Unexpectedly Crazy (Unexpecte...

By Adceecee

91.4K 3.5K 937

Isang babaeng no boyfriend since birth ang gustong magkaanak sa pamamagitan ng sinuggest na method sa kaniya... More

Unexpectedly Crazy
Story Description
Prologue: Zachie
Prologue: Dwanee
Chapter 1
Chapter 2
Character Image
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author's Note
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 7

1.6K 67 3
By Adceecee

Chapter 7: Fortunately Unlucky

"Nagulat ka ba kurdapya?" Tanong ni Zachie matapos siyang ipakilala ng sekretarya ni Dwanee. Kunot-noong tinitigan lang siya ng huli.

"Uhmm... Aalis na po ako ma'am. Just call me if you need anything." Sabi ng sekretarya nito at nag-bow muna ito sa kanila bago lumabas ng opisina. Napalunok siya ng laway nang makitang parang mangangain na ng tao ang hitsura ni kurdapya. Kinabahan siya, lalo pa't sila lang ang nasa loob baka sugurin at pagbugbugin siya nito anumang oras.

"Well... Di mo man lang ba papaupuin ang panauhin mo, Mrs. Dalton?" Taas kilay niyang tanong kahit sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang umalis. Kung wala lang talaga siyang kailangan dito, di talaga niya isasakripisyo ang priceless niyang buhay.

"MISS Dalton." She corrected.

"Oh? Miss ka pala? Hindi kasi halata." Pambabara niya at umupo sa upuang nasa harap ng table nito kahit hindi naman siya niyaya ng huli. Kesa naman mangalay siya kakahintay, na halata naman talagang wala itong balak na paupuin siya. Bumalik narin ito sa pagkakaupo pero salubong parin ang mga kilay.

"Alam mo bang nakaka-wrinkles 'yang ginagawa mo?" He said. Mas lalo tuloy tumalim ang pagtitig nito sa kaniya. Medyo napausog siya ng upo.

"Nananadya ka ba talaga?" Tanong nito sa kaniya.

"Wow. Ganiyan ka ba sa mga bisita mo, MISS Dalton?" Taas kilay niyang turan.

"What is it that you want?" She asked.

"As far as I know, ikaw ang may kailangan sa akin. Kaya ka nga nag-request ng appointment. Am I right?" Pabalang niyang sagot. Napansin niyang mahigpit na ikinuyom ng kaharap ang kamao nito. Napalunok siya ng bongga na pati Adam's apple niya ay nalunok narin ata. Kailangan niyang tapangan ang sarili. Inilibot niya ang paningin sa loob ng opisina nito. "Your office is very clean and tidy. In fairness..." Komento kunuhay niya, na ang totoo naman ay ang pinto talaga ang pinuntirya niyang tignan. Biglang namawis ang palad niyang makitang nakasarado itong maigi. Kahit man lang sana nakaawang ito ng konti para pag nagkaabirya, madali lang siyang makakalabas. Nagmumukha na kasing dragona ang kaharap.

"I don't need your compliment. And technically, it's your father I want to speak with. Now, if that's all you want to say, you can now leave." Mariing sabi nito sa kaniya.

"Unfortunately, he's not here, MISS Dalton. Kaya ako nalang ang nag-approve ng appointment. Buti in-approve ko nga eh. At sooner or later ako na ang mamamahala ng company ni pudra, walang pinagkaiba iyon. Isipin mo nalang na ang kausap mo ngayon ay ang bagong presidente ng Vonwick Company." Buong tapang niyang pambabara.

"Fine." Pilit nitong sagot. Bubuksan na sana nito ang laptop nang magsalita siya.

"Can I have a coffee first?" Tanong niya. "Di ba dapat may ise-serve para sa bisita. Haven't you know about hospitality, MISS Dalton?" Pambabara niya rito. Padabog naman nitong pinindot ang intercom.

"José. Please get MISTER Vonwick a cup of coffee..." Nang-iinis na turan nito at talagang in-emphasized pa talaga ang mister.

"Oh I want it with cream and no sugar." Dagdag niya.

"HE wants it with cream and no sugar." Pang-iinis na naman nito sa kaniya. "Anything you want to add, MISTER Vonwick? Baka gusto mo rin ng pambara?" She added. Kurdapya talaga! Halatang pinipikon siya ng bruha! At talagang effective naman!

"That's all, MISS Dalton." Sagot niya habang nakangiti ng pilit.

Mga ilang sandali lang ay pumasok ang sekretarya nito habang may bitbit na tray. Inilapag nito ang isang tasa ng kape sa harap niya.

"Thanks José" Pasasalamat ni kurdapya sa sekretarya. Nag-bow muna ito bago naglakad palabas ngunit pinigilan niya ito.

"Uhm José." Tawag niya at agad naman itong napalingon. "José, right? Uhm, could you please leave the door open?" Utos niya. 'Yon naman talaga ang dahilan niya kung bakit gusto niyang magpakuha ng kape para iwan nitong nakabukas ang pinto pagkatapos. Napatingin naman ang sekretarya sa amo, asking for her consent.


"So that may makapasok na fresh air. Nagha-hyperventilate kasi ako pag masyadong closed ang room." Pagdadahilan niya para sundin siya nito. Pero nagdadalawang-isip ito.

"Why didn't you say so, MISTER Vonwick? I can open the glass windows for you if you really need fresh and natural air. Wala rin kasing makakapasok diyan sa pintuan since closed rin ang nasa labas." Sabi ni Dwanee. Nakng! Hindi naman kasi natural air ang kailangan niya! Gusto niya lang makalabas nang madali pag nagkaabirya na talaga.

"You can now leave, José. Thank you." Utos nito sa sekretarya at lumabas naman ito at sinarado ang pinto.

"Gusto mo bang nakabukas ang bintana MISTER Vonwick?" Tanong nito sa kaniya. Well, hindi naman siguro masama ang kababagsakan niya pag sa bintana siya tumalon?

"Do you mind me asking? Ilang feet ang haba from the bottom floor hanggang dito sa office mo?" Kinakabahang tanong niya.

"Technically, we're on the topmost floor of the building." Sagot nito sa kaniya. Hindi kasi niya binigyang pansin ang floor counting nung nasa elevator pa siya patungo sa office nito habang gina-guide siya nung babaeng nasa reception area kanina. Busy kasi siya sa pagsto-stalk kay papa Joshua. "Approximately, this building is 1,128 feet tall." Napalunok siya dahil sa sinagot nito. Kahit mas mataas nga lang ng konti ang building ng kompanya ng pudra niya pero sobrang taas parin nito kumpara sa regular na mga gusali.

"Do you still want me to open the glass windows?" Tanong muli nito sa kaniya habang may bitbit na small device na parang remote control.

"Nope. I'm good. I think I can manage myself." Tanggi niya at sinimulang higupin ang kape nang mahimasmasan ang kabang nararamdaman. Hindi naman pala masama ang kababagsakan niya, kundi sobrang sama to the nth power! Lasug-lasog siguro ang oh-so-goddess body niya pag nagkataong tumalon nga siya.

"Well then. Shall I now discuss?" Nakangising tanong nito. At nahahalata niyang pinaglalaruan talaga siya ng kurdapyang 'to.

"Here's the thing, kurdapya— I mean, Miss Dalton." Pagsasalita niya matapos mag-present ng kung anu-ano si Dwanee. Actually, hindi naman talaga siya nakikinig at puro pagdi-daydream lang kay papa Joshua ang laman ng utak niya. "I really don't care. You don't have to explain anything why should my company, well for now it's still my dad's company, and your company be collaborated in the first place. If you want us to collab with you, then fine. I can give the full collaboration right away. But there's one thing I really want from you..." Sabi niya. He paused for awhile dahil tinapos muna niya ang kahuli-hulihang mga patak ng kape. Honestly, nasarapan siya sa ininom. Hindi siya pang-high class, pero sakto lang ang lasa. Napansin niyang naguguluhan ang kaharap kaya inilapag na niya ang tasa at maarteng pinunasan muna ang bibig.

"...Your approval, Miss Dalton." Pagpapatuloy niya.

"Approval for what?" Taka nitong tanong.

"Hindi na ako magpapaligoy pa." Simula niya. Kanina pa sana niya ito sinimulan kaso ayaw niyang ma-disappoint ang babae dahil mukhang naghanda talaga ito para sa meeting nila. Kahit pa man magkaaway sila ni kurdapya, marunong parin siyang umunawa noh!

"I want your kids as model for the new concept of our fashion line next season." Finally nasabi na talaga ang totoong pakay niya rito.

"What?" Gulat nitong tanong na parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Your kids have potential, Miss Dalton. I want them to be the model for ChelRies's next fashion line." Paliwanag niya.

"W-Wait hold on. Are you kidding me? All this time, tungkol lang sa mga anak ko ang pakay mo talaga sa akin?" Galit nitong turan.

"I don't want to disappoint you, but yes." Pag-amin niya.

"The hell. And you think I would approve? Sorry to disappoint you also, but no. Hindi investment or any part of business ang mga anak ko, Mr. Vonwick." Nanggagalaiti nitong tanggi.

"Let's be professional here, Miss Dalton. If you approve, hindi lang mga benepisyo ng Vonwick Company ang makukuha mo kundi pati narin ng ChelRies. It's a win-win situation, only mas lamang ka lang ng konti." Prangka niyang sabi.

"I'm not talking here as a professional businesswoman, Mr. Vonwick. I'm talking here as a mother." Paninindigan nito. Matigas talaga pakiusapan ang kurdapyang 'to.

"At hindi rin naman kawalan sa akin pag hindi nag-collaborate ang mga kompanya natin. If you don't have anything else to say, you can now leave." Huling sabi pa nito saka pinaikot ang swivel chair paharap sa glass window.


"Hello po, boss Zachie!" Masiglang bati sa kaniya ng baklang si Fix pagkapasok niya sa kompanya niya. "Oh ba't ganiyan po fes niyo? Para po kayong pinagsuklaban ng langit at lupa?" Exaggerated na sabi pa nito.

"Ano bang kailangan kong gawin para makuha ko ang loob ng kurdapyang iyon?!" Himutok niya at padabog na pumasok sa loob ng office niya. Sumunod naman sa kaniya si Fix.

"Omo! May nililigawan po kayong merlat?" Gulat na tanong nito sabay takip pa ng bibig.

"Gaga. Hindi. At saka eww. Never ko 'yang gagawin! Hmphf!" Sabi niya at umupo sa pink swivel chair niya.

"Eh ano pong nangyari sa inyo? Hitsura niyo po kasi parang 'lalaking hindi pa nga nanligaw basted na agad'." Komento nito.

"Nakakainis kasi ang kurdapyang 'yon. Sarap sabunutan! Grrr." Sagot niya at napahilot sa sintido niya.

"Sino po ba 'yan?" Usyoso na naman nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sabi ko nga po. Quiet na po me." Sabi nito at sinarado kunuhay ang bibig na parang may zipper.

"Anyways, tapos na ba ang audition?" Tanong niya.

"Ah yes po. To be honest po, lahat po sila ay cute." Sagot nito.

"Cuteness is not enough. Dapat malakas ang charisma to captivate people. Not just adorable but also charming. Now, asan na ang copy ng audition videos?" Inutusan kasi niya ang staff na mag-set ng audition just in case na hindi talaga pumayag si kurdapz.

"Here po." Sabi nito at inabot sa kaniya ang isang flash drive. Pagkatapos ay pinalabas na niya ito ng office. Isa-isa niyang pinanood ang mga audition videos. At niisa ay walang pumasa sa standards niya. Lahat naman ay cute at gwapo't magaganda, kaso hindi parin niya bet. Mas gusto niya parin ang mga chikitings ni kurdapz. Argh! Kung kidnapin nalang kaya niya ang mga anak nito? Pwede rin. Pero takot niya lang sa dragonang babaeng 'yon, baka mapatay na talaga siya.

"Musta na gurl? Ilang araw lang akong nawala, parang isang daang taon na ang lumipas dahil sa hitsura mong parang naaagnas na!" Napaangat siya ng tingin sa nagsalita.

"Chelsea!" Bati niya rito at agad dinambahan ng yakap ang bagong dating na kaibigan.

"Kung makayakap lang parang ang tagal nating di nagkita ah. Musta na? Pumayag ba 'yong mudrabels nung mga bagets?" Tanong nito matapos niyang kumalas sa pagkakayakap. Naikwento na kasi niya sa kaibigan ang tungkol sa idea niya, well technically idea naman talaga ng sisteret niya, at ang tungkol sa mga batang gustong-gusto niyang kunin para maging modelo. At agad namang nagustuhan at sinang-ayunan ni Chelsea ang ideyang iyon. Naipaliwanag narin niya rito over the phone na wala talaga siyang anak. OA lang talaga mag-react ang mudrabels niya at sobrang gaga lang talaga ng kapatid niya.

"Waz gurl. Kainis talaga ang kurdapyang 'yon!" Gigil niyang turan.

"Mahaba-haba pa naman ang time para mag-isip ng ibang paraan gurl. I'm sure may mahahanap pa tayong iba." Sabi nito.

"Anong mahaba eh, less than three months nalang ang natitira?" Gatong niya.

"Tiwala lang. Malay mo, baka magbago pa ang isip ng kurdapya mo." Sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko na ikinalito niya.

-----------------------------

Pagkapasok sa sunod na klase ay agad na umupo si Arayat sa pwesto niya.

"Hey." Untag niya sa katabing si Juno na naunang pumasok. Magkaklase silang dalawa sa iilang mga minor subjects. Wala pang major subjects na tini-take ang binata dahil sa susunod na semester pa nito makukuha ang mga ito. Di kasi pwedeng mag-jump sa mga major subjects, may mga prerequisites kasi. Pero buti nalang at konti nalang ang ite-take niyang minors dahil na-creditan ang mga na-take niyang subjects sa una niyang kurso.

"Hey." Balik nito sa kaniya at muli na naman nitong itinuon ang tingin sa labas ng bintana kung saan nagte-training ang mga athletes sa malawak na ball field.

"Ok ka lang?" Tanong niya. Pansin kasi niyang matamlay (Well, mas matamlay since matamlay naman talaga ang hitsura nito dahil sa kapayatan) ang binata. "May sakit ka ba?" Dagdag pa niya. Hindi pa man nakakasagot ang binata ay hinapo na niya ang noo nito upang alamin kung may lagnat ba ito. Napansin niyang parang natigilan ito dahil sa ginawa niya. Pati siya ay natigilan rin at napatitig sa nangungusap na mga mata nito.

Kung di lang dumating ang instructor nila ay kanina pa sila nagtitigan dalawa.

"Uhm... Magla-lunch ka na?" Basag niya ilang sandali matapos ang klase. Sila nalang dalawa ang naiwan sa loob ng classroom.

"H-How 'bout you?" Utal nitong tanong na hindi makatingin ng diretso sa kaniya. Biglang naging awkward tuloy ang atmosphere dahil sa nangyari kanina. Ang OA mo Arayat! Hindi naman 'yon dapat ikabahala noh!

"H-Hindi pa. H-Hintayin ko pa kasi sina Barbs." Utal din niyang sagot. Napalunok siya ng laway na parang plema na ata kasi mabukol nang malunok. "K-Kung gusto mo, sumabay ka nalang sa amin." Yaya niya sa binata. OA mo na Arayat! Ba't ka ba nauutal gaga ka!

"N-No, thanks. May pupuntahan pa kasi ako." Tanggi nito saka tumayo na. "Sige. Una na ako." Paalam nito at mabilis na lumabas ng silid. Napabuntong-hininga nalang ang dalaga dahil sa inakto ng binata.

"Huy dzae. Ang Probinsyano mo naman. Tapos na kami rito kumain, ikaw isang kutsara palang ang nasubo." Sita sa kaniya ni Barbie habang naglalagay ito ng lipstick. Napatingin siya sa mga kaibigan.

"Hindi kasi ako makakain ng matino." Paliwanag niya. Ibinaba niya muna ang mga kubyertos at ininom ang tubig bago nagsalitang muli. "Naguguluhan kasi ako."

Naguguluhang nagkatinginan naman ang tatlong bakla.

"Sa ano na naman 'yan ha?" Tanong sa kaniya ni Jeytee habang naglalagay ng pulbo sa mukha.

"Kay ano... kay Juno." May pag-aalinlangan niyang turan.

"Don't tell us, binabantayan mo na naman ang mga galaw niya?" Tamad na pagkasabi ni Marz habang naglalagay din ng pulbo sa mukha.

"Hindi... Ano kasi... Parang... Hindi ko alam... Ewan ko ba basta." Paputol-putol niyang sagot. Sabay na tinaklob ng mga ito ang hawak-hawak na pressed powder at mataman siyang tinitigan.

"Wow. Ang linaw naman ng sagot mo dzae. G na G namin." Sarcastic na sabi ni Barbie.

"Ay basta. Ang hirap kasing i-explain." Inis niyang sabi.

"Apat lang 'yan eh kung bakit nahihirapang mag-explain ang isang tao. Una, naiintindihan niya ngunit hindi lang alam kung paano i-deliver. Pangalawa, hindi talaga naiintindihan ang isang bagay, in short bobo. Pangatlo, naiintindihan ngunit nagdadalawang-isip. At pang-apat, naiintindihan ngunit in denial." Usal ni Marz habang may makahulugang tingin sa kaniya.

"Ano na naman ang tingin na 'yan ha?" Sita niya. "Sa pagkakaalam ko, dalawa lang ang rason kung bakit nahihirapang mag-explain ang isang tao: either bobo talaga at walang alam, o naiintindihan ngunit hindi alam kung paano i-deliver." Dagdag niya pa.

"Really dzae? Kahit ed mo sabihin sa amin, halatang halata ka bakla!" Sita sa kaniya ni Jeytee.

"Normal lang naman 'yan dzae. Huwag mong pigilan." Sabat naman ni Barbie.

"T-Teka. A-Ano ba 'yang mga pinagsasabi ninyo?" Utal niyang tanong.

"Na inlababo ka na nga diyan kay Juno." Sagot ni Barbie.

"What? Of course not. Hindi ako in love sa kaniya. Hindi ko pa nga kilala masyado 'yong tao eh." Depensa niya.

"Pa? So pag nakilala mo na siya ng lubusan, maiin-love ka na sa kaniya?" Tudyo sa kaniya ni Jeytee.

"Ay ewan ko sa inyo." Nalang ang sinabi niya at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Habang napapailing nalang ang mga kaibigan niya sa kaniya.

--------------------------

"Ako nalang ang tatawag sa mga bata, ya. Pakihanda nalang po ng mga kubyertos at mga plato. Salamat." Sabi ni Dwanee sa yaya ng mga anak niya. Hinubad niya ang apron na suot. Katatapos niya lang magluto ng panghapunan. Ilang araw na kasi niyang di nagagawa ang magluto tuwing hapunan dahil sa laging busy at maraming gawain sa trabaho. Pagkatapos kasi ng pagsundo niya sa mga anak, ay agad siyang dumederetso sa mini office niya. Kaya hindi siya nakakapagluto na para sa mga ito.

Paglabas niya mula sa kusina ay nakasalubong niya sina Juno, na kakababa lang, at dayh Arayat na kakauwi lang galing sa paaralan.

"Good evening ate." Bati sa kaniya ni dayh Arayat.

"Ginabi ka dayh?" Tanong niya rito.

"Matagal po kasi natapos ang organization meeting namin." Sagot nito.

"Mamaya ka na umakyat at magbihis. Dumeretso ka na sa dining area." Sabi niya tas binalingan niya naman si Juno. Kahit papaano, sa mga nagdaang mga araw, naging komportable na siya sa presensya ng kapatid at pansin din niyang naka-adjust na rin ito. "Mauna na kayo ni dayh Arayat. Tatawagin ko muna sina Ari at Rei." Nakangiting hayag niya. She patted his shoulder first before she headed towards the stairs.

Nasa harapan na siya ng pinto ng kwarto ng mga anak. Kakatok na sana siya nang mapansing nakaawang pala ito. Naririnig niya ang pag-uusap ng mga anak.

"I wonder what would it be like walking on the runway, proudly showing your creations? Or even your creations worn by models? Or even just becoming a model." Rinig niyang usal ng anak na babae. Naririnig niyang naka-on ang TV at mukhang nanonood na naman ito ng fashion shows.

"I don't know, Ari." Walang ganang gatol naman ng anak niyang lalaki. At batid niyang nagbabasa na naman ito ng mystery-thriller book. Minsan nga ay nagtataka siya sa mga anak niya. They don't act like normal kids. Well, they are normal. It's just that kung kumilos at magsalita ang mga ito, parang nasa adolescence stage na ang mga ito.

"I wish mom would let me." May pagsusumamong sabi ni Ari.

"She won't. Remember what she said? She said, that you should focus on your studies first. And besides, your too young for that Ari." Segunda ni Rei.

"So unfair. Why can't I become a fashion model like other kids who are much younger than me." Kahit di niya nakikita, alam niyang nakanguso ang anak na babae.

"It's not unfair, Ari. It's just mommy loves us very much. She knows what's best for us. I know she will let us do anything we want someday, but right now, we must do everything she says. You don't want to disappoint her, do you?"

"I love mommy very much and I don't want to disappoint her!"

Napapabuntong-hininga nalang siya sa mga narinig. She loves her kids more than her life, more than anything in this world. Pero dahil sa labis na pagmamahal niya sa mga ito, hindi na niya namamalayan na may mga sariling isip na ang mga anak kahit pa maglilimang taon pa lang ang mga ito. Hindi habambuhay masusunod lagi ang gusto niya. Lumalaki na ang mga anak niya at balang-araw may mga sarili narin itong buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 136K 76
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
5.3M 117K 60
A "simple" girl named Marione Santillan will do anything to have a comfortable life. A golddigger who's after the wealth of her boss. Money excites h...
3.5M 98.7K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
664K 24K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.