Captivated by her, Demonica.

Door myziiz

1K 170 80

Just because of his mission, he met her. The one that will make him feel so beloved. And also the one will ma... Meer

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13

Kabanata 14

23 4 0
Door myziiz

"Bakit ka ba nandito? Pwede bang umalis ka nalang?" Giit ko bago binato ng unan si Sydd na mukhang walang pakielam sa sinasabi ko at nakatingin pa rin sa T.V at serysong nanood ng anime. Kumunot ang noo ko bago kinuha ang plastic bottle ng softdrinks bago binato ito muli sakanya na nakapagpatingin na sa direksyon ko.

"Wala ba kayong T.V? Wala ka bang mama? Ba't dito ka pa nakikinood ha?" Inis na tanong ko sakanya. "Wala na ako sa ospital, pwede ka nang umalis. Tutal hindi mo responsibilidad na bantayan ako buong araw."

"Wala naman akong pake, basta dito lang ako at 'di ako aalis sa tabi mo."

Lalo akong nainis sa sinabi nya. This why I hate him being around. Ayoko nang marinig ng paulit-ulit ang mga parehong salita na sinabi nya sa akin noon. Okay na ko sa dalawang beses na pagsisinungaling nya, pero kung tatanggapin ko pa rin 'yung pangatlo, kabobohan na tawag do'n. Like—Teka nga, talaga bang hindi pa rin ako get over sakanya? I mean, yeah wala na kong nararamdamang kakaiba tuwing nasa paligid sya, pero 'di ko lang talaga siguro maiwasan na mag-react kapag may naririnig ako mula sa kanya na narinig ko na rin noon.

"You know, Sydd. I really hate you." I said, out of nowhere. Pero hindi ko pinagsisisihang sinabi ko 'yon.

"I know," sagot nya. His eyes is like telling me that he is sad and I need to comfort him but why the hell I'll do that?

"That's why bumabawi ako. I want your forgiveness."

Napatigil ako ng bahagya dahil sa sinabi nya. Tinignan ko ng seryoso ang mga mata nya, at nakatingin ito sa akin ng seryoso and I feel that he's really damn serious about that na ikinatawa ko ng bahagya na kinabigla nya. This is really ridiculous.

I looked straight to his eyes. "I don't know if you're serious or what pero you're really funny, Sydd."

Kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko kaya pinagpatuloy ko 'to.

"Alam mo ba kung ilang 'sorry' 'yung sinabi mo noong tayo pa?" Giit ko. "Kasi ako hindi ko na mabilang."

"Gusto mo ng kapatawaran ko? Kung gusto mo no'n, sabihin mo muna kung bakit hindi ka natuto sa lahat ng kalokohan mo noon at nagawa mo pa rin akong lokohin." As I said that, ngumiti ako ng matamis sakanya. Hindi sya nakasagot kaya natawa muli ako. "See? Ngayon mo ko tanungin kung bakit ayaw kitang patawarin. Kasi ayaw mo pa rin aminin sa sarili mo na you cheated on me."

Hindi sya umimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Baliw ako, oo. Pero hindi ako dinala ng nanay ko ng 9 months sa t'yan nya para lang marinig lahat ng 'sorry' mo. Sabihin mo nga, ano bang pinagkaiba ng mga sorry mo noon, sa sorry mo ngayon?" Now, I can feel my heavy breathing. Fuck. I really hate confronting him, pero wala na'tong takasan.

"You see, hindi ko talaga gustong patawarin ka." Straightforward na kung straightforward, minahal ko 'tong gagong 'to pero sinayang ako e.

"I will do anything just for you, Demonica. Just please..."

Napabuga ako ng malalim na hininga bago tumingin sa kisame dahil na rin sa inis.

"Hindi ko tatanggapin lahat ng 'yan hanggat hindi mo pa rin natututunan kung ano ba talaga at para saan ba ang salitang 'sorry'." Giit ko bago tumayo. "Magpapahinga na ko. Kapag umalis ka na, patayin mo nalang 'yang T.V."

As I walked out, nararamdaman ko ang bigat ng pakiramdam ko. Sa mga panahong ganito, lagi kong nakikita ang ngiti at naririnig ang pang-aasar nya. But this time, I really wish I would see his ugly face again. I want to hear his teasing voice and see his smug look everytime he would tease me.

He's my happy pill, but he's not around at hindi ko mapigilang malungkot.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama. It's been a month pagkatapos ng pangyayaring pagdukot sa akin, na-ospital na ko't lahat-lahat, hindi ko pa rin sya nakikita. Gano'n ba talaga sya ka-busy? I really want to thank him for saving me that day. Ni hindi ko na nga inintindi lahat ng weird na nangyari noong araw na 'yon. Like kung paano naging isang malupit na assasin si Dainna at kung bakit dinukot ako dahil lang kay Cloud.

That one of the reasons why I want to see Cloud. Gusto kong itanong kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng lahat ng 'yon.

Narinig ko ang pagpatay ng T.V mula sa labas at pagsara ng pinto ng condo ko na kinapanatag ko. Mukhang umalis na rin si Sydd.

Umupo ako sa kama bago tumitig sa kawalan. I can remember every little thing about do'n sa mga paglabas-labas namin ni Cloud noon. Matapos ng panonood namin ng movie noon, lagi na kaming lumalabas kapag wala kaming schedule o kahit anong gagawin. One time nga, pumunta pa kami sa isang undergound race after nang trabaho ko sa kompanya. At guess what? Sumali kami sa isang race na muntik ko nang ikamatay.

Flashback

"Teka nga, hoy! Sandali! Sa'n ba tayo pupunta?" Inis na saad ko sa lalaking kanina pa hinihila ang maganda kong kamay. Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang malakas na ingay ng mga motor mula sa malapit. Nagtaka ako nang makita ko ang tagong lugar na kung saan napupuno ng mga weirdong tao. Mukha silang mga dugyot na tao ngunit malakas ang aura nila na kinataas ng kilay ko.

Napataas lalo ang kilay ko nang makita ko ang isang babae na lumapit kay Cloud. May suot ito na abubot sa katawan at halatang inaakit n'ya si Cloud gamit ang dibdib n'ya na kinangiwi ko. Mukha kang paa hoy! Gusto kong sambitin sakanya 'yon pero syempre, marangal at maganda ako. Masyado akong mabango at matalino para sa lugar na 'to.

Nagtaka ako nang taasan ako ng kilay ng babae kaya tinaasan ko rin s'ya ng kilay. Lumapit ako kay Cloud at ngumisi. "Babe, ano ka ba? Bakit mo ba ko dinala rito?"

Sinigurado kong inartehan ko ang boses ko na kinainis ng babae at lalong pumanget ang mukha n'ya. Gustuhin ko mang tumawa nang harap-harapan, I need to take responsibility of my actions—

"Bakit, babe? Ayaw mo ba?"

Napatingin ako kay Cloud na kinindatan ako habang nakangisi. Nawala ang ngisi ko at napalitan ng pag-taas ng kilay. Tumingin ako sa babaeng nasa harap namin at hindi pinansin si Cloud na halatang natatawa dahil sa ginawa ko. Kinurot ko ang tagiliran n'ya na kinatigil n'ya.

"Uh, excuse me? Sino ka? Bago ka bang fling nitong si Cloud?" Taas-kilay na tanong ng mukhang paa na babae. Ngumiti ako sakanya ng matamis.

"Asawa n'ya ko. Fling? Bakit? Have you been one of his flings? Hmm?" Pang-iinis ko sa babae bago inilapit ang katawan ko kay Cloud na kinabigla nito na parang nagulat na butiki. "But with your looks, I think hindi. Hindi linta ang mga type ni Cloud."

Lalo itong nabigla sa sinabi ko at hindi na napigilan ni Cloud ang pagtawa. Taas-noo akong nakatingin sa babae at nakangisi. Ano ka ngayon? Kung makadikit ka ng dibdib mo sa kupal na lalaking 'to wagas ah? Mukha kang sardinas kakadikdik ng dibdib mo, tanga.

"Sige na, Annie. Una na kami ng," tinignan ako ni Cloud habang nakangisi. "Asawa ko."

Napalunok ako nang makita ko ang ngisi n'ya at hindi ko alam pero nagpadala na lamang ang katawan ko sa hawak n'ya. Hindi ko alam kung saan n'yaako dadalhin ngunit sa aking palagay, hindi ko magugustuhan 'yon.

Maraming bumati kay Cloud na mga kalalakihan at pinakilala n'ya ko sa mga 'yon.

"Si Demonica, asawa ko."

Sabi ko na nga ba hindi talaga magandang sumama ako sakanya rito. Talagang pinagkakalat n'ya ang gano'ng bagay para lang asarin ako? Pinilit kong ngumiti at tinignan ng masama si Cloud. I mouthed 'I'll kill you' but he just stick his tounge na lalo kong kinainis. Alam n'ya talaga kung pano makipag-laro. Kupal talaga.

"Cloud, dalhin nalang ni Pia 'yung gears dito para makalarga na kayo sa next batch," kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang lalaki na may hawak na maraming pera. "Si Demonica ba magiging guide mo?"

Nagtaka ako sa sinabi ng lalaki at napatingin kay Cloud.

"S'ya lang pinagkakatiwalaan ko sa lahat, pero ayoko s'ya mapahamak." Napahinto ako sa sinaad ni Cloud. Ako lang? Ako lang ang pinagkakatiwalaan n'ya? Teka, wala ba s'yang kaibigan maliban sa'kin?

"Maghahanap nalang ako ng ibang babae para maging guide m—" I interrupted Cloud.

"Teka? Anong maghahanap ka? Ako lang kailangan mo tapos maghahanap ka pa ng iba?" Angil ko kay Cloud na kinatahimik ng mga lalaking kasama namin, lalo na ni Cloud na unti-unti ay natawa sa sinabi ko. Pinalo ko s'ya para tumahimik s'ya. "Ako ang magiging guide mo kasi sakin ka lang nagtitiwa 'di ba? Tsaka nakalimutan mo bang 'asawa' mo ko?"

Ngumisi ako sakanya at agad s'yang napasapo dahil sa sinabi ko. Inasar ng mga lalaki si Cloud ngunit ako ay napangiti nang makita kong tumawa ito. Ayoko mang aminin, pero gusto ko talagang kasama ko s'ya. Kanina, stress ako sa trabaho. Now, I am laughing with these guys I don't even know in the first place, at kasama ko si Cloud. He is really my happy pill after all.

Agad na pinasuot sa'min ang gears na mukhang para sa pangangarera. Pasakay na ng motor si Cloud nang ma-realize ko ang isang bagay.

"Teka, Cloud. Ano bang gagawin ng guide?"

Napahinto si Cloud at agad na tinanggal ang helmet n'ya. Nakanganga ito sa harap ko na kinataka ko. "Okay, h'wag ka nang sumama sa'kin. Maghahanap nalang ako ng ibang—"

"Ano nga?!" Inis na saad ko na kinabuga n'ya ng malalim na hininga. Teka, don't tell me sobrang delikado 'yon?

"Nakapiring ang mga mata ko habang nagd-drive, and you willbe the one to guide me down the road hanggang sa finish line at makaabot sa 70 kph. Delikado 'yon, Demonica kaya h'wag ka nang mamilit pa. Sige na, mano—" Tinakpan ko ang bibig n'ya.

"Sabi mo sa'kin ka lang may tiwala 'di ba? Kaya may tiwala rin ako sa'yo na susundin mo ko. Ano ka ba masyado kang kabado!"

Nope. I lied.

"C-Cloud! Sa kanan! Sa kanan, tapos steady ka lang muna!" Sigaw na saad ko habang nagd-drive si Cloud. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang bewang at nagdadasal sa lahat ng santo na kilala ko na h'wag sana akong tatanga-tanga na magturo ng tamang direksyon kay Cloud dahil ayokoo pa mamatay ng maaga.

I lied. Kabado ako. Sobrang pa sa kabado.

"Nakaabot na tayo sa 70 kph, Cloud! Steady mo lang, malapit na tayo sa finish line!" Sobrang bilis na ng andar namin at tapos ko na ata dasalan ang lahat ng santo. Ilang beses ko na rin minura ang sarili ko at ang lahat ng nakaaway ko sa tana ng buhay ko. Para kaming lumilipad sa sobrang bilis ng hangin na dumadampi sa katawan ko. Halos tangayin na lahat ng foundation na natitira sa mukha ko ng hangin. Gustuhin ko mang matakot, kailangan ko 'tong panindigan.

"Cloud, kumaliwa ka! Steady ka lang. Steady... Steady... Tapos kumanan ka! Kanan! Steady... 'Pag sinabi kong hinto—Huminto ka! Cloud, hinto!"

Nang unti-unti kaming makalapit sa finish line at pinahinto ko s'ya tila lalo akong kinabahan. Sana sumakto ang paghinto namin sa finish line. Wala akong nakikitang nakakahabol sa bilis namin at malapit na kami sa finish line. Nakapikit ako habang mahigpit na nakahawak sa baywang ni Cloud. Lord, gusto ko pa po ikasal.. H'wag po sana masemplang.. H'wag sana...

"And we have the winners!"

Unti-unti kong idinilat ang mata ko at nakita ang naghihiyawan na mga tao sa paligid. Nanalo kami? Tama, nanalo kami. Nanalo kami ni Cloud! Napangiti ako nang malaki at agad na napatingin kay Cloud na nakangiti sa'kin.

Ngumisi ako sakanya at sinuntok ang mukha n'ya ng mahina. "Sabi ko sa'yo, e."

Ngumiti s'ya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"You know, in the first place I never doubt you." He smiled, genuinely. "Hindi naman mahina ang asawa ko."

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...