Mending Fina [COMPLETED]

By barbsgalicia

2.2M 56.6K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... More

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 25

34.4K 987 93
By barbsgalicia

FINA

Lumipas ang mahigit isang linggo at mas lalong naging maganda ang samahan nina Fina at Pierre.

Nawawala na ang pagka-ilang niya at bumalik na ang pagiging komportable niya sa piling ng kaibigan. Nababawasan na rin ang lungkot niya kahit papa'no. Sobrang gaan kasing kasama ni Pierre. Hindi talaga siya nito minamadali, at kahit pa nag-'I love you' na ito sa kanya ay parang hindi ito nag-eexpect ng agarang sagot. Basta masaya lang sila pag magkasama.

Heto nga't magkikita uli silang dalawa ngayon. It's a Sunday. Wala siyang pasok pero pupuntahan niya saglit si Pierre sa school dahil may practice uli ito para sa laban ng team sa darating na Martes.

Kasalukuyan siyang nagbi-bihis ng skinny jeans at simpleng striped shirt nang mapansin niya bigla ang jacket ni Jett na naka-hanger sa labas ng cabinet niya.

Hindi niya pa rin naibabalik.

Sa tuwing nakikita niya 'yon, naaalala niya si Jett.
Kahit lumipas na ang mga araw at nandiyan na si Pierre sa tabi niya, hindi niya pa rin mapagkaka-ilang sumasagi sa isip niya si Jett paminsan-minsan.

Naaalala niya bigla ang mga nangyari sa kanila noon. 'Yung nagising siya sa apartment nito, 'yung hinila siya nito papasok sa bakanteng classroom para ibalik ang wallet niya, 'yung sumugod sila sa ulan, 'yung first dinner date nila, 'yung tinugtugan siya nito ng gitara, at syempre, 'yung first kiss nila.

Tandang-tanda niya pa rin kung ga'no siya kasaya no'ng mga sandaling 'yon. Kahit na lihim lang ang relasyon nila, nakakamiss pa rin ang sweetness at mga efforts na binigay sa kanya ni Jett dati. Lalo na 'yung araw-araw nitong pagpunta sa bahay nila at pag-dalaw nito sa ospital na pinagdu-duty-han niya para lang dalhan siya ng pagkain. Hay, sayang. Sobrang sayang. Kung nasa tama lang sana ang relationship nila, hindi sana siya makakaramdam ng gan'tong lungkot at pagka-miss.

Kumusta na kaya si Jett? Actually, wala na siyang balita.

'Di na ito nagpaparamdam sa kanya eh. Wala ng tawag, wala ng text. Parang hindi niya na nga rin ito nakikita sa campus. 'Di na ito sumasama kila Gio. Kahit si Cielo hindi na niya nakikita. Siguro tinupad na ni Jett ang hiling niya na layuan na nila ang isa't isa. Okay na rin. Para makalimutan niya na ito totally at nang maibigay niya na ang buong siya kay Pierre.

Tinago niya na lang ang jacket ni Jett sa loob ng cabinet niya para 'di na uli niya makita.

Tapos inayos niya ang naka-messy braid niyang buhok sa tapat ng salamin for the last time, tsaka siya lumabas ng kwarto bitbit ang kanyang sling bag.

Dumaan pa muna siya sa kusina para ayusin naman ang brownies na dadalhin niya para kay Pierre. Nag-bake kasi ang ate Martha niya kagabi. E paborito ni Pierre ang brownies na gawa ni ate kaya naisipan niyang bigyan ito. She's sure pagod na naman si Pierre sa practice. Sunod-sunod na araw na itong nasa school gym e.

**

Bandang 4pm nang makarating siya sa university. Saktong-sakto lang sa tapos ng practice ni Pierre.

Dumiretso siya sa football field para do'n na tumambay habang inaantay si Pierre. Umupo siya sa isa sa mga benches, dala ang lalagyan ng brownies at ang pagkain mula sa fast food restaurant na binili niya para sa kanilang dalawa. Wala masyadong tao sa field ngayon dahil nga linggo. Halos solo niya ang buong lugar.

Maya-maya lang din naman ay nakita niya nang nagsi-labasan na ang mga varsity players mula sa gym. Tapos na ang practice. Napansin niya na nga agad si Pierre eh. He's wearing his usual jeans and T-shirt. Nakangiti ito sa kanya at parang sobrang excited ito na puntahan siya.

"Sorry, ang tagal ko," sabi agad sa kanya ni Pierre pagkalapit nito. "Nagpa-meeting pa si coach tsaka naligo pa 'ko eh."

"Okay lang. Kararating ko lang din." Binigay niya na rito ang pagkain na binili niya. "Tara, kain tayo. Bumili ako."

Halata naman ang tuwa sa mukha ni Pierre. "Sakto ka talaga palagi. Nagugutom na 'ko." Umupo agad ito sa tabi niya tapos sumubo ng fries.

Ngumiti lang siya. "Syempre, alam kong pagod ka na naman sa practice."

"Oo nga e, wala na kaming pahinga."

"Gano'n talaga. Sa Tuesday na kasi laban niyo. Sobrang lapit na no'n." Sumubo din siya ng fries. "Ay oo nga pala, may isa pa 'kong dala para sa 'yo." Nilabas niya sa paper bag ang lalagyan na may brownies.

Nanglaki ang mga mata ni Pierre. "Uy! Gawa ni ate Martha?"

"Oo. Dinamihan niya talaga ang gawa kagabi para mabigyan daw kita."

"Ayos 'to." Tumigil agad ito sa pagkain ng fries tapos ang brownies naman ang sinimulan nitong kainin. Parang bata e.

Natatawa na lang siya. Sobrang favorite talaga ni Pierre 'yon. Feeling niya tuloy kulang na naman ang dinala niya. Sa kanilang dalawa kasi, mas mahilig sa matamis 'tong si Pierre.

Tumuloy na rin naman siya sa pag kain. Kinuha niya ang burger na ka-partner ng fries. Binuksan niya at kumagat. "Kumusta pala practice niyo?"

"Ayos naman. Mukha namang handa na kami sa Martes."

"Bukas may practice pa rin kayo? 'Di ba kayo magpapahinga?"

"Wala na. Rest day daw sabi ni coach. Pero baka pumunta pa rin ako dito. Lalaro lang saglit."

"Pinapagod mo naman masyado sarili mo. Alam mo ba 'yung word na 'pahinga'? Explain ko sa 'yo gusto mo?"

Bigla itong tumingin sa kanya tapos ngumiti. "'Wag ka ngang ganyan. Lalo 'kong nai-in love sa 'yo e."

Nahiya siya. Umiwas na lang agad siya ng tingin tapos uminom ng soft drinks.

Si Pierre naman narinig niyang natawa. "Nga pala, may tatanong ako sa 'yo."

Natigilan siya. Para siyang biglang kinabahan. "A-ano 'yon?"

"Si Gio. Magka-kilala na ba kayo bago ko pa siya ipakilala sa 'yo?"

"Ha?" Gulat siyang napabalik ng tingin dito. "Hindi. Pamilyar lang mukha niya sa 'kin dati kasi alam ko nga varsity player siya tsaka ka-team mo. Pero 'di ko talaga siya kilala. Bakit?"

Bumuntong hininga ito. "Wala lang. Madalas ka niyang tinatanong sa 'kin eh. Hinahanap ka."

"Ba't niya naman ako hinahanap?"

"Malay ko nga. Kinukutuban tuloy ako na type ka talaga ng g*gong 'yon. Iba kilos niya 'pag kasama kita. Layo ka ro'n ah?"

Napa-tango tango na lang siya. "Okay."

"Akala ko titigil na siya nong sinabi ko dati na tayo na," patuloy pa nito. "'Di pa rin pala. Kahit kelan talaga babaero 'yung gunggong na 'yon e."

"So kaya mo pala sinabi sa kanila dati na tayo na at mahal na mahal natin isa't isa? Para tigilan niya 'ko?"

"Oo. Alam ko namang 'di siya naniwala no'n pero gusto ko lang malaman niyang off limits siya pagdating sa 'yo."

Natahimik siya. Parang may idea na kasi siya kung bakit siya madalas na hinahanap ni Gio. Mukhang may kinalaman kay Jett. Siguro kumakalap na naman ng impormasyon 'yong Gio na 'yon. Napaka-papansin talaga.

Bumuntong hininga na lang siya tapos nginitian si Pierre. "Pabayaan mo na. 'Di naman makakalapit sa 'kin 'yon si Gio kasi lalayuan ko lang siya. 'Di ko siya type."

"Bakit, sino bang type mo? Siguro ako, 'no? Ako lang naman pinaka-pogi sa team e."

Tiningnan niya agad ito nang masama.

Natawa na lang ito. "Joke lang." tapos inubos na ang kinakain nito. Nag-unat pa ito na para bang sobrang nasarapan talaga ito sa binigay niyang pagkain. "Nabusog ako. Thank you."

"May fries pa oh." Pinakita niya rito.

"Ayoko na. Sa 'yo na 'yan. Bigla akong inantok."

"Nabusog ka kasi eh."

"Oo nga. Pahiga nga 'ko sa 'yo."

Nagulat na lang siya kasi bigla siyang inalalayan ni Pierre paupo sa damuhan. Humiga ito ro'n at umunan sa lap niya.

"U-uy ano ka ba," sabi niya agad. "Madudumihan damit mo."

"Ayos lang." Nag-relax pa talaga ito sa kandungan niya.

Sa laki at bigat ni Pierre, syempre wala na siyang nagawa kung 'di hayaan ito. Tumuloy na lang siya sa pagkain ng fries habang si Pierre naman ay nakapikit na at feel na feel ang higa.

Hindi niya naiwasang hindi ito titigan.

Pretty boy talaga 'tong si Pierre. Alam niya naman 'yun dati pa pero napapaisip pa rin siya kung bakit nga ba hindi siya nahulog dito noon. He's very charming. And funny, too! Palagi itong may paraan para patawanin siya. Siguro tama si Ellie. Masyado niya yatang pinaniwala ang sarili niya na magkaibigan lang silang dalawa ni Pierre. Nilagay niya ito sa ika nga nilang 'friend zone' kahit na sobrang boyfriend-material nito. Like, come on, Pierre is every college girl's dream guy.

Na-realize niya tuloy, baka nga dati pa siya may feelings para rito. Natutulog lang. Naalala niya kasi, dati, kinikilig din naman talaga siya kay Pierre eh. Now she thought, siguro kung nag-tapat agad ito sa kanya noon, malamang walang Jett. Walang secret relationship. Walang so-called setup. Walang heartbreak. Walang kailangang i-mend.

Nabalik na lang siya sa sarili ngayon nang biglang dumilat si Pierre.

Ang bilis niyang umiwas tingin at nagkunwaring kumakain ng fries.

Nginisian siya nito. "Tinititigan mo ba 'ko?"

"Hindi ah. Kumakain kaya ako."

"Sus. Naramdaman ko e. Sige lang, titig ka lang. Ikaw lang pinapayagan kong gumawa niyan sa 'kin."

"Baliw ka." Pinalo niya ito sa dibdib.

Natawa na lang naman ito tapos bumalik na uli sa pagkaka-pikit.

**

Magdi-dilim na nang mapag-pasyahan nilang umuwi na.

Naka-idlip na kasi si Pierre sa lap niya eh. Naawa siya dahil halatang sobrang pagod na ito sa practice kaya pauuwiin niya na para makatulog nang diretso.

As always, hinatid siya ni Pierre pauwi.

Bumaba pa talaga ito ng kotse para lang sabayan siya mismo sa pag-pasok sa loob ng bahay. Sakto namang bubuksan niya na ang gate nang lumabas si ate Martha.

"O, Pierre," bati agad ni ate. "Nandito ka ulit."

"Hi, ate. Hinatid ko lang si Fina."

"Salamat, ha. Halika, sumabay ka na rin saming mag-hapunan. Tutal nandito ka na rin."

"Ay 'di na, ate. Uuwi na 'ko."

"Ano ka ba, halika ka na. Nagluto ako ng Sinigang na Hipon. Paborito niyo ni Fina."

'Tong si Pierre naman na-excite! "'Yun naman pala! Dapat sinabi niyo agad." Bigla siya nitong iniwan sa gate tapos dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay!

Natawa na lang sila ni Ate Martha. Hay naku si Pierre talaga, basta makarinig ng Sinigang na Hipon, mauuna pang kumuha ng plato eh.

Tumuloy na lang din siya ng pasok.

Pagkarating niya sa kusina, pinalo niya agad si Pierre na kasalukuyang nagsa-sandok ng kanin. "Grabe ka. Pagdating talaga sa pagkain, nakakalimutan mo 'ko. 'Di ka man lang nagpa-kipot nang todo sa alok ni ate."

"Bakit naman magpapa-kipot pa," singit ni ate Martha. "E hindi na naman na bago dito 'yang si Pierre. Parang ako na nga nagpa-laki sa inyo. Si Ellie pala, nasa'n? 'Di yata kayo kumpleto ngayon."

"Busy," sagot niya.

"'Wag niyo nang hanapin ate," sabat naman ni Pierre. "Baka malaman pa no'n na kumakain tayo dito, biglang sumunod. Uubusan lang ako ng Sinigang no'n eh."

Nagtawanan sila.

Inasikaso niya na lang din si Pierre. Sinandukan niya ng ulam tsaka binigyan niya ng maiinom. Grabe, ang takaw nito. Parang gutom pa rin partida kumain na ito ng burger at fries kanina ah.

Pagkatapos kumain, tumambay muna silang dalawa sa kwarto niya.

Si Pierre kasi eh, gusto pang magpahinga bago umuwi. Pinagbigyan niya na lang kahit mag-a-advance reading pa sana siya ngayong gabi para sa lecture nila bukas.

Kasalukuyang nakahiga si Pierre sa kama niya. Naka-dapa na naman nga ito at nakayakap sa isang unan. Kahit kelan talaga feel at home ito sa bahay nila eh.

"Baka makatulog ka diyan," sabi niya tapos umupo na rin sa kama. May dala siyang libro.

Sinilip siya ni Pierre. "'Pag nakatulog ako 'wag mo 'kong gigisingin ah."

Natawa siya. "Sira ka talaga. Mag-aaral pa 'ko para bukas. 'Di ka pwedeng magtagal dito."

"Aral na naman? Pinapagod mo naman masyado sarili mo. Alam mo ba 'yung salitang 'pahinga'? Gusto mo explain ko sa 'yo?"

"Sus, nanggaya ka pa. Umurong ka nga ro'n." Umayos siya ng pagkaka-upo.

Nagulat na lang naman siya nang biglang yumakap sa bewang niya si Pierre habang nakadapa ito sa kama. Siniksik pa nito ang mukha nito sa tiyan niya. Nakakailang!

Medyo lumayo nga siya, kaso humabol pa rin ng siksik si Pierre. "Embrace lang. Pagod nga 'ko eh."

Feeling niya namumula mga pisngi niya. Ngayon lang naglambing sa kanya nang gano'n si Pierre. 'Di niya tuloy alam kung pa'no siya magre-react. Para siyang tuod na hindi makagalaw.

'Tong si Pierre naman sumiksik lalo sa kanya. Inamoy nito ang suot niyang t-shirt. "Hmm, amoy Sinigang ka ah."

Pinalo niya nga. "Ang sama mo. Do'n ka na nga."

"Biro lang."

"Sige na, do'n ka na. Baka biglang dumating si ate Martha eh."

"Bakit, 'di ka ba nag-lock?"

"Nag-lock."

"'Yun naman pala. 'Di tayo guguluhin non. Sanay naman siyang tumatambay ako minsan dito sa kwarto mo."

Bumuntong hininga na lang siya tapos nag-relax. Inabot niya ang libro niya para ituon na lang ang atensyon sa pagre-review.

"Fina."

"Hmm?"

"'Wag kang mawawala sa game namin sa Tuesday ah."

"Tsk ano ba 'yan, Pierre. Paulit-ulit ka naman."

Tumawa ito. "Naniniguro lang ako."

"Oo nga, manonood nga 'ko. Pasalamat ka isa 'yung section namin ni Ellie sa mga exempted sa klase at required manood ng game. So wala akong choice, pupunta talaga 'ko."

"Ichi-cheer mo 'ko do'n?"

"Syempre."

"Samahan mo na rin ng sayaw. Katulad ng mga cheerleaders natin. 'Yung kume-kembot."

Natawa siya. "Ayoko. 'Di bagay sa 'kin. Si Ellie na lang."

"Gusto ko ikaw."

"Tumigil ka. Umidlip ka na lang diyan kung gusto mong umidlip. Mamaya uwi ka na kasi magbabasa pa 'ko."

"Okay."

Tumuloy na uli siya sa pagbabasa. Tutok na tutok siya sa libro niya na hindi niya namalayang nakatitig na pala sa kanya si Pierre. Masyado na itong nawiwili sa pagtitig-titig nang gano'n.

Kumunot tuloy noo niya. "Bakit na naman?"

Ngumiti ito nang matamis. "Wala lang. May tanong lang ako. 'Pag naging tayo na, anong gusto mong tawagan natin?"

"H-ha?"

"Anong gusto mong tawagan? Baby? Honey? Sweetiepie?"

Nagpigil siya ng ngiti. "Ano 'yan. Ayoko ng mga ganyan."

"Ah, gusto mo first name basis lang tayo? Ayoko no'n. Gusto ko baby kita."

"'Wag. Parang ang awkward kasi galing tayong magka-ibigan tapos gagawin mo 'kong baby."

"Oo nga 'no. Sige, Fina na lang." Bumuntong hininga ito. "Alam mo, 'pag sinagot mo na 'ko, sobrang magiging masaya 'ko. Kasi ang swerte ko e."

"Bakit swerte?"

"Swerte, kasi ako 'yung unang naging boyfriend mo."

Natahimik siya.

Umiwas agad siya ng tingin.

Inipit naman ni Pierre ang buhok niya sa likod ng tenga niya. "'Di ba? Ako first?"

Tipid lang siyang ngumiti tapos nagkunwaring nagbabasa ng libro. Nalungkot na naman siya. Ngayon mas lalo niyang 'di malaman kung papa'no sasabihin kay Pierre ang tungkol kay Jett. Masasaktan ito.

"Fina." Kumalas ng yakap si Pierre at bahagyang bumangon para tumapat sa kanya. "Tingin ka nga saglit sa 'kin." Tila biglang sumeryoso ang boses nito.

Sumunod siya. Pero sana hindi niya na lang ginawa. Ang lapit na kasi ng mukha nito sa kanya at sobrang titig na titig pa ito sa mga mata niya.

Hindi siya naka-galaw, para siyang na-hypnotize!

Tapos napasinghap na lang siya nang biglang hawakan ni Pierre ang isa niyang pisngi. Nagbaba ito ng tingin sa mga labi niya then he slightly bit his lips.

Bumilis ang pagtibok ng puso niya. Alam niya na kasi kung anong susunod na mangyayari. Pierre gently closed his eyes at dahan-dahan nitong nilapit ang mukha nito sa kanya. He was so near to kissing her pero pareho silang natigilan nang biglang may kumatok sa pinto!

"Fina? Pierre?"

Napapikit agad siya nang madiin sabay kagat sa labi niya. "Si ate. S-sorry."

Binitiwan din naman agad ni Pierre ang kanyang pisngi. Do'n lang siya tumayo mula sa kama para buksan ang pinto.

Diyos ko, muntik na 'yon! Sobrang lapit na! Feeling niya tuloy bigla siyang pinagpawisan. Pinahid niya muna ang noo niya bago pinihit ang door knob.

Dinalhan lang siya ni ate Martha ng gelatin. "O, panghimagas." Binigay nito sa kanya ang plato. "Kung kulang pa 'yan sa inyong dalawa, kumuha ka lang sa ref."

"S-sige ate." Sinara na niya ang pinto.

Pagkatalikod niya, nakita niya si Pierre na nakadapa na uli sa kama.

She calmed herself down at inayos ang sarili bago naglakad pabalik. Parang biglang nanghina ang katawan niya ro'n.

"Bangon ka na diyan," sabi niya na lang kay Pierre na para bang walang nangyari. "Kain uli tayo."

Pinatong niya ang plato ng gelatin sa kanyang study table. Do'n lang din niya napansin na may bagong text pala siya sa cellphone niya. Kinuha niya agad.

It's from Jett.

Ang bilis niya tuloy nabalik sa sarili. Binuksan niya ang text, pero halos manghina na lang uli siya nang mabasa na ang message nito.

Pinababalik na ni Jett ang jacket nito na nasa kanya. Magkita raw sila bukas.

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

90.4K 2.5K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
9.4M 49.9K 26
Young love needs dangers and barriers to nourish it. Jaspher Mae Mamorno isn't what everyone expects her to be. For her, living a normal life is too...
4.3K 203 12
"Not every guy can tell the whole world how fortunate he is to have a girlfriend like you. I can. And I always will." Dear Diary, We shouldn't expec...