Chapter 59

1.4K 44 27
                                    

Hennessy's

"Oh bat ang bilis? I thought you're gonna buy a shoe?" Nakasalubong namin si Jack at kinuha niya si Maria kay tamara at kinarga.

I'm still catching my breath dahil hindi ako makapaniwala sa kung sino ang nakita ko. Pag tapak na pagkatapak ko palang sa Pilipinas ay alam ko na mangyayari ito but i'm not expecting it to happen in here na kasama ko pa ang anak ko at si Jack!

"I thought Jack's waiting at the car na?" Tamara said. I'm stucked at hindi ko alam kung paano ko lulusutan silang dalawa. "N-not now, okay? Let's just go home first. Sumama ang p-pakiramdam ko." Iyon nalang ang ginawa kong dahilan.

Jack looked at me and i know that he's not buying it.

"Oo nga girl, namumutla ka." Tamara said habang sinasapo ng kamay niya ang ulo ko.

Lumipad ang tingin ko kay Adam. Nakatingin siya sa akin at alam kong nag aalala siya. "Mama are you okay?" He asked at sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. "Mama is okay." Napangiti ako nang maramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi.

Si Adam lang talaga ang pinag kukunan ko ng lakas sa lahat ng bagay. Kahit tuwing titignan ko ang mga mata niya ay naaalala ko ang Ama niya dahil nakuha niya ito doon. The way my Son looks at me is the same way how his Dad looks at me.

Nakita ko si Chad at nakita niya ang anak ko. Ayaw kong mag isip na baka kunin niya ang anak ko pag nalaman niya ang totoo dahil hindi ko kakayanin. Napabuntong hininga nalang ako at niyakap ng mahigpit si Adam.

Napatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan at nakita ko na nakatingin si Jack sa akin pero nag iwas din siya ng tingin.

—————————————-
"I can't wait to see tita apollo's baby." Adam said at lumapit siya kay kuya Damon para mag pakandong. "Tita, baby girl at baby boy din po ba ang baby niyo?" Mojito asked.

"Baby girl parang si Maria." Ate apollo smiled. "Ay one lang po?" Maria asked. "Oo one lang." natawa nalang si ate apollo sa kakulitan ng kambal.

"Mama bakit po hindi twins iyong baby ni tita apollo?" Mojito curiously asked tamara. "Ay ganoon talaga. Minsan isa, minsan dalawa, minsan mas madami pa." Iyon nalang ang nasagot ni tamara.

"Eh bakit po ganoon?" Maria asked. "Eat your food first at ang hindi maubos ang pagkain ay hindi bibigyan ng chocolate mamaya." Tamara said at nag focus ang kambal niya bigla sa pagkain.

"Grabe, bilib ako." Jack said and he clapped. "Paano ang ginagawa mo pag sobrang kulit na ng kambal mo?" Kuya damon asked. Magiging tatay na din siya dahil limang buwan ng buntis si Ate apollo.

"No shortcuts, tyagaan lang talaga." Tamara smirked and she even flexed her muscles.

"Who wants some coffee?" I asked. Pupunta kasi ako sa kusina para mag timpla ng kape ko. Adam is fine with kuya Damon naman.

"Nag kape na ako kanina." Kuya damon asnwered.

Dumiretso ako sa kusina at pinikit ko muna ang mata ko. Grabe i'm overthinking things again. Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari.

It's about chad.

Hindi malabong magalit siya pag nalaman niya ang totoo. I hid my son's existence from him at hanggang ngayon ay wala akong balak ipaalam sa kanya na siya ang Ama ni Adam. Tinago ko ang karapatan niya sa anak ko at hindi malabong magalit at may gawin siya.

But when i saw him at the mall may kasama siyang babae at sigurado akong buntis iyon dahil sa baby bump at sigurado din akong asawa niya iyon because that girl called him babe. My positive side says wala akong dapat ipangamba dahil Chad has his own family now at hindi siya gagawa ng isang bagay na makakasira ng pamilya niya.

Love me harderWhere stories live. Discover now