[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #12
Revenge #13
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #14

550 10 3
By lettersfromdee

A/N: Thank you sa pagbabasa mo sa storyang to, sa votes, tsaka sa comments mo. =)

Revenge #14: Choose Wisely

Naramdaman kong umangat ang katawan ko. May bumuhat sa akin at inilapag ako sa isang malambot na higaan. Sigurado akong kotse iyon ni Miguel dahil amoy na amoy ko ang car freshener niya.

"J, paypayan mo si Snow." Utos ni Migs kay Jana.

"Ayoko. Ikaw na lang, Josh." Sabi nito. Maya-maya'y naramdaman kong may nagpapaypay na sa akin.

Umaandar na rin ang sasakyan. Nangangati na ang braso ko. Gusto kong kamutin iyon pero hindi pwede. Kailan ka ba nakakita ng hinimatay tapos nagawa pang magkamot?

"Anong pinakamalapit na Hospital dito? Shit, baka may masamang mangyari sa kaniya." Rinig kong sabi ni Miguel. Nasa boses niya ang pag-aalala. Mabilis na ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Ang kati na talaga ng braso ko. "What about me? Masakit ang tiyan ko." Reklamo ni Jana. I wanna roll my eyes.

"Magpacheck up ka na rin." Wika ni Migs.

Bago pa kami makarating sa Hospital na pupuntahan namin at bago pa nila ma-discover na nagpapanggap lang ako ay nagpasya na akong kunwaring magising. I was about to say the famous line 'Asan ako?' when I saw Miguel's concerned eyes through the rearview mirror.

"What happened?" Iyon na lang ang naging litanya ko. Umupo ako ng maayos at hinawakan ko pa ang ulo ko na kunwaring masakit.

Agad akong inabutan ni Josh ng tubig.

"You fainted." Sabi ni Miguel. "Dadalhin ka namin sa hospital." Deklara nito.

Mabilis akong umiling. "Wag na. I'm okay. Mainit lang siguro kaya ako hinimatay. I'm so tired too." Tanggi ko.

Nakipagtalo pa sa akin si Miguel pero hindi ko siya hinayaang manalo. Ayoko kong magpahospital. Wala akong sakit.

"You can bring Jana to there. Di ba may sakit siya?" Nagtaas ako ng kilay kay Jana na naka-upo sa passenger's seat. "Masakit ang tiyan mo di ba?"

Ngumiti lang siya. A fake one. "No. I'm okay now. Let's go somewhere else na lang Migs." Malambing na sabi niya kay Miguel na siyang ikinairita ko at ikinalukot naman ng mukha ni Josh.

Tumango ang kausap niya. "Sure. But first, let's bring them home."

Josh shake his head. "Pakibaba na lang ako dito." Saad nito.

"What? No way! Nasa high way tayo, Josh." Angal ni Jana.

"May taxi naman. Isa pa, baka maabala ko kayo sa date niyo." Sabi nito. Walang siyang ipinapakitang emosyon pero alam kong nasasaktan siya.

Hindi nakasagot si Jana. Napayuko na lang siya.

"Are you sure?" Tanong ni Miguel habang nagmamaneho. Tumango lang si Josh bilang sagot. Bumaling naman siya sa akin. "You? Where do you want me to drop you, Snow?"

"Here." Wika ko.

"What? Why here?" Gulat na tanong ni Miguel.

"Because I want to. Isa pa, baka mag-adventure na lang kami ni Josh. Di ba?" I asked for Josh' approval and he quietly agreed.

Walang nagawa si Migs kundi ihinto ang sasakyan sa gilid ng high way. Panay ang pag-ikot ng mata ni Jana. Kating-kati na rin akong tusukin iyon ng kung ano mang bagay na matulis. Iniirapan niya rin ako sa tuwing titignan ko siya. Kung talagang mahal niya si Josh, bakit hindi siya gumawa ng paraan para makuha 'yung mahal niya? Hindi 'yung panay pagtataas lang ng kilay ang ginagawa niya. Ewan ko lang kung ano ang mararating noon.

Nagkakatitigan kami ni Josh pagkababa.

"Bakit ka sumunod sakin?" He asked. Sobrang init ng panahon. Wala kaming dalang payong.

I rolled my eyes. "Bawal?"

Hindi siya sumagot. Instead, he fetched for his phone. Kinuha ko rin ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Ver. Buti na lang at may signage sa paligid kaya alam ko kung saang lupalop kami. Nagpasundo ako.

Naglakad ako patungo sa isang waiting shed at doon ko naisipang maghintay. Sumunod naman siya sa akin. Wala pang 30 minutes ay nakarating din si Kuya Ver. I asked Josh if he wants us to drop him somewhere but he refused. Bahala siya.

"Are you sure you're okay here?" Tanong ko. "Alam mo, wala akong konsensiya. Hindi ako madadala sa pagpapakipot mo kaya kung gusto mong sumabay, sumabay ka na!"

Napailing siya. "I'll just stay here. I wanna think." Sabi nito.

"Bahala ka. Basta wag kang magpapakamatay ha. Si Jana lang 'yun, Josh. Marami pang iba. " Sabi ko saka pumasok sa kotse.

**

Pagkatapos ng opening ng Foundation Day ay hindi na ako pumasok. Pakiramdam ko ay mabobore lang ako doon. Isang linggo akong hindi pumasok at nagulat ako sa bumungad sa akin monday morning. Pagpasok ko pa lang classroom ay rinig ko na ang bangayan ng dalawa.

"Bakit mo ba ako sinusundan?! Have I told you that pink doesn't looks good on you?" Sigaw ng babae.

"I am not. Bakit mo ba pinapakialaman ang suot ko?" Sagot nung lalaki.

Nagtataka akong umupo sa upuan ko. Wala pa yung babaeng nasa gitna namin ni Jewel kaya kinausap ko siya. "Anong nangyayari? Bakit nag-aaway 'yang dalawa?" I asked pointing at the two who's already shouting things at each other.

She shrugged. "Ewan ko kung ano 'yung pinag-awayan nila. They started last tuesday. They're fighting over little things. Yung suot ni Jana, 'yung pabango ni Josh. Hindi rin sila nagpapansinan. Close na sila noon pa.So far, ito 'yung pinakamalalang away nila." Saad ni Jewel. Nagpapasalamat ako na madaldal siya dahil kung hindi, di ko malalaman ang mga bagay na ito. Kaya pala hindi na sila nagtataka na magkasama sina Josh at Jana palagi dahil ganon na pala sila noon pa.

Tumango ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang dalawa. "LQ?" I shouted. Ito ang dahilan ng pagtigil nila. Sabay silang napatingin sa akin.

Pinandilatan ako ni Josh. Like he's telling me that I should keep my mouth shut while Jana on the other hand raised her left eyebrow at me.

"What?" Tanong nito.

"Sabi ko LQ. Lover's Quarrel. Bingi lang?" I retorted.

"Yes we are quareling but we are not lovers!" Depensa nito.

Ako naman ang napataas ng kilay ngayon. "Oh really?" I smirked. Mas lalo akong pinandilatan ni Josh pero nginisihan ko lang siya. Naiirita ako sa itsura ni Jana so I might give her a piece of my mind now.

"Yes!" Agarang sagot nito.

"Defensive?" I asked. Mas lalong lumapad ang ngisi ko.

"Stop it, Snow!" Josh glared at me.

I shrugged then I smiled at him sweetly. Lalapit na sana siya sa akin pero mabuti na lang at pumasok na ang professor namin para sa unang klase. I can't hide my smile upon seeing Josh. Panay ang tingin niya sa akin. Bakas sa mukha niyang nagmamakaawa siyang tumahimik na lang ako. Si Jana naman ay panay din ang titig sa akin. Kapag tinititigan ko siya pabalik ay iirapan niya lang ako.

Lunch came and I immediately stood up. Inayos ko ang gamit ko at mabilis akong lumapit kay Josh. Sinigurado kong nakatingin sa akin si Jana.

"Hi! Lunch?" Tanong ko. Matamis akong ngumiti.

Magsasalita pa sana siya ng putulin siya ng pinakamamahal niya. "Sorry, Snow but you can't have lunch together." Sabi nito.

"But why?" Tanong ko naman habang nakapamaywang. Anong karapatan niya?

"Cause you're having lunch with me. Let's talk. Girl to girl." Sabi nito. Aangal pa sana si Josh pero pinandiltan siya ng mata ni Jana kaya napatahimik siya. Under, I guess.

Hinila ako ni Jana palabas ng classroom. Tinabig ko ang kamay niya. "Anong karapatan mong utusan ako?!" Galit na tanong ko.

"Wala. Pero matagal na akong naiinis sayo!" Sigaw nito na ikinalingon ng mga dumadaan sa hallway. Napatingin din sa amin ang mga kabarkada niyang nasa loob pa ng classroom.

"Woah. The sweet and ever innocent Jana Angeli Constantino's exploding." Manghang wika ko. The angel transformed into a devil now.

"Can we talk somewhere else?" Tanong niya sabay tingin sa mga taong nakatitig na sa amin.

I rolled my eyes. "Kung gusto mo pa lang makapag-usap tayo ng maayos, bakit ka sumigaw?" Napahalukipkip ako. "You want attention right? Then let's talk here. Tell me all your whereabouts in front of these people. Let them hear it." Hamon ko. Hindi ko alam kung anong dahilan ni Jana sa pakikipag-usap sa akin pero may hinala na ako. I know it includes one precious guy.

She sighed. "Follow me." Utos nito. She flipped her hair and turned her back.

I stood there. Wala siyang karapatang utusan ako. Nang mapansin niyang hindi ako sumusunod sa kaniya ay napahinto siya. Nilingon niya ako. "Bakit nandiyan ka pa?"

"I'm not an obedient person, J so follow me." Tinalikuran ko siya at nagsimula na akong maglakad. Wala akong pakialam kung sumunod man siya sa akin o hindi. Kawalan niya iyon.

Narinig ko ang tunog ng heels ng taong nasa likod ko. I smiled. Nagtungo ako sa Girl's comfort room. May dalawang babae doon na nag-aayos ng sarili.

"Get out here. Now!" Utos ng nasa likod ko. Napatigil ang dalawa sa ginagawa at madaling lumabas. May pagka-Queen Bee din pala ang isang 'to.

Hinarap ko si Jana. Chineck niya kung may tao pa ba sa mga cubicles. Nang wala siyang makita ay lumapit siya sa pintuan, nilock niya ito at isinara.

"So?" I asked.

"Bakit ba ang landi mo?" Pambungad niya sa akin. Napaamaang ako. Seriously?

"Ako?" Tinuro ko ang sarili ko. "Sigurado kang tama ka nang taong pinagtanungan?" I asked back. "And you have the guts to asked me that question? Grabe." Komento ko at napailing.

Pinanliitan niya ako ng mata. "Yes. I have the guts. Sigurado akong tama ang paghila ko sayo dito. Wala ka bang ibang malandi kaya si Josh ang nilalandi mo?" Galit na tanong nito sa akin.

"Woah. There's nothing wrong about it. Wala akong boyfriend, walang girlfiend si Josh. We have right to flirt with each other." Matapang na sagot ko. For pete's sake I am not flirting with Josh! Pero hindi ko iyon pwedeng sabihin. Iyon ang gusto kong iparating kay Jana, iyon ang gusto kong makita niya. Na inaagaw ko sa kaniya ang secret lover niya.

"No! Josh' isn't flirting with you! Ikaw ang lumalapit sa kaniya. Ikaw itong malandi!" Pag-aakusa niya.

"How dare you?!" Sigaw ko pabalik. Wala akong pakialam kung may makarinig man sa amin dahil sa lakas ng boses ko. Hindi naman sikreto ko ang mabubunyag dito kundi ang sikreto nila.

Napahalukipkip din siya. "Totoo naman di ba?"

Napailing ako. Ang kapal ng mukha. Ako daw ang malandi? "Look at yourself before judging others, Jana. Ano bang pakialam mo? As far as I can remember, you are not his girlfriend." I said slowly. Shit, ang sarap manabunot.

Napatahimik siya.

"Wait. Are you jealous?" I said eyeing her. Napaangat siya bigla ng tingin. Nanlaki ang mga mata niya.

"I am not jealous!" She sound so defensive.

I smirked. "Talaga lang ha. So okay lang sayo na maglandian kami ni Josh?"

"No way!" Mabilis na sagot niya. Lalo akong napangiti. I have a conclusion right now. Jana's freaking jealous of me and the love of her life. My plan's falling into pieces.

I was about to speak when I heard a knock.

"Snow? Jana? Please open this damn door!" Kasunod non ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Pakiramdam ko nga masisira ito sa paraan ng pagkatok niya.

Naiinis na Jana ang nagtungo sa pintuan. Binuksan niya ito.

"Why are you here?" Galit niyang tanong.

Hindi siya sinagot nang kaharap. Sa halip ay sa akin ito bumaling. Namumula ito at alam kong galit siya. "What did you tell her? You told her you already knew? God Snow, I told you to keep it! You should have close your mouth!" Sigaw niya sa akin.

Sasabat na sana ako kaso nagmagaling na naman itong si Jana. "What are you saying? Anong hindi niya dapat sabihin sa akin? Are you hiding secrets behind my back? Are you cheating on me, Josh?!" Hysterical na wika ni Jana.

Mabuti na lang at medyo malayo ang CR na 'to. Bihira lang ang estudyanteng gumagamit nito dahil malapit ito sa faculty room. Hindi naman ako takot malaman ng iba ang sikreto nila. Ang ayaw ko lang ay masira ang plano ko dahil sa kanila.

"I am not cheating on you! I will never cheat on you, J!" Sagot ni Josh. He was trying to hold Jana's hand but she keeps on rejecting his touch.

Napatingin siya sa akin at dinuro-duro ako. "Then what the hell is she talking about?" Turo sa akin ni Jana like I'm some kind of a thing here that can't talk or can't even hear.

"Shit. Don't point your finger at me!" Sigaw ko.

Napanga-nga si Josh. "You didn't told her?!"

Napailing ako. "Ano bang tinatago niyo sa akin? Are you sure you are not cheating when I'm not around?" Pabalik-balik ang tingin ni Jana sa aming dalawa.

Natawa ako. "Hindi ba dapat si Miguel ang nagtatanong niyan?"

Nanlaki ang mga mata ni Jana. "You knew?"

I laughed and nodded. "Of course I do." Sabi ko na para bang ang sikreto nila ay isang bagay na pwede mong i-research sa google.

"How did you.." Hindi niya na ma-ituloy ang sasabihin niya. Di makapaniwalang tinignan niya ako. She looked at Josh and he nodded. Her mouth formed into an O now.

"Paano?" Tanong niya.

"You can google it, J."

Josh glared at my answer. Pinagsalikop ko ang mga braso ko at tinitigan siya. "I told you before that everything you need from me comes with a price, right?" He simply nodded. Nagtataka kaming tinignan ni Jana. I smirked. "I'm asking for that price, Josh and Jana needs to pay for it."

"What?! No!" Angal niya. "Ako ang humingi ng pabor sayo kaya dapat ako ang nagbabayad."

"Ang problema, kay Jana ako may kailangan." Sabi ko.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" Naiiritang wika ni Jana. Tumingin siya kay Josh.

He sighed. "She found out about us. I told her to keep our secret. She agreed and now I'm paying for it."

Binalingan ako ni Jana. "At bakit ka naman susunod diyan? You are not some kind of a puppet, Josh." Mataray na sabat niya.

Napataas ang kilay ko. "Okay. Kung ayaw niyo, eh di wag. Madali naman akong kausap. Should I tell Miguel about your relationship now?

"Tell him. As if he'll believe in you." Hamon ni Jana.

"He won't believe in me but he'll believe in pictures right? I have proof guys."

"Really? Asan? Show it to me."

I smirked. "Well, mas maganda siguro kung kay Miguel ko ipapakita. I'll just send it to his email. It only takes one click, J. One click." Ngumisi ulit ako at nagtungo na sa pintuan. I don't have a proof. Pinagbabantaan ko lang sila at sigurado ako eepekto 'yun.

Hahawakan ko na sana ang doorknob ng pigilan ako ni Jana. Masaya akong napalingon sa kanila.

"Okay! I'll do it. What's your condition?" Naiinis na wika niya.

"Landiin mo si Miguel."

"What? No!" Josh reacted this time.

I folded my arms. "Iyon naman ang ginagawa niya di ba? Sagad-sagarin mo na, Jana."

"She's just doing it to make me jealous!" Sagot ulit ni Josh.

"Bahala kayo." Binalingan ko si Jana. "The choice is yours. Lalandiin mo si Miguel, you will make him fall for you so deep he won't be able to stand up. In return, I won't bother Josh anymore and I will keep your secrets. It's either gagawin mo ang gusto ko para sa inyo ni Josh o sasabihin ko ang lahat kay Miguel. Choose wisely, J."

Napabuntong-hininga siya. "Okay. I'm choosing Josh. I love him and I want you to keep our secrets." Napalunok siya. "Lalandiin ko na si Miguel. Sisiguraduhin kong mahuhulog siya sa akin ng sobra. But please make sure to close that talkative mouth of yours."

I smiled at them. "Of course. So it's settled then. Galingan mo ang pag-acting ha?" Walang ibang nagawa si Jana kundi ang tumango.

I turned my back at them. Lumabas na ako ng pintuan.

Hawak ko na si Jana sa leeg ngayon. Hindi ko mapigilang mapangisi.

Continue Reading

You'll Also Like

260K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.4K 382 19
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
32.4K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
1M 81.9K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...