Chapter 38

6.7K 83 11
                                    

Hennessy's

"Jack will be fine. Parang ikaw lang din iyan, magigising iyan." Kuya Champ is trying to calm me down ng sinabi ng mga doctor na hindi pa din daw alam kung kailan magigising si Jack.

Dalawang araw na akong sunod sunod na umiiyak. Walang tigil.

Good thing ay andito si Achilles. He's really smart and brave. Siya ang palagi kong kasama sa pag babantay kay Jack.

"Why does it seems so easy for you na hindi padin gising si Jack?" I asked kuya Champ. "It's not like that. Look at you, halos dalawang araw kang walang kain at tulog at iyak ka pa ng iyak. Do you think Jack would like to see you like that?" Kuya Martin said. Niyakap nila akong pareho.

"Umuwi ka muna please. Andito naman kami, ayusin mo muna ang sarili mo." Kuya Morgan said and he kissed my forehead.

Wala akong nagawa kundi umuwi. Sobrang dami kong inaalala. Gusto pa sana pumunta ni Maiko dito sa Pilipinas pero sinabi kong wag na dahil alam ko kung gaano siya ka busy.

Nakipag tulungan na din sa amin ang mga Montealegre dahil sa pag kamatay ni Hero. I dont really know him pero nasaktan ako noong nalaman kong patay siya, nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

Narinig ko sa kausap ni Dad na malaking tao ang nasa likod nito dahil sobrang dami naming connections pero hanggang ngayon ay hindi padin mahanap. Wala namang makuhang testigo dahil walang tao sa paligid noong nangyari ang insidente.


Nakita kong umiiyak si Achilles. "Hey baby, what's wrong?" I asked him. Nang mapayuko ako ay nakita ko ang teddy bear niya na hihiwalay na halos ang katawan sa ulo.

"I will fix it kaya don't cry na." Tumango siya at pinunasan ko ang mukha niya.

Tinawag ko ang yaya ni Achilles at sinabing patulugin niya muna iyong bata.

Pumunta ako sa kwarto kong dala dala ang teddy bear. Napahiga ako at napaisip ako sa lahat ng nangyayari. Why is this happening to us? Una ay ako at pangalawa si Jack. I don't even know where kuya Damon is. Hindi ko din alam kung nasaan ang mga kaibigan ko especially Augustus.

Bigla bigla tumulo ang mga luha ko at wala akong magawa kundi yakapin ang teddy bear na hawak ko.

"A-aw!" Tuluyang humiwalay ang ulo ng bear sa katawan at may parang tumusok sa chin ko.

Tinignan ko kung ano iyon at may laman iyong pictures na naka laminate. Iyon ang tumusok sa baba ko. What the hell is these?

Isa isa kong kinuha iyon at litrato iyon ng lalaki. Isang lalaking medyo singkit at may katawagan sa cellphone. Who is he? He looks familiar pero hindi ako sigurado. Maputi, matngkad, singkit at di mapag kakailang malaki ang pangangatawan.

Madami iyon at sunod sunod. Nagulat ako nang makita ko ang mga litrato ni Maiko. Nakatulala siya sa picture at parang nasa gazebo siya. Bakit may litrato ni Maiko dito? Madami pa iyon.

May papel doon na naka tupi kaya binuklat ko. Nakalagay ang buong pangalan ni Maiko at kung di ako nag kakamali, address ito ng bahay niya sa greece. Ang dami pang impormasyon at naka sulat doon kung saang angkan siya nang galing. Bakit may ganito dito?

Love me harderWhere stories live. Discover now