Hennessy's

"Bibili na tayo ng souvenirs and i'm so excited!" Tamara said.

I'm still wearing the rash guard na suot ko kanina noong nag surf ako. Kay kuya Damon ako nag paturo dahil hindi ko kinakausap si Jack simula noong nalaman ko ang sikreto niya. Sa isang araw na ang uwi namin sa Manila at sobrang bilis ng takbo ng araw pero mas gusto ko na bumalik sa Manila nang maging busy na ako at di na maalala kung ano ang nadatnan ko dito.

Dumistansya din sa akin si Jack dahil alam niyang masyado pang mainit ang ulo ko sa mga nangyari at baka hindi ko ma control at masabi ko sa pamilya namin ang nalalaman ko. Grabe hirap padin ako tanggapin ang lahat.

Hirapan pa din ako tanggapin na ayaw na bumalik ni kuya Morgan kung kailan maayos na ang lahat.

"Mama, are we going home?" Hinila ni Adam ang laylayan ng damit ko. I smiled at him, "hindi pa. Bibili lang tayo ng pasalubong." Natawa ako nang pag masdan ko ang itsura ng anak ko. Medyo malaki ang pinag bago ang kulay ng balat niya at medyo tumaba din siya dahil kung ano ano ang pinapakain ni kuya Champ sa kanya. Sobrang hiyang siya kay kuya Champ at nakatulog na nga siya na wala ako sa tabi niya.

Nung nakaraan ay nakita kong tinuturuan niya si Mojito kumain gamit ang kamay. Tawang tawa ako sa kanila dahil maikli ang pasensya nila pareho pero makikita mo na gusto talaga nila matuto.

Nag ikot ikot kami sa isla at sobrang daming mabibili na ang gaganda. Wala naman ako masyadong bibilhin. Bumili lang ako ng konting sweets at gamit para sa amin ni Adam at ang iba ay para sa kaibigan na. Si seiji lang naman ang kaibigan ko sa ngayon pero binilhan ko din ng souvenir ang mga secretary naming mag kakapatid.

Kinuha ni kuya Damon si Adam sa akin at kinarga. Si Mojito naman ay na kay kuya Martin at si Maria ay na kay Jack.

"Inubos nyo naman ang mga chikiting ko." I laughed when kuya Champ said that. Hindi ko ma imagine na ang isang Maskuladong lalaki na gaya niya ay gagamitin ang word na chikiting.

"Bigyan mo na kasi kami ng Apo." Nag tawanan kami nang marinig ang sinabi ni Dad. Naririnig pala nila ni Nanay ang usapan kahit medyo nauuna sila mag lakad ng bahagya.

Napakamot nalang ng ulo si kuya Champ. "Dibale at mag kaka anak naman na si kuya Damon madadagdagan na naman ang mga chikiting ko." He smirk.

Medyo nag ka hiwa hiwalay kami ng napuntahan at si Tamara ang kasama ko.

"Ang ganda nito! Mag twinny tayo dito." Sabi ni Tamara at may pinakita sa aking damit. It's an Allover print backless split cover up. Maganda iyon pang beacg kaya bumili din ako. Isang damukal din ang binili naming keychain dahil hindi kami makapili. They are all so cute.

Nilibot ko ang labas ng store habang si Tamara naman ay nasa loob.

May napansin ako sa ilalim ng isang puno na medyo kalayuan pero sapat lang para makita ko.

Nakatayo doon si kuya Morgan and he's looking at me. Tinignan ko siya pabalik pero blanko lang iyon.

Sa totoo lang ay nangingibabaw padin naman ang pag mamahal ko sa kanya at di naman mag babago iyon. Masama lang talaga ang loob ko dahil hindi ko alam kung ganoon ba kahalaga ang rason niya para iwan kami.

Medyo malaki din ang pinag bago niya simula noong huli kong naaalala na nasa mansyon siya. Mas naging maskulado ang katawan niya at naging moreno siya. Wala naman masyadong nag bago sa buhok niya. Sa pananamit naman ay di ko sigurado dahil nasanay akong nakikita suit and tie and suot niya.

Love me harderWhere stories live. Discover now