The Broken Scalpel [Ace Lucif...

By chasingplaridel

365K 7K 1.4K

He's a doctor, and so is she but then, he has the broken scalpel in his hands. Book 2 Volume 1 More

JAXON AND MACEY
[1] First Scalpel
[2] Second Scalpel
[3] Third Scalpel
[4] Fourth Scalpel
[5] Fifth Scalpel
[6] Sixth Scalpel
[7] Seventh Scalpel
[8] Eighth Scalpel
[9] Ninth Scalpel
[10] Tenth Scalpel
[11] Eleventh Scalpel
[12] Twelfth Scalpel
[13] Thirteenth Scalpel
[14] Fourteenth Scalpel
[15] Fifteenth Scalpel
[16] Sixteenth Scalpel
[17] Seventeenth Scalpel
[18] Eighteenth Scalpel
[19] Nineteenth Scalpel
[20] Twentieth Scalpel
[21] Twenty First Scalpel
[22] Twenty Second Scalpel
[23] Twenty Third Scalpel
[24] Twenty Fourth Scalpel
[25] Twenty Fifth Scalpel
[26] Twenty Sixth Scalpel
[27] Twenty Seventh Scalpel
[28] Twenty Eighth Scalpel
[29] Twenty Ninth Scalpel
[30] Thirtieth Scalpel
[31] Thirty First Scalpel
[32] Thirty Second Scalpel
[33] Thirty Third Scalpel
[34] Thirty Fourth Scalpel
[35] Thirty Fifth Scalpel
[36] Thirty Sixth Scalpel
[37] Thirty Seventh Scalpel
[38] Thirty Eight Scalpel
[39] Thirty Ninth Scalpel
[40] Fortieth Scalpel
[41] Forty First Scalpel
[42] Forty Second Scalpel
[43] Forty Third Scalpel
[44] Forty Fourth Scalpel
[45] Forty Fifth Scalpel
[46] Forty Sixth Scalpel
[47] Forty Seventh Scalpel
[48] Last Scalpel
Epilogue 1/2
Epilogue 2/2
Author's Announcement and Acknowledgment
SPECIAL CHAPTER: CLODOVEO AND NAMI

PROLOGUE

21K 373 48
By chasingplaridel

PROLOGUE:

Halos makatulog na sa kinauupuan niya si Jaxon ng magring ang cellphone sa bulsa ng doctor's robe niya. Kakatapos lang ng surgery niya sa isang pasyenteng nabaril ng dalawang bala sa tagiliran. Tumagal 'yon ng halos apat na oras kaya naman pagod na pagod siya.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at awtomatikong napangiti siya at para bang nawala ang pagod at antok niya nang makita kung sino ang tumawag. Ang kanyang girlfriend na si Maxine. Sinagot niya ang tawag.

"Hello baby miss me?" aniya sa nakakalokong tono. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan, at napahilot sa sariling sentido. Madaling araw na natapos ang kanyang surgery. Pinaghalong antok, pagod at gutom ang nararamdaman niya, pero baliwala ang mga iyon ngayong kausap niya ang kanyang Maxine. Hindi niya kasi ine-expect na tatawagan siya nito dahil alam niya na busy ito sa concert ng paborito nitong banda. Sasama dapat siya pero may naka-schedule siyang surgery ng araw na 'yon. Gusto niyang tanggihan pero si Maxine na ang nagsabi na mas kailangang unahin ang pasyenteng nangangailangan ng kanyang tulong, kaya wala siyang nagawa.

"Hey, baby. I miss you. Kanina pa kita tinatawagan." The girl on the other line giggled. "Are you busy? Nakakadistorbo ba ako, hmm?" anito sa naglalambing na boses.

Jaxon lips automatically formed a smile. "No baby. You never disturbed me, and sorry for not answering you calls earlier, kakatapos lang ng surgery ko."

"Really? Are you good, Jax? Gaano katagal ang surgery mo?" Nag-aalalang tanong ni Maxine.

"I'm good baby, the surgery lasted for four hours but it's okay, I'll be fine." Pag-aaloniya sa nag-aalalang girlfriend.

"Okay, after ng concert, I'll be there. Wait for me okay? Magpahinga ka nalang."

"Okay, anong oras ba matatapos ang concert? Call me if you're on the way—"

Pinutol kaagad ng girlfriend niya ang sasabihin niya. "Nah-uh, Mr. Jaxon Alfonso Skyler, ako ang pupunta diyan, okay? Magpahinga ka na. by two am, I'll be there."

Napabuntong hininga siya. "Okay, if you insist." Aniya. Natigilan siya sandali. Sinabi ng kasintahan na nasa concert ito ng paborito niyang banda pero hindi naman siya nakarinig ng kahit anong tunog ng musika o ng tao. "Bakit pala ang tahimik ng background mo?"

"Nasa CR ako. I'll hang up now, I'll miss their last performance. Bye baby! I love you! Magpahinga ka na, okay? Hintayin mo ako diyan." Paalam ng girlfriend nito. Halata sa boses nito ang kasiyahan habang kausap siya, at ganun din siya. Kulang nalang ay mapunit ang labi siya sa kakangiti.

"Okay baby. I love you. I'll just take a nap. I'm so tired." Sagot niya.

"Rest baby okay? Ako bahala sa'yo pagkarating ko diyan. I'll give you a mind-blowing massage on your shoulders ang legs. My poor baby..." anito tsaka natawa. Maya maya pa ay nagpa-alam na ito, at naputol na ang pagtatawagan nilang dalawa.

Inilapag niya ang cellphone sa kanyang tabi, pagkatapos ay dumayukdok sa lamesa. Kahit pa nagugutom siya ay hindi na niya inabala ang sariling kumain. Ginusto nalang niyang antayin si Maxine para sabay silang maka-kain. Ipinikit niya ang mga mata at mabilis siyang nilamon ng antok. Kaagad siyang nakatulog.

NAMULAT ang mata ni Jaxon kaagad nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kanyang opisina. Umangat ang ulo niya mula sa pagkakadayukdok, akala niya ay ang nakangiting mukha ni Maxine ang bubungad sa kanya pero nagkamaili siya nang makita niya ang isang nurse sa harap niya na mukhang hinihingal pa.

"D-doc.." Hindi ito makapagsalita ng maayos dahil sa hingal. Kumunot ang noo siya. Pupungas pungas pa siya pero hindi niya alam kungbakit bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba dahilan para manlamig din ang kanyang kamay.

"Nurse Chin? What are you doing here?" hindi niya makilala ang sariling boses. Paunti-unti siyang binabalot ng kaba.

"D-doc, may nangyari pong aksidente sa Empire Coliseum, a-ang dami p-pong casualties, Doc. L-lahat po ng doctor na on-duty po ay pinapatawag." Anito sa nanginginig na boses.

Para bang nanghina siya sa narinig. Empire Coliseum. Nandoon ginanap ang concert. Agad niyang naisip ang kanyang girlfriend. Maxine! Hindi niya pinansin ang nurse na nanginginig sa kanyang harapan. Kinuha niya ang kanyang cellphone. Tinignan niya ang oras. Halos isang oras na simula ng magkausap sila ng girlfriend niya. Agad niyang tinawagan niya ang kanyang girlfriend pero walang sumasagot. Tinawagan niya ito pero wala paring nangyari.

"Come on, Max. Answer my call Damn it!"

Tinapunan niya ng tingin ang nurse. Magsasalita sana siya para paalisin ito, inunahan siya ng nurse. "D-doc, kailangan k-ka po namin doon."

Napahugot siya sa kanyang hininga. Punong puno ang pagmamaka-awa ng boses nito. Napatango siya. Kahit labag sa loob niya dahil gusto muna niyang masigurong ligtas ang gilfriend niya na nandoon din sa kaparehong lugar, sumama siya sa nurse. Nagmamadali ang bawat hakbang nila. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone kung sakaling tumawag si Maxine.

Nakarating sila ng nurse sa labas ng ospital na pinagta-trabahuan niya. Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya dahil sa bumungad sa kanya. Sunod sunod na ambulansya ang dumating. Hindi magkanda ugaga ang mga tauhan ng ospital. Sa bawat strecher na pumapasok sa loob ng ospital at nilalampasan siya ay halos balutin na ng dugo ang bedsheet, at punong puno ng dugo ang katawan ng pasyente.

Malalim siyang napalunok at natulala sandali.

"Doctor Skyler!" tawag sa kanya ng staff ng nagaasikaso sa kakarating na ambulansiya. Natauhan siya at mabilis na lumapit 'don. Isang pasyenteng nabalian ng buto ang nasa strecher. Nagtatakha siyang napatingin sa staff.

"Anong nangyari?" tanong niya. Katulong siya ang isang staff sa pagcheck ng vital signs ng pasyente.

"May naggulo sa concert. Hindi ko alam ang eksaktong nangyari, Doc pero yung mga naka-sabit sa ere na stage para sa performers ay biglang bumigay. Bumagsak at sumabit 'don sa isang poste ng mga ilaw. May mga sumabog na rin dahil sa short circuit."

Hindi na niya nagawang sagutin ang staff. Sapat na sakanya para malaman ang nangyari. At kahit anong pilit niyng ituon ang sarili niya sa pasyente at sa trabaho niya ay hindi niya magawa. Sa kaalamang ang girlfriend niya ay nandoon sa pinangyarihan ng aksidente ay hind siya mapakali. Pilit niyang inaalis sa isip na kasama sa mga casualties si Maxine.

Inasikaso niya ang pasyente sa ward na pinagdalhan ng mga pasyente. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang salitang time of death mula sa mga kasamahan niyang doctor na nasa ward din. Tinapunan niya ito ng tingin, at halos maipikit niya ang kanyang mga mata dahil horrible sight na nakikita niya. Nakakapanghina.

NANG matapos niyang aksikasuhin ang pasyente iya aylakad takbo ang ginawa niya pabalik sa entrance ng ospital. Kinapa niya ang bulsa niya kung nasaan ang cellphone niya. Chineck niya ito. Walang text si Maxine kung kaya't tinawagan niya ito pero ngayon ay unattended na ang cellphone nito. Napamura siya. Itinago niya ang cellphone sa bulsa pagkatapos ay sakto namang nasa labas na siya. Kakarating lang ng panibagong batch ng ambulasya.

Dinaluhan niya ang unang ambulansya. Kanda ugaga ang mga staff na ilabas ng mabilisan ang pasyente, pero ganon nalang ang panlalamig ng kamay niya nang makita kung sino ang pasyente niya.

"Max?" Para bang nawalan siya ng boses. Kung hindi niya lang kilala ang babae ng lubusan ay hindi niya ito makikilala. Puro dugo ang kulay peach nitong damit. Matindi ang pinssala ng kaliwang braso na para bang nasunog ang balat nito at puro sugat ang mukha. Para bang pinaliguan ng sariling dugo ang babae. Bumaba ang tingin niya sa tagiliran nito, at ganon nalang ang panghihina niya nang makita niya na may nakatarak ng para bang putol na bakal sa gilid nito.

Sinapo niya ang pisngi ng babae. "Max..baby. Come on, open your eyes..." aniya. Wala na siyang paki-alam kung puro dugo na ang doctor's robe niya. Inalis niya ang natuyong dugo sa gilid ng mata nito. Unti-unting dumilat ang mata ng girlfriend niya.

Tinulungan siya ng mga ibang nurse na dumating at mga staff ng ambulance. Dadalhin dapat ng mga ito sa ward ang kanyang girlfriend pero nangibabaw ang sigaw nya. "To the operating room now, Damn it!"

Umapela kaagad ang nurse. Natigilan ang mga ito. "Sir, wala po ang team para sa surgery—"

"I don't care, fuck it! I can perform the surgery myself!" Aniya at magisa niyang tinulak ang stretcher, pero tinulungan parin siya ng mga kasama. Nakasalubong niya ang natatarantang si Nurse Chin. Napatingin ito sa kanya bago bumaba ang tingin niya sa stretcher.

"Miss Max?"

Hindi niya pinansin ang babae. Nagpatuloy sila hanggang makarating sila sa surgery room.

Wala siyang inaksayang oras. Narinig niya ang paghingi ng tawad ng nurse na kasama niyang maghatid. Kailangan pa nitong asikasuhin ang iba, pero wala siyang paki-alam. Inilipat niya sa isang bed si Maxine, at akmang aayusin niya ang mga gagamitin niya, nang makarinig siya ng boses. Boses na nanghihina man, pamilya na pamilyar sa kanya.

"B-ba..by..." Napalingon siya at agad na nakita na hirap itinataas ni Maxine ang kamay niya.

"Max..baby...hold on. Baby..hold on... I'm here. I'm going to cure you.." tuluyan ng tumulo ang luha niya. " J-just hold on.. please... Max..don't leave me like this.."

"Jax... M-mahal..na m-mahal k-kita..."

Kahit gusto niyang aluhin ang gilrfriend ay pinilit niyang maging malakas. Pinuni niya ang damit ni Max. Punong puno ito ng dugo, kinabitan niya ng oxygen mask ang babae, at ang mga makinang kailangan ng babae, kabilang na dito ang makina na nagmo-monitor ng heartbeat.

Narinig niyang bumukas ang pintuan at nakita niya ang isang nurse na hindi niya kilala at hindi pamilyar sa kanya.

"Nurse Chin send me here for help." Bungad nito habang nagsusuot ng surgical glove at mask.

Hindi niya ito pinansin, pero nang lumapit ang nurse sa tabi niya, pinabayaan nito na ayusin ang mga kagamitan. Napatingin siya kay Maxine. Nanghihina siya sa nakikita lalo na sa nakatarak na maliit na piraso ng tubo sa tagiliran nito, pero hindi. Kailangan niyang maging malakas.

May humawak sa kamay niya. Nakabukas parin ang mata ni Maxine, humigpit ang hawak ni Maxine sa kamay niya, nagkatinginan sila. Gumanti siya ng hawak at kahit natatakpan ng mask ang kanyang mukha ay pinilit niya ngumiti.

Pero pagkalipas ng ilang segundo... ay unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Maxine, kasabay ng unti-unting pagpikit ng mga mata nito. Umalingawngaw ang tunog ng makita, napabaling ang tingin niya doon at isang diretsong linya ang nakaguhit 'don. Isang pahiwatig na ayaw niyang tanggapin, at hinding hindi niya matatanggap.

"Max...Max!" Tinampal tampal niya ang pisngi ng girlfriend niya pero nanatili itong nakapikit. Namalayan nalang niya na lumapit ang kasamang nurse niya. Hindiniya ito kilala pero malalaking tulong sa kanya nang ilapit nito sa kanya ang defibrillator.

"Ready!" Kahit lumuluha ay pilit niyang nilalabanan kasabay ng bawat pagtaas baba ng dibdib ni Maxine dahil sa defibrillator na pilit bumubuhay sa kanya, at ng hindi ito gumana ay ginamit niya ang sraili niyang kamay, pilit niya itong binubuhay, pero walang nangyari. Hindi tumibok ang puso nito para mabuhay muli.

"Max..come'on... Max please, don't leave.." he sobbed. "me.. don't leave me like this..."

Paulit ulit niya itong sinabi, hanggang sa mapagod siya. Yakap yakap niya ang girlfriend niyang wala ng buhay. Napahagulgol na siya, at ng hindi na kayanin ng mga paa niya ay napasalampak siya sa sahig.

Habang sumisigaw. Isinigaw niya lahat ng sakit. Ilang beses siyang napasabunot sa sarili niyang buhok. Sinisisi ang kanyang sarili habang umiiyak.

"Bakit..." tumayo siya at paulit ulit na sinuntok ang pader. " Bakit..."

He keeps on asking himself why he was able to make his patients alive. Hindi niya ang mga ito kilala pero nagagawa niyangdugtungan ang buhay ng mga ito, pero bakit ang sarili niyang girlfriend. Ang taong nagawa siyang pasayahin. Ang taong umiintindi at nagpapahalaga sa kanya ay hindi niya nagawang buhayin?

Hanggang sa may naramdaman niyang mainit na pares ng braso na yumapos sa kanya. "I won't say that it's okay, but I need to tell you that, everything will be fine." anito at mas humigpit ang yakap sa kanya.


And that hug made him feel at ease, even though his heart is slowly breaking into pieces...


As well as his scalpel.  

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 281 21
Broken-hearted, miserable and hurt. Sa mundong kasuko-suko na ay pinilit pa rin ni Destiny na maging matatag. Kahit na nandoon na sa kaniya ang katan...
15.3K 3K 34
In order to be safe, he's forced to used his twin's identity. Silently fighting to have justice for his twin's death but how could he continue it, fi...
167K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...