CHAPTER 19.1 – I’M THE NEXT YAKUZA BOSS
After ng pangyayaring iyon, kinagabihan hindi ako makatulog, Kasi kung matutulog man ako… mapapanaginipan ko lang.
“Anak okay ka lang?” Sabi ni Mommy na may dala dalang kape.
“Yes, mudra.” Sagot ko. Nakatingin lang ako sa may labas. Nasa balcony ako ng kwarto ko ngayon.
“May problema ba?” Tanong niya.
“Si… si…” I choked. “SI Tito.. Shin po ba iyong nasa picture?” Tanong ko.
“Anak.. Wag mo ng isipin iyon. Prank lang siguro ni Shin iyon nung nabubuhay pa siya.” Sabi niya and she tapped my shoulder.
“Ganun ba?”
“Yes, kaya matulog ka na ha? Good night.” Naggoodnight kiss na din ako sa kanya. Humiga ako sa kama ko at sinubukang matulog.
Monday, pagdating ko sa school pinagtitinginan ako. Ano nanaman ba?
Sumalubong sa akin sila Ace, Calvin at Pure.
“Problema niyo?”
“Alam na nila.” Sabi ni Calvin.
“Na alin?”
“That you’re the next yakuza boss ng Kamenashi Family.” Sabi ni Ace. “Wow ha! Di ko akalain! Hanep ka Kumiko.” Sabi naman ni Ace.
“O tapos?” Sabi ko. Medyo di ako kinabahan. Expected ko na din itong malalaman ng buong school. Tutal, alam naman na ng faculty.
“Hindi ka shock?” Sabi ni Pure. “Diba sabi wag sabihin dahil baka matakot sila? Eto na. Nangyayari na Kumiko.”
“Hayaan mo sila.” Medyo nashocked sila sa sinabi ko kaya pinabayaan ko na lang sila.
May mga nakaharang sa pintuan ng room namin, then pagkalingon nila sa akin.. agad agad silang nagsialisan.
“KC!! Bat di mo sinabi sa akin?!! Ikaw pala ang anak na sikat na leader ng Phase 10 at second leader ng Ichisan!” Sabi niya na medyo pagalit.
“April---“
“Ano ba yan! Sana nagpautograph ako! Iihhh~ Sayang!” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Autograph?!
“Anong pinagsasabi mo?”
“Eh idol ko kasi sila. You know.” Sabi niya at ngumiti sa akin.
“Kamusta na pala ang nanay at si Tito Kevin?”
“Ayun nag-uusap. Ang problema lang si tatay.”
“Bakit??”
“Nagseselos.” Tumango tango na lang ako.
“HOY MIZUSHIMA!” Biglang may sumigaw sa akin mula sa labas. Teka, ex to ni Jes ahh.
“Ano bang problema mo?” Tanong ko na medyo bored.
“Ano, nagustuhan mo ba ang surpresa ko?”
“Anong surpresa?”
“Edi yang pagkalat ko na isa kang yakuza. Hahahaha!” Tumawa tawa pa siya. Problema niya? Ano naman ngayon?
“So?” Sabi ko at tumayo. Natense ang ilang kaklase namin. May babaeng bumulong kay Elisa.
“Elisa, wag mo ng patulan. Baka kung ano pang mangyari sayo.”
“I’m the princess of the entire gangster.” Sabi ni Elisa.
“Ano naman ngayon?” Sabi ko sa kanya habang nakataas ang isa kilay.
“Hmp! Hindi mo ako matatalo—“
“Hindi matatalo? Eh ano yung nangyari noong isang araw?” Hindi siya nagsalita.
“AHH BASTA!!”
“Pasikat.” Sabi ko at umupo na.
-------------------
Sorry at maiksi ang UD.
Super pagod lang and medyo busy.
Sorry! :((
VOTE SHARE COMMENT!