The Gangster's Love

By _missysunshine

47.3K 1.5K 71

Si Trixie ay isang girlfriend material na babae. Maraming nagkakandarapa sakanya pero ang mga tipo niya ay la... More

Prologue
Chapter 1: Ang pagtatagpo
Chapter 2: Couple Shirt
Chapter 3: Bad Day
Chapter 4: Her/His Property
Chapter 5: Meet The Family
Chapter 6: Monkey and Piggy
Chapter 7: Chat
Chapter 8: Hatid Sundo Kita
Chapter 9: Hatid Sundo Kita (II)
Chapter 10:Supportive Sister
Chapter 11: The Past
Chapter 12: The Book
Chapter 13: 1st Sign-Friends
Chapter 15: The Feeling is Mutual
Chapter 16: The Wedding
Chapter 17: The Wedding (II)
Chapter 18: The Wedding (III)
Chapter 19: Usapang love life
Chapter 20: Unnoticed
Chapter 21: Confession
Chapter 22: Forgiven
Chapter 23: Karamay mo ako
Chapter 24: Partners
Chapter 25: Piggy Back
Chapter 26: Ligaw kung ligaw!
Chapter 27: Almost there
Chapter 28: Meet Andrea Delfin
Chapter 29: Where are you?
Chapter 30: Hurt
Chapter 31: Welcome back!
Chapter 32: I see you
Chapter 33: Same old
Chapter 34: Alaala
Chapter 35: Neighbors
Chapter 36: Reunion
Chapter 37: Revelations
Chapter 38: A Goodbye?
Chapter 39: Saranghae, nae salang
Chapter 40: Goodbye Philippines, Welcome back Korea!
Chapter 41: Queen Spades
Chapter 42: Demon
Chapter 43: Let the Game Begin
Chapter 44: Chaos
Chapter 45: EndJeo
Chapter 46: Still into you
Chapter 47: Truth unfold
Chapter 48: The Final Battle
Epilogue
Author's Note

Chapter 14: Lunch Time

908 36 0
By _missysunshine

TRIXIE'S POV

-

Nagsimula na kaming kumain ni Kyle. Pinagtitignan parin kami pero 'di na namin pinansin. Ang awkward talaga ng scenario namin ngayon. Nakakadagdag pa yung unfinished business namin kanina. Yung kissable lips na yun. Ugh! Ba't ko ba kasi nasabi yun?

"Psst! Baboy." Pagbabasag ni Kyle sa katahimikan. Ba't ba ako nahihiya? Naiilang din. Hindi naman ganito noon!

"H-hmmm?" Tanong ko. Pahiya na talaga ako.

"Galit ka?" Tanong niya. Huh? Bakit naman pumasok 'yon sa kukote niya? Baliw lang? Ba't naman ako magagalit sa kanya?

Umiling ako, "H-hindi a-ah!" Nauutal pa nga. Bwiset bakit naman ako nauutal?

"Teka? May sakit ba yang bibig mo? Bakit 'di ka makasalita ng tuwid? Ba't nauutal ka?" Alalang tanong niya.

"Uhm, okay lang ako 'no! Sige kain na tayo. Magkwentuhan na rin." Masiglang sagot ko.

Phew! Salamat naman at ginagamit pa rin ng bibig ko 'yong utak niya. Kung meron lang naman.

Tumango naman siya, "Hmm, sige."

Teka. May pumasok sa utak ko na pwede naming pag-usapan! Ang galing talaga ng utak ko.

"Kyle? Kailan pala kasal ng Ate Kylie mo?" Tanong ko. Thursday kasi ngayon, e.

"Ah. Buti naman at natanong mo. Pinapasabi pala 'yon ni Ate pero nakalimutan ko." Sabi niya at kinakati pa ang ulo niya. May kuto ba 'to?

"So kelan?" Tanong ko.

"Ah. Sa Saturday na." Sabi niya. Nagulat ako. Nabilaukan pa nga ako, e. Bakit ang aga? Pinasahan niya ako ng tubig. Ininom ko naman agad.

"Thank you." Sambit ko. Nahimasmasa ako at sana ang utak ko din.

"Eh? Ba't ang aga aga? E thursday na ngayon ah!" Sigaw ko na.

"Uy. Easy lang. Teka nga, bakit parang naga-alala ka? Kinakabahan ka ba?" Tanong niya.

Tumango nalang ako habang naka pout.

"Ang cute mo." Biglaang sabi niya.

*dug.dug* *dug.dug*

'Di naman ako ganito noon ah? Kung sasabihan niya ako ng ganito, 'di naman ako ganito. Mababaliw na ba ako? E kung magpa-rehab nalang kaya ako? Joke lang.

I faked laugh, "Ha.ha.ha."

Ewan ko ba, ganito talaga epekto niya sa 'kin, e. Parang wala na akong masabi.

"Yiee! Kinikilig na siya kasi walang masabi." Tukso niya. Gosh! Totoo naman, e. Teka? TOTOO BA TALAGA?! Hays, pupunta na ako sa Rehab Center mamaya.

"Hi-hindi 'no! Baliw ka talaga!" Depensa ko sa sarili ko.

"Sus! Defensive siya." Tukso niya ulit. Pinalo ko naman siya habang siya, nakangiti lang.

"Ayiee!"

"Sila na kaya?!"

"Oo nga, Cammy! Sila na nga!"

OMG!!

"Uy. J-joke lang 'yon 'no." Nauutal na sabi niya. Pati siya, napapansin na niya yung awkwardness sa atmosphere naming dalawa ngayon. Teka? Wala naman kami ah. HAHAHA TUMAWA KAYO MGA LECHE!

Magpapalagay na ako ng sign sa katawan ko mamaya. Ganito, 'Baliw to 'wag tularan' hehe.

"Wag mo na 'yang pansinin ang mga yan. Tatahimik rin yan." Sinubukan kong ibsan ang kailangan sa aming dalawa. Kung kayo nandito sa pwesto ko, 'di na kayo makakapagsalita. Kung nasa harap pa ninyo 'tong napakagwapong nilalang. Hays!

"Teka, andito yung invitation oh." Sabi niya sabay lahad ng invitation. Ang ganda ng invitation nila ah. Peach at modern brown yung motif nila.

Principal sponsors:

Dra. and Mr. Echaves
Engr. and Mrs. Mercado
Gov. and Mrs. Alvarez
Arch. and Dra. Flores
Mr. and Mrs. Lee
Mr. and Mrs. Sy
Mr. and Dra. Dela Cruz

Teka? Bakit andito sina mommy and daddy? Baka dahil sa busines? At marami pang iba. Mga big time ah.

Secondary sponsors:

Maid of Honor:
Trixia Janella Dela Cruz

W-what? Bakit andito rin si Ate?

"Kyle? Ba't andito Ate ko?" Tanong ko. Nacu-curious na talaga ako ah.

"Ah, bestfriends kasi sila ni Ate e." Sagot niya.

O.M.G.

So kilala na niya si Kyle noon pa? What the heck? Ugh! Mamaya ka lang ate.

Best Man:
Dale Charles Tuazon

Bride's Maids and Groom's Men:
•Xyra Dein Echaves and Reid Alvarez
•Freya Lee and Karlos Melendez
•Hailey Merelle Mendoza and
Kurt Leandro Hernandez

Teka? Bakit andito bestfriend ko?

Andrea Marian Delfin and Kyle Lawrence Hernandez

Bakit parang naiinis ako? Ba't iba ang partner ni Kyle? E siya lang naman kilala ko e!

Puso: Rumarason ka pa ah! Si Kurt?

Leche? May utak na rin ba ang puso ko? Pero si Kurt naman? May Hailey na yun e.

Puso: Baket? Sinabi bang pag kayo ang partner e magkakatuluyan kayo?

WHAT THE! Baliw na ba ang puso ko?

Utak: Oo, baliw sa lalaking nasa harapan mo. Nagshare yung puso mo sa 'kin.

Tinignan ko naman kung sino ang nasa harapan ko. Si K-kyle? E! Inaanin ko, crush ko siya. Pero crush lang talaga. Crush lang ba talaga? Hays. Papamental na ako. Malala na 'to.

•Trixie Janelle Dela Cruz and
Blake Cyrus Ferrer

Sino 'to? Ferrer? Baka pinsan ni Kyle?

"Psst, Kyle? Sino 'tong si Blake Cyrus Ferrer?" Tanong ko.

"Ah, pinsan ko. 'Wag kang mag-alala, gwapo 'yan." Sagot niya. Bwiset lang? Rinereto ba niya ako?

Puso: 'Di pwede! Siya lang ang laman ko!

Baliw na rin ang puso ko!! At anong laman laman 'yun? Bastos! Hindi 'to maaari!

Natapos na kaming kumain exactly 12:27 pm.

"Tara sa soccer field?" Aya ni Kyle sa 'kin.

"Teka, anong oras ba ang klase mo?" Tanong ko.

"2:00 pm pa. Ikaw ba?" Tanong niya. Magkaiba kasi kami ng section.

"2:00 pm rin." Sabi ko. Magkasabay pa talaga kami ah. Section A kasi ako tapos siya Section C. Last section siya.

Pumunta na kami sa soccer field. Habang naglalakad kami, hinawakan niy 'yong kamay ko.

*dug.dug* *dug.dug*

Hinayaan ko nalang siya at naglakad na kami. Nakarating kami sa soccer field habang magkahawak ang kamay. Hinawakan ko na rin ang kamay niya. Friends din naman kami e. Friends ba talaga ang turing ko sa kanya? Crush siguro.

Umupo na kami sa damuhan. Humiga naman siya tsaka pinikit ang mga mata niya habang ginagawa niyang unan ang dalawang kamay niya. Hindi naman mainit kasi nasa ilalim kami ng puno.

"Alam mo, dito ako tumatambay kapag wala akong ginagawa. Dito rin ako pumupunta kapag problemado ako. Parang naging comforter ko na 'tong lugar na 'to e." Sambit niya.

"Hmm." Mahinang pagsang-ayon ko. Tahimik na siya. Pagtingin ko, nakatulog na pala.

Pinagmasdan ko yung mukha niya. Makinis at maputi ang balat, matangos ang ilong, pinkish na lips, perfect jawline, perfect rin yung hugis ng mukha niya, magandang buhok na maitim. Enough words to describe kung gaano siya ka-gwapo. Napabuntong hininga nalang ako. Paano kung 'di siya gangster? Mafa-fall na ba ako sa kanya? O kaya nafa-fall na ako? Ewan ko ba!

Biglang nag pop-in sa utak ko yung libro. Kinuha ko sa bag ko yung libro.

1st sign: When you are talking to each other, you can feel your heart beating so fast and so loud.
/ check this if it's a sign.

Tapos na. Nacheck ko na. Alam ko naman talaga sa sarili ko na kinakabahan ako kapag nandito siya. Tinignan ko naman kung anong oras na. 12:57 pm. May isang oras pa kami.

Tumabi nalang ako sa kanya. Bago ako pumikit, pinagmasdan kong muli ang mukha niya. Hindi ata ako makakatulog ngayon lalo na't ang lakas ng kabog ng puso ko.

Pumikit na ako pero 'di ako natulog. Nagisip-isip muna ako.

Pano kung mafall ako sa kanya?

Lalayuan ko ba siya?

Pano kung mas pipiliin kong mahalin siya, tanggap ba niya ako?

Pano kung wala siyang feelings sa 'kin?

Paano kung iwasan ko siya?

Paano kung isang araw, magising nalang ako na mahal ko na siya?

Paano kung magconfess sya sa 'kin?

Paano kung mahal namin ang isa't isa?

Mga paano na tumatakbo sa isip ko habang pumipikit.

Tama bang nakikipagkaibigan ako sa kanya? Isang gangster.

'Hindi lahat ng gangsters masasama, may mababait rin na tulad nya.'

Pangngungumbinsi ko sa sarili ko. Siguro dapat ko nang i-overcome ang fears ko. Dapat 'di ako natatakot sa kanya. Mapoprotektahan naman niya ako 'diba? Sabi kasi nya sa 'kin noon, gusto niyang magkaroon ng kaibigan. Poprotektahan ko naman siya.

Nafa-fall na nga ba ako? Pero first sign pa yung na-assure ko. Minulat ko na ang mga mata ko at nagulat ako. Gulat na gulat.

*DUG.DUG.* *DUG.DUG.*

Pagmulat ko, PINAGMASDAN NIYA AKO AT TUMITINGIN LANG SIYA SA 'KIN HABANG NGUMINGITI.

"Uh, gising ka na pala? Kanina ka pa nagising?" Tanong ko. Himala naman at hindi ako nautal.

"Hindi. Kakagising ko lang din. Nakita ko lang kasi na nandito ka pa sa tabi ko, e. Gigisingin na sana kita pero nagising ka naman. Salamat at hindi mo ako iniwan." Nakangising sabi niya.

Ah okay, yun lang naman pala. Akala ko kasi ano e!Trixie, 'wag kang mag expect at magassume. Ikaw lang yung nagkakacrush 'diba? Crush lang. Yun lang.

"Ah ano kasi, MAGKAIBIGAN naman tayo e." Nakangiting sabi ko at pinagdidiinan ang salitang 'magkaibigan'. Ayokong mag assume na may something siya sa 'kin. Ayokong masaktan ulit gaya nung sinaktan ako ni Dwayne.

"Teka anong oras na ba?" Tanong ko. Tinignan niya ang wrist niya. Teka? Wala naman syang wrist watch e.

"E wala ka namang wrist watch e! HAHAHAHAHA!" tawa ko pa.

Tumawa rin siya, "Alam ko. Gusto lang kitang patawanin para hindi ka mailang sa 'kin o kaya para kahit papano napasaya kita." Nakangiting sabi niya. Aw! Natouch ako. Tumunog bigla ang phone ko.

"Teka, Kyle ah. Saguting ko muna 'to." Paalam ko. Tumango naman siya. Bahagya akong lumayo ng unti. Pagtingin ko sa caller, si Adrian pala. Anong kailangan nito?

"Hello?"

"Hi Trixie,"

"Ba't ka tumawag?"

"Hahaha. Wala lang."

Leche lang? Tumawag siya kasi wala lang? Baliw.

"Ah okay. Ibababa ko na."

"No. 'Wag muna. Teka lang!"

"Oh?"

"Naglunch kana? Sabay tayo."

"Srsly? 1 pm na tapos ngayon ka pa magla-lunch?"

"Oo e."

"Ah sorry, tapos na kasi akong kumain."

"Huh? Edi sabyan mo ako."

Huh? Hotcake? Hotdog? Sarap nitong kultuhin, e!

"Wag na. Kasama ko kasi boyfriend ko e."

"Talaga? Yung gangster? Hahaha. Ang low class."

"Sorry Adrian ah? Pero 'di naman ata tama 'yang ginagawa mo. At tsaka sasabihan ko nalang si Principal na pumili ng ibang member ng photography. You should work with Kurt since he's the vice." Naiinis na talaga ako.

"No! That was just a joke. 'To naman, masyadong over protective sa boyfriend niya."

"No, I insist. Tsaka masyado rin akong busy ngayon."

"Wait asan ka ba?"

"Basta. Sige ibababa ko na." Sabi ko sabay baba.

Nakakainis yung lalaking yun! Bumalik na lang ako at nakita ko si Kyle na tumitingin sa 'kin.

"Oh? Sino 'yun?" Tanong niya.

"Ah, si Adrian." Sabi ko. Ayoko namang magsinungaling.

"Adrian? Adrian Dominguez? Yung in-insulto ako?" Tanong niya. Kinagat ko ang lower lip ko at marahang tumango.

"Oo, e." Sagot ko.

"What? Bakit tinatawagan ka ng gago na 'yon? Sinasaktan ka ba niya?" Sunod sunod na tanong niya.

Teka? Concern ba talaga sya sa 'kin? Tinignan ko naman siya na parang naguguluhan.

"A-ah, what I mean is, sinasaktan ba niya yung baboy? HAHAHA! Dapat 'di sya nananakit ng hayop, e." Dagdag niya pero halatang plastik.

Kung umamin na lang kaya siya? Joke lang. Trixie, 'wag mag-assume at mag-expect.

I faked a laugh, "Ha.Ha.Ha. Tara na nga!" Sabi ko at umalis na kami.

-

Guys, kindly follow my account po. Thank you po! I love you all!♡

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
146K 11.2K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...