Lacking Brightness

By kweenlheng

213K 8.8K 2.7K

Does he really feel complete? More

one
two
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fourteen
fifteen
sixteen
seventeen
eighteen
nineteen
twenty
twenty one
twenty two
twenty three
twenty four
twenty five
twenty six
twenty eight
twenty nine
thirty
thirty one
thirty two
thirty three
thirty three
thirty four
thirty five
thirty six
ANNOUNCEMENT
thirty eight
thirty nine
forty
forty-one
forty-two
forty-three
forty-four
forty-five
forty-six
forty-seven
forty-eight
forty-nine
fifty
fifty-one
fifty-two
fifty-three
fifty-four
fifty-five
fifty-six
fifty-seven
fifty-eight
fifty-nine
sixty
sixty-one
sixty-two
sixty-three
sixty-four
sixty-five
sixty-six
sixty-seven
sixty-eight
sixty-nine
seventy
seventy-one
seventy-two
seventy-three
seventy-four
seventy-five
seventy-six
seventy-seven
seventy-eight
seventy-nine
eight
eighty-one
eighty-two
eighty-three
eighty-four
eighty-five
eighty-six
eighty-seven
The End 🥀
Special Chapter

twenty seven

4.8K 269 62
By kweenlheng









twenty seven















"I got a call from Nanay Rosario. Wala daw makakasundo kay bagets."

Vice stopped Archie from retouching his make-up nang marinig ang sinabi ni Buern. Kunot noo niyang kinuha ang cellphone from his bag at nakita na puro missed call nga ng ina ang natanggap niya.

"Paanong walang makakasundo? Inutusan ko si Leo na sunduin 'yung bata before 3:30 diba?" may pagka-irita at bahagyang tumaas ang boses ni Vice. They couldn't blame him. They're talking about his daughter. Isa kasi sa mga ayaw niya ay 'yung  napapabayaan ang bata, lalo na sa panahong wala siya.

"Inatake daw ulit 'yung anak. Eh diba kaya lang naman nag-sideline 'yun sayo as driver eh para makadagdag income dahil hindi biro 'yung ginagastos ng anak sa hospital," paliwanag ni Buern, hoping that it would calm Vice.

Vice left the house before sunrise para sa photoshoot ng kauna-unahan niyang Valentine movie. They finished the photoshoot at 9 am, at pagkatapos ay dumiretso naman sa location kung saan ifi-film ang first scene ng naturang palabas.

Dahil kababalik lamang sa Showbiz ay kaliwa't kanang projects na ang ibinabato kay Vice. Sa dami ng projects na ibinibigay sa kaniya ay napagdesisyunan niyang tanggapin ang isang offer na hindi pa niya nasusubukang gawin. He always has an entry para sa MMFF, at ni minsan ay hindi niya nabitawan ang titulong tila sa kaniya lang talaga nakalaan.

This time, he wants to give his viewers the different version of Vice Ganda.

A Valentine Movie.

"Si Manong Jun? Si Francis? Kung sino 'yung available sa dalawa 'yun na--

"Si Manong Jun ang nakatokang sumundo ngayon kay Ken. Imagine naman kung gaano kalayo ang DLSU sa school ni Snow. Paniguradong traffic pa ngayon kaya malabong masundo niya si bagets. Si Francis, kasama ni Ate Tina sa medical mission sa Batangas."

Napahilot nang mariin sa sentido si Vice dahil wala na siyang maisip na ibang pwedeng sumundo sa anak.

"Kung ako nalang kaya ang sumund--

"Vice, okay ka lang? Nasa Nueva Ecija ka huy! Kung ikaw ang susundo sa anak mo, dilat na 'yun sa gutom bago ka pa makarating don."

"Then give me other options. Sinong pwedeng sumundo kay Snow?" mababa man ay bakas parin ang pagka-inis sa boses ni Vice. "30 minutes nalang dismissal na nung bata. Alam niyo namang tinotopak 'yun pag pinaghihintay ng matagal,"

"Dapat kasi tinuturuan na 'yun magcommute eh," sabad ni Bonita na nakatanggap ng sapok mula kay Buern. "Aray ko ha! Idedemanda kita."

"Tanga! Tatlong taon tuturuan mong mag-commute? Okay ka lang?" asik ni Buern na binalikan ng tingin si Vice.

"Si Terrence. Tutal si Snow lang naman ang laging kinakamusta tuwing tumatawag sa 'yo, ipasa mo muna ngayon sa kaniya ang obligasyon. Sunduin niya kamo si bagets." pagbibigay option ni Archie na kanina lang ay tahimik.

Kahit masama ang loob sa nobyo, at dahil wala ng oras para mag-inarte pa, tinanggap ni Vice ang suggestion ni Archie. He tried ringing Terrence ngunit sa unang beses palang ay hindi na niya ito ma-contact.

"Cannot be reached," mahinang saad ni Vice before trying to ring him again. "Hindi ko siya ma-contact,"

"Vice? Are you ready? Five minutes, on-set na ulit." sigaw ng isang staff from outside.

"Susunod na po kami," he shouted back bago muling subukang tawagan ang nobyo.

"Wala na tayong oras 'ma. Text mo muna 'yang jowa mo. Baka loabat lang, mababasa niya rin 'yan mamaya."

Vice typed his message, hoping na sana ay mabuksan ni Terrence ang phone at mabasa ang text niya. Sa ngayon ay wala talaga siyang maisip na maaaring sumundo sa anak maliban sa binata. Si Mang Jun, na pinakamatagal ng nagtatrabaho as his driver ay nakatokang sumundo ngayon sa pamangkin na si Camille. Gustuhin man niyang ito nalang ang utusang sumundo sa anak ay hindi niya magawa dahil hindi biro ang traffic kung babalik pa ito mula DLSU patungong school ng anak.

After magretouch ay bumalik na sa set si Vice, slightly reviewing his lines. Hindi ito ang unang beses na kailangang sumabak ni Vice sa drama, but he's still not used to delivering dramatic lines especially kung wala naman siyang pinanghuhugutan.

Today, he'll be having a scene with Cherrie Gil na tumatayong step mother niya. The scene is quite hard for him dahil hindi naman niya naranasang magkaroon ng madrasta, but with the help of his co-artists ay unti-unti siyang nasasanay sa bawat pagbato niya ng linya.

"Cut!" sigaw ng Direktor. "Vice, kumalma ka nga. Bakit ba hindi ka mapakali?"

"Ay sorry sorry. Game ulit Direk. Sorry." may pekeng ngiti na sabi ni Vice while shaking his hands.

"Kulang ba 'yung 30 minutes for you to prepare yourself?"

"Hindi, Direk. Sorry! Game na ulit."

"Are you, okay, Vice? You seem uncomfortable. Don't worry, I'll limit myself sa pagsampal sayo." Ms. Cherrie Gil, referring to the scene where in she has to slap Vice.

"Naku. Hindi po. Hindi ko naman na siguro mararamdaman 'yung sampal niyo sa sobrang kapal ng tigyawat ko," natawa ang kausap sa tinuran niya. "Baka nga po kamay niyo pa ang masugatan,"

"Scene 3-A, Take 2! Ready? Set? Action?!"

"Walang tatanggap sayo! Nakakahiya ka! Bakla! Salot! Malas!"

Somehow, he can relate to those words given by his co-actor. Ilang beses na nga ba niyang narinig ang mga salitang 'yon? Bakla? Salot? Malas? Parang nasanay na nga lang ang dalawa niyang tenga sa dalas niyang marinig iyon kaya kahit anong ulit ay hindi na niya maramdaman ang sakit.

"Bakla ako, pero hindi katulad mo... may dignidad ako." pagbitaw niya ng linya habang matalim na nakatingin sa madrasta. "Ano ang mas nakakahiya? 'Yung baklang may dignidad, o 'yung madrastang gagawin ang lahat makalikom lang ng pera mula sa iba't-ibang lalakeng araw-araw niyang kina-kama?"

*slaps*

"Cut!"

Sa pangalawang ulit ay naitawid na ni Vice ang mga linyang kailangang bitawan. Hawak ang namumulang pisngi, niyakap siya ni Cherrie habang paulit-ulit humihingi ng tawad dahil alam niyang nasaktan si Vice sa pagsampal niya.

"Hindi. Okay lang po. Matagal ko na kayang hinihiling na masampal niyo 'ko. Dream come true po ito." tumatawa niyang sabi habang ibinabalik ang yakap sa kausap.

"Namumula 'yung pisngi ni Vice. Paki-patungan ng foundation." utos ng Direktor. Agad namang rumesponde si Archie habang dala-dala ang mga gamit.

"Hala o! May nagalit na tigyawat. Parang gustong maghiganti," komento ni Bonita habang tinititigan ang namumulang pisngi ni Vice.

"Scene 3-B tayo! Vice, go upstairs!" muling utos ng Direktor kaya nagmamadaling tumayo si Vice upang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Direk? Direk, sorry. Excuse lang po. Tumatawag po kasi 'yung teacher ng anak ni meme."

Hindi pa man nakukuha ang sagot ng direktor ay iniabot na ni Buern ang cellphone kay Vice na agad namang lumayo ng bahagya upang kausapin ang guro ng anak.

"Chicher, faster please. It's so boring here."

Pagkasagot na pagkasagot ay ang boses ng nagrereklamong anak agad ang sumalubong sa kaniya.

"Wait, Katniss. I'm already calling your--- hello, Mr. Viceral?"

"Is that Adi? Tell him to fetch me alweady please."

"Goodafternoon, Ma'am. Pasensya na po, hindi ko agad nasagot 'yung tawag. Nasa shooting po kasi ako," paghingi ng paumanhin ni Vice.

"Sorry sa istorbo, Mr. Viceral, pero mga anong oras  po kaya darating ang sundo ni Katniss Snow? It's already 15 minutes past her dismissal and wala pa pong sumusundo sa kaniya. Nagmamaktol na po kasi 'yung bata,"

"I'm sorry, but her supposed fetcher today had an emergency to attend with. Naghahanap pa ako ng pwedeng sumundo sa kaniya. Hindi po kasi kaya ng time kung ako ang susundo," paliwanag niya. "Can I talk to Snow?"

"Katniss, Daddy wants to talk to you."

"Okay. Adi? Adi, when are you gonna fetch me? I'm so bored. I already finished coloring my books." dire-diretsong sabi ni Snow na nakapagpangiti kay Vice.

"Anak, sorry ha? Daddy can't fetch you today."

"Where is Tatay Jun?"

"Wala rin si Tatay Jun eh. You just stay there muna while waiting for your sundo okay? Hahanap muna si Adi ng pwedeng mag-fetch sa 'yo." sabi nalang niya dahil ramdam niyang naiirita na ang anak.

"I'm so bored."

"I know. Kaya nga hahanap na si Daddy ng susundo sa 'yo. Wait ka muna diyan ha?"

"I'm so bored, Adi. Wait-- chicher, why are you putting lipstick again? You keep on--

"Snow. 'Yang kadaldalan mo nanaman ha? Behave please," nangungunsiming sabi ni Vice. "Can you please give the phone to teacher?"

"Okay. Chicher, Adi wants to talk to you."

"Ma'am, is it okay kung pakibantayan po muna si Snow? Pasensya na po talaga. Hahanap muna ako ng pwedeng sumundo sa kaniya,"

"It's okay, Mr. Viceral. Isasama ko nalang muna sa faculty 'tong bata. Please inform me pag may nahanap na kayong fetcher,"

"Salamat po,"

Once maputol ang linya ay agad siyang nagpaalam sa Direktor at humingi ng limang minuto upang makahanap ng maaaring sumundo sa anak.

"Direk, five minutes lang promise! Hahanap lang ako ng pwedeng sumundo kay Snow. Kawawa naman kasi yung bata kung paghihintayin."

As worried titos, hindi narin mapakali ang mga bakla.

"Baka naman nakabalik na si Ate Tina? Baka pwede ng masundo ni Francis si bagets?" suhestiyon ni Bonita.

"Three days 'yung medical mission ni ate." sagot ni Vice. "Sino pa ba? My god, kawawa 'yung anak ko."

"Sino ba ang pwedeng humalili sa pagsundo sa anak kapag wala ang daddy?" Archie asked. Nagtinginan sa kaniya ang mga bakla, including Vice.

"Mommy," walang pag-aalinlangang sagot ni Bonita na tila hindi iniisip kung ano ang posibleng maging reaksyon ni Vice.

"Eggzaktoh!" Buern agreed.

"B-baka busy," saad ni Vice.

"Meme,  "Snow first, before everything" ang motto ni Karylle. Malabong hindi niya unahin 'yung anak niya kahit ano pa 'yung ginagawa niya. Ulirang ina kaya 'yon," pangungumbinsi pa ni Bonita.

"Call her. Make sure na masusundo niya si Niyebe." mabilis na iniabot ni Vice ang cellphone kay Bonita.

"H-ha? Bakit ako?" naguguluhang tanong ni Bonita.

"Sabi mo, mommy diba? Idea mo 'yan. Ikaw ang kumausap. Tell her na nasa Nueva Ecija ako kaya hindi ko masusundo 'yung bata. Wala rin kamong available driver, just in case na magtanong." dire-diretsong sabi ni Vice bago lumabas ng tent upang bumalik sa tent.

"Chie, ikaw na kumausap."

"Oh bakit ako?"

"Ikaw 'yung nagbigay ng idea na mommy ang dapat humalili sa daddy diba? Kaya mo na 'yan,"
























"Goodafternoon, Ma'am. Ano pong kailangan nila?" tanong ng guwardiya sa babaeng nakasuot ng black hoodie at tinted shades.

"May susunduin lang po sana akong bata," sagot nito politely.

"May gatepass po ba kayo?"

"Ha? Ay naku, wala eh. Pinasusundo lang din kasi sa 'kin 'yung bata. May work kasi 'yung daddy," she informed him.

"I.D nalang, ma'am. Kailangan lang po for security."

Nagdadalawang isip man ay iniabot parin ng dalaga ang working card niya.

"M-Ms. Karylle?" manghang sabi ng guwardiya matapos makita ang I.D ng babae.

"Kuya, pakihinaan lang po 'yung boses. Pwede ko na po bang masundo 'yung bata? For sure kanina pa nagmamaktol 'yun," natatawang sabi ni Karylle.

Napakamot naman sa ulo ang gwardiya.

"Kaninong anak po ba ang susunduin niyo? Itatawag ko nang po sa faculty para hindi na kayo maglakad ng malayo. Nasa likod pa po kasi 'yung teachers' den."

"Katniss Snow Viceral."

"Ay yung batang madaldal po pala ang susunduin niyo. Sige po. Itatawag ko lang po sa faculty. Dito po muna kayo sa waiting room, ma'am."

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ni Karylle while waiting for Snow. She went inside the wating room at doon ay naglabas siya ng isang malalim na buntong hininga.

"K-Karylle?"

"Vice?"

"Ay hindi. Si Archie 'to, K! May ginagawa ka ba?"

"W-wala naman. Bakit?"

"Hihingi lang sana kami ng ano-- maliit na pabor. Kung pwede lang sana?"

"What is it?"

"Nandito kasi kami sa Nueva Ecija ngayon. First comeback shooting ni Vice. Wala kasing makakasundo ngayon kay Snow. B-baka lang ano---

"What school?"

"Ha? A-ano?"

"You'll ask me to fetch her diba? It's okay. Saang school ba 'yung bata?"

"Are you sure? Hindi ba hassle sayo?"

"Archie," sa salitang iyon palang ay alam na ni Archie ang ibig sabihin ng dalaga.

"S-sabi ko nga. I'll text you the details nalang. Tatawagan ko nalang din 'yung teacher niya na ikaw ang susundo. Salamat, Karylle ha?"

"No worries. Si Snow naman 'yun,"

As a mother, isa na yata sa pinaka-tinetreasure nilang moments ay 'yung maihatid-sundo ang anak nila sa eskwelahan. Somehow, she felt thankful na hinayaan siya ni Vice na maranasan ang pagkakataong 'to kahit ngayon lang.

She now plans to spend the rest of the afternoon with her daughter.

Hinugot niya muli ang cellphone from her pocket at dinial ang number ni Vice. Ilang ring lang naman ay sinagot na ito.

"Ah, Vice?"

"Karylle, si Archie parin 'to. On-set pa si Vice. Nasa school ka na ba?"

"Ah, oo. Halos kararating ko lang din. I'm already waiting for Snow. Nag-offer na kasi 'yung guard na siya na raw ang tatawag sa teachers' den para ihatid dito 'yung bata," she explained.

"Hay salamat. Kanina pa balisa si Vice kakaisip kung sinong pwedeng sumundo sa bata. Salamat ha?"

"No worries, Archie." she answered. "Magpapaalam lang sana ako. Can I take her out for snacks? Gusto ko lang sana siyang isama kumain,"

"Okay lang naman  'yun. Hinayaan naman ni meme na ikaw ang sumundo,"

"B-baka kasi magalit si Vice,"

"Kami ng bahala kay Vice. I-enjoy mo 'yang bonding niyong mag-ina,"

"Salamat, Archie."

"Where is my Tita Kawylle?"

Agad na sumilay ang ngiti sa labi ni Karylle nang marinig ang boses na iyon. She stood up and went out of the waiting room to reveal herself to Snow.

"I'm here,"

"Katniss, don't run." sabi ng teacher ng bata na siyang sunod ng sunod dito.

"Chicher, look! My Tita Kawylle is here." bakas ang saya sa mukha ni Snow upon seeing her favorite tita. "Kuya Bantay! Kuya Bantay! Tita Kawylle is here!"

"Tuwang tuwa yung bata, ma'am!" naiiling na sabi ng guwardiya.

"You missed me little kiddo?" Karylle asked.

"Yes! Are you okay now?" sunod sunod maman ang naging pagtango ni Karylle to answer Snow's question. "Daddy is not here. Did he ask you to fetch me?"

"Yes! He asked me to fetch you, and guess what?" may hint ng surprise na sabi ni Karylle. "I told Tito Archie to tell Daddy that I'll take you out this afternoon."

"Weally? Where we going?"

"You'll see later," nakangiting sabi ni Karylle before holding Snow's hand. Iniabot naman ng teacher sa kaniya ang bag ng bata. "Thank you, ma'am. Pasensya na po sa paghihintay ng matagal,"

"Wala pong problema. Naiintindihan ko naman po." magalang na sagot ng guro sa kaniya.

"Paano po? We'll go ahead. Salamat po ulit,"

"Bye Kuya Bantay! See you again tomowwow!" paalam ni Snow sa guwardiya habang ikinakaway ang mga kamay. "Bye chicher! See you again tomowwow!"

"Bye, daldalita." paalam rin ng guwardiya sa bata.









"Are we gonna eat, Tita Kawylle?"

"Is my baby hungry?"

"Yes po."

"Okay. Let's go inside. Kakain tayo."

"What are we gonna eat?"

"Anything that you like, but i say no-no to squid because I'm allergic to it." sabi ni Karylle. Kumunot naman ang noo ni Snow at napatitig sa kaniya.

"I am too!" tila namamanghang sabi ng bata. "Adi doesn't allow me to eat squids because I always get lots of red spots in my body after."

Napailing nalang si Karylle bago guluhin ang buhok ng bata. "Kawawa naman 'yung anak ko. Sa dinami-dami ng pwedeng makuha sa 'kin eh 'yung pagka-allergic pa sa pusit." Natatawang saad niya sa sarili.

"Jollibee?" / "How about Jollibee?"

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na natawa dahil nagkataon pang parehas sila ng gustong puntahan.









"Why are you removing the chicken's skin? Ayaw mo ba niyan?"

Nagtatakang pinagmamasdan ni Karylle ang anak na tinatanggal ang balat ng fried chicken niya at itinatabi sa gilid ng plate niya.

"I'm reserving that for later. It's my favorite." sagot ng bata, still focusing sa paghihimay ng manok niya. "How about yours? Why are you not eating your chicken's skin? Don't you like it?"

"No. I'm also reserving it for later. It's my favorite."

Matapos mag-usap ay hindi na ulit nagpansinan ang dalawa at tinuon na lamang ang pansin sa pagpapapak ng manok nila, both not minding their rice.











"Adi said, I should leave my nails natural." sabi ni Snow while watching the manicurist do her nails.

"You should. My daddy said I'm all grown up. I can choose any color for my nails. What color do you think should I pick?" tanong ni Karylle. Tinignan niya si Snow sa kabilang chair na mukhang nag-eenjoy sa pagpapalinis ng kuko.

"Red. It's daddy's favorite."

"Okay."









"Why are you gnawing your straw?" tanong ni Karylle nang mapansin na nginangatngat ni Snow ang straw ng drinks nito.

"You are doing the same thing." tumatawang sabi ni Snow.

Natulala naman si Karylle nang marealize na isa rin pala siyang ngumangatngat sa straw ng inumin niya.









"Should we go white or black?" tanong ni Karylle habang ihinaharap ang mother-daughter shirts na kinuha niya sa stall.

"White! I like that white one." sabi ni Snow while pointing the white shirt.

Nakangiting hinila ni Karylle ang anak papasok ng fitting area to try the shirts na kinuha nila.

Once maisuot ang matching-shirt ay napangiti ang dalawa habang nakatitig sa humansized mirror.

"We look awesome!" tili ni Snow while pointing both their shirts. "You and Snow are awesome!"









"Shoes! Can we also buy shoes? Matching-shoes!" suggest ni Snow after nilang mabayaran ang shirts na kinuha nila.

Hindi nature ni Karylle ang gumastos ng gumastos lalo na't hindi naman niya kailangan, pero hindi niya alam kung kailan mauulit ang pagkakataon na 'to kaya't nais na niyang sulitin para sa anak.

"Okay. We'll buy matching-shoes."









"I'm so tired." anas ni Snow as she hopped in the car.

"Pagod na din ako, but I enjoyed!" nakangiting sabi ni Karylle bago i-ayos lahat ng pinamili nila sa backseat.

"I enjoyed too." sagot ni Snow as she smiled sweetly sa tita niya. "Thank you, Tita Kawylle!"

"Anything for my baby,"
























Alas nuwebe na nang gabi nang matapos ang shooting nila Vice. Gusto mang mag-stay muna to rest ay mas minabuti nalang ni Vice na madaliin ang team na ayusin ang mga gamit dahil gusto na niyang umuwi. Isang buong araw niyang hindi nakasama ang anak and he wants to sleep with her.

"Kamusta si Snow?" tanong ni Vice habang tinitignan ang mga natanggap na messages.

"Kausap ko si Karylle kanina. Nakauwi sila bandang alas sais."

"Alas sais?" gulat na tanong ni Vice. "3:30 ang dismissal ni Niyebe diba? Ganon na ba kalala ang traffic at halos tatlong oras silang late bago nakauwi?"

"Nakalimutan kong sabihin sa 'yo kanina. Nagpaalam si Karylle. Gusto daw niyang ilabas muna si Snow,"

"You should've told me. Ang buong akala ko maagang nakauwi 'yung bata. Paano kung may nangyaring masama don?"

"At tingin mo talaga hahayaan ni Karylle na may masamang mangyari sa anak niya? Gumising ka nga." kunot noong sagot ni Buern.

"Hindi ko sinabi sa 'yo kanina dahil alam kong hindi ka papayag." Archie said. "Nangyari na. Tapos na. Kahit anong reklamo ang sabihin mo, hindi na maibabalik."

"Alam niyong ayoko sa lahat 'yung pinangungunahan ako."

"We're just trying to help you."

"Ako oh si Karylle?"

"Akala ko ba okay ka na? Akala ko tanggap mo na?"

"Tanggap ko na, pero hindi ibig sabihin non e hahayaan ko nalang siyang basta-basta makasama ang anak ko nang hindi ko alam. I accepted your suggestion na siya ang utusang sumundo sa bata, dahil akala ko hanggang doon lang."

"Pwede ba tama na mga mama?" pagpapatahimik ni Bonita dahil naririndi narin siya sa pagtatalo ng mga kaibigan. "Vice, kung ako rin naman ang nasa posisyon ni Archie, hindi ko rin sasabihin sa 'yo na ipinagpaalam ni Karylle 'yung bata dahil alam kong hindi ka talaga papayag."

"So pinagtutulungan niyo ako?"

"Hindi." everyone in the car said, including the driver na ikinabigla ni Vice.

"Ang pinupunto lang namin dito, si Karylle ang sumundo. Nakakahiya naman kung hi-hindi kami sa hiling niyang ilabas 'yung bata ng ilang oras. Buti nga pinagbigyan niya 'yung hiling mong sunduin 'yung bata, even if you just see her as the last option."

Hindi na muling sumagot pa si Vice nang marinig ang sagot ni Archie. Alam niyang walang patutunguhan ang lahat ng sasabihin niya lalo na ngayong mag-isa lang siyang maninindigan sa pinupunto niya.






















Pasado ala-una na nang makauwi si Vice. Sa sobrang pagod ay hindi na niya nagawang daanan ang ina sa kwarto nito. Dahil dis-oras na ng gabi ay wala ng sumalubong sa kaniya, maliban sa aso ng pamangkin. He smiled as he tapped the dog na panay lamang ang kawag ng buntot.

"Hi. Nakita mo ba 'yung baby ko?" tanong niya sa aso. Tila nakain-intindi naman ito dahil bigla itong tumahol at umakyat sa hagdan. "Ssshhh. Wag kang maingay. Mabubulabog 'yung mga tao,"

Sa kabila ng antok ay mabilis paring naka-akyat si Vice sa hagdan. He made sure na napatay na niya ang lahat ng ilaw sa baba bago umakyat sa sariling kwarto.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kwarto nilang mag-ama upang hindi magising ang anak.

Gustong gusto na niyang halikan at yakapin ang anak. One day without her by his side ay hindi naging madali para sa kaniya.

Ilang hakbang palang pagkapasok sa kwarto ay agad na napa-step back si Vice sa nakita.

Two girls were lying down on their bed, comfortably hugging each other.

They were wearing matching-slumbersuit.

Upang mas makilala ni Vice ang babaeng kasama nang anak ay nilapitan niya ito.

"K?" hindi makapaniwalang bulong niya sa sarili. "Anong ginagawa nito dito?"

Nang ma-confirm na si Karylle nga ang kasama ng anak ay malalim lamang na napabuntong hininga si Vice. His daughter seems to be very fond of her mother. Hindi naman maitatanggi na lakas ng lukso ng dugo between the two.

Staring at her face, alam ni Vice na nag-enjoy si Karylle sa kung ano man ang ginawa nila ng bata today. Hindi man ganon kahaba ang oras na nakasama ni Karylle ang anak, somehow, he knows that it would be one of the memories she'll cherish forever. Maaliwalas ngayon ang mukha ni Karylle hindi katulad noong huling beses niya itong nakita sa hospital.

Hindi na niya ginising pa ang dalaga at hinayaan nalang itong matulog katabi ang anak.

After changing his clothes ay dahan-dahan naring humiga si Vice sa left side ng anak.

They look like a family, peacefully sleeping together.

Gusto niya sanang yakapin ang anak ngunit hindi niya magawa dahil nakayapos ang braso ni Karylle sa bewang nito.

Tila sumang-ayon naman ang tadhana na bigyan siya ng pagkakataong mayakap ang anak after a long day of not being with her, nang alisin ni Karylle ang braso nito sa bewang ng bata.

Kinuha ni Vice ang oportunidad na iyon upang ang braso naman niya ang iyakap sa bewang ng anak, ngunit wala pang isang minuto ay ibinalik na ni Karylle ang braso niya sa dati nitong pwesto.... which caused her arm to atop of Vice's.

Now, they look like a married couple na kapwa nakayakap sa anak.

Vice closed his eyes and conditioned himself to sleep, not minding their hands na magkapatong.







"Goodnight, Adi. Goodnight, Mommy."


















Continue Reading

You'll Also Like

40.8K 1K 53
Ever been to the countryside, away from all the blinding city lights, and see thousands if not millions of stars twinkle in the night sky? Their beau...
6.5K 976 46
NOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. L...
25.2K 228 7
Iba't-ibang maiikling kwento na para sa mature readers. GXG, BXB, Jousei, Seinen atbp.
48.5K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...