Chapter 66

474 21 5
                                    

Author's Note

Guys sobrang sorry talaga sa napaka tagal na UD. Sa mga nag cocomment, mahaba po talaga tong story kasi dito mag mumula lahat ng story nila mag kakapatid pero siguro sa story nila Jack at ng mga kuyas, di na ganito kahaba. Thankyou so much for still supporting me guys! I owe you a lot. <3

—————————
Hennessy's

"K-kuya Morgan.."

Ilang beses ako pumikit pero nandoon padin siya and he's looking at me. Malungkot ang tingin na binigay niya sa akin. Hindi padin nag sisink in sa akin. Is this even real?


"H-hennessy.." tinawag niya ako sa pangalan ko.

Tinawag niya ako sa pangalan ko! Oh my God! He's real and i'm not dreaming! Kuya Morgan is here!

Doon na ako natauhan at tumakbo na ako papalapit sa kanya. Tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko pero wala na akong pake alam. We found him!

Niyakap ko siya at humagulgol na ako nang yakapin ako ni kuya Morgan. Siya ito. His warmth completed me.

Sobrang dami kong gusto sabihin sa kanya pero hinayaan ko lang muna ang puso ko na umiyak sa saya.

I look at his face and i touch it. He's also crying at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kuya you are alive! Thank God Jack found you. Jack, You found kuya Morgan!" I hugged him again as tight as i can na parang naka depende dito ang presensya niya.

Tumingin ako kay Jack at malungkot ang mga mata niya. Hindi ko iyon pinansin dahil ang mahalaga ay andito na ulit si kuya at buo na ulit kami. Hindi ko alam kung paano siyang buhay pero sobrang saya ng puso ko.

Sobrang saya ko para kay Tamara at sa dalawa nilang anak. Lalo akong naiyak nang maalala ko kung paano palakihin ni Tamara ang anak nila na mag isa.

"Kuya, Tamara is with us! Kasama namin ang mga anak mo. You have twins! Maria and Mojito. Kuya Let's go to them because they really need to see y—"

"H-hennessy.." Tinawag ako ni Jack sa pangalan ko at ang tonong iyon ay hindi masaya.

"B-bakit? Hindi ka ba masaya na andito si kuya Morgan? You found him, Jack." I said to him.

Saka lang nag sink in paunti unti sa akin ang lahat ng tumingin ako kay kuya Morgan sa mata at hindi ko nagustuhan ang nakita ko doon.

Guilt.

"A-anong problema kuya? Kailangan na natin umuwi—"

Umiwas siya ng tingin. "I-i can't go with you." Halos bulong niya lang iyon pero rinig ko at tagos ito sa buto ko. Anong ibig sabihin na hindi siya makakasama?

"Anong problema? Hindi ka ba masaya na magiging buo na ulit tayo? Nanay and dad is here with us. Kuya Martin, Kuya Champ and kuya Damon is here too. Did you know that kuya Damon was prove innocent?—"

Napatigil ako sa pag sasalita nang makita ko ang kwintas na suot suot niya. Kwintas iyon na singsing at mayroon din si Tamara noon.

Saka tumulo ang luha ko nang pumasok sa isip ko kung ano ang nang yayari.

Tumingin ako sa mga mata niya. Ayokong isipin na totoo ang hinala ko pero sa inaakto niya ay hindi ako maaaring mag kamali.


"Y-you ran away.." I whispered.

Mas lalo akong nasaktan dahil nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko, na nasaktan siya dahil totoo.

"W-why?" Halos wala ng lumalabas na boses sakin. Nanlamig nanaman ako at sobra akong nasasaktan. He didn't confirm it yet but the way he look into my eyes, parang hindi ko kaya marinig ang totoo.

Love me harderWhere stories live. Discover now