When Pogi Meets PoGay

De StoryOfABadboy

307K 7.2K 764

Masakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa... Mais

Characters
Chapter 1: Aeron
Chapter 2: Facebook
Chapter 3: The Past (1)
Chapter 4: The Dream
Chapter 5: Black, White and Gray
Chapter 6: Streetfood
Chapter 7: Potter Boys
Chapter 8: Weird
Chapter 9: Angel
Chapter 10: With Him
Chapter 11: Song Of A Broken Hearted Man
Chapter 12: Revelation of Truth
Chapter 13: Bad News
Author's Note
Chapter 14: Confession
Chapter 15: The Clash of the Potter Boys
Chapter 16: Plan to Reveal
Author's Note
Chapter 17: Memories
Chapter 18: Feelings
Chapter 19: One Night
Chapter 20 : Revelation
Chapter 21: Answers
Chapter 22: Explanation
Author's Note
Chapter 23: The Request
Chapter 25: That's Why
Paumanhin (Author's Note)
Chapter 26: Why?
Chapter 27: Devin and Aeron
Chapter 28: Brother
Author's Note
Chapter 29: GD, Aeron and Mr. Unknown
Chapter 30: Pain
Chapter 31: Tears
Chapter 32: Till The End
Chapter 33: How Painful Love Is?
Chapter 34: Too Much Pain
Chapter 35: The Comeback (I)
Announcement
Chapter 36: The Comeback (II)
Chapter 37: The Comeback (III)
Chapter 38: I'm Yours
Chapter 39: The Ring
Chapter 40: You're My Brother
Chapter 41: Father And Twin Brother
Chapter 42: Useless Boyfriend
Chapter 43: Goodbye
Chapter 44: Can't Touch You
Chapter 45: Now or Never
Chapter 46: Happily Ever After
Chapter 47: Going Back
Chapter 48: Another Problem
Chapter 49: The End
Chapter 50: When Pogi Meets PoGay
Announcement
Louie Villegas

Chapter 24: Threat?

4.8K 123 10
De StoryOfABadboy

★Natel★

"Hays kung sinabi ko lang sana ang nararamdaman ko noon, hindi sana ako nasasaktan ng ganito," malungkot na pagkakasabi ni Kean.

Gising na ako pero hindi ko pa iminulat ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Siguro may kausap siya sa telepono. Sino kaya yung kausap at tinutukoy niya. Biglang may humawak sa aking braso.

"Wake up Natel, we're here," banggit ni Kean. Nag-act ako na parang bagong gising lang. Pagtingin ko sa labas, madilim na ng konti pero nagulat ako dahil sa nakahinto kami sa tapat ng isang magandang bahay. Lumabas ako ng kotse at ganon din si Kean. Don't tell me, dito tumuloy si Devin. Kaninong bahay ba ito.

"This is Devin's house. Tara sa loob," sabi ni Kean. Wow. What a rich kid, may sarili na siyang bahay. Pero bago kami pumasok sa loob, pinihilan ko si Kean.

"Wait lang, matanong nga kita. Bakit kailangan ko siyang samahan eh diba sinabi mong nalayas siya. At bakit ako?" tanong ko kay Kean.

"Wala lang, I just thought na kailangan niya ng kasama," sagot niya.

"At bakit ako?" tanong ko ulit.

"Ang dami mong tanong pumasok na lang kaya tayo," sagot niya. Aba ang gandang sagot ah. Napakalinaw ng sagot niya. Sobra. Sinundan ko na lang siya sa pagpasok sa loob.

Sobrang linis ng bahay na ito. Siguro marami siyang katulong. Pero bakit wala akong makita ni isa.

"Mag-isa lang si Devin dito. At siya ang nagpatayo ng bahay na ito. He used his earnings para sa bahay na ito," banggit ni Kean.

"Ang laking bahay tapos siya lang ang titira?" tanong ko kay Kean.

"Actually, regalo sana niya ito kay ...... Ah, nevermind. Wala siya dito sa sala, siguro nandon siya sa room niya. Nasa taas yung room niya." sabi niya

"Paano ko malalaman kung ano yung room niya?" nagtatakang tanong ko. Sa laki ba naman ng bahay na ito. I'm sure maraming rooms.

"Malalaman mo kapag nandon ka na. Bye, itext mo na lang ako kapag susunduin na kita," sabi niya at agad siyang lumabas ng bahay. Anong gagawin ko dito? Samahan siya? Bakit ba kasi naisipan ni Kean na samahan ko si Devin? At bakit ako?

Hahakbang na sana ako ng hagdanan nung narinig kong parang may nahulog. Agad kong pinuntahan yung pinagmumula ng tunog. WTF. Ang daming basag na bote at baso. Ano ba kasi ang pinaggagagawa niya. Bakit kasi siya lumayas? At bakit ang daming bote ng alak na nabasag sa sahig. At dahil hindi ko makita si Devin, nilibot ko ang  buong bahay. Pumunta ako sa second floor. Chineck ko every room pero wala siya. Until nakita ko na may nakabukas na isang door. Pagpasok ko ay isa pala itong library. Ang daming nakakalat na mga books.

Pinulot ko yung isang libro. I thought it was a book but it's not. Photo album pala iyon. I was about to open the photo album nang may nagsalita.

"What are you doing here?" sarkastikong tanong niya. Nakaupo siya sa may table. Hatalang lasing siya ng konti. Pansin mo rin na parang namamaga ang nga mata niya Galit ba siya na nandito ako? OA, inutusan lang ako ng kaibigan mo

"Inutusan lang ako ng kaibigan mo na samahan ka. Pero kung ayaw mo, aalis na lang ako," sagot ko sa kanya.Tumalikod ako sa kanya. Lalakad na sana ako palabas ng room ng bigla siyang nagsalita.

"Don't go, please stay. Huwag mo akong iwan," sambit niya. Ramdam mo ang lungkot sa kaniyang boses. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko lang na may yumakap sa akin. At kasabay ng pagyakap niya ay ang aking pagkagulat.

"Please, stay Aeron. Huwag mo na akong iwan," malungkot sa sabi niya. Nababasa ang aking balikat dahil sa luha niya. Hindi ko alam kung maiinis ako dahil tinawag niya ako sa pangalang hindi naman sa akin o malulungkot dahil ramdam ko na sobra siyang nasasaktan.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit siya ganito. Maybe Kean is right he needs someone to ease the pain inside. At bakit ako? Well siguro, naiintindihan ko na. Dahil kamukha ko yung ex niya. Dahil naaalala niya ang ex niya sa akin.

Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sa akin at ako naman ay humarap sa kanya. Kitang kita ko ang pag-agos ng kaniyang mga luha.

"Hindi kita iiwan," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin na gawin iyon. Yinakap niya ulit ako ng mahigpit. Tumagal ang pagyakap niya sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatulog siya sa aking balikat. Siguro dahil na rin sa pag-iyak niya at tama ng alak na ininom niya kaya siya nakatulog. Inalalayan ko siya papunta sa kanyang room. Bakit ko alam ang room niya? Well, nakita ko kasi kanina nung hinanap ko siya.

Pinahiga ko na siya sa kanyang kama. Nacucurious pa rin ako kung ano ang rason kumg bakit siya nagkakaganyan. Inilibot ko ang aking mga mata. Pimagmasdan ko ang bawat sulok ng kaniyang kwarto. May napansin akong isang picture frame. Agad ko naman itong kinuha. Litrato ng dalawang lalaki. Si Devin yung isa. Nagulat ako dahil kamukhang-kamukha ko yung kasama niya. Maybe they are right, we are identical pagdating sa looks. Mas payat nga lang yung Aeron ng konti.

Naalala ko noong tinawag ako ni Devin ng palito. Well hindi nama ako payat ah, kung tutuusin sakto lang utong shape ng katawan ko.

"Aeron. Don't leave me please," sambit ni Devin habang natutulog. Siguro sobra niyang minahal si Aeron. Umupo ako sa side ng kama niya. Pinagmasdan ko siya. Ang himbing ng pagkakatulog niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin dahil kusa na lamang bumilis ang pagtibok ng aking puso.

"Mahal na mahal kita," sambit niya ulit. Ganito pala magmahal ang isang Devin Jay Mathews. Sa katunayan naaawa ako sa kanya dahil ang puso niya ay patuloy pa ring tumitibok sa nakaraan.

Biglang nagring ang phone ko. Tumatawag si kuya. What the hell. Hindi pala ako nagpaalam sa kanya. Paano na?

"Hello kuya" sabi ko

[Nasaan ka?] galit na tanong niya

"Kasama ko ang kaibigan ko, dito na rin ako matutulog sa kanila," sagot ko sa kanya. Wait, kaibigan ko nga ba itong kasama ko? Eh para na nga kaming aso at pusa eh.

[What? You didn't even ask my permission] galit na banggit niya. Ayan na naman ang kaOA'yan niya.

"Listen kuya, I'm already 18. Kaya ko na ang sarili ko," inis na sagot ko.

[I'm just protecting you. Don't get me wrong] sabi niya sa akin

"I know but I'm not a kid anymore. I can handle myself." At dahi sa inis ko ay binabaan ko na lang siya. Ayoko yung palagi na lang nila akong pinagbabawalan.

Si Dad, parang iniiwasan niya ako kapag lumalabas kami ng bahay. Si mom, ayaw niyang ipagamit ang kotse sa akin. Si kuya naman, ayaw niya akong palapitin kay Devin. Feeling ko tuloy may itinatago sila sa akin. Huwag niyong masamain, mahal ko ang pamilya ko pero minsan nakakasakal na rin sila.

Naisipan kong bumaba muna para ligpitin yung mga nabasag na bote at baso. Habang winawalis ko ang mga bubog, narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa sala. Baka si Kean yun. Tinignan ko kung sinong pumasok. Nagulat ako ng makita ko si Mico.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin.

"Wow, ikaw pa itong nagtanong. Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Woah, I should be the one asking you that since Jay is my cousin," sagot niya sa akin. Oo nga pala, pinsan niya pala si Devin. How stupid Natel.

"Ah sorry, pinaki-usapan lang ako ni Kean na samahan ang pinsan mo," sabi ko sa kanya.

"Bakit ka may hawak na walis? Ipapalo mo sa akin? Or baka naman kasi personal alalay ka ng pinsan ko?" tanong niya. Aba ginawa pa akong alalay.

"Ipapalo ko sana kung magnanakaw ka pero huwag kang mag-alala ipapalo ko pa rin sayo dahil mayabang ka," sagot ko kanya saka ko ibinato ang walis sa kanya.

"Just kidding," nang-aasar na sagot niya.

"Buti pinayagan ka ni Lex?" tanong niya. Lex? Sinong Lex?

"Sinong Lex?" tanong ko sa kanya

"Jake Lexus, kapatid mo," sagot niya sa akin. Lex pala ang tawag niya sa kapatid ko. Hahaha how sweet.

"Ex mo" nang-aasar na sabi ko.

"Naaalala mo? I mean, alam mo?" nagtatakang tanong niya.

"Yeah, I know. Nakita ko yung diary at picture niyo," sagot ko sa kanya.

"Nasa kanya pa rin pala iyon," matamlay na sagot niya.

"So, paano kayo naghiwalay?" tanong ko sa kanya. Bigla niyang itinaas ang kilay niya. Oops Natel wrong question.

"Ah, it was my cousin's fault," sagot niya.

"Sinong pinsan mo?" tanong ko

"Nikki, pinsan ko siya sa mother side. Well pinagplanuhan niya ang lahat. Nilasing niya ako. Then pinicturan niya ako na may kasama akong lalaki. Tapos ipinakita niya kay Lex kaya ayun galit na galit ang kapatid mo. Naghiwalay kami then nabalitaan ko na lang na sila na," sagot niya sa akin. Ang hirap rin pala ng pinagdaanan ni Mico.

"Naghiwalay na sila ni Ate Nikki," sabi ko sa kanya. Blanko pa rin ang mukha niya sa sinabi ko.

"It's your time to give your love story a chance. You still have the chance," sambit ko sa kanya.

"May chance pero wala na yung love. It's useless," sagot niya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa pananalita ni Mico. Alam kong nasaktan siya ng sobra.

"Bakit ba love story namin ang pinag-uusapan natin. Nasaan nga pala si Devin," pag-iiba niya sa usapan. Alam kong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni kuya. Kaya sinabayan ko na lang siya

"Nasa kwarto, kanina pa tulog," sagot ko sa kanya.

"Ah, wala ba siyang sinabi?" tanong niya sa akin

"Hinahanap niya si Aeron," sagot ko sa kanya. Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba.

"Ikaw, hindi ka ba uuwi? Baka hinahanap ka na ni Lex," banggit niya sa akin. Oo nga pala, baka galit na talaga si kuya. Binabaan ko pa naman siya kanina.

Tinawagan ko na si Kean para sunduin ako. At dahil sa matagal pa daw siya ay nakipag-kwentuhan pa ako kay Mico.

Narinig kong bumukas ang pintuan at pagtingin ko ay si Kean.

"Ang akala ko magi-stay ka? Sinong magbabantay kay Devs" tanong niya sa akin

"Ako na ang magbabantay. Baka pagalitan siya ni Lex," sagot ni Mico saka siya ngumiti kay Kean. Nag-nod naman si Kean. Kumbaga nag Non-verbal communication sila. At feel ko ay ayaw silang sabihin sa akin.

"O, tara na," sabi ni Kean. Lumabas na kami ng bahay at umalis na kami.

"So, anong nangyari kanina," tanong ni Kean sa akin.

"Wala, naglinis lang naman ako ng bubog at nag-alaga lang naman ako ng tao dahil sa iyo," sarkastikong sagot ko.

"What I mean is, wala ba siyang sinabi sa iyo?" nagtatakang tanong niya. Halos pateho lang sila ng tinanong ni Mico kanina ha.

"Wala naman siyang sinabi sa akin. Bakit? May dapat ba siyang sabihin? May dapat ba akong malaman?" tanong ko sa kanya.

"Ah.... Wal... Wala.. naman," pauta-utal na sabi niya.

"Actually, may binanggit pala siya," sabi ko sa kanya.

"Ano yon?" tanong niya sa akin

"Sinabi niya na huwag ko daw siyang siyang iiwan. Tinawag niya rin ako sa pangalan na Aeron. Tapos kaninang tulog siya binabanggit niya yung Aeron na mahal na mahal niya daw," sagot ko sa kanya. Bigla namang natahimik si Kean.

"Ah, Sorry Natel kasi pinilit kita. Tsaka sorry din kasi napagkamalan ka ni Devin. Ganon talaga siya kapag may problema siya dati. Si Aeron lang ang nakakapagpatahan sa kanya." paliwanag ni Kean. Naiintindihan ko naman yung point niya.

"No need to apologize," nakangiting sagot ko sa kanya. Naging matahimik ang biyahe namin papuntang bahay. Sa gitna ng biyahe ay biglang nagvibrate yung phone ko. Hindi pa nga pala nagtetext si Archie. Hindi na rin nagtetext si Mr. Unknown sa akin. Hays bakit ba pumasok si Mr. Unknown sa isip ko.

Pagtingin ko ng phone ko.

From: 0935*******

          Sulitin mo na ang mga natitirang araw mo dahil malapit na ang katapusan niyo. Bye bye Natel

Bigla akong kinabahan sa nabasa kong text message. Is it a death threat? But why? Kanino galing ang message na ito? Katapusan niyo? So meaning to say hindi lang ako?

Pero sino?

____________________________________

End Of Chapter 24

Long time no update guys. Sorry kung nahihirapan ako sa pag-update. Nagkaroon kasi ako ng neck problem kaya hindi muna ako masyadong na ga-gadgets.

Anyways thank you sa paghihintay.

So, sino kaya at bakit kaya nakatanggap ng death threat si Natel?

Abangan sa mga susunod na kabanata ng

When Pogi Meets PoGay
StoryOfABadboy

Continue lendo

Você também vai gostar

449K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
132K 4.4K 61
[Book 1 of Special Section] Naniniwala ka ba sa mga kakaibang bagay dito sa mundo? Mga maligno o multo? Yung mga taong kayang makipag - usap sa di p...
192K 10.3K 58
Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tay...