[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #16

535 12 1
By lettersfromdee

A/N: Dedicated to NixxieFairy :) Salamat sa pagcomment palagi =) I appreciate it. Sorry sa typos. Leave your thoughts below. Thanks.

Revenge #16: Deeply and Madly In Love

Agad akong nagpaalam na aalis kela Papa at Tito Sam. Nagpahatid ako kay Kuya Ver. I can't erased them on my mind. Magpinsan sila. All this time, magpinsan pala sila. Ibig sabihin, ginagamit nila si Miguel para pagtakpan ang relasyon nila.

Hindi ko kayang pumasok sa eskwelahan. Hindi ko sila kayang harapin. I just can't. Naawa na naiinis ako sa kanilang dalawa. Pumasok lang ako noong Finals na. Mabuti na lang at hindi by section kapag nag-eexams. Naka-alphabetical order at magkahalo-halo ang lahat ng section. Si Jewel lang ang kasama ko palagi. Iniiwasan kong makita sina Josh at Jana. Baka maisawalat ko pa sa lahat ang sikreto nila, mahirap na.

Ngunit kahit anong pag-iwas ang gawin ko ay paniguradong makikita at makikita ko pa rin sila. Pababa na ako ng hagdan. Last day ng exams at tinawagan ako ni Faye para magsleep over kanila Jat. They didn't know about Josh and Jana's relation to each other. Alam lang nila, secret lovers lang ang mga ito. Hindi ko pa magawang ipagsabi ito sa iba. Even to my cousins.

Nagtaka ako sa kumpulan ng mga tao sa pintuan palabas ng building namin. Sobrang malakas ang ulan mula pa kahapon hanggang ngayon. Mabuti na lang at hindi naman bahain ang lugar namin. Nakipagsiksikan ako sa maraming tao. Nang makita ko ang sitwasyon ay nagulat ako.

There, lying in the middle of the road is Jana. She was unconscious.

I tugged the shirt of the guy I beside me. "Kuya, tulungan niyo naman!" Sigaw ko. Bakit walang guards? Bakit wala man lang lalaki na nagbuhat sa kaniya?

I was shouting to all the guys around me. Wala man lang kumikilos! I was about to call Miguel or Josh, Kent or Fred when I saw a man running towards her. Yumuko siya at binuhat si Jana. He was carrying her bridal style and he ran somewhere. Agad kong inilabas ang payong ko at binuksan ito. Tumakbo ako patungo sa direksiyong tinatahak noong lalaki. Wala na akong pakialam kung mabasa man ako. I am not friends with Jana. I'm just using her. Pero palagi ko silang kasama nitong mga nakaraang buwan. Hindi ko siya gusto pero hindi ko rin maiwasang mag-aalala. Hindi ko kayang makakita ng taong kakilala ko na nakahandusay sa daanan habang umuulan. She might die.

I found myself standing outside the school's clinic. Pinihit ko ang doorknob at pumasok.

Si Miguel ang bumungad sa akin. I frowned when I saw him. He was dripping from head to toe. Wala na si Jana sa mga bisig niya.

"Asan si J? Is she okay? Ano bang nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Miguel. Sa halip ay bumaling siya sa nurse na may hawak na tuwalya at pilit na inaabot ito sa kaniya. "C-can we take her to the hospital? Please. Let's take her. I can drive!" Sigaw nito.

Napamaang ako sa mukha niya. He's on the verge of crying. May namumuong luha sa gilid ng mata niya.

Napapikit ang nurse sa lakas ng boses niya. Hinawakan ko ang braso ni Miguel. "Ano ba?! Don't shout! Asan na po ang kaibigan namin?" I asked the nurse.

"Nasa loob na, Miss. Binibihisan dahil basing-basa. Maya-maya lalabas na ang doktor para sabihin sa inyo ang kalagayan niya." Sabi nito sabay turo sa pintuan kung nasaan nilalagak ang mga pasyenteng dinadala dito.

Nakita ko si Miguel na nakatayo na sa harap nito. Kinakatok niya ng malakas ang pinto. "Are you done? Can I take her to the hospital? Please! Baka kung anong mangyari sa kaniya!" Pinipihit nito ang seradura pero naka-lock ito mula sa loob. Hinampas niya ang pinto. "Damn it!"

"Sir, huminahon po kayo." Awat ng nurse pero hindi nagpatinag si Miguel. He keeps on punching the door.

"Open this door! Open it! Shit."

"Miguel, can you shut up?! Alam nila ang ginagawa nila! Mga doctor at nurse sila. When they told you to wait, you fucking wait!" I shouted.

Napailing siya. "I can't wait, Snow! Paano kung may mangyari kay Jana, ha?! Damn." Umalog ang balikat niya. Sinuntok niya ang pinto at napapikit. Isinandal niya ang noo sa pintuan. The way his shoulder moves, I know he was crying.

Napabuntong-hininga ako. This guy is deeply and madly in love. Kinuha ko ang tuwalya sa nurse at lumapit kay Miguel. I wrapped it around his body.

Tinapik ko ang balikat niya. "Hey, it's okay. Jana's going to be okay." I assured him.

"Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin kapag may nangyaring masama sa kaniya." Sabi niya.

Napamulat siya ng mata at napatingin sa akin. Those eyes. Those chinky jet black eyes that held a whole lot of emotions: sadness, concern and pain. Gosh, bakit ako naawa sa kaniya? Di ba dapat tumatawa ako ngayon? Seeing Miguel in this state was hilarious right? This is his karma. I should have found myself laughing hard right now. Dapat gumugulong na ako sa sahig ngayon sa sobrang tuwa pero bakit ako nakakaramdam ng awa? Bakit ganon?

Bakit nagawa siyang lokohin ni Jana? Bakit nagawa siyang gamitin ni Jana?

I shake my head. He deserves this. Kulang pa ito sa sakit na nararamdaman ni Rain. Kulang pa ang lahat ng luha na tumutulo sa mga mata niya ngayon sa kagaguhang ginawa niya kay Rain. Kulang pa.

Napahawak ako sa dibdib ko. Pero bakit ako naaawa sa kaniya?

I motioned him to sit. Kumalma naman siya at naupo sa isa sa mga monoblock.

"May dala ka bang extra clothes?" Tanong ko. Nanginginig na siya sa lamig.

Umiling siya.

"Umuwi ka muna, Migs. Magpalit ka. Tatawagan kita tungkol sa kalagayan ni Jana." Sabi ko habang nakatayo sa harapan niya.

Napailing ulit siya. He wiped his tears using the back of his hand. "Gusto kong nandito ako pag nagising siya. Ayokong iwan si Jana."

Dumako ang paningin ko sa kamao niya. It was bleeding.

Pilit kong hinawakan ito pero tinabig niya lang ang kamay ko.

"Don't touch me." Malamig niyang sabi.

Napayuko na lang ako sa sagot niya. Bahala siya. Wala na akong magagawa kung magkasakit man siya at kung hindi tumigil ang pagdugo ng kamay niya. I did my part. Sinabi ko na lang sa nurse na patayin ang aircon dahil nanginginig na si Miguel at inabutan din siya nito ng bandage.

Naupo ako sa monoblock katabi niya. I stared at him. He looks vulnerable. Umiiyak pa rin siya. Tama ako sa hinala ko, si Jana lang ang makapagpapaiyak sa kaniya. Parang gusto kong talikuran ang mga plano ko at itapon na lang ang lahat. Parang ayoko na. Why am I feeling this shit?

Lumabas ang doktor mula sa loob. Mabilis na tumayo si Miguel at sinalubong niya ito.

"Okay na po ba siya? Is she awake? Do we need to take her to the hospital? I will take her there." Sunod-sunod nitong tanong. Lumapit na rin ako sa kanila.

She smiled. "Okay na siya. Hindi lang siya kumain kaya siguro nahimatay siya. She's awake now. Nagpakuha na rin ako ng pagkain. You two can go inside."

Agad na pumasok si Miguel doon. Sumunod na rin ako. Nakahiga si Jana sa isa sa mga kama at nakatulala sa bintana. Walang ingay sa loob kundi ang patak lang ng ulan kaya napalingon siya sa amin nang pumasok kami. Agad na nagtungo si Migs sa kama niya. Inaganap nito ang kamay niya.

"Are you okay? May masakit ba sayo? Bakit hindi ka kumain?" He asked. Malumanay ang pagkakatanong niya dito. He kissed Jana's hand gently.

I stood there. Napako na yata ang mga paa ko sa sahig. Mataman ko silang pinagmasdan. Napatingin sa akin si Jana bago tumango kay Miguel. She was pale.

Hinaplos ni Miguel ang pisngi niya. "What do you mean by that? Oo, okay ka na? O oo may masakit sayo?" Inilagay ni Miguel ang takas na buhok sa tainga niya.

"Okay na ako." Mahinang tugon ni Jana.

Maya-maya'y dumating na ang pagkain niya. Si Miguel ang kumuha nito mula sa nurse. Nilapag niya ang tray sa katabing lamesa. Kinuha niya ang soup. Hinihipan niya muna ito bago isinusubo kay Jana. Siya din ang nagpupunas sa bibig nito at nagpapainom.

All along, nakatayo lang ako doon. Nakatitig sa kanila.

How can a guy love that girl so much? Is Miguel really capable of loving someone? Does Jana deserve all his love?

Parang gusto kong awayin si Miguel. Gusto ko siyang pagsabihan. Na niloloko lang siya ni Jana. Ginagamit lang siya nito. I wanna shout at him. Gusto kong sabihin sa kaniya na mali ang akala niyang may katiting na pagtingin sa kaniya si Jana dahil hinahayaan lang siya nito manligaw for almost a year. She was just using him. Panakip butas sa love affair nila ng pinsan niya. She don't deserve his fucking love.

God, ano bang nangyayari sa akin? Why am I feeling this?

Napailing ako. Hindi ko na kayang pagmasdan at titigan ang pagmamahal ni Miguel kay Jana. Hindi ko na kayang makita. Naaawa ako sa kaniya.

Umalis ako doon. Nagpasundo ako kay Kuya Ver. Mabilis akong nagtungo sa bahay nina Tita Jessie. Pinagbuksan ako ng guard nila. Agad akong umakyat sa kwaro ni Jat. Binuksan ko iyon at tumambad sa akin si Rain na may kung ano-anong kababalaghang pinaggagagawa sa mukha, si Den na walang ibang ginawa kundi magbasa at si Jat na tulog.

"I quit." Malakas kong sabi bago ko marahas na nilapag ang shoulder bag ko sa coffee table saka sumalampak sa sofa.

"What!?" Napamaang na tanong ni Rain. Napatigil siya sa paglalagay ng liquid eye liner sa kanyang kaliwang mata.

Sunod-sunod ang pag-iling ko. "I can't do it." Nakayuko na saad ko. Hindi ko kaya.

Ibinaba ni Den ang hawak niyang libro at napatingin sa akin. Si Faye naman ay napalabas sa banyo. Nakatapis lang siya ng tuwalya at basa pa ang buhok.

"What! Why?" Ulit ni Rain.

"Ugh! Ayoko na! Ayoko na talaga! Hindi ko kayang saktan si Miguel, okay?" I stared at her. Shit lang, bakit ako naiiyak? "It's too.." Napabuntong-hininga ako. "..too heartless. I'm a human too, Rain. I have a heart. May pakiramdam din naman ako. I can't hurt. He was weak. Too weak. He was fragile. Konting sakit lang, Rain mawawasak na siya."

"Konting sakit lang? Eh di mas mapapadali 'yang paghihiganti mo! All you need to do is hurt him. A little bit."

I shake my head at the thought.

She rolled her eyes. "You have to finish what you started, Snow."

"Can you finish it for me?" Malumanay na tanong ko.

She shake her head. "No. You will finish it. Nakikita mo ba to?" Mula sa pagkaka-upo sa harap ng vanity mirror ni Jat ay tumayo siya para lumapit sa akin. Itinapat niya ang pulsuhan niya sa akin. "Nakikita mo ba 'yang peklat na yan? Si Miguel ang naging dahilan nito, Snow. I wouldn't do it to my self but he triggered me to do it. This is his fault!" Naiiyak na sabi niya.

Nagising si Jat sa sigaw ni Rain. Kinusot niya ang mga mata niya at matamaan kaming pinagmasdan.

Muli na naman akong napailing at napayuko. "I can't.." I whispered.

"You can!" Sigaw ni Rain sa akin. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa lakas ng boses niya. "Alam mo ba kung anong iniisip ko nung gabing makita ko silang dalawa sa Mystic Lounge? Bakit ganun? Why can't Miguel love me the way he loves her? Why?!" Her voice trembled.

I opened my eyes and I saw her sitting on the coffee table in front of me.

May luha ng lumalandas sa mga mata niya. "O kung hindi man niya ako kayang mahalin.. bakit kailangan niya pa akong saktan at lokohin? Pagpustahan? Imagine, Snow.. mas mahal pa 'yang bracelet na suot mo kesa sa akin." Turo niya sa suot kong Gold-Plated Crystal Line Bracelet. It costs more that 10 thousand. "Tao ako pero mas mahal pa 'yang lintek na bagay na 'yan kesa sa akin! Shit lang.." She cried.

Napayuko ako. "I can't. He'll get hurt." Pag sinaktan ko siya, di ko alam kung anong mangyayari sa kaniya. Paano pag nalaman niyang may relasyon sina Jana at Josh, masasaktan siya di ba? Paano pag natupad ang plano ko? Masasaktan din siya. I can't be an added burden to his messy life. Parang di ko kaya. Isang babasaging bagay si Miguel. Kaonting apak ko lang sa kaniya ay guguho na siya.

"You've come so far, Snow. Will you waste it?" Tanong niya. "Do you want me to cut my wrist again? Gusto mo bang makita ulit akong naliligo sa sarili kong dugo para matauhan ka? Para gawin mo 'yang planong inisip mo sa simula pa lang?"

I immediately shook my head.

"Rain!" Pagbabanta ni Faye. Masama ang tingin nito sa kaharap ko.

"I can't do it, you can. Will you do it for me?" Rain asked.

Napatitig ako sa kaniya. Will I do it? Ang tagal kong nagplano, ang tagal kong nag-isip. Ginawa ko ang lahat ng bagay na hindi ko noon ginagawa makapaghiganti lang. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman kong tumulo ang mainit na likido sa pisngi ko. Pilit kong inalala ang mga araw na umiiyak si Rain. Ang itsura niya noong naliligo siya sa sarili niyang dugo. Ang hiwa niya sa kaliwang kamay. Pilit kong nilagay sa utak ko ang mga araw na hindi siya makapagsalita at ang tanging nagagawa niya lang ay ang umiyak. Inisip ko lahat ng pinaghirapan ko. Ang layo na ng narating ko, isusuko lang ba lahat dahil nakita ko kung gaano kamahal ni Miguel si Jana? Aatras ba ako sa laban dahil nakita ko siyang umiyak? Dahil umiyak si Miguel Patrick Robles sa harap ko? Aatras ba ako? Inalala ko ang puno't dulo ng lahat. Bakit ko ba 'to ginagawa? Sino ba ang nagtulak sa akin para gawin 'to? Why am I even stuck in this situation? Para kanino ba to?

Kay Rain.

Napamulat ako at unti-unti akong napatango.

"Gawin mo ito habang iniisip lahat ng panlolokong ginawa sa akin ni Miguel. You want to teach him a lesson, right? Then do it. Isipin mo lahat ng babaeng naloko at maloloko pa niya kung hindi siya magbabago." Malumanay na wika niya. Parang gusto niyang itatak sa utak ko lahat ng sinasabi niya. Gusto niyang ibaon ito dito.

I sighed in defeat. Inisip ko ang lahat ng nangyari kay Rain noon. Si Miguel ang may kasalanan non di ba? Paano kung maisip na naman ni Rain na magpakamatay? At matuloy talaga ang plano niya? Mawawalan ako ng pinsan at siguradong sisihin ko ang sarili ko. I will get even to Miguel. Niloko niya si Rain, dapat lang na lokohin ko din siya. Pilit ko itong isiniksik sa utak ko.

I made up my mind.

Natulog ako ng mabigat ang pakiramdam.

Pagkagising ko kinabukasan ay wala na si Jat at Faye sa higaan. I was about to go to the bathroom when I heard my phone's message alert tone. Kukunin ko nasa iyon sa bedside table pero naunahan ako ni Rain. She opened it and I let her read the message.

"From Miguel Patrick Robles. Hi, Snow! Can I have a favor? Thanks. May smiley pa." Malakas na wika niya. She typed something and then shouted "Send!"

Ibinigay niya sa akin ang cellphone ko. I rolled my eyes ate her.

"Twelve noon. Frappe Tea. Go! Fix yourself. It's already past 10 o'clock." Singhal niya. Napailing na lang ako habang kinukuha ang damit ko.

Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili. Pinagtulakan pa ako ni Rain palapit ng pinto ng matapos ako.

"Snow?" Tanong ni Den kaya napalingon ako.

"It's okay to quit. That doesn't mean you're a loser. Revenge is such a cruel thing. No one deserves it."

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
8.8K 545 21
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
13.2K 328 22
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...