[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #20

446 13 3
By lettersfromdee

Revenge #20: Tears of the Enemy

"Are you willing to love me back?" Miguel asked while looking at Jana intently.

Hindi siya agad nakapagsalita. Para kaming nanunuod ng isang pelikula na may batas na bawal huminga. Parang gusto kong kumain ng popcorn. Lumakas ang ihip ng hangin at hinipan nito ang mahabang buhok ni Jana. Her mouth was wide open. Her eyes grew bigger than the usual size. Marahil ay inaasahan niya na ang pangyayaring ito pero hindi pa rin siya makapaniwala.

Hinawi ni Miguel ang buhok niya at inipit ito sa kaniyang tainga. Napayuko siya. She wiped her tears using the back of her hand. Nakatitig lang si Miguel sa kaniya. Waiting for her answer. And I am waiting for her answer too. Kating-kati na akong marinig ang sasabihin niya.

Napaatras siya. Isang hakbang.

Nilunok niya ang bara sa lalamunan niya. "I-I'm.." Nanginginig ang labi niya. Dalawang hakbang.

Bakit siya kinakabahan? At anong gusto niyang sabihin? I'm what?! Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko. The spotlight's on her now. I can't steal it. Hindi ako madaling magtiwala pero ngayon ay pipilitin ko ang sarili kong pagkatiwalaan siya. She is the lead character of this story. I should trust her to make this show damn unforgettable. Wag na wag niya lang akong bibiguin dahil malilintikan talaga siya sa aakin. She doesn't know what I can do.

Her tears are rolling down again. Kinakagat-kagat niya ang labi niya habang si Miguel naman ay nakatitig sa kaniya nang may saya at pag-asa sa mata. That's it, Miguel. Be hopeful. Wish to all the genies you knew that she would say yes. But hell, I'm willing to gamble anything for them to not grant your fucking wish.

"I'm.. s-sorry.." Jana whispered pero rinig na rinig ito dahil naka-lapel siya. Napasinghap ang mga tao sa likod ko.

Shit! Anong ibig sabihin niya?

Bumagsak ang mga balikat ni Miguel at ganon din ang akin. Napamura na ako sa pwesto ko. Mariin kong itinikom ang bibig ko at ikiniyom ang palad ko. Tinitigan ko si Jana. Shit. Hindi to pwedeng mangyari!

Pero mas lalo akong napamura ng makita kong tumalikod siya. Shit! Bumagsak ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid niya. Nabitawan niya ang hawak na bouquet at gumulong ito sa damuhan. Napayuko si Migs. Napatingin si Jana sa stage kaya nagsalubong ang mga paningin namin. Nahagip niya ang nag-aapoy kong mata na kanina pa siya pinapatay ng tingin. Nagngitngit ako sa galit. Nag-iinit ang ulo ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Dapat lang!

"Try me." I mouthed. Just fucking try me, Jana and you don't know what will happen to you! Damn it! Just try!

She closed her eyes and shook her head once again. Pumihit siya paikot at muling humarap kay Miguel. Muling nabuhayan ang lalaki. Maging ako ay ganun din. 

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "M-migs." She said while fidgeting. "T-thanks for being there for me all the time. But.." She suddenly stopped. And I swear my heart stopped too. I wanna shout words of wisdom to her but I can't. Gusto kong takutin siya.

She raised her head up and looked passed Miguel. She looked directly at me. "But I can't."

There! She fucking said it. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ni Miguel.

"I can't because you are the greatest jerk I have known. Marami ka ng pinaiyak. Marami ka ng niloko. At ayokong isama mo ako sa kanila. Ayokong mapabilang sa listahan nila." Malakas niyang sabi habang umiiyak. Wala siyang dapat ikaiyak sa eksenang 'to dahil siya ang kontrabida. At ang mga kontrabida ay hindi dapat umiiyak.

Nagsimula ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid. Parang gustong kong tumalon sa tuwa pero hindi pa pwede. Kulang pa. Kulang na kulang. Ni wala pang luhang pumapatak. Wala pang pusong nadudurog.

Umiling si Miguel. "But I already changed, J. Wala na akong iba. Ikaw na lang. Ikaw lang talaga." Nagmamakaawa ang boses niya.

Pilit niyang hinawakan ang kamay ni Jana pero tinabig lang siya nito. I smirked. Right move though.

"Old habits die hard, Migs. Sinungaling ka na noon pa man at hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay sinungaling ka pa rin. I won't be surprise if you are still that jerk, asshole and womanizer Miguel I knew. Hindi ko alam kung totoong nagbago ka na dahil sinungaling at manloloko ka!" Sigaw niya.

Damn right! I should probably hand her an award now. Tama at totoo ang mga sinabi niya. Gusto ko nang pumalakpak ngayon. Parang ako ang nagsasalita ngayon. Magkadikit yata ang utak namin ni Jana sa pagkakataong ito.

Mabilis na umiling si Miguel. Sige, i-deny mo pa. Diyan ka magaling! "Noon yun, J. I changed because of you. Mahal kita. Mahal na mahal. Bakit ayaw mong maniwala?!" His eyes were pleading. He was begging. Miguel Patrick Robles was begging.

"You changed?! Saan banda? Bakit nagawa mo pa rin manloko ng iba kahit nililigawan mo na ako? Bakit? Akala mo ba hindi ko naririnig ang sinasabi nila noon na may dine-date kang iba kahit nililigawan mo na ako?" She laughed sarcastically. I laughed silently too. "You changed, huh?"

Miguel looked pained. He tried to swallow the lump inside his throat. "It happened once. And it will ne---"

"It happened once and it will happen again!" Jana interrupted. "Paano kita sasagutin kung naiisip ko palagi na baka itulad mo ako sa iba!? Na baka pagkatapos mo akong pagsawaan ay itatapon mo lang din ako!! Girls are not trash, Migs. They deserve to be treated as a princess." Mariin niyang sabi. Parang musika ang mga salita niya sa aking tenga. Sa bawat litanya niya ay mas lalong umaangat ang sulok ng labi ko. Lalong kumikislap ang mata ko. Sumibol ang kung anong kasiyahan sa puso ko.

Malakas man ang bulung-bulungan, rinig na rinig ko pa rin ang bawat boses na lumalabas sa bibig niya. I heard them loud and clear.

Natauhan lang ako ng makitang dumaan si Kate sa gilid ko. Mabilis kong hinablot ang braso niya. Napatigil siya. She faced me and yanked my hand.

"Anong ginagawa mo? Let me go!" Mahina pero galit ang tono ng pananalita niya. Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya.

I raised my eyebrow. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko pabalik.

Lumagpas ang tingin ko sa kaniya at napadako ito sa dalawa. Pilit hinahawakan ni Miguel ang kamay ng babaeng nasa harap niya. Jana, on the other hand, kept on her pulling her hand from his touch.

Lumipat ang tingin ko kay Kate. Pinandilatan ko siya ng mata. "Don't try to disturb them!" I hissed.

"Mali ang ginawa ni Jana. Miguel changed! Alam niya yun."

"Ikaw na lang kaya sumagot kay Migs." I retorted. Hinila ko siya sa tabi. "You stay there and mind your own fucking business."

Napasabunot si Miguel sa buhok niya. Tumingin siya nang nagmamakaawa kay Jana. Malungkot ang kaniyang mga mata. "I treated you as a princess. Nilagay kita sa trono mo, J. I brought you flowers everyday. I give you what you want! Hinahatid at sinusundo kita. I courted you for a year now. Kung jerk ako, hindi na sana kita nilagawan!"

Napatanga ako. Ganun din si Jana. "At sinusumbat mo sa akin 'yan? Sinabi ko bang ligawan mo ako?!" Sigaw niya sa mukha nito. Napapikit si Miguel sa lakas nito.

Mabilis na napailing si Migs. Humina ang boses niya. "N-no." He immediately said. "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."

Napataas ang kilay ni Jana at napahalukipkip siya.

"I care for you. Halos mamatay ako kapag nakikita kitang nasasaktan. Halos mapatay ko lahat ng nagtatangkang manligaw sayo. Hindi kita hinahayaang madapuan ng lamok. Madumihan. Mapagod. I love you more than my self. I put you above any one else, J. It's you over everything." Napahilamos siya ng mukha. Umalog ang balikat niya at alam ko ang nangyayari sa likod ng mga palad niya. Alam na alam ko dahil nakita ko na ito noon.

Tinanggal niya ang dalawang kamay sa mukha niya at kitang-kita ko ang masasaganang luhang nag-uunahang tumulo mula sa singkit niyang mga mata. Miguel is crying. Fuck yes! Miguel is really crying.

Hinawakan niya ang kamay ng nasa harap at halos masabunutan ko si Jana dahil hindi niya tinabig iyon. She frozed and let Miguel hold her hand. Tumitig siya sa kamay nilang dalawa na magkasalikop. "J, you are the first woman I love and I can wait. I can wait for you to love me back. Even if it would take years, decades or even centuries. For you, I am willing to wait." Garagal ang boses niya. Kinagat niya ang ibabang labi niya at napatingala. Kumurap-kurap pa siya. Marahil ay pinipigalan niya ang pag-iyak niya. But it's useless. His tears kept on rolling down his cheeks.

My grip on Kate loosened. Ganitong-ganito ang nangyari noong mahimatay si Jana. Umiiyak siya. Kulang na lang saktan niya ang sarili niya. He looked helpless. He looked as if he would self-destruct anytime. Napahawak ako sa dibdib ko at tuluyan kong nabitawan si Kate. I shouldn't feel this towards him. Hindi siya naawa kay Rain nang saktan niya ito kaya wala din siyang karapatang kawaan pabalik. I can't feel anything towards him. I am not allowed.

I put on my brave face and waited for the girl's reaction. Napailing si Jana. Marahas niyang tinaggal ang kamay ni Migs na nakahawak sa kaniya. "No!" Sigaw niya. "Wala kang karapatang mahalin pabalik dahil marami kang niloko, Migs. Isipin mo lahat ng babaeng umiyak dahil sa kawalang-hiyaang ginawa mo! Alalahin mo ang mga luha nila. Ang pagmamakaawa nila. You didn't love them back so I won't do too."

Hindi siya nagpatinag. Lumapit siya kay Jana at hinawakan ang mukha nito. He cupped her face using his firm hands. Pilit niyang pinapatingin ito sa kaniyang mga mata.

"Look at me, J. I love you. I changed for you. Hindi mo ba nakikita 'yun?" Mahinang sabi niya. "See those lights above us?" Tumingala siya. "That's how bright my love for you. I love you damn much." Namamaos na ang boses niya. Pinaghalong awa at lungkot ang maririnig sa tinig niya.

Hindi naman makatingin ng diretso si Jana sa kaniya. Parang susuko na siya.

Shit. Subukan niya lang. Andito na siya at wala na itong atrasan pa. Malayo na ang narating niya at hindi na siya pwedeng bumalik ulit. She said a whole lot of words that would hurt Miguel and she can't take it back anymore. Hindi siya pwedeng sumuko dahil naawa siya kay Miguel.

Think of Josh, J. Think of him. Think of your family.

She closed her eyes. Parang gumana naman ang pakikipag-usap ko sa kaniya gamit ang utak ko. Cause when she opened it again, it is burning on fire. Nakikita ko ang sarili kong mga mata sa kaniya. Puno ng poot at galit.

Napaatras siya. Isa, dalawa. Nabitawan siya ni Miguel pero nahablot naman nito ang kamay niya. Paatras siya pero palapit naman sa kaniya ang kaharap. Tinulak niya ito sa dibdib gamit ang isang kamay at napahakbang ulit paatras. Halos sumayad ang panga ko sa sunod niyang ginawa.

She slapped him. Damn hard on his left cheek. Malakas ang tunog ng sampal niya na ikinatahimik ng lahat. Maging ang banda. Sa sobrang lakas nito ay napabaling ang mukha ni Miguel sa direksiyon ko. Her palm marked his face. Pulang-pulang ito. Nanlaki ang mga mata ko. Humakbang si Kate at mula kong hinawakan ng mariin ang braso niya.

"Hindi kita mahal. Ni hindi kita gusto." Matigas na wika ni Jana na umalingawngaw dahil sa sobrang tahimik.

I raised my hand slowly and snapped. Sunod-sunod na nagbukas ang sprinklers. Mula sa malayo hanggang sa kinatatayuan nila. Pareho na silang basa pero kapwa hindi nagpatinag. It was as if their feet were both rooted on the grass. Ni hindi sila gumalaw. Si Jana na nakakuyom ang palad at si Miguel na mariing nakapikit. There lips were both formed into a thin line.

"I loathed you, Migs. Hindi kita kayang mahalin. Walang parte sa pagkatao mo ang kamahal-mahal. I disgust you." Parang balang tumama sa kaniya ang mga salita ng minamahal niya. He opened his eyes and shook his head. I can distinguish his tears from the water.

Tumingin siya kay Jana. Nagmamakaawa. Kinuha niya ang kamay nito pero hindi niya ito maabot.

"I..I hate you. Manloloko ka at hindi na 'yun magbabago." Her voiced boomed all over the soccer field. Nagtaas siya ng tingin at nagsalubong ang mga paningin namin. She smiled weakly and turned her back.

Nagsimula siyang maglakad patungo sa gate palabas. Naapakan niya ang bouquet. Nakakatatlong hakbang pa lang siya ng marahas niyang hinablot ang flower crown mula sa ulo niya at itinapon ito. Tumakbo siya bigla at iniwan ang puting heels niya. Naramdaman kong may dumaan sa gilid ko at si Josh iyon. Pinagmasdan ko ang likod niya habang hinahabol si Jana. 

While Miguel continued crying. Sa sobrang panghihina niya siguro at panginginig ng tuhod ay napaluhod na lang siya. Napasabunot siya sa buhok niya at napasigaw.

"Aaaaahhh! Tang-ina!" Mura niya.

The water continued showering him. Wala ni isang nagtangkang lapitan siya. Hindi ko alam kung takot ba silang mabasa o hindi makapaniwala sa pangyayari. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumititig sa kaniya. Kay Miguel na sumisigaw dahil sa sakit. Hinila niya ang mga damo sa paligid. Sinabunutan niya ang sarili. He deserves this. Hindi ko kailangang maawa sa kaniya. Wala siyang karapatang kaawaan. Wala akong kahit na anong dapat maramdaman.

Ito na 'yun. This the moment I've been waiting for. Wala akong masabi. I can't seem to find my voice. I just stared at him. He was finally shedding those tears. Parang mamatay na siya sa akit. Inuutusan ko ang sarili kong tumawa at ngumiti pero hindi ko magawa. Dapat masaya ako di ba dahil finally, durog na durog na si Miguel na 'yun. He has been humiliated in front this whole crowd by the woman he loves. Pinahiya at sinaktan na siya. Bakit hindi ako masaya?

Napakurap ako ng makita ko si Kent at Fred na tumakbo palapit sa kaniya. Pinilit nilang patayuin si Miguel mula sa pagkakaluhod. Pero sinisiko lang sila nito. Hindi nagpapigil ang dalawa at pinilit pa rin siyang tulungan. Nang maitayo siya ay humarap siya sa amin. He is crying hard. I can differentiate his tears from the water. Nagtama ang mga paningin namin. His eyes were obviously sad. Napayuko ako. Shit. Hindi ko kayang makita ang malungkot niyang matang nakatunghay sa akin. Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang aking mga daliri.

Nagulat ako dahil mabilis niyang tinakbo ang distansiya sa pagitan naming dalawa. The next thing I knew? His long and wet arms were wrapping around my body. Wala siyang pakialam mabasa man ako. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Sa sobrang higpit ay parang madudurog ako. Hindi ako makahinga.

Nagbuntong-hininga siya. "S-now, b-bakit? G-ginawa ko naman ang lahat para sa kaniya di ba? I-isn't it enough?" His voice trembled. Mariin kong kinagat ang labi ko.

Bakit sa akin ka nagtatanong? Hindi ako ang nanakit sayo. Ako ang may dahilan kaya niya ginawa 'yun pero hindi ako ang nanakit sayo. Pilit ko iyong isinaksak sa kukote ko.

Biglang lumuwag ang yakap niya sa akin. Nahulog ang dalawang niyang kamay sa gilid. Akala ko ay bibitawan niya na ako pero nagulat na lang ako ng isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. He silently cried on my shoulders. Impit ang pag-iyak niya. Ang tanging nagawa ko lang ay tumunganga. Malungkot na nakatingin sa amin sina Kate, Fred at Kent.

I breathe deeply. Tumitig ako sa mga ilaw sa malayo. Sa mga tubig na patuloy pa rin sa pagbuhos. Tumingin ako sa langit. Bilog ang buwan pero wala ni isang bituin. This is all my fault, I know. And I don't regret it. Hindi ko dapat ito pagsisihan.

Nanginginig na itinaas ko ang kamay ko para ipatong sa ulo niya. I gently stroked his damped hair. Not to comfort him. I don't know. Gusto ko lang siyang hamplusin sa ulo.

Napasandal ako sa balikat niya at napayuko. I suddenly remembered the date. October 10. "Happy 19th Birthday, Miguel." I whispered gently while wrapping my arms around him.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
254K 17.3K 82
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.4M 55.9K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...