Just Married

By bluedust

9.8M 67.2K 13.3K

This is an ONGOING series. Copyright © 2012 by Bluedust. All Rights Reserved. No Softcopy | No Compilation |... More

PAUNANG DADA (CHARARAT)
Prologue~teaser
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10.1
10.2
10.3
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46.1
46.2
47
48
49
50
51
52
53

36

147K 838 217
By bluedust

****************************************SANDER'S POV******************************************* 

"Peke yung kasal namin ni Sammy." Seryoso kong sabi.

Mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Di maipinta yung mukha niya sa nalaman niya eh.

"Teka...ano?P-peke? Pero B-bakit? P-paano?"naguguluhan niyang tanong. Halatang di siya makapaniwala at parang yung utak niya eh nagsi-syntax error.

Huminga ako ng malalim.

at unti-unting ngumiti.

"JOKE LANG ^_____^v" masigla kong sabi.

Wahahahaha. Yung mukha ni Yesha unti-unting nagbago. Kitang-kita mong asar na asar siya.

"Nakakaasar ka alam mo yun?!" sigaw niya. Hahahaha nakakatuwa talaga 'toh asarin. yung mata naniningkit eh.

"Naniwala ka naman? Hahahaha hanggang ngayong yesha uto-uto ka pa rin! Wahahahha--

*pak!*

"ARAY! BAKIT MO AKO BINATUKAN?!" napasigaw tuloy ako't napahawak sa batok ko ng wala sa oras. Ang sakit eh!

"Ewan ko sa'yo! Di nakakatuwa yung joke mo! Psshh makaalis na nga! Nakakainis ka eh!" akmang tatayo na siya kaso pinigilan ko yung braso niya.

"ANO NA NAMAN?!" napalingon siya dahil sa pagpigil ko sa kamay niya.

"Wag ka na magalit...eto naman di na mabiro...sorry na...wag mo muna akong iwan dito." malumanay kong sabi.

Nagpaawa effect pa ako para maniwala si Yesha sa sorry ko.

Umupo rin naman siya ulit sa tabi ko.

"Ikaw naman kasi eh! Wag ka ngang magjojoke ng ganun! Di kaya nakakatuwa...nabuga ko pa yung iniinom ko. Sayang tuloy yung mocha frappe, favorite ko pa naman 'yun!" pagmamaktol niya.

"Sus di ka na nasanay...wag ka na magtampo ok?" hinarap ko yung mukha niya sa akin.

Tumango lang siya.

"Good." tapos ginulo ko yung buhok niya.

Natawa naman ako kasi naiinis niyang inayos yung buhok niya.

Maya maya pa ay pareho na kaming tahimik. Nakatingin ako sa kawalan siya naman nakatingin sa sa semento.

"Yesha..."tawag ko.

"Hmm?" napansin ko na nakalingon na siya sa akin.

"Paano kung...liligawan kita ulit? Papayag ka na ba?" seryoso kong sabi.

Sa totoo lang, naguguluhan na rin ako sa sarili ko.

"Seryoso ka?" tatawa tawang sagot niya.

"Kung lang naman...sagutin mo na dali..."

"Hmmm...depende...ewan...siguro..." tumingin siya sa mga ulap.

Huminga siya ng malalim.

"sa ngayon siguro oo." malungkot niyang sabi.

Oo? So may pag-asa na ako ngayon? Aaaghh takte! Lalo akong naguguluhan. Di ko na alam kung anong dapat kong gawin.

"Pero syempre di na yun pwede kasi kasal ka na kaya wag ka na mangarap hahahaha" tumawa lang siya.

Ngumisi lang ako. Nakapagdesisyon na ako...matagal ko na rin 'tong pinag-iisipan. Ayoko ng matuloy 'tong nararamdaman ko kaya habang maaga pa ibabalik ko na ang damdamin ko para kay Yesha. Tutal naman ngayon alam kong may pag-asa na ako. Ayokong guluhin pa si Sammy ng dahil lang sa nararamdaman kong 'to. May Shaun na siya at masaya siya sa piling niya kaya dapat maging masaya na rin ako at wag na siyang guluhin pa. Malaki na ang utang na loob ko kay Pichu...sa ngayon, alam ko na kay Shaun siya masaya.

Huminga ako ng malalim.

"Yesha, liligawan kita." seryoso kong sabi at tumingin sa kanya.

Unti-unting kumunot yung noo niya.

"Ayan ka na naman! Wag ka nga!" sabi niya at hinampas ako sa braso.

"Seryoso ako."

"Che! Ewan ko sa'yo! Ayoko maging kabet noh! Magtigil ka nga Sander!" natatawa tawa niyang sabi.

Akala niya ata nagbibiro pa rin ako =___=" Naman oh! Paano ko ba ito papaliwanag?

Humarap ako sa kanya at hinwakan siya sa magkabilang balikat at hinarap sa akin.

"Yesha makinig kang mabuti sa sasabihin ko okay?" seryosong seryoso kong sabi.

"Nako Sander!!! Ayan ka na naman!"

"Seryoso ako. Totoo 'tong lahat ng sasabihin ko. Walang halong biro." seryoso kong sabi.

At nagsimula na akong ikwento lahat.

"bakit mo ginawa yun Sandy?" gulat na malungkot niyang sabi.

"Kasi...kasi...kasi sobrang nasaktan ako nung mga panahon na 'yon...kasi ano...kasi m-ma...m-a.."


"Ma?" tanong niya.

"Mahal kasi talaga kita." sigh.

"Ngayon, tatanungin kita ulit." hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi.

Tama ba 'to? Ano ba 'tong ginagawa ko? Sigurado pa ba ako sa nararamdaman ko? Hayy. Wala na akong choice. Ayokong mahulog tuluyan...alam kong walang sasalo.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Kitang kitang naguguluhan siya. Parang nahihirapang magsink-in sa utak ni Yesha yung mga sinabi ko.

"P-pero...paano si Sammy?" naguguluhan niyang tanong.

"Maiintindihan niya...alam kong maiintindihan niya." sincere kong sabi.

"S-sander....seryoso ka ba talaga? Kasi...ayoko na ulit masaktan." malungkot na sabi ni Yesha.

"Seryoso ako Yesha. Kahit gaano pa katagal akong manligaw sa'yo ok lang...basta payagan mo lang ako."

"E-ewan....di ko pa alam Sander. Naguguluhan ako." umiiling niyang sabi.

"Ok lang kahit di mo pa ibigay yung sagot ngayon...handa naman ako maghintay." tapos ngumiti ako.

"Mauna na ako ha. Wag kang masyadong ma-stress, kaya kong maghintay." sabi ko at pinat ko yung head niya.

tapos naglakad na ako.

Nagulat ako ng bigla niya ako pinigilan.

"Sander..." bumuntong hininga siya.

"Yes." tapos ngumiti siya.

Napangiti naman ako sa sagot niya at niyakap ko siya.

"Salamat Yesha. Salamat." masayang sabi ko.

Huminga na naman siya ng malalim.

"Just....just prove that you're worth it." at yumakap din siya sa akin.

"I promised, Yesha. I will."

*******************************************SAMMY'S POV************************************

"Sige parekoy, pasok na ako sa loob. Thank you!" masaya kong sabi at sinara ko na ang pinto ng kotse ni Shaun. Hinintay ko lang umalis yung kotse niya at pumasok na ako ng bahay.

Patay pa lahat ng ilaw. Wala pa si Sander? Asan na kaya 'yun? gabi na ah..

Haayyy bahala nga siya. Bakit ba ako mag-aalala dun? Eh monster yun eh, paniguradong walang magtatangka sa buhay nun.

Umakyat na ako ng kwarto. Nagshower ako saglit at nagtoothbrush. Nagsuot na rin ako ng pj...napagod din ako ngayong araw kaya sigurado akong knock-out ako paghiga ko sa kama.

Humiga na ako sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame.

"Ano kayang magandang iregalo kay Parekoy?" sigh.

Malapit na kasi ang birthday niya tapos wala pa rin akong regalo hanggang ngayon.

Aaghhhh bahala na nga si dora! Napatingin ako sa orasan. 9 pm na...andyan na kaya si Sander?

Aish!

Lumabas ako ng kwarto ko at dahan-dahang pumunta sa kwarto ni Sander. Pagbukas ko ng pinto ay dilim lang ang tumambad sa akin. Medyo natakot ako kaya kinapa ko yung switch ng ilaw kaso nung pagpindot ko...

Pundido?

Nako naman oh...

Dahil sobrang dilim natatakot na rin ako. Di ko na makapa yung doorknob!!!!

Waahhhh!!!! Malas naman oh!

Kahit nanginginig yung tuhod ko ay dahan dahan akong lumakad, di ko alam kung papunta saan.

"S-sander...Sander...nandiyan ka na ba?" uwaahhhh walang nasagot >_< Natatakot na talaga ako!

Maya-maya pa ay may nadunggol ako...napatalon pa ako sa gulat.

Kinapa ko kung ano...

Yung ilaw sa study table!

Hinanap ko yung switch. Ayun nasa may bandang taas! Pinilit kong abutin kaso nung nakapa ko na kaso di ko namalayan na may papel pala sa lapag. Syempre madilim eh! Kaya ayun...pagpindot ko nung switch ng ilaw sakto yung dulas ko.

Ang tanga naman oh!

Kaso pagdilat ko...

ASDFGHJKL!!!!!

Si Sander tulog sa table. Nakatagilid yung mukha niya at ...

at...

...at...

yung labi niya at labi ko...

magkadikit!

O_O

Napatayo agad ako at napahawak ng mahigpit sa bibig ko para pigilan yung pagsigaw ko. Kapag nagising si Sander mas lalong lagot!

Nakatayo lang ako dun. Ayaw magsink-in sa utak ko yung nangyari!!!

Buffering...

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at dali-daling pumasok sa kwarto ko. Nilock ko agad yung pinto at napasandal ako. Napahawak ako sa dibdib ko.

DATA COMPLETELY LOADED.

TANG ORANGE! DI KO MATAKE!

Yung first kiss ko TToTT

wala na...

wala na yung first kiss ko! yung first kiss ko! Wala na!

Isa pa...

Wala na yung first kiss ko!at ang masaklap....

Si Sander ang nakakuha.

UWAAHHHH LASLAS NA!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
810K 38.4K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...