Chapter 16

11.8K 133 1
                                    

Hennessy's

Andito lang ako sa office ko at wala naman masyadong ginagawa. I can't sleep last night dahil hindi mawala sa isip ko yung sa amin ni chad. Napapangiti padin ako pero at the same time ay na iistress pag naaalala ko iyon.

"Ma'am, andito po si sir chad papapasukin ko po ba?" Angie asked. Lalo naman akong nataranta nang marinig ko ang pangalan ni chad. Why is he here? Di ba sya naiilang after nung nangyari?

"S-sige papasukin mo." Tumingin si Angie sa akin na para bang tinatanong nya ulit ako kasi parang hindi sigurado yung boses ko. Tumango nalang ako sa kanya.

Pumasok si chad and nagulat ako because he's holding a bouqet of white roses. "H-hi? Busy ka?" He asked and then he smiled at me. Yung ngiti nya na pamatay.

"H-hindi naman. Upo ka." Iyon lang ang nasabi ko. Umupo siya sa upuan sa harap ng lamesa ko at nilapag nya yung flowers sa lamesa ko. Is this really for me?

"Para sayo p-pala." He smiled at me awkwardly at napahawak sya sa batok nya. Ang fresh niyang tignan ngayon. Well, fresh naman sya lagi dati pero mas fresh sya tignan ngayon. He's wearing white polo na pang loob nya pero wala siyang coat, white polo and tie lang.

"Bat may pa flowers? Thankyou." I laughed a little bit. "Wala lang. What's new with that? Dati pa naman—" natigilan siya sa pag sasalita.

Napa angat bigla ang kilay ko. "Dati pa naman ang alin?" I asked him.

"Huh? May sinabi ba akong g-ganon?" He said and looked away. Bat parang may tinatago siya?


"Nevermind. Di ka busy sa office mo?" I asked him. Tinignan niya ako sa mata at ngumiti siya.

"Syempre busy pero pag sayo, hindi na." He winked at me Omg ano na nangyayari kay chad? Bat ang sweet niya nitong mga nakaraang araw?

"A-anong nakain mo?" I chuckled. Umiwas lang siya ng tingin at umiling.

"Eh ano pala ang pinunta mo dito?" I asked him. "Gusto lang kita makita." Sabi niya.

I dont know what to do anymore. Di ko na alam kung ano ba ang dapat ko isagot sa mga sinasabi niya but all i know is kinikilig ako kahit hindi naman dapat.

"Chad, why are you acting l-like t-this?" I asked him habang tinitignan ko siya sa mata. "Pinapakita ko lang kung ano yung totoong ako. A-ayaw mo ba na ganito ako s-sayo?" Tanong niya at parang lumungkot iyong tono ng boses niya.

Ayan kwinestyon ka tuloy niya ng ganoon! Tatanong tanong ka pa kasi eh alam naman natin na gusto mo din!

"H-hindi naman sa ganoon—"

Nagulat ako at bigla siyang tumawa. "Ang cute mo pag hindi mo alam ang isasagot mo." Tawa padin siya ng tawa. Napasimangot nalang ako kasi naaasar na ako sa kanya.

"Kahit naman ayaw mo na ganito ako, wala kang magagawa kasi gusto ko to, gusto ki—" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya kasi biglang pumasok si Hero sa opisina ko. Halatang nagulat naman nang nakita si chad. Kung alam lang ni chad na bakla siya ay siguradong pumamewang na ito.

"H-hero, y-you're here." Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin. Parang na caught on action ako kahit wala naman akong tinatago.

"Yes i'm here. Ano naman ang bago doon?" He said.

"Sige hennessy, una na ako. Gusto ko din sana kunin yung bagay na nakalimutan ko sa iyo kahapon pero sa ibang araw ko nalang kukunin." Abot tenga ang ngiti niya pero pinipigilan niya ito.

Love me harderWhere stories live. Discover now