My Clueless Enchantress (Read...

By GraciaBonifacio

336K 9.8K 616

(This is a short novel dedicated to the winner of my pa-birthday game-- Ren Rin) Posible kaya na ang isang... More

Teaser
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Final Chapter

Chapter 1

36.5K 777 39
By GraciaBonifacio

PLAGIARISM IS A CRIME.


©All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means whatsoever without express written permission from the author.

IMPORTANT:This is a work of fiction.All the characters are fictional. The events and places are based only on the author's very broad and sometimes wild imagination.They are not connected in any way to the photos used.The pictures of good-looking men and women were uploaded to add kilig-factor to the story.

A/N --Hi readers..susubukan ko na mas madaming tagalog  words ang  nobela dahil galing sa payak na pamumuhay ang bidang babae at medyo mahina po ng konti ang pick-up niya sa mga bagay-bagay  =).. Dapat tandaan din po  natin na fiction ito kaya wag masyado sensitibo ang iba diyan. Wala po akong intensyon na mag-discriminate or anything.   May pagka-komedi ng slight  ang story na ito kaya ienjoy na lang natin ang mga ibang eksena.  Bawal ang nega =)  Frustrated comedienne din po ako kaya push ko lang po ito.  =) 


A/N: Please read the complete story for free in Readoo.


"Saan mo gustong kumain  babe?" tanong ng super hot at sosyal  na nobyo niya habang hawak-hawak ang mga kamay niya. Nasa  loob sila ng mabangong kotse nito.

Nakasuot ito ng amerikana na kulay grey dahil galing ito sa trabaho. Manager ito ng  isang malaking kumpanya. 

"Kahit saan. Hindi naman ako maarte sa pagkain." nakangiting sagot niya.

Mas   pumogi ang bf niya dahil lalong lumapad ang ngiti nito.

"Yan ang gusto ko sayo babe. Napakaganda mo pero napasimple ng mga gusto mo. Ako na yata ang pinaka-maswerteng lalake sa mundo. I love you." bulong nito habang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata para hintayin ang pagdapo ng labi nito sa mga labi niya.

Kumunot ang noo niya.  "Babe? Nag sepilyo ka ba?" tanong niya and napamulagat siya ng nakarinig siya ng malakas na tawa.

"Sabi ko na nga ba tulog ka at nananaginip na naman! Kanina ka pa tinatawag ng nanay! Lagot ka na naman! " 

Naningkit ang mga mata na umupo siya mula sa pagkakahiga sa papag. "Kahit kailan talaga panira ka! Masama bang magpahinga sa bahay na to?" inis na tanong niya sa pinsang si Bebang.

Bata ito ng limang taon sa kanya. Kaka- 16 lang nito  nung isang buwan.

" Pupusta ako yung prince charming mo na naman na matangkad, guwapo, malaki ang katawan at sosyal ang nasa panaginip mo no? Nagsasalita ka pa nga! Tsk..tsk! Ma-dedepress ka lang niyan  tapos mapapagalitan ka pa ni nanay! Paano yan magiging makatotohanan ni hindi ka nga marunong mag  English! Kita mo nga yang pagsasalita mo habang tulog ka? Tagalog pa din! May sosyal at mayaman ba na hindi  Inglisero o Inglisera? Napakalayo sa katotohanan! Utang na loob lang ate Mary! Tigilan! Mabuti pa lumabas ka na dun bago magbunganga na naman ang nanay ang aga aga eh! Isampay mo na daw yung mga damit! " litanya  nito bago nagsuot ng medyas na may malaking butas sa may parteng hinlalaki nito.

"Kung makapagsalita  ka naman Bebang parang ang tali-talino mo! At isa pa, FYI..O hayan!  Ingles yun!   FYI! " nakataas ang kilay na sabi niya sa pinsan bago tumayo at umpisahang ligpitin ang pinagtulugan niya. ".. marunong naman akong mag Ingles! Kaso medyo matagal lang  bago ko mabuo pero marunong kaya ako. Hello?! Nag-aaral kaya ako ng secretarial! Nakalimutan mo na?" 

"Ate! Hello din?!  Kakaumpisa mo pa nga lang kagabi  di ba? Para namang gagradweyt ka na eh!  At hello lang ulit ate Mary!  Matalino naman talaga ako no? "sagot nito na nakairap bago tumayo at humarap sa salamin at magsuklay.

"Saang banda? Hindi ba naka-dalawang taon ka sa grade 6? At least ako pasang-awa!" 

"Hay naku ate! Ilang beses ko ba  na sasabihin sayo na nag-wawarm up lang ako nun! Tsaka crush ko kaya yung teacher namin sa PE kaya gusto kong umulit! " 

"Tigilan mo din ako Bebang! Kung makapanira ka ng pangarap wagas! Ikaw nga paano ka magugustuhan ng mga crush mo kundi ka  naliligo at nagsesepilyo? Kadiri ka!" nakangiwing sabi niya sa pinsan.

Ni hindi siya nilingon nito. Nag pulbos ito. "Tumutulong na nga ako sa inyo ni nanay tapos ganyan ka pang magsalita!" may himig tampong sabi nito.

"At paano ka naman nakakatulong niyan? " nakapamewang na tanong niya.

"Tipid sa tubig, sabon at colgate!" pilosopong sabi nito.

Babatuhin sana niya ito ng unan pero umiwas agad ito.

"Eh ikaw maganda ka nga kaso...hanggang dun lang...." pang-aalaska pa nito.

"MARY MARR!!!"  galit na tawag ng tita Jackie niya.

***

"Ewan ko ba sayo na bata ka! Nagsasayang ka lang ng pera sa kurso na yan  eh! Malamang naman wala ding mangyayari sayo!Kita mo nga ang mga grades mo nung nag-aaral ka? Katakot-takot na dasal ang ginawa ko para lang makatapos ka ng hayskul! Hindi pwedeng maging sekretarya ang tatanga -tanga!  Kung yang kinikita mo sana diyan sa karinderya  ni Akong nilalaan mo na lang lahat sa gastusin natin dito sa bahay eh di hindi na ako nagkakadakubang mamasukan diyan kay Esperanza na saksakan ng kuripot!  Nagtitiis na nga ako sa maliit na sahod, halos himatayin pa kami sa init sa loob ng tindahan niya! Mas matanda pa yata sa akin ang kaisa-isang electric fan dun eh ayaw pang papag-retiruhin! Mas malakas pa ang hangin na lumalabas sa bibig ko eh! Kung may mahahanap lang akong iba, lilipat ako ora mismo!" litanya  ng tiya Jackie niya.

Kapatid ito ng tatay niya. Namatay ang tatay niya nung  bata siya  at naglaho na lang na parang bula ang nanay niya kaya ang tita Jackie na niya ang kumupkop sa kanya . Mabait naman ito pero bungangera at numero unong reklamador.

"Mas masarap naman ang tsisimisan dun kaya paano ka aalis dun?" bulong niya sa hangin.

"Ano kamo? May sinasabi ka ba ha?!" pagalit na tanong ng kapatid ng tatay niya.

"Wala po tiyang! Sabi ko po lalabas na ako para masampay ko na yung mga nasa timba! Sayang naman po ang init ng araw." sagot niya na may maasim na ngiti.

"Dapat lang! Makinig  ka ha? Baka kasi  pumalpak ka na naman! Yung nasa pulang timba ang babanlawan! Yung mga puti na nasa itim na palanggana, ikula mo! At yung nasa asul na balde.. yun ang isasampay! Nakuha mo?!" 

"Opo!" sagot niya bago  pumunta sa harapan ng bahay nila kung nasaan ang mga balde.

"Umayos ka Mary Mar ha?! Tandaan mo walang ospital sa mga tanga! Kahit may hitsura ka walang mayamang magkakagusto sayo kapag hindi mo hinasa yang utak mo! Kataas ng pangarap eh hindi naman abot ng utak!" sabi pa nito bago dumaan sa likod bahay nila kung saan may short cut papunta sa trabaho  nito.

***

"Bawal na   ngang magpahinga sa bahay na to pati ba naman   mangarap bawal din?  Kahit kailan grabe talagang magsalita si tiyang. Akala mo naman hindi ako marunong masaktan. Hindi naman ako tanga! Hirap lang akong mag-isip ng sabay-sabay. Ang sakit kaya sa ulo. " sabi niya sa sarili habang nagsasampay ng mga damit.

Nang matapos, padabog siyang  umupo para umpisahang banlawan ang mga nasa pulang timba. Pabulong-bulong siya habang nagkukusot.

"Hay naku Mary! Wag kang mawawalan ng pag-asa ! Somewhere over the rainbow may prince charming na naghihintay sayo! Wag kang papadala sa sinasabi ng tiya mo! Hindi pwede na habambuhay ka na lang lalait-laitin at aapi-apihin. Para lang yang sa pelikula. Yung mga magagandang bida, aalipustahin tapos sa huli magiging mayaman at sosyal! Ako yun!  Ang ganda ganda ko kaya!"sabi niya sa sarili bago tumayo at kinuha ang timba.

"The hell..?!" 

Napamulagat siya at nabitawan ang balde nang nagmura ang lalake. Nabasa ito ng  basta niya lang itinapon ang  pinagbanlawang tubig. 

"What where you thinking?!" galit na tanong nito at nagmura na naman ito dahil  nakatanga lang siya na nakatingin dito.

  Hinawakan niya ang dibdib. 

Asa harapan niya ang lalakeng pinapangarap niya!

Malaki ang pagkakahawig nito sa jowa niya sa panaginip . Mas guwapo pa nga ito lalo at maliwag kaya kitang kita ang nakakatakam na anyo nito. At kahit na galit na galit ito, hindi nakabawas sa kaguwapuhan nito.

 Nakulitan na yata sa kanya kaya dininig na din ang mga panalangin niya. Epektib ang binili niyang bertud  sa Quiapo! 

Sa wakas! Nagkatawang tao na ang jowa niyang ubod ng gwapo at yaman!




Kitang-kita na niya  ng magagandang mga mata nito na tila palaging nangungusap..ang medyo mapulang labi nito na parang ang sarap humalik. Ang manipis na balbas at bigote nito na tila nakakakiliti. At ang katawan nito na kahit  nakadamit, mukhang namumutok sa muscle.

"Thank you...!" mahinang pasalamat  niya na nakangiti pa ng bahagya habang lalo namang kumunot ang noo nito  while nakatitig lang sa kanya.  Naniningkit  ang mga mata nito .

"Oh Gosh!  What happened to you?!" tanong ng babae  na lumapit bigla sa jowa niya.

Sosyal na sosyal ang hitsura at boses nito...kabaligtaran niya.

Nganga kang Mary Mar ka! Naisip niya.





Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 239 19
Isang araw ay may nakita si Isobel na estranghero sa ilog at muntikan na niya itong naitak. Kalaunan ay natuklasan niyang ito pala si Keith Rodriguez...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
59.7K 1.1K 31
Walang mahalaga kay Phoenix kundi ang pagiging archaeologist niya at ang pagtatrabaho sa disyerto ng Egypt. Until her worst enemy, Vance, did everyth...
25.3K 1.4K 16
"Mas maswerte ako dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay ako pa ang pinili mo, ako pa ang lalaking minahal mo." Unang kita pa lang ni Bianca sa b...