Always Have, Always Will: In...

By amedrops

240K 1.7K 689

(COMPLETED) Si Chace ay childhood friend at first love ni Nathalie pero simula nung nalaman ng dalawa na ipin... More

-Prologue-
-One-
-Two-
-Three-
-Four-
-Five-
-Six-
-Seven-
-Eight-
-Nine-
-Ten-
-Eleven-
-Twelve-
-Thirteen-
-Fourteen-
-Fifteen-
-Sixteen-
-Seventeen-
-Eighteen-
-Nineteen-
-Twenty-
-Twenty One-
-Twenty Two-
-Twenty Three-
-Twenty Four-
-Twenty Five-
-Twenty Six-
-Twenty Seven-
-Twenty Eight-
-Twenty Nine-
-Thirty-
-Thirty One-
-Thirty Two-
-Thirty Three-
-Thirty Four-
-Thirty Five-
-Thirty Six-
-Thirty Seven-
-Thirty Eight-
-Thirty Nine-
-Forty-
-Forty One-
-Forty Two-
-Forty Three-
-Forty Four-
-Forty Five-
-Forty Six-
-Forty Seven-
-Forty Eight-
-Forty Nine-
-Fifty One-
-Fifty Two-
-Fifty Three-
-Fifty Four-
-Fifty Five-
-Fifty Six-
-Fifty Seven-
-Fifty Eight-
-Fifty Nine-
-Sixty-
-Sixty One-
-Sixty Two-
-Sixty Three-
-Sixty Four-
-Sixty Five-
-Sixty Six-
-Sixty Seven-
-Sixty Eight-
-Sixty Nine-
-Seventy-
-Seventy One-
-Seventy Two-
-Seventy Three-
-Seventy Four-
-Epilogue-
-Author's Message/ AHAW Book2-

-Fifty-

2.9K 15 8
By amedrops

Chapter 50

Author’s Message

Tayo’y magiiskip ng maraming araw dahil wala pa namang significant na mga nangyayari... alam niyo naman na si Nathalie at Venedict na at si Chace ay nakalugmok sa kalungkutan. Ganun ba iyon? Haha. Tapos ayun, may tumawag sa kanila na boses  baboy, alien at kotse? Sino naniniwala sa kotse? Pagpasensyahan niyo na si Seth. Ganyan talaga siya.

August 11, Saturday

Chace’s Point of View

“Eto lang po yung mga nakalap naming impormasyon. Mahirap silang i-track. Disposable cellphones lang ata ang ginamit na pantawag sa inyo kaya hindi rin namin ma-trace.”

Ano? Matagal silang nang-imbestiga pero wala silang nakuhang impormasyon. Isang bondpaper lang ang nakuha nila? Ngayon lang ata pumalya ang information system nila Nate ah. Kadalasan kasi kapag may gustong madiskubre si Nate, oras lang ang inaabot pero marami nang impormasyon. Ano ba kasi yung mga pesteng mga tumawag na iyon? Sa oras na makita ko sila, babangasan ko sila isa-isa? O baka naman isang tao lang yung tumawag na iyon? Iyon ang hindi ko alam.

“Sige, salamat nalang. Nasa bank account niyo na yung deposit.”

“Salamat po.”

Umalis na yung kwarto yung pinag-utusan ni Nate. Ano nga ba negosyo nitong pamilya ng lalaking ito? Chains of Hotels ang Resorts. Pero marami silang koneksyon kaya madali lang silang nakakakuha ng impormasyon. Allies nga pala yung mga kompanya ng pamilya namin... bawal malugi kaya kapag mayroong kompanya na nanganganib na malugi, tulungan nalang. Saan kayo nakakita ng mga kompanya na ganun kababait? Mabait nga ba? Oo, sa kaibigan lang pero sa iba. Sorry nalang sila. Nananagasa kami.

Tinititigan lang ni Nate yung papel na iniabot sa kanya nung tauhan nila. Nakakunot pa yung noo. Ano ba yung nandun?

“Ano meron dyan?”

Hindi siya sumagot kaagad at mukhang pokus na pokus siya doon sa papel. Ano bang meron dun? Nilapitan ko na siya at sinubukan kong tingnan rin kung ano yung nakasulat doon sa papel.

Eros Gang?

Nakalaban namin yun dati ah at natalo na sila sa amin. Sumugod pa nga sila sa school namin at mga pesteng nandamay ng iba. Ano problema nila ngayon?

“Pre, ano ba nakasulat dyan?”

Ibinaba niya yung papel at seryosong tumingin sa akin.

“Yung nakalaban natin dati, hindi pa daw iyon ang kabuuan ng Eros Gang... hindi rin kasama doon yung leader nila. Tauhan lang yung mga iyon.”

Ano? Eh ang dami na nung sumugod dati ah. Ibig sabihin hindi pa yung mukhang palaka ang leader na iyon? Ibig sabihin pilingero lang siya? Kupal naman oh.

“Ibig sabihin nun?”

“May kutob ako na susugod ulit sila.”

“Gaano ba sila karami?”

“Hindi nakalagay dito kung gaano na sila karami pero sa tingin ko matatag sila at sobrang dami nila. Hindi sila mahinang kalaban. Kung sakali bang susugod sila, kakayanin kaya natin?”

“Hindi ko alam. Anim lang tayo eh paano kung isang batalyon iyan?”

Tumahimik kami nang sandal. Pucha. Namroblema ako ng wala sa oras. Hindi naman sa natatakot ako sa kanila. Eh kahit nga ako lang sampolin nila pero paano na kung ang marami nilang miyembro ay sumugod sa school namin lahat. Paano na? Maraming madadamay. Yung mga babae, paano na? Yung mga first year na wala pang kamalay-malay sa mga pinagdadaanan ng school namin dati... paano na?

“May naisip ako...”

Okay. May light bulb na ba siya sa ulo? Ako wala eh...

“Ano iyon?”

“Buhayin mo ulit yung binubuo mo dito... 12 members. Sa tingin ko, kaya yun.”

Napatingin ako sa kaniya. Matagal na iyon, junior high palang kami. Pero sa ganung edad eh sa kung saan-saan na kami napapasok. May binuo ako nung third year ng junior high... 12 members... kaming anim... at yung mga kaibigan ng kapatid ni Nathalie, sina Dominick. Malakas na pwersa ang 12 members na iyon. Kahit kaunti lang, kaya naman. Papayag kaya sila?

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”

“Yun lang ang naiisip ko, pre. Mahirap pag anim lang tayo o baka mamaya dalawa lang tayo.”

Oo nga. Tama siya. May punto siya. Paano ko nga ba bubuuin ulit iyon? Pag-iisipan ko muna.

Dominick’s Point of View

Pauwi na ako galing sa lintek na trabahong iyon. Bakit kasi may emergency sa Paris at hindi tuloy natuloy ang pag-uwi ni mommy. Gusto-gusto ko nang lumayas doon sa bahay na iyon. Nakakasakal na.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng tumunog bigla yung cellphone. Hulaan ko kung sino. Kyla? Micky? Ria? Kitchie? Di ko alam eh... dami eh. Hindi ko nga sine-save yung number nila. Bahala nalang sila tumawag. Sumandal muna ako doon sa may railing at saka ko sinagot. Wala naman sigurong snatcher dito dahil may guard doon sa kabilang dulo.

Kinausap ko lang si... Anne pala... hindi ko naisip na tatawag siya. Anong school nga ba siya? Hindi ko tinandaan. Anong year na nga ba ito? Hindi ko rin alam eh. Wala akong tinatandaang detalye sa mga nakakalaro ko. Pangalan lang. Talent ko iyon. Madali akong makatanda ng pangalan at mukha. Pakita ka sa akin at tatandaan kita. Isa lang ang babae na tinatandaan ko ang lahat ng detalye tungkol sa kanya.

Nasa harapan ko siya ngayon at sumisigaw. Teka. Anong meron. Pinatay ko yung cellphone ko at ibinulsa.

“SA LIKOD MO!!!”

Ano? Likod?

Napatingin tuloy ako. Teka. Bakit may malaking bakal dito... mukhang iniwanan na. Tumingin ako sa magkabilang direksyon at nakita kong mabilis na tumatakbong lalaking nakaitim. Problema nun. Nilapitan ako ni CC.

“Akala ko mahahampas ka na niya...”

Mukha siyang namumutlang ewan.

“Okay ka lang?”

Hinampas niya ako. Aray. Ngayon lang ata may nanghampas sa akin na babae. Pambihira. Kahit nga ate ko, hindi ako hinahampas-hampas eh.

“Baliw ka ba. Syempre hindi! Sino magiging okay kung.... na makikita niyang hahampasin ng kung sino.”

Hindi ko naintindihan ang lahat ng sinasabi niya. Pero isa lang ang alam ko, concerned siya? Parang gusto kong tumalon sa dagat ah. Nakakatuwa naman.

“Sorry...”

“Ikaw naman kasi eh. Dapat tumitingin ka sa paligid... hindi yung nakikipag-usap ka lang sa mga bwiset mong babae.”

BOOM. Paano niya nalaman? O sikat na sikat na talaga ako na ganito? Nakakahiya naman. Magpalit na kaya ako ng number para wala nang manggugulo sa akin na mga “babae”. Sige, ganun na lang... tapos kapag may nagtatanong ng number ko, ang ibibigay ko ay yung dati pa rin para masaya. Napakasama ko naman talaga. Pero may mas masama pa sa akin, hindi ba?

Kenneth’s Point of View

“Net, sakay tayo dun oh.”

Tinuro sa akin ni Emily yung ferris wheel. Kahit kailan talaga ang hilig niya sa rides. Hindi na siya nagbago. Hindi niyo pa ata ako kilala, maigsi lang ito. Kenneth nga pala. Kaibigan ni Nick. Tapos yung kasama ko naman ay si Emily, nakababatang kapatid ni Kuya Craig. Nasa amusement park kami ngayon dahil may batang biglang nag-aya. Best friend ko nga pala si Emily bukod kay Nick na siguro ngayon ay nambababae nanaman. Joke. Basta gawain niya iyon. Nakailan na ba siya? Hindi ko alam eh.

Naglalakad lang kami papunta doon sa ferris wheel nang naramdaman kong parang may sumusunod sa amin. Hindi ko lang siya pinansin. Baka akala ko lang iyon. Malapit na kami sa ferris wheel pero mayroon pa ring sumusunod.

“Emily, sandali lang. Diyan ka lang ah. Huwag ka aalis dyan.”

Pinatabi ko siya doon sa may gwardiya... sumunod naman siya kaagad. Buti nalang masunurin siya. Hindi na ako nahirapan. Naglakad ako ng mabilis palayo. BINGO. Ako yung sinusundan. Problema niyo? Hindi pa naman ako palaban. Kung pinilit nila ako, tsaka lang ako aaksyon. Doon ako tumigil sa may tabi ng isang puno. Wala masyadong tao doon. Hindi, wala pala talaga.

Tumayo lang ako doon... hindi siya lumalabas pero alam kong nandun lang siya. Hindi ko siya nakikita pero alam kong nakikita niya ako at iyon ang nakakainis.

“Alam kong nandyan ka. Lumabas ka na.”

Tanga na kung tanga. Kaya ko naman siguro siya kung saka-sakali... pero ang nakakainis. Walang lumalabas. Nakakainis. Bahala siya.

“Kung ayaw mong lumabas, edi wag. Huwag mo nga kaming sundan. Istorbo.”

Nakakainis. Naglakad na ulit ako pabalik kay Emily. Wala na yung sumusunod. Ano nangyari dun? Lakas ng trip niya ah. Nakakainis lang.

“Saan ka ba nanggaling?”

“Dyan lang. Tara na.”

“Sira. Pipila pa tayo.”

“Okay.”

Panira ng araw yun. Ano ba pakay niya at kailangan pa niya akong sundan?

To be continued~

Author’s Message:

Pasensya na. Message ulit. Nakakainis na ba? Gusto ko lang kayong sabihan na madaragdagan ng lalaking characters ang story na ito. Hindi siya masasama sa lovestory ah. Wag kayong mag-alala. Dalawang team lang ang meron dito. Team Chace o Team Vene?

LOL. Basta lalaking chara... pero hindi nila kasing edad... kasing edad ni Dominick. Okay lang? Mapaghahalata ang kaadikan ni author.

Continue Reading

You'll Also Like

695K 7.2K 35
‎"When two hearts are meant for each other, no distance is too far, no time is too long and no other love can break them apart." Matapos ang ilang ta...
26.1K 907 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
45.6K 2.4K 51
What will you do to be noticed by your ultimate crush?
30K 2.2K 78
Just when you thought everything's falling into its place... Shit happens.