[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #18

453 9 2
By lettersfromdee

A/N: Ewan ko ba pero nangigil at naiiyak ako at the same time habang sinusulat ito. Baliw lang.

Revenge #18: The mouse plays dirty.

Tahimik kong pinagmasdan si Jana habang nakasandal siya sa ng pinto ng locker niya at may hawak na libro. Abot-tenga ang ngiti niya habang kausap ang ever loyal niyang manliligaw. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila pero alam kong maganda ang paksa nila. They were both smiling broadly. Halatang nag-eenjoy sila sa isa't isa dahil hindi na nila mapansin ang mga nasa paligid.

I glanced at my wrist. It's already 3:30 in the afternoon according to my watch. Kanina ko pa sinusundan itong si Jana pero hindi ako maka-tiyempo sa kaniya. Simula kaninang umaga ay hindi ko siya nakitang nag-iisa. It's either she's with her bitches or she's with Miguel. Naiinip at nilalamok na rin ako dito sa pwesto ko. I was standing 5 lockers away from them. Nasa tabi pa ako ng stockroom at hindi talaga ako natutuwa sa amoy na nalalanghap ko.

Miguel stretched his right hand and reached for her face. Nilagay niya sa tainga nito ang takas na buhok na tumatabing sa mukha ng minamahal niya. Jana instantly blushed! Kung hindi ko lang alam na nagpapanggap lang siya ay iisipin kong may gusto talaga siya sa kaharap. Miguel, on the other hand, was smiling. I smirked at the scene. He is indeed in love. Walang sino mang tao ang makakatanggi ng katotohanang 'yon. Sa pagkislap pa lang ng mga mata at pag-angat ng sulok ng labi niya. He is indeniably affectionate towards the lady in front of him. No doubt.

Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Miguel na tumalikod at naglakad palayo.

"When the cat is away, the mouse will play." I whispered to my self.

Naghintay ako ng ilang minuto bago naglakad palapit kay Jana na ngayo'y nag-aayos ng gamit. Ipinaskil ko ang ngiti ko bago sumandal sa katabing locker.

"Hi J!” I smiled as wide as I can.

Nagulat at natigilan siya sa bigla kong pagsulpot.

"Uh. Hello." Bati niya sabay iwas ng tingin. Itinuon niya ang pansin sa mga librong inaayos.

Napahalukipkip ako. "Can I steal you away for a minute? Miguel's not coming back, right?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya.

Napabaling siya sa akin. "What do you want me to do again? Ginawa ko naman ang lahat di ba? Ano pa ba ang gusto mo? I am making him fall for me so hard."

Napatango ako. "Yeah. You are a great artist. Hanga ako sa talento at pagpapanggap mo, J." I said proudly. I clapped my hands slowly.

Magaling talaga si Jana. Kung noon ay pakipot siya at hanggang ngiti lang ang kaya niyang isukli kay Miguel, ngayo'y higit pa doon ang kaya niyang ibigay. Sometimes, she acted like she's too overwhelmed to the point that she is capable of hugging him in front of a huge crowd. Matitigilan na lang si Miguel bigla at mapapangiti na lang pagkatapos.

Hindi ko alam kung nag-uusap pa sila ni Josh ng palihim dahil iniiwasan niya ito palagi kapag nandito sa campus. I am glad about her performance so far. Hindi ko inakala na kaya ko pala siyang paikutin sa mga palad ko.

“Do you want to end your little show?” Tanong ko. Sigurado akong kakagatin niya ang alok ko.

Unti-unti siyang napatango dahilan ng paglawak ng ngisi ko. “Of course. But how?”

“I want you to do something for me.” Saad ko.

She nodded again. Napatingin siya sa paligid. “Can we talk somewhere far? Baka naririnig nila ang usapan natin.” Muling napadako ang paningin niya sa mga taong dumadaan sa harap namin.

“Sure.” Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto ng locker at tumayo ng diretso. Nagsimula na akong maglakad. I knew that she’s following my lead. I am the boss here and she should obey me. She’s just one of the pieces I’m using.

Malayo-layo din ang nilakad namin. Wala akong makitang bakanteng classroom. Masyado ding crowded ang hallways kaya hindi kami pwedeng mag-usap doon. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa pamunta ako sa faculty area. Napahinto ang mga paa ko sa baba ng hagdan, tabi ng faculty room kung saan wala masyadong dumadaan na estudyante. Sumandal ako sa putting pader at hinarap si Jana.

“Imagine you are reading a fairytale book with all those castles, stupid princes and princesses. What do you think the first sentence the author wrote?” I asked while folding my arms.

Napaisip siya. She’s really pretty. Her face is angelic but people don’t know that behind those pretty face is a girl who is willing to do anything for someone she loves. She lets me used her to protect her love. Love sucks, I know.

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka. Napataas ang kilay ko.

“Once upon a time..”Wika niya.

Napangisi ako. “Once upon a time, there’s this princess who fell in love with a prince.” Panimula ko ng kwento. “The thing is the so called prince was a jerk. She didn’t know that all along, he is in love with someone else. When she found out, she tried to destroy herself. Her sister, her evil of a sister wasn’t happy about it. She wanted revenge and you..” Turo ko sa kaniya. Nagtataka niya akong binalingan. Alam kong wala siyang ni katiting na ideya sa mga sinasabi ko. “You are what they say as Fairy Godmother. I want you to give the princess a very happy ending.” Utas ko.

“Ah.. h-how?” There was a glint of uncertainty on her eyes.

“How?” Mataray na tanong ko. “On Wednesday, this jerk prince will ask you in front of a huge horde. He will ask you to be his girlfriend.”

Napatanga siya. Nanlaki ang mga mata at sunod-sunod na napailing. “That jerk is.. M-Miguel?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

I nodded. “Sinabi ko na sayo para hindi ka magulat sa Miyerkules. Dang, I hate surprises!”

“Anong gusto mong gawin ko?”

I smirked. “Ang tanong dito, Jana: ano ang gagawin mo?” Napatitig lang siya sa akin. “Let’s say it’s Wednesday already. You are standing in the middle of the soccer field. Maraming tao ang nakapalibot sayo at masaya kayong pinagmamasdan. In front of you, on his knees, is your suitor for almost a year. He was holding a bunch of red roses and asking to be your girlfriend.  Being Jana Angeli Constantino, what will you do?” I asked her while raising my eyebrow. Ano kaya ang gagawin niya? Will she say yes? Para pagtakpan ang lahat. Or will she say no?

Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin sa akin. “Uh.. I will probably walk away.” Her voice trembled.

Napailing ako. “You will? Wrong answer, J.”

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mga titig kong mapang-asar. Her eyes were burning. She’s in rage.

Uh-oh. The angel is mad now.

“What do you want me to do?! Sagutin siya?!” Hindi makapaniwalang tanong niya. “A-yo-ko!” Matapang niyang sagot. “Hindi ako hibang, Snow! Hindi ko kayang sagutin ang isang taong mahal na mahal ako! Hindi ko kayang magpanggap na gusto ko siya! Na gusto kong maging girlfriend niya!” Galit na galit niyang litanya. I guess, I hit a string.

“Woah. Those words really came from your mouth? I can’t believe it. Hindi mo kayang magpanggap, really? Anong tawag mo diyan sa ginagawa mo?” Natatawang wika ko. Pagkakaton ko naman ngayon ang mapailing. This girl’s amusing me.

“I can but not to the extent of pretending to be his girlfriend. Wala ako sa loob ng libro, Snow. This is reality.”

“Uhuh. Don’t worry. Hindi naman kita hayaang maging girlfriend niya. Miguel doesn’t deserve a user.” I rolled my eyes. He doesn’t deserve to be happy too.

She looked shock. “What do you mean? You won’t let me? Then why are you telling me about it?”

I smiled sweetly. “I want you to do something for the princess, dear fairy godmother. Gusto kong ipahiya mo si Miguel. Sabihin mo sa lahat ng taong nakapalibot sa inyo kung gaano siya ka-walang hiya. Pati inosenteng tao dinadamay niya sa kalokohan niya?! Gusto kong ipagsigawan mo sa buong Ford University na ang isang tulad niya ay hindi karapat-dapat mahalin pabalik. Manloloko siya. He doesn’t deserve to be love back. He is meant to be alone!” Nanggigil na wika ko. Hindi man ako ang naloko pero ramdam na ramdam ko ang galit dito sa puso ko. I loathe Miguel. I loathe him damn much. He caused so much pain to Rain and I want to give it back to him. He don’t fucking deserve to be happy!

Jana immediately shook her head in response. “Ayoko! Matagal ko nang ginagamit si Miguel at hindi ko siya kayang saktan. Using him is enough.” Pagkontra niya.

Shit, kahit kailan kontrabida talaga ‘tong isang ‘to.

“No!” I shouted. “You will do it.” Tumayo ako ng maayos at hinablot ang braso niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniya. “You will obey me, Jana! Wala ka nang magagawa.” Pinanlisikan ko siya ng mata.

Hindi siya nagpatinag. Pilit siyang nagpumiglas pero mas diniinan ko pa ang kamay ko na nasa braso niya. Tinignan ko siya ng masama. “Ayaw mo?”

She nodded. Tinitigan din niya ako pabalik. Nagsukatan kami ng tingin. “Who are you to manipulate me? You don’t have any rights to control us! Sino ka ba?” Sigaw niya sa harap ng mukha ko.

Mariin akong napapikit. Marahas kong binitawan ang braso niya at umatras. Kitang-kita ko ang marka ng kamay ko at ang pamumula ng maputi niyang braso. “Who am I? I am Snow Agatha Vasquez in case you don’t know.”

Inabot ko ang shoulder bag ko at binuksan ito. Kinuha ko mula doon ang isang puting envelope. I gladly gave it to her and she accepted it hesitantly.

 Dahan-dahan niyang binuksan ang ibinigay ko. Halos lumuwa ang mga mata niya sa nasa loob nito. Kitang-kita ang gulat niya sa larawang nakikita. Napangisi na lang ako.

Di makapaniwalang binalingan niya ako. "San mo 'to nakuha?!" Galit na tanong niya.

Her ears are turning into a shade of red now. She’s furious. At sobrang ikinatuwa ko iyon. The angel’s gone wild. I wonder what Miguel would say if he saw her darling right now.

Nagkibit-balikat ako. “I have my sources, J.” I gave her my isn’t-it-obvious smile.

Ang bagay na hawak niya ngayon ay ang mga larawan nila ni Josh. Karamihan ay magkahawak kamay sila. May ibang nakasandal si Jana sa balikat ni Josh, magkalapat ang noo nila at may isang hawak ni Josh ang mukha niya. The last photo though was a picture of them devouring each other’s lips. Kuha iyon sa isang amusement park recently. Mabuti na lang talaga at pinasundan ko sila.

Napatanga ako ng makita kong pinunit niya ang mga iyon. Naisip ko man na gagawin niya iyon ay nagulat pa rin ako. Gigil na gigil siya. Sinigurado niyang ang kaninang buong larawan ay pira-piraso na ngayon. My shocked quickly subsided.

“Tsk tsk.” Napailing ako. “Para sa kaalaman mo, may kopya pa ako dito. Itinaas ko ang hawak kong flash drive.

Napatigil siya sa pagpunit. Hinablot niya ang hawak ko at itinapon sa sahig. Inapakan niya ito. My mouth formed into a big O as I watched her turning it into pieces. Sa taas ba naman ng suot niyang stiletto, alam kong madudurog talaga ang anumang aapakan niya.

Muli na naman akong napailing at mas lalong lumapad ang ngisi ko. “I have a copy in my laptop, in my other flash drive, in my phone and attach it in my email. Kaya kahit anong apak ang gawin mo diyan, walang pakinabang.”

Nanlilisik ang mga matang bumaling siya sa akin. “You’re so cruel! Ano bang mali ang ginawa ko sayo? What did I do for you to hate me like this?” Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

Oh no. the angel’s on the verge of crying.

“Oh you didn’t do anything wrong, dear. In fact, I don’t hate you. I am just using you.” Saad ko. “You have two options though.” Itinaas ko ang dalawang daliri ko. “It’s you will follow what I said earlier. Or you will let me send those photos tou your dear father, Samuel Constantino. Sa tingin mo matutuwa siya kapag nakita niya ang mga ‘yon?” Napaismid ako.

Her eyes widen. “H-how d-did y-you.. Y-you k-knew?” Nauutal na wika niya.

“Of course I knew.” Sabi ko na para bang ang tungkol sa kanila ay isang katotohanang alam ng lahat.

Napayuko siya. Hinawakan niya ang mukha niya at napahagulgol. I rolled my eyes. Why is she even crying? Ang dali lang naman ng pinapagawa ko. Matatanggap ko sana ang iyak niya kung sinabihan ko siyang tumalon mula sa taas ng isang gusali o kaya ay inutusan ko siyang magpasagasa. Pero hindi eh, ang simple lang naman ang hinihiling ko.

“Wag mo kong iyakan!” Singhal ko. “Madali lang naman ang pinapagawa ko. You just have to stand there, look pretty surprised, gave him the best speech ever that he’s a jerk. Shout it to the world and walk away. Simple!”

Nag-angat ng tingin sa akin si Jana. Basang-basa ang mukha niya. Parang gripo kung tumulo ang tubig mula sa mga mata niya. She looked at me intently. She shook her her and wiped her tears.

“Okay.” She whispered and nodded. Parang hirap na hirap siyang sambitin ang salitang iyon.

She looked straight into my eyes. “I will do it.”

Continue Reading

You'll Also Like

651K 14.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...