[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #21

509 15 1
By lettersfromdee

A/N: At talaga nga namang na-isingit ko pa 'to kahit may exams pa ako bukas. Sobrang haba pa. Dedicated to TilapiangWriter. Thank you so much for appreciating my work. Salamat din sa mga sumusubaybay at nagbabasa nito. Teleserye lang ang peg. Pasensiya sa matagal na update. Nakaka-stress ang school works. Sorry for the typos. Enjoy!

Revenge #21: Celebrating the fall.

“Wuhooooo! Let’s party!” Sigaw ni Faye sa gitna ng ingay sa paligid. Itinaas niya ang dalawang kamay at winagayway ito. May hawak siyang kulay asul na inumin sa kanang kamay at natapon ito. Natawa lang siya dahil natalsikan siya saka nilapag sa lamesa namin ang baso.

Napayuko na lang ako. I am 100% sure that she’s drunk. Nahuhulog na ang isang strap ng dress niya. Mataray at hindi ganyan ka-wild si Faye kapag nasa matinong pag-iisip siya. We were inside a bar. Naka-upo kaming dalawa ni Den samantalang sina Rain at Jat ay nagwawala sa dance floor.

Umupo siya sa tabi ko at hinila ang braso ko. “Come on, Snow. Let’s party!!” Parang batang sabi niya. Hinila niya ako patayo pero hindi ako nagpatinig. I remained firm.

She pouted. “Ano ba yan? Bakit ang kill joy mo ngayon? We need to celebrate your victory! Our victory!” She shouted. Oh please, she was so annoying.

Nagkibit-balikat lang ako at hindi ko siya pinansin. She kept on disturbing me. Panay ang atungal niya sa tabi ko. Nagsawa na rin siya siguro dahil umalis siya pagkalipas ng limang minuto. Bumalik siya sa dance floor at doon nanggulo. Kinuha ko ang isang can ng beer at ininom ito. Pinagmasdan ko ang paligid. Nakakasilaw ang neon lights na sumasayaw sa maingay na tugtog ng bar.

We were celebrating for my victory. But I am not happy. Hinanap ko sa kaloob-looban ko ang kahit katiting na saya pero wala akong matagpuan. I felt empty. Hindi ako nakaramdam ng guilt pero hindi naman ako masaya. Bakit? Kasi hindi ako iyong nasaktan ni Miguel? Napatitig ako kay Rain na may kasayaw na lalaki. Is she happy? Nararamdaman ba niya ang hindi ko maramdaman? Masaya kaya siya sa ginawa ko? Natakpan kaya lahat ng butas sa puso niya dahil sa nasaksihan niya kanina? Nawala ba ang lahat ng sakit?

Pinilig ko ang ulo ko para mawala sa utak ko ang mga bagay na iyon. I shouldn’t think about it. Dapat nagsasaya ako. Karapatan ko iyon. I waited for almost four months and finally, all my sacrifices paid off. Nagtagumpay ako! Parang gusto kong pukpukin ang sarili ko o kaya ay sumigaw ng pagkalakas-lakas. Nagtagumpay ako! Napaiyak ko si Miguel! God, I don’t know what to feel or do. Bakit hindi ako masaya? I can't help but question my self.

Huminga ako ng malalim at inisang lagok ang hawak kong can ng beer. Tumayo ako. Inayos ko ang damit ko. I am wearing a short high neck lace dress. Kulay itim ito. Inayos ko ang nakakulot kong buhok at nagtaas ako ng noo. I am Snow Agatha Vasquez and I made Miguel Patrick Robles cry. Therefore, I should celebrate. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Nagsimula akong humakbang papunta sa dance floor. Tinitigan lang ako ni Den habang umiinom siya ng Iced Tea. Hindi ko siya masisisi. Pinilit lang siya ni Rain na sumama dito. She hates going to bars and partying. Napapadpad lang siya sa mga ganitong high-end bars kapag may gig kami.

I fought my way to the center of the dance floor. Marami akog nabangga at marami ding nakabangga sa akin. Pinunasan ko ang braso kong malagkit dahil sa pawis ng mga nasasagi ko. Nang makarating na ako sa gitna ay nakahinga ako ng maluwag. I turned around. Nagtakip ako ng mukha. Darn, ang sakit ng mata ko. May lumapit sa aking lalaki. He's probably in his early twenties. Hinapit niya ang bewang ko at inilapit niya ako sa kaniya. Napahawak agad ako sa dibdib niya.

Umangat ang sulok ng labi niya. "Hi Sweetie!" Malambing niyang sabi. "Do you mind if we dance?"

Napasimangot ako. "Who the hell are you?" Matigas kong sagot. I immediately yanked his hands from my waist.

I shook my head. Sa mga ganitong pagkakataon ako naiinis kapag nagpupunta sa bar. May biglang lalapit na lang sayo at makikipagsayaw without even receiving an invitation. Paano kung ayaw ko di ba? Paano kung pumunta lang ako dito para maglasing? Not to mingle with some random guys.

"Why are you so grumpy, Sweetie?" Malambing niyang tanong sa harap ko. He is handsome, alright. Matangkad siya. Hanggang balikat lang niya ako. He is wearing a blue polo shirt and khaki shorts. Halatang easy-go-lucky siyang tao.

I raised my eyebrow. Inirapan ko siya at tumalikod. Maling-mali ang desisyon kong pumunta dito. Nagsimula na akong sumiksik sa maraming tao. May humawak sa kamay ko at bigla akong hinila. Napalingon ako. Siya ulit. Hindi ba 'to nakakaintindi na ayaw ko?

May inilagay siyang isang baso ng inumin sa palad ko. Based on the color of what I'm seeing which is yellow and orange, it is a cocktail drink. Tequila Sunrise.

"Bakit ba ang kulit mo? Ayaw kong makipagsayaw sayo, okay?" Wika ko saka ibinigay sa kaniya ang hawak ko.

He folded his arms. "If you don't wanna dance with me, you can atleast drink that one." Turo niya sa kanina ko pa ibinibigay sa kaniya.

I rolled my eyes. One rule I learned from going to bars is to not accept a drink from a stranger. Malay ko ba kung ano ang inilagay niya diyan. Baka mamaya ay magising na lang ako bukas ng umaga na walang saplot sa isang kwartong hindi ko alam kung sino ang may-ari. Ayoko kong mangyari 'yun.

I shook my head once again indicating that I don't want it. Muli kong inabot ito sa kaniya pero sunod-sunod na iling lang ang naitugon niya.

I sighed. "Alin ba sa salitang 'ayaw ko' ang hindi mo maintindihan? Bakit ba ang kulit mo?" Malakas kong sabi. Darn.

Inikot ko ang paningin ko. I saw two girls dancing. Agad akong lumapit sa kanila. Kinalabit ko ang isang blonde ang buhok. Nagtataka ako nitong tinitignan. I handed her the drink and she gladly accepted it.

Mas lalo akong lumapit sa kaniya at bumulong. "That guy there.." Turo ko sa lalaking nakamasid sa amin. "..wants to dance with you." I smiled sweetly and turned my back.

Lumiihis ako ng daan para hindi ko makasalubong ang lalaking 'yun. Mabilis akong bumalik sa lamesa namin. I saw Rain and Jat there. Wala na si Den doon. Si Jat ay tumatawa sa kung anong nasa cellphone niya samantalang si Rain ay umiinom naman ng beer. Hindi mo ma-iialis sa kaniya ang malawak niyang ngiti.

Umupo ako sa harap ni Rain, sa tabi ni Jat. Sumilip ako sa cellphone niya at nakita kong may pinapanuod siyang video roon.

"Naririnig mo ba 'yan? Ang ingay dito tapos nagawa mo pang manuod?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Nakahilig ako kaya alam kong naririnig niya ako.

She looked at me. Her eyes were puffy. Alam mong lasing dahil mapupungay ito. Namumula din ang pisingi niya at magulo na rin ang kaninang naka-french braid niyang buhok. Summer Jane is a mess. I don't see her like this often.

"Are you drunk, Snow? Of course I can hear this! I have this thing called sixth sense. Kaya kong makarinig ng kahit anong ingay. Even from a mile away." She chuckled. Bumalik ang paningin niya sa pinapanood.

Napa-face palm na lang ako. Baliw. "At ikaw pa talaga ang nagtanong kung lasing ako." Komento ko. Nakinuod na din ako kahit na hindi ko naman ito marinig dahil sa sobrang ingay ng paligid.

Nasa isang puting kwarto ang senaryo sa video. Naglalakad ang kumukuha nito papalapit sa kama. Papalit sa lalaking natutulog. The camera focused on the guy's face and I gasped upon seeing who it is. Maputi, magulo ang itim na buhok, matangos ang ilong at mapula ang labi.

Napailing ako. "You are watching it again, Jat? Pang-ilang beses na 'yan? You know it wasn't healthy." Litanya ko. Kailan ba susuko itong pinsan ko? Kailan niya ba matatanggap na wala na siya?"

Napatingin siya sa akin. "What's wrong about it? He looks cute while sleeping. Look at it." Itinapat niya ang cellphone niya sa mukha ko. Halos maduling ako sa kakatingin. "Look at it. Look at it!" Parang batang wika niya.

Hinawi ko ang cellphone niyang halos dumikit na sa mukha ko. "It's not cute, Jat. Can you stop it?" Inis na wika ko.

She pouted. Napatingin siya sa hawak niya. "He's cute. Can't you see it?" Naka-labing pahayag niya.

"I can't. Pwede bang tigilan mo na 'yang kakapanood ng video niya? Wala na siya, Jat. He will never ever come back!" 

Tinignan niya ako ng masama. "He will come back. Sabi niya papakasalan niya pa ako. Umalis lang siya para mag-ipon ng pera. He will come back! Bukas babalik na siya!" Atungal niya.

She started to cry. Noong una, tahimik na pag-iyak lang. Her tears were rolling down from her eyes. Sunod ay bigla nang nagkatunog. Hanggang sa naging ngawa na ito.

"He will come back. Babalikan niya ako. Babalikan." She keeps on muttering.

Nagtataka kaming tignan ni Rain na kanina ay nakasubsob na sa lamesa. Maging ang mga tao sa katabi naming lamesa ay napatingin din sa amin. They looked at Jat as if she came from another planet.

"What the fuck, Jat? Will you stop that? You're annoying." Inis na komento ko. Inabutan ko siya ng panyo pero tinabig niya lang ang kamay ko.

Rain stared at us weirdly. "What did you do?" Tanong niya sa akin bago bumaling kay Jat. "Did your pet died?" She asked.

Hindi sumagot ang kausap niya sa halip ay ipinagpatuloy lang nito ang pag-ngawa. Nanlaki ang mga mata ni Rain. "OMG, Pandora died? Anong nangyari? Did you give her the funeral she deserves?"

Napatanga na lang ako. What the hell? Bakit ko ba kinakausap itong mga lasing na ito? Nasaan ba si Denisse?

Hindi siya sinagot ni Jat. Ang tanging ginagawa lang nito ay umiyak ng umiyak. She also keeps on saying 'Babalikan niya ako.' Nagulat ako nang tumayo si Rain at tumabi sa kabilang gilid ni Jat. She hugged her and said something to her na ikina-iling ko na lang.

"Ano ka ba naman? She will not come back. She's dead. I knew there's a saying that cats have 9 lives but don't expect too much. Masakit umasa, Jat." She said while tapping Jat's back.

Fuck. Ano ba ang nangyayari sa dalawang 'to? Sinapian ba sila na kung ano? Parang bumalik sila sa pagkabata. Dinaig pa ang 3 years old. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Den na akay-akay si Faye malapit sa amin. Faye looks wasted. Mas malala ang itsura niya ngayon. May hawak din siyang panyo at pinupunasan ang bibig.

Pina-upo ni Den si Faye sa tapat ko. Agad siyang humilig sa lamesa at ipinikit ang mga mata.

Nagtataka akong binalingan ni Den. "Anong nangyari?" Kalmado niyang tanong habang itinuturo ang dalawang kanina pa nagyayakapan. Umiiyak pa rin si Jat at hinahaplos naman ni Rain ang ulo niya.

"They're drunk." Deklara ko. Hindi ba halata? I glanced at my watched and frowned upon seeing the time. Twelve-thirty five. "Uwi na tayo. Lagpas alas-dose na. Malalagot na naman tayo."

Tumayo na ako at kinuha ko ang bag na dala ko kanina. Lagot na naman kami. School night pero heto't nasa bar pa rin kami sa disoras ng gabi. The truth is, we didn't ask for our parents permission. Kahit kay Nanay Delia ay hindi ako nagpaalam. Matapos nang eksena kanina sa soccer field ay nagkayayaan sila Faye na magbar. To celebrate of course. Doon kami nagpalit sa bahay at nagpaalam lang na magdidinner sa isang restaurtant. Yes, we ate at Bistro Remedios then we headed here to party. At ngayon ay alas-dose na. Sigurado akong kanina pa kaming lima pinaghahanap.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang cellphone. Hindi ko na ito mabuksan kaya paniguradong lowbatt. Hinila ko na si Jat palayo kay Rain at inalalayan ko siyang tumayo.

Tinabig niya ang kamay ko. "Don't touch me! Inaway mo ko kanina tapos ngayon hahawakan mo ako?" Inirapan niya ako.

"Let's go home, Jat. You're drunk." Mahinahon kong sabi.

"I am not. Ikaw ang lasing." Singhal niya sa akin. Bumaling siya kay Rain. Pinunasan niya ang mga luha at ngumiti. "Come on. Let's party!" Hiyaw niya. Iwinagaynay niya ang dalawang kamay at sumayaw-sayaw.

Damn it!

Tumingin ako kay Den. Sinenyasyan ko siyang hawakan si Jat at ako naman ang bahala kay Rain. Tumango siya at sumunod. Kinuha niya ang kamay ni Jat at bumulong dito. Bigla namang natahimik si Jat. Binalingan siya nito at ngumiti. Kumislap pa ang mga mata niya.

"Really? Makikita natin si Brylle sa bahay? Umuwi na siya?" She asked enthusiatically.

Unti-unting napatango si Den. Sa lahat ba naman nang sasabihin ay iyon pa? Ewan ko ba dito sa mga pinsan ko.

Napatalon si Jat sa tuwa. "Yehey!" She clapped her hands. "Tara uwi na tayo!" Anyaya niya sa amin.

Napailing na lang ako at kinuha si Rain. Mabuti na lang at hindi na ako pinahirapan nito. Sumunod siya sa akin. Kinalabit ko si Faye na nakahilig pa rin sa lamesa. Mukhang tulog na.

"Hey, Faye. Gising!" Niyugyog ko ang balikat. Inangat niya ang ulo niya at napatingin sa akin.

Humikab siya at kinusot ang magkabilang mata. "Bakit?" Tanong niya.

"Let's go home." Wika ko habang naka-alalay kay Rain.

Tumango siya at tumayo. Nasapo niya ang ulo niya. "Damn it. My head hurts." Sabi niya pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

Nasa unahan ako habang hawak si Den. Sa tabi ko ang inaantok pa na si Faye at sa likod naman namin si Den na kasama ang kanina pang tumatawa na si Jat. Nagawa naman naming makikipagsiksikan sa maraming tao. Kung ano-anong amoy na rin ang nalalanghap ko. Pinaghalong alak, sigarilyo at pawis. Nakakasuka. May mga humaharang sa amin na gustong makipagsayaw at agad ko naman silang pinandidilatan ng mata. Nakakabwisit.

Malapit na kami sa pintuan ng makarinig kami nang pagkabasag. Naputol ang tawa ni Jat. Napatili si Faye at nabitawan ko si Rain. Halos magkasabay kaming napalingon pabalik. Madilim at nagsasayawan pa rin ang mga berdeng ilaw pero kitang-kita ko ang dalawang lalaking nagsusuntukan. May natabig silang lamesa at nahulog ang mga laman nito. Mula sa yelo, sa mga bote ng alak, sa can ng beers, sa mga baso. Lahat natapon at nabasag.

Tumitili ang mga nasa paligid at halos mapahiyaw ako kapag nakikita kong tumatama ang suntok ng bawat isa sa kani-kanilang mga katawan. May mga umaawat pero hindi nagpapigil ang dalawa. Maya-maya'y dumating na ang mga bouncers. Binuksan ang ilaw sa bar, nahinto ang tugtog at napatigil ang mga sumasayaw. Inawat ang dalawa. Napamura iyong lalaking naka-puting t-shirt. Bumaling siya sa direksiyon namin at pinunasan ang labing dumudugo. Napasinghap ako. I knew him. Bakit siya nandito? Sinong kasama niya? Minura niya ang kaharap na lalaki habang may isang bouncer na nakahawak sa kaniya.

Minura siya pabalik nang kaaway. The difference was, it's english. Halos sumayad sa sahig ang panga ko ng makita ko kung sino ang lalaki. The guy who wants to dance with me earlier! Tumutulo ang dugo mula sa ilong niya. 

"Tang-ina pare. Marunong ka ba tumingin sa dinadaanan mo?!" Singhal ng isa.

Sumagot iyong lalaking nakausap ko kanina. "I have eyes, of course." He stated obviously.

"Gago ka ba? Wag kang pilosopo. Nambangga ka na nga, mantatapon ka pa ng alak? Gusto mong buhusan kita ng beer? Fuck you!" Sigaw nito. 

"Fuck your self, bro!" Matigas na wika ng kaharap.

Susugod na sana ulit ang isa nang pigilan siyang muli ng bouncer. Nanggagalaiti ito sa galit. Namumula ang mukha niya at mapupungay ang mata. Nakakuyom ang dalawang kamao at nag-uugat ang kamay. Kumalat ang pulang dugo niya sa puting t-shirt. He was a mess. Wala ba siyang kasama? Asan ang mga kabarkada niya? Bakit mag-isa siya dito?

 Hindi na ako nakatiis. "Miguel!" Sigaw ko.

Napalingon siya sa akin. Pinunasan niya ang labi niya. "Snow?"

Mabilis akong nagtungo sa kaniya. Iniwan ko ang mga pinsan ko sa kinatatayuan nila. Hinawakan ko ang braso ni Miguel. "Anong nangyari sayo? Why are you here?" Tanong ko.

Hindi niya sinagot ang mga tanong ko sa halip ay itinuro niya ang kaaway niya. "Tang-ina kasi niyan. Gago ka. Wala ka bang magawa?" Galit na utas niya sa kaharap.

"I said my sorry you idiot. But you punched me so I gladly gave it back. What's wrong with you?"

Bumaling ako sa nagsalita. Nagulat siya pero agad na ngumiti. "Hey Sweetie!" Sabi nito.

Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Miguel. "Kilala mo, Snow? Kilala mo pala 'yang gagong 'yan?"

Umiling ako. "Sorry." I muttered to the guy in front of me. Humingi din ako ng patawad sa mga bouncers. "Pasensiya na po. Lasing itong kaibigan ko. Pasensiya na talaga. Babayaran ko na lang po 'yung mga nasira." Sabi ko.

The guy who kept calling me Sweetie chuckled. "No need. I can pay for it." Kinuha niya ang wallet sa bulsa at kumuha dito ng pera. Puro asul ang nakikita ko. He handed it to the bouncer. "I hope it's enough." Sabi niya at bumaling sa akin. "For you, Sweetie."

Napamura ako sa isip ko. Nabugbog na nga lahat nagawa pang lumandi. Kapag talagang mga haliparot, walang lugar at pagkakataon na sinasanto.

"Thanks." I retorted. Hinila ko si Miguel palapit kela Den. Mabuti na lang at nagpahila siya pero panay ang mura niya at tanong kung bakit daw ako nagpasalamat sa gagong 'yun. Alangan naman awayin ko di ba? Mabuti nga at binayaran nito ang mga nabasag nila dahil hindi ako ang magbabayad nun. Huwag silang umasa.

Parang nawala ang pagkalasing ni Rain nang makita si Miguel. Bilog na bilog ang mga mata niya at nakaawang ang bibig.

"Close your mouth, Rain. Let's go home." Sabi ko at hinila na rin siya.

Mukhang hindi siya napansin ni Migs dahil hindi man lang siya binalingan nito. Naglakad kami palabas. Patungo sa parking lot. Hindi ko mayakap ang sarili ko nang makalabas kami dahil bitbit ko ang dalawa. Sobrang lamig ng hangin.

"Where's your car?" Tanong ko kay Migs.

"I don't know. Can you just drop me home?" Sabi niya. Tumango na lang ako.

"Snow, bakit ang lupit sa akin nang tadhana? Tang-ina. Pinahiya ka na nga ng babaeng mahal na mahal mo, nabugbog ka pa ng siraulong walang magawa kung di mangbuhos ng alak. Tang-ina." Inis na sabi ni Miguel habang nakayuko. Pagewang-gewang siya sa paglalakad kaya inilagay ko ang kamay niya sa balikat ko. Halos mapa-upo ako sa bigat niya. Nabitawan ko si Rain. Lasing na lasing siya. 

Tumingala siya saglit bago nagsalita. "Lord, pwede bang paki-reserve na lang ang iba bukas? Quotang-quota na ako. Sobrang sakit na."

Natigilan ako pero wala pang sampung segundo ay ipinagpatuloy ko ang paglalakad.

"Fucy you, life. Fuck you." Sabi niya. Paulit-ulit siya nagmura. Iba't ibang mura ang narinig ko sa kaniya.

Maya-maya'y natahimik siya. Binalingan ko siya at alam kong umiiyak siya. His shoulders were moving. Nakarating kami sa kotse ni Faye. Pinapasok ko si Migs sa pinakalikod at agad siyang sumunod. Pinupunasan niya ang luha at ang labi na kanina pa dumudugo gamit ang kamay niya at pinagid ito sa t-shirt niya. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunas ko sa mukha niya.

Aalis na sana ako para lumipat sa unahan pero pinigilan niya ako. Wala akong nagawa kung di ang umupo sa tabi niya. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at pumikit. Nagpatuloy siya sa pag-iyak. Sinenyasan ko si Jat at Rain na tumabi sa amin. Si Faye naman ang nasa likod ng driver's seat at si Den sa front seat.

Naging katakot-takot ang biyahe namin patungo sa bahay. Halatang may tama pa si Faye dahil pagewang-gewang siya kung magdrive. Tumitigil kapag green light at tumatakbo kapag red light. Isang beses ay nahuli kami dahil lumiko siya sa bawal mag U-turn. Mabuti na lang at napaki-usapan ni Den ang traffic enforcer.

Lagpas ala-una na nang makarating kami sa bahay. Bumusina si Faye at agad kaming pinagbuksan nang guard namin. Isa-isa silang bumaba at kami na lang ang naiwan. Ginising ko si Miguel pero hindi siya gumagalaw. Tulog na tulog siya. Limang minuto ang nakalipas bago ako binalikan ni Den.

Dumungaw siya sa loob ng kotse. "Snow, why are you still there? Galit na galit si Tita Klare." Sabi niya.

"Look at me, Den. Sa tingin mo makakakilos ako?" Sabi ko at itinuro si Miguel.

She sighed. Tumayo siya ng maayos at tinawag si Kuya Dante, ang guard namin para alalayan si Miguel.

He's drunk at hindi pa rin siya gumigising. Nakalagay ang isa niyang kamay sa balikat ko at ang isa naman ay na kay Kuya Dante. Binuksan ni Den ang front door at kitang-kita ko sila Mama at Nanay Delia sa sala. I'm doomed.

My mother's eyes lingered on Miguel. "Dalhin niyo muna 'yang bisita niyo sa guest room. And you should better go down here, Snow Agatha. We have a lot of things to talk about." Banta ni Mama.

Pahirapan sa pag-akyat kay Miguel sa taas. Sobrang taas ng hagdan namin at sobrang bigat niya. Kahit anong kurot ang gawin ko sa kaniya ay hindi siya magising-gising. Ibinagsak namin siya ni Kuya Dante sa kama at kinakabahan akong bumaba.

Naabutan ko sila doon na tahimik. Hinihintay ako. Nakayuko silang apat at matalim ang titig sa kanila ni Mama.

Napayuko ako habang pinaglalaruan ang daliri ko. Na-upo ako sa tabi ni Faye. Hindi pa nga naglalapat ang pwet ko sa sofa ay nagsalita na si Mama.

"Alam niyo ba kung anong oras? It's 1:43am and yet kakauwi niyo lang!" Galit na sigaw ni Mama. "Kanina pa ako tinatawagan ni Ate Diana, Ate Rowena at ni Samantha. Pati ni Kuya Rafael. Tinatanong kung nasaan na kayo. Ang paalam niyo lang sa akin kakain kayo sa labas! Saan kayo nagpunta?!"

Kinalabit ako ni Faye. I know. I should answer her. Napahinga ako ng malalim bago sumagot. "We went to a certain bar, Ma. Nagkayayaan lang." Mahina kong sabi.

"At hindi kayo nagpaalam?!" Kasalungat ng boses ko ang lakas ng boses niya. "Alam niyo namang papayagan ko kayo di ba? You should have called, Snow Agatha! Hindi 'yung kanina pa namumuti 'yung mga mata namin dito kakaisip kung nasaan na kayo! Kung napano na kayo. At lasing pa kayong umuwi!"

"Sorry, Ma." I muttered. "Sorry, Tita." Sunod-sunod din na sabi nila.

Tumingin ako kay Mama na nakapamaywang sa harap ko ngayon. I knew she's not happy. It's freaking obvious. "Bakit hindi kayo sumasagot sa tawag namin? Kanina pa kami tawag ng tawag sa inyo." Mas kalmado na niya ngayong tanong.

"My phone's lowbatt." I retorted.

"I left my phone inside Snow's room, Tita." Sagot ni Den.

"I didn't bring my phone." Faye said.

"I didn't noticed that you're calling, Tita." Sabi naman ni Jat.

"Next time, magpaalam kayo. Papayagan naman kayo basta nagpapaalam. Starting from today, you are all grounded. Tatawagan ko ang mga kapatid ko para sabihin sa kanila. Walang gig, walang bar, walang party. Walang ibang pupuntahan kung di school at bahay lang. If you want to hang-out, go here." Malamig na utas ni Mama.

Bumaling siya sa akin. "Who's the guy?"

Napayuko ako. Damn it! Kahit kailan pahirap ka sa buhay, Miguel.

"Uh. He's one of my schoolmates. Nakita namin siya doon. He's drunk. May nakaaway siya at siya lang mag-isa. Ihahatid sana namin kaya nga lang nakatulog sa kotse. Hindi namin magising at hindi ko alam ang address niya." Pahayag ko. But he's living here in this village.

Tumango lang si Mama. "Doon kayo matulog sa taas. Bukas na kayo umuwi." Sabi niya sa mga pinsan ko.

Nakayuko kaming umakyat sa taas. Nangunguna si Den samantalang pahirapan ang pag-akyat ni Faye. Mahigpit ang kapit niya sa hawakan habang sapo ang ulo niya. Nang makarating kami sa kwarto ko ay nag-unahan sina Jat at Rain sa comfort room. Si Den naman ay nagpunta sa closet ko. Sa bahaging nakalaan para sa kanila. May mga damit sila dito dahil madalas silang magsleep over dito sa bahay. At si Faye naman ay humilata sa kama ko.

Pagkatapos kong magpalit nang pantulog ay nagtungo ako sa guest room kung nasaan si Miguel. Sumunod sa akin si Den. Binuksan ko ang pinto at nakita kong tulog pa rin siya. Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ko ang sapatos niya. Inayos ko rin ang pwesto niya at kinumutan ko siya. Tumayo ako para lakasan ang aircon nang marinig ko ang boses niya.

"I love you, Jana. I love you so much." He muttered.

Darn. Hanggang sa panaginip ay si Jana pa rin ang laman ng isip niya? He really love her that much?

Nagtungo na ako sa pintuan palabas. Nakaharang dito si Den.

"Look at him, Snow." Seryosong sabi niya. Saglit kong binalingan si Miguel bago ko siya pinagtaasan ng kilay.

"See how pitiful he is. Hindi ka ba naawa sa kaniya?" Umalingaw-ngaw ang boses niya sa apat na sulok ng guest room.

Napailing ako. Tinitigan ko ang natutulog na si Miguel. "Not even an inch. Ikaw?" I asked while my eyes lingered on the guy sleeping soundly in front of me. "Hindi ka ba naawa kay Rain?"

Hindi ko makita ang reaksiyon ni Den pero may bahid nang inis ang boses niya. "Naaawa ako sa kaniya. She's my cousin. But my point is, why do you have to be so cruel on Miguel? Alam ko ang mga ginagawa mo para mangyari lang ang lahat, Snow."

Hinarap ko siya nang may poot sa mata. "Pinsan mo si Rain kaya dapat alam mo ang nararamdaman ko, Den. She's like a princess to us. Isipin mo, iyong prinsesa nang angkan natin paglalaruan lang ng kung sino? I won't let that happen but it happened. So what's left to do is to seek revenge. And I did it. I fucking did it." Utas ko.

Why can't she understands what I feel?

"Will you stop cursing? At ano? Naging masaya ka ba? Are you finally happy now that he's broken? Now that he's shedding a whole lot of tears?"

I asked my self once again. Am I happy? Masaya ba ako sa resulta nang lahat? Masaya ba ako kasi lugmok na lugmok si Miguel? I searched for that pinch of happiness inside of me but it's nowhere to be found. I shook my head.

"I know you are bitch, Snow." Den said a matter of factly.

I raised my head up to see her face. Nagtama ang mga mata namin.

"But you are not Miguel's karma." She said slowly before turning her back. She slammed the door damn hard.

Napatitig ako sa pintong pinaglabasan niya habang nakatanga. Nanatili sa utak ko ang sinabi niya.

I am not Miguel's karma. I will never be.

Tumingin akong muli kay Miguel bago sana lumabas ng kwarto pero nagulat ako sa nakita ko. Halos lumuwa ang mga mata ko. Napanga-nga na lang ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Parang may karera nang kung ano sa sobrang lakas ng kalabog ng puso ko.

His eyes were wide open. Nakatitig siya sa kisame.

Shit. Did he hear what Den said? What I said?

Continue Reading

You'll Also Like

5K 353 18
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.2M 53.3K 68
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.1M 19.5K 28
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...