Love is a Fallacy.

By DearSeven

3.1K 342 304

Love is a fallacy. Love is for fools… they say. Love is a disease. It has its twin sister. Foolishness. Fooli... More

Prologue
Chapter One - The Trip
Chapter Two - Lost Souls
Chapter Three - Borrowed Time
Chapter Four - The Good Bad News
Chapter Five - Stare Game
Chapter Six - You Again
Chapter Seven - Reunited
Chapter Eight - Titus John Lopez
Chapter Nine - Eros Bustamante
Chapter Ten - The 'Gay' Pay
Chapter Eleven - Clinic Panic
Chapter Twelve - Feels like Insomnia
Chapter Thirteen - Unexpected
Chapter Fourteen - Jealous Guy
Chapter Fifteen - Painful Truth
Chapter Sixteen - Bestfriend for a Day
Chapter Seventeen - Celeste
Chapter Nineteen - Revelations
Chapter Twenty - Examination
Chapter Twenty One - The Good Book
Chapter Twenty Two - You Smile, I Smile
Chapter Twenty Three - Say You Like Me
Chapter Twenty Four - A or B
Chapter Twenty Five (1) - Why Are You Doing This?

Chapter Eighteen - Outreach Program

77 10 11
By DearSeven

Titus' POV

Apat na araw din kaming nag-practice ni Aerith para sa araw na ito. Pero dun sa apat na araw na yun, wala pa ding pinagbago. Hindi pa din kami masyadong nagpapansinan, or should I say hindi pa din niya ako masyadong pinapansin. I don't really understand why one second we're okay and then the next second we're not. Now we're just talking with each other kung related man sa performance namin yung pag-uusapan. I just don't know how she could manage that awkwardness all over us. Kasi ako, I just can't stand it. 

Sabi ni Dean e dapat daw formal para presentable tignan, so now I'm wearing a black-white checkered polo and a gray V-neck shirt on the inside. The moment I arrived here in the venue, e puro papuri na lang natatanggap ko. That I look really charming today. Sometimes I just want to see my face with my own eyes. But I know I just can't, pwera na lang kung gagamit ako ng mirror.

Tinignan ko yung wristwatch ko, and it's already 8:53am. Seven minutes na lang yung natitira e mag-iistart na yung programme pero wala pa si Aerith. Naka-settle na lahat ng manunuod. Porke mauuna akong magperform. Magpapa-late siya.

Paulit-ulit ko lang tinitignan yung relo ko. Halos every 10 seconds. And finally dumating na siya, four minutes na lang before time nung dumating siya.

She was wearing a white and yellow dress na dumadagdag pa sa parang nagliliwanag na aura niya pagdating niya. Nakatayo lang ako at nakatitig sa kanya. Napatingin siya sa akin for like 3 seconds at para na akong sinemento sa pagkakatayo ko. Simple lang yung ayos niya pero napaka-complicated ng nagiging epekto niya sa akin.

Tumingin ako sa paligid ko. And almost everyone was just staring at her. Na parang na-glue na yung paningin nila sa kanya. The moment she stepped down that car. Ibinalik ko ang paningin ko sa kanya. Dun ko lang nakita na may kasama pala siya... si Eros.

I was just so blinded by her beauty that I didn't have time to notice.

Both of them were just staring at me. And I was just staring at them both for seconds. I was thinking of smiling at her or greeting her with a good morning. But I just can't, bawat pagyapak niya papalapit sa akin ay siya namang pag-urong ng dila ko. And to think we're not okay, kaya naman baka hindi rin siya sumagot kung nagkataon.

Nagsimula ng magsalita yung mga Emcee. Que na mag-iistart na ang program, na parang nagsasabing, tama na yang titigan niyong walang patutunguhan.

But I just can't stop staring at her.

Aerith's POV

"Uy. Dalian mo. 7 minutes na lang magsisimula na yung program.nag-aalala kong sabi kay Eros. Nung nalaman niya kasing may lakad ako ngayon, gusto niya siya na yung maghahatid.

"Ano ka ba Aerith. Chill ka lang diyan...at nginitian niya ako "...Eto na nga oh. Nagmamadali na po.at bumilis na yung pagpapatakbo niya ng kotse niya. Buti na lang talaga at may pakikisama ang tadhana, wala kasing traffic ngayon.

Since that day with Eros, naging komportable na talaga akong kasama siya. Yun bang parang na-extend na yung araw na yun. Kaya lang, ilang araw na lang yung natitira e aalis na siya. At gusto ng mokong na ito e halos araw-araw niya akong makasama. Kaya naman, nagvolunteer na din na maging driver ko for today at passenger naman ako. Hindi naman ako makatanggi, dahil nga may deal kami.

Dumating kami nang four minutes na lang yung natitirang oras. Bumaba na ako agad. Hindi naman ako yung tipo ng babae na pa-senyorita at gusto pang magpabukas ng pinto sa iba.

Pagkababa ko, nakita ko si Titus. Napaka-attractive niyang tignan sa ayos niya ngayon, kaya naman yung mga mata ko e parang na-mamagnet sa mukha niya. Gusto kong ngumiti o kaya man lang mag-Hi or tell him that he looks so good. Pero wala. I just end up staring at him.

Yung puso ko naman, parang sumisigaw na pansinin ko na siya, pero heto na naman yung palpak kong puso, ipinapahamak niya na naman yung sarili niya.

Naalala ko yung araw na sinabi niyang he hates me. It truly kills me. Hate niya na ako. And if I will act as if nothing's wrong but in fact every little thing between us is wrong. That would make me hate and curse myself more. Kung pwede lang sanang harapin siya araw-araw nang hindi ko binubuhat yung napakabigat kong kasalanan sa kanya o di sana hindi naidikit yung salitang complicated sa buhay ko.

....

Nag-start na din yung programme as soon as nagsalita na yung mga Emcee. Naunang nag-perform si Titus. And he plays the piano while he sings while everyone is yelling and smiling while everyone was captivated by his smile while I just watch him from afar trying my best not to be amazed by his face and versatility but I just couldn't. I just found myself trying to fight my ownself.

And like the song he was playing... I'm out of my league once again.

And everyone was applauding. Tumayo pa yung iba. He deserves all those sentiments because he really was excellent.

Then the next minute, everyone was silent and all eyes was on me. I then realized, it's my turn.

Nagsimula na akong maglakad papalapit dun sa Piano na nag-aantay na para tugtugin ko. Habang naglalakad e pawang ang mga yapak ko lang at mabilis na pintig ng puso ko ang naririnig ko. This was the very first time na magpla-play sa harap ng madaming tao. I often play the piano for my parents pero ni minsan hindi nila talaga ako pinakinggan. I closed my eyes then started playing. Ikinukulong ko yung sarili ko sa bawat nota. 

Canon in D Major . /play video/

I suddenly realized how infortunate my life was. 

May pamilya ako, dahil pamilya nga ang tawag ko sa kanila, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi naman ako isa sakanila. Sa pagkakataong to, bigla akong naliwanagan at ngayon ay naghahanap ng paglingap.

Kung ano nga ba ang pakiramdam ng may Ina o Ama na kumakalinga sayo. Masaya kaya? 

Yung mag-aalala sayo kung nasaktan ka. Yung mag-tatayo sayo kung nadapa ka.

Hindi yung hahayaan ka lang nasa baba. Kahit pa tapak-tapakan ka na nila.

Yung makokonsensya kapag hindi sila nakakapaglaan ng oras sa iyo. Kasi wala silang ibang iniisip kundi ang kapakanan mo.

Yung pag nawala ka, hahanapin ka. 

Kaya nga dahil din siguro sa pagnanasa kong makaramdam ng ganito. Ay sinubukan kong lumayo at takasan lahat ng pangbabalewala na nararamdaman ko. Pero iba ang nahanap ko.

Madaming tao ang nawala ng dahil sa akin. Maraming tao ang nalulungkot at nagluluksa. Madaming tao ang ninakawan ko ng karapatang makaranas pa ng isa pang maligayang araw sa buhay nila.

At isa na dito ang lalaking pinapanuod ako ngayon. Titus ang pangalan niya. Napakabait niya sa akin at sa tuwing paulit-ulit niyang ginagawa yun ay paulit-ulit ding pinapaalala sa akin ng utak ko na hindi ko kailanman deserve ang isang tulad niya. 

Gusto ko lagi ko siyang makasama. Gusto ko lagi ko siyang kausap. Gusto ko mag-kaibigan kami. Gusto ko mabait lang siya sa akin. Pero napaka-selfish at demonyita ko namang tao para hangadin lahat ng iyon. Alam ko namang kung alam niya ang totoo ay itatakwil niya ako. Pero bakit nga ba hindi ko masabi yung totoo, para matahimik na ako. Siguro kasi hindi pa ako handa. Ewan ko. Hindi ko na alam. 

Bakit kailangan ko pa siyang makilala? Para magulo yung buhay ko? 

Siguro nga itong paghihirap na nararanasan ko ngayon. Ito na yung simula ng lahat ng parusa na dapat na matanggap ko. Bakit kailangan pa niyang ma-involve sa buhay ko? Bakit ko pa kailangang makita ang mapupungay niyang mata? Bakit kailangan ko pang mapagmasdan ang mga ngiting iyon? Bakit kailangan ko pang maranasan ang lahat ng kabutihan na nasa sa kanya? Bakit kailangan ko pang isipin ang lahat ng ito? Gayong simula't sapul pa lang naman ay alam ko namang ang mga ito ay hindi mapapasakin ni mahawakan man lang... hindi pa rin.

If this is what they call 'love' that drives me crazy then I might have really fallen for him.

I know falling for him must never be an option for me to do. It is not the best thing and not even the right thing. But I just can't stop myself from l-o-v-e-ing him. Masarap ang bawal? Tama siguro yun. Masarap kahit masakit. Masarap kahit hindi dapat.

At sa huling nota ng tinutugtog ko ay tumulo ang luha ko. Pero agad ko ding pinunasan.

Tumayo ako at nag-bow sa harapan ng lahat. At lahat sila ay nagpapalakpakan. Tinignan ko yung mga cancer patients. Nakangiti silang lahat. Napatingin ako kay Titus na nakangiti din. Parang epidemia yung ngiti at nahawaan na din ako. 

"WE LOVE YOU ATE AERITH!!!" sigaw ng mga bata sa likuran. Tumingin ako at nakita ko na si Eros ang may pakana ng lahat. Nagthumbs up pa siya. Mas lumapad yung ngiti ko. Sadyang nakakataba ng puso yung ngiti ng mga bata.

For the first time sa buong buhay ko, I feel so lucky to be given a chance to play in front of these people.

Nagthank you lang ako sa kanilang lahat. At bababa na sana ako hagdanan ng biglang may humawak ng kamay ko... Si Titus.

"Ang galing mo. Congrats.nakangiti niyang sinabi sa akin. This is the thing about 'sa mga bagay na hindi pwede'. The temptation will always got to be there. 

"Salamat.nasabi ko lang sa kanya, medyo ngumiti, at tumalikod na.

"Sa wakas, nginitian mo rin ako."

Kung nalaman mo kaya kung sino talaga ako, gugustuhin mo pa din kayang ngumiti ako. Siguro isusumpa mo kong malungkot na lang lagi.

"Titus, may sasabihin ako sayo..."

Eto na. Eto na siguro yung pinaka-tamang oras para sabihin ko sa kanya ang totoo. Since ilang linggo na lang matatapos na din ang unang semester. Huminga ako ng malalim. Nakatingin lang siya sa akin. Parang natutuyo na yung lalamunan ko pero kailangan ko pa ding sabihin.

"Titus..."

Bigla siyang ginuyod nung mga bata para magpa-picture sa kanya. 

Nginitian niya ako uli na parang nagsasabi na next time na lang.

Naiwan lang akong nakatayo doon. It took me a lot of time and courage to tell him the truth. Tapos nung nahanap ko na yung tamang oras at lakas ng loob. Naudlot pa.

Biglang dumating si Eros. "Okay ka lang?tanong niya sa akin.

"Aaa.. Oo."

"Ano? Uwi na tayo?"

"Sige."

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...