[Discontinued] Karma's a Bitc...

By lettersfromdee

24.4K 606 106

Miguel Patrick Robles, pangalan pa lang nito ay kinikilig na ang karamihan sa mga kababaihan but not with Sno... More

The Beginning of Revenge
Revenge #1
Revenge #2
Revenge #3
Revenge #4
Revenge #5
Revenge #6
Revenge #7
Revenge #8
Revenge #9
Revenge #10
Revenge #11
Revenge #13
Revenge #14
Revenge #15
Revenge #16
Revenge #17
Revenge #18
Revenge #19
Revenge #20
Revenge #21
Revenge #22
Revenge #23
Revenge #24
Revenge #25
Revenge #26
Revenge #27
Revenge #28
Revenge #29
Revenge #30
Revenge #31
Revenge #32
Revenge #33
Revenge #34
Revenge #35
Revenge #36
Revenge #37
Revenge #38
Revenge #39
Revenge #40
Revenge #41
Revenge #42
Revenge #43

Revenge #12

590 12 0
By lettersfromdee

Revenge #12: Hide and Seek.

"The simplest definition of psychology is that it is the study of the mind and behavior. Research in psychology seeks to understand and explain thought, emotion and behavior."

Hindi maproseso ng utak ko ang sinasabi ng Professor sa harapan. Panay ang titig ko sa wall clock na nasa ibabaw ng white board. Sobrang bagal ng oras. Ang isang oras at kalahati kong klase ay parang isang taon.

Nangalumbaba ako at tumingin sa labas. And I am not surprised with what I saw. Nandoon na naman siya. Nasa labas ng hallway. Nakapasok na naman ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon habang nakapikit. Maraming babaeng pasimple siyang tinitignan.

"Ms. Vasquez!" Napapitlag ako pagkarinig ko sa pagtawag sa akin ni Prof. Jimenez. Mula sa lalaki sa labas ay nabaling ang tingin ko sa gurong nasa harapan.

Ngumiti ako. "Yes, ma'am?"

Her eyebrows furrowed. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin. If looks could kill, I'm sure I'm already buried under the ground right now. Cliché as it may sound, pero totoo ang sinasabi ko. Kulang na nga lang, may laser beam na lumabas sa mga mata ni Miss Jimenez.

“You have the guts to smile, Miss Vasquez? Unbelievable.” Komento niya. Kumunot ang noo ko, bawal na bang ngumiti ngayon?

I still flashed my unfamous smile just to annoy her.

"Are you even listening to me, Miss Vasquez?" Galit na tanong niya. Lahat sa klase ay nakatingin na sa akin. Maging ang mga nakatambay sa labas ng corridor ay sumisilip na sa bintana. All their ears and eyes are on me now. I shake my head because of the attention I'm getting.

I smiled widely and looked straight at her eyes. "Of course, Ma'am." I gladly answered.

Tumaas ang kilay niya at napahalukipkip pa. I stared at her. Miss Jimenez is one of the terror professors in Ford University. Dumadaan pa lang siya sa hallway, nagtatago na lahat ng estudyante. Siya 'yung tipo ng professor na malayo pa lang tatakbo ka na pabalik. She has this curly brown hair na hanggang balikat tapos may salamin din siya. Everyone's afraid of her. Except me.

"If you're really listening Miss Vasquez, discuss the definition of Psychology, it's scope, history and the school of thoughts!"

Napanganga na lang ako.

"Their meanings too. Stand up!" Sigaw niya.

Holy shit. Unti-unti akong napatayo at napalunok. I am not afraid of her. Nag-aaral ako ng advance lessons sa bahay kaya alam kong masasagot ko ang tanong niya. Ang problema nga lang, baka bukas pa ako matapos nito.

"Psychology is both an applied and academic field that studies the human mind and behavior. Research in psychology seeks to understand and explain how we think, act and feel. " Panimula ko. She glared at me.

"As most people realize.." Hindi ko na na-ipagpatuloy ang sasabihin ko dahil nahagip ng paningin ko ang wall clock.

Nginitian ko siya. "..that it's already 11:35 am, Ma'am. We are late for lunch."

Tumawa si Fred. Sinamaan siya ng tingin ng Professor sa harap ko kaya napatigil siya.

Miss Jimenez sent daggers towards my direction. "You're maybe saved by the clock today, Miss Vasquez but I am not done with you. You will dicuss the school of thoughts in our next meeting alone. I want an impressive powerpoint presentation. Hindi porket pamangkin kita ay pagbibigyan na kita! Do you understand?"

"Yes ma'am." Pinigilan ko ang mapangiwi sa sinabi niya. She's my Mom's cousin.

Her lips were pursed in a thin line. "Class dismissed."

Nakahinga ng maluwag ang lahat nang makalabas si Miss Jimenez.

"Are you okay, Snow?" Agad na tanong sa akin ni Jewel. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Woah. Tita mo si Miss Sarah 'The Terror' Jimenez?" Tanong sa akin ni Fred na sinuklian ko lang ng ngiti.

"Oh, kaya pala mataas 'yung grades niya nung prelims. Di na nakapagtataka." Sabat ni Ana.

I rolled my eyes at her. "Think what you want. No one cares." I smirked at her.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na ako kela Jewel. I'm having my lunch away from annoying people right now.

Nakangiting sinalubong ako nang isa sa mga nakakairitang tao sa mundo. There's a big smile plastered in his face that I want to wipe away. May dala na naman siyang pulang rosas at Ferrero Rocher chocolates.

Napatitig ako sa hawak niya. "Too banal." Wika ko saka siya nilagpasan.

Nahagip niya ang kaliwang kamay ko. Agad kong tinabig iyon. "What?" Tanong niya.

"Nothing." Pilit akong ngumiti.

"No. You're saying something. It's banal." Wika niya.

I shrugged. It's time to turn on my acting skills. "Yeah. I'm telling you that your idea of courting is banal. Boring, Migs. Masyado ng uso 'yang mga flowers and chocolates. Paano ka sasagutin ni Jana kung wala kang pagkakaiba sa mga nanliligaw sa kaniya? You're not unique. You're just like the others. Boring and plain." Komento ko. Parang gusto kong matawa sa mga pinagsasabi ko. Saan ko naman napulot 'yun? I sound like a love guru here and it sucks.

"So what are you trying to suggest?" Nakataas na ang kilay niya sa akin.

"You can give Jana a unique gift. Masyado nang gasgas 'yang flowers. Hindi naman niya matatago 'yan habang buhay, Miguel." I suggested.

Nilagpasan ko na siya. I waved my hand and shouted "Ciao!"

Sigurado akong mag-iisip ng maigi 'yang si Miguel. Hindi na mawawala sa isip niya iyong sinabi ko at siguradong mas pag-iigihan niya pa ang panliligaw kay Jana.

I spend my lunch outside the school. Alone. Sanay naman akong mag-isa kaya ayos lang. I outlined all the things I need to do. Maging mas close pa sa barkada nila Jana, mas maging close pa kay Miguel. Paglalapitin ko ang dalawa and then I'll broke Miguel's heart. How? Well, only Jana can do that.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa klase. Nakita ko ang maraming cup cakes sa lamesa ni Jana. Jewel motioned me to come near them.

"What's that?" I asked dumbly.

Kate rolled her eyes at me. "Ay tanga talaga." She commented.

I glared at her. "I know what it is, barbie doll. I'm just wondering bakit ang dami?" I asked Jana.

She smiled, her eyes glittered. "It's from Miguel, Snow. Do you want one?" Inabutan niya ako ng isang red velvet cupcake.

Woah, parang nalusaw ata ang galit niya sa akin. After the party, she's not talking to me anymore. She keeps on ignoring me and she's treating me like I don't exist. Wala namang kaso sa akin 'yun dahil ganon din naman ang trato ko sa kaniya noon pa man. Sigurado akong wala siyang maalala sa gabi ng party. Dahil kung meron man, marahil pinagsabihan niya na akong tumahimik pero wala akong kahit anong salitang narinig mula sa kaniya. Maybe she's too drunk to remember anything.

Napatitig ako sa mga boxes ng cupcakes. Oh God, bakit ang tanga ni Miguel! Sabi ko, dapat unique, kakaiba, yung hindi gasgas pero seryoso? Cupcakes talaga? Eh parang nung sinaunang panahon pa 'to binibigay ng mga nanliligaw sa nililigawan nila, anong pinagkaiba non? Pero hanga din ako sa bilis niya. Akalain mong naisip niya agad 'to at nakabili agad siya.

Ipinakita sa akin ni Jewel ang isang box. She told me to open it. I hide my shockness upon seeing what's inside.

"Ang sweet di ba?" Kinikilig na wika ni Jewel.

"Babe, can you buy me some cup cakes too?" Sabi ni Kate sa boyfriend niya.

Geez, I wanna puke. Nakalagay lang naman sa cup cakes ang mga salitang Be mine. I love you. The design's so girly too. Gasgas man pero alam kong kikiligin si Jana. Inikot ko ang paningin ko. I'm searching for that one guy who will not be happy about this. I found him sitting two seats away from us. Katabi niya sina Fred at Kent na abala sa pagkain ng cupcakes. Nakayuko siya at pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen. His lips were pursed and I know he's mad.

Kumuha ako ng isang cookies and cream cupcake. "Josh!" Tawag ko sa kaniya.

Napalingon naman siya sa akin. Tinignan niya ako nang nagtataka. "Do you want one? I'm sure Jana won't mind." Inalok ko ang hawak ko sa kaniya sabay tingin kay Jana. Napahinto siya sa pagsubo sa hawak niyang chocolate cupcake. I smirked.

"Ah. No thanks." Tanggi niya.

"Oh common! Wag ka nang pakipot, Josh. I know this is your favorite."

"How did you know?" Gulat na tanong ni Jana. Hindi niya na naituloy ang dapat na pagkain sa hawak niya. Inilapag niya na lang iyon sa lamesa.

I smiled sweetly at her. "Lucky guess, I think." Bumaling ako kay Josh. "Dali na. Don't be shy."

Umiling ulit siya. Nakasimangot na si Jana. Wala namang pakialam sa mundo ang mga kabarkada nila. Hindi ko alam kung alam na nila ang tungkol sa dalawa. 

Lumapit ako kay Josh. Hinila ko siya palayo sa mga lalaki at pina-upo sa isa sa mga upuan. Binigay ko sa kaniya ang hawak ko.

"Eat. Ang arte." I pouted. I'm sure I looked like a kid right now. Isang batang ayaw bilhan ng paborito niyang laruan.

"Grabe pre, chance mo na yan! Grab it." Natatawang komento ni Wes.

"Gusto mo ng sub, Josh?" Tanong ni Fred na ikinatawa nila.

Napapailing si Jana. Alam kong hindi siya natutuwa sa nakikita niya.

Nakakunot-noo akong binalingan ni Josh. Kumagat siya ng cupcake. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa desk at humilig ako sa kaniya. I can see in my peripheral vision that Jana's sending a lot of death glares to me. I gladly accepted it.

Ngumiti ako. Alam kong ramdaman iyon ni Josh. Nakadikit ang labi ko sa tenga niya. "How can you stomach the thought of eating that cupcake knowing that it came from Miguel? Your rival against your love for Jana." I whispered softly.

Marahas na inilapag ni Josh ang hawak niya. Napangisi ako. Tumayo ako ng diretso at binalingan ko si Jana na ngayo'y kunot na ang noo. Nginitian ko siya pero inirapan niya lang ako. Gusto ko nang magtatalon dahil sa inis at galit na nakikita ko sa mukha nilang dalawa. Hinawakan ako ni Josh sa kamay. He literally dragged me towards the door. Binitawan niya lang ako ng makalabas kami at makalayo sa maraming tao.

"What are you trying to imply, Snow? Ano bang problema mo?!" Naiiritang tanong niya. Nakakunot na ang noo niya at nakakuyom ang mga palad.

I shrugged. "Pinapaalala ko lang sayo na kung mahal mo talaga si Jana, ipaglaban mo. Hindi 'yung titingin ka lang mula sa malayo para pagmasdan 'yung babaeng mahal na mahal mo na pinapasaya ng iba. Hindi mo ba naiisip na sana ikaw na lang 'yung nagbibigay sa kaniya ng flowers?  Did it ever cross your mind na ikaw na lang sana 'yung nagbibigay sa kaniya ng mga chocolates at ng cupcakes? Did you ever wish that you could be that guy who'll make Jana Angeli Constantino the happiest girl?"

He stared at me and I stared back. I can see the pain in his eyes. Sa huli, napayuko na lang siya.

"God, Snow. I wish I could be that guy. I badly wish. But the world is not a wish granting factory, right? Kaya hindi na ako umaasa. I want to be with her but I can't. It's against the rules." Umiiling na wika niya.

I don't understand. Hindi ako eksperto sa pag-ibig pero ano 'yung batas na pinagsasabi niya? "There's no rules in love, Josh. You can love whoever you want. Girl, boy, gay, lesbian, old, young, nobody cares."

"That nobody means your family and the society, Snow. No matter who you love, you will get judge."

Napailing ako sa sinabi niya. Wala akong maintindihan. Tinalikuran niya ako pagkatapos. Hindi ko na siya nagawang habulin dahil iniisip ko pa rin ang mga sinabi niya. One thing's for sure, there's no fucking rules in the field of love.

Bumalik ako sa classroom. Nadatnan ko ang mga kaklase kong nakikikain na rin sa mga cupcakes ni Jana pero ang may-ari ay naka-upo lang doon. Mag kasunod lang kami nang pagbalik ni Josh at kitang-kita ko ang mga mata niyang sumusunod sa nasa unahan ko.

Tumayo siya at naglakad. Nagkasalubong sila ni Josh at huminto siya sa tapat nito. Napahinto din si Josh. May sinabi sa kaniya si Jana pero hindi ko marinig.

Ngumiti ako ng makasalubong ko siya. "San ang punta, J?" I asked.

Inirapan niya lang ako. "None of your business."

Na-upo si Josh pero wala pa ang limang minuto ay tumayo ulit siya at lumabas. Hindi ko na siya sinundan, alam ko kung saan siya pupunta at tinatamad akong sundan sila. May 30 minutes pa bago ang sunod naming klase. Nagulat ako dahil hingal na hingal na Miguel ang nakatayo ngayon sa pintuan ng classroom namin. May hawak siyang cup holder sa magkabilang kamay.

"I bought drinks. Where's Jana?" Tanong niya at lumapit sa amin.

Inilapag niya ang hawak niya.

Nagkibit-balikat si Jewel. "I don't know. Lumabas siya."

Dismayadong napa-upo si Migs. Sumimangot siya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa desk at nangalumbaba. He looks cute. Parang bata na inagawan ng laruan.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Do you want to find her? I'll go with you." Alok ko. Naiisip ko na kung saang lungga nagtatago ang dalawa ngayon para makapag-usap, maghalikan o mag-away. Nasa library kaya sila? Cafeteria? Girl's Comfort Room? O baka naman nasa bakanteng classroom?

Miguel happily accepted my offer. Parang ibinalik na ngayon ang kaninang laruan na kinuha mula sa kaniya. Lumabas kami ng classroom. Tinanong ko kaagad ang unang babaeng nakasalubong ko kung nakita ba niya kung saan pumunta si Joshua Ramirez. The girl I asked glady pointed the directions.

"Bakit si Josh ang tinanong mo? Si Jana ang hinahanap ko, Snow."

I smiled at him. "Trust me."

Tama ang hinala ko, sa isang bakanteng classroom kami dinala nang itinurong direksiyon ng babae. Nauna akong maglakad kay Miguel. Sinigurado kong sapat lang ang distansiya sa aming dalawa. Mahirap na at baka mabuko sila.

Sumilip ako sa bintana. Patay ang ilaw sa loob. I saw two figures standing. The guy's holding the girl's hand and I'm pretty sure they are arguing over something. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Nilingon ko si Miguel na malapit na sa akin. Kinapa ko ang switch ng ilaw.

I turned it on.

"Surprise!" I shouted. Ito ang naging dahilan ng pagbitaw ni Josh sa kamay ni Jana. Gulat na gulat sila pareho.

I smiled at them. "Andito lang pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap." Wika ko. Pinunasan ko pa ang noo ko na kunwaring may pawis.

Binalingan ko si Migs na sobra nang malapit sa akin. "Migs, dalian mo! They're here." Sigaw ko.

Tumingin ako kay Jana at nakita kong agad siyang lumayo kay Josh. Nanigas siya sa kinatatayuan niya habang nanlalaki ang mga mata. Scared?

Nang makalapit na si Miguel ay napangiti siya nang makita ang pinakamamahal niya. Lumapit agad siya kay Jana. "Why are you here? I bought your favorite drink." Bumaling siya kay Josh at agad kumunot ang noo nito. "Bakit kayo magkasama?" He asked.

Sasagot na sana si Josh pero pinigilan ko siya. "They're talking about their suprise for Jewel. Sila lang muna dalawa kasi baka makahalata 'yung celebrant. Sila 'yung in-charge para sa pagpaplano. Jewel's birthday is in less than two weeks, Miguel. Right?" Tinignan ko si Jana na agad namang tumango. Of course, she agreed. Ako na nga itong nagtatakip sa kanila, tatanggi pa ba siya?

I walked towards Josh. Hinawakan ko ang braso niya. "Tara na. Our class is about to start. Let's leave those lovebirds cause we are no longer needed here."

Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumunod sa akin. Lahat ng mga mata sa hallway ay napapatingin na sa amin. Practically on my hand which is holding his wrist.

"Why are you doing this, Snow?" Tanong niya habang nalalakad kami.

"I'm doing this for you. You asked for my favor. I'm just doing what you have asked for. Para naman sa inyo 'to."

"But I asked you once and you did it very well."

"Twice." I retorted. "First, I hid your secret. Second, I stole Miguel away. This is the third, you didn't ask but I already sensed that you need my help and you should thank me for that."

He muttered his thank you and I smiled broadly upon hearing it. Makakapagpasalamat pa kaya siya kung malalaman niyang parte 'to ng plano ko? Makakangiti pa kaya siya sa akin pag nalaman niyang ginagamit ko lang sila? I smirked at my thoughts.

"Payo ko lang. Galingan niyo namang magtago, Josh. Masyado kayong halata. Napansin ko agad ang balak niyong pagkikita ni Jana." Tumango siya sa sinabi ko.

"Always remember that this is a game of hide and seek." I said slowly and surely. I want him to keep what I'm saying tattoed inside his mind. "Miguel's the 'It' and you need to hide from him. Don't let him find you and Jana because when he does.."

Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"Game over."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...