Miss I DONT CARE WHO YOU ARE...

By summerLvL1000

156K 4.3K 252

simple lang ang lahat, normal mula sa paghinga, pagtibok ng puso at takbo ng pag iisip, pero may isang taon... More

chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 31

2.5K 88 7
By summerLvL1000


*GREY's POV*


"Ano ready na ba lahat?" Nag aalalang tanong ko kila crystal, jillian, chito, rob, max and raven

Lahat naman sila nakangising tumango at nagsaludo pa, napahinga naman ako ng malakas sa kaginhawaan.

"Grabeeee! Ito ang tinatawag na effort!" Sabi ni jillian, napangiti naman ako

Nag uumpisa palang ako cloud babe hehehe!

Kanina after class, sinundo ko si chito sa bahay nila at ipinagpaalam mabuti nalang walang toyo sila tita. Nagpasama ako sakanya para masundo at maipagpaalam na din sila crystal, jillian and rob

Hindi nila inaasahan na ipaalam ang surpresa ko para kay cloud babe, gulat naman ang tatlong lalake dahil di nila inaasahan na may namamagitan na nga samin ni cloud babe, buti nalang sumang ayon silang lahat at handang tumulong.

"M-max.. amuyin mo nga ko, baka ambaho ko na" nauutal na sabi ko, nagsitawanan naman sila. Tss! Lumapit sya sakin at inamoy ang leeg ko

"Mabango ka pa naman freak! Hindi ka naman bumabaho eh" nakangising sabi nya, kaya natawa ako

Buti nalang, ako kasi ang nagluto ng mga kakainin namin ni cloud babe, alam kong pagod na ang katawan ko pero hindi ko maramdaman yon dahil sa excitement at kabang nararamdaman ko.

Sana.. sana masabi ko sakanya kung gano ko sya kamahal ng di nauutal!

"Pano, pepwesto na kami ah.." sabi ni raven, nag puntahan naman sa kanya kanya nilang pwesto ang iba, "...chito pre and crystal, i've been waiting for you ang first song once na tumapak sya sa entrance, here take a look at this nandyan na ang pagkakasunod sunod" sabi nya naman sa dalawa habang inabot ang papel, nakangiti naman silang tumango.

"Oh ito bulaklak," nakangiting inabit sakin ang bulaklak ni rob, sabay tango

Napakagat ako sa labi, pilit na nilalabanan ang pagngiti ng malaki. Suportado talaga nila ako, di ko maiwasan kiligin! Hahahahaha! Korni.

"Kaming apat ang magseserve ng pagkain, pero titikman ko muna yon isa isa para siguruhing wala yon lasa hahahaha" bira ni jillian, napamaang naman ako kaya nagtawanan silang lahat.

Inilibot ko ang paningin ko sa restaurant, sa amin restaurant to, restaurants ang business ng mga lozano at itong kinatatayuan namin isa sa pagmamay ari ni dad, hiniram ko to ng idang araw para sa babaeng mahal ko.

"Hey greysen girl, cloud's calling"

Napabalik naman ako sa katinuan ng magsalita sa gilid ko si crystal, tinignan ko naman ang table kung saan nakalapag ang phone ko.

Kinuha ko iyon at ngiting ngiti na sinagot.

"Hey babe, are you ready?" Malambing na tanong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nya, "n-not yet, w-what should i wear? Aww.."

Napakunot ang noo ko, at buglang nagalala "are you okay?"

Napatingin naman sakin ang lahat, "y-yeah im fine, ano nga ulit ang susuotin ko?"

Nakahinga naman ako ng maluwag, "anything comfortable cloud babe.." mas nilambingan ko pa ang boses ko, kaya naman ang mga nakatingin sakin agad ngumiwi at parang nangilo sa narinig tss!

"A'right, wag mo na ko sunduin.. ako nalang ang pupunta dyan, text mo sakin ang address okay? Bye" bago pa ko makasagot pinutol nya na ang linya.

Di ko maiwasan mag alala, kasi naman para syang may iniinda tss! Sana maging matagumpay to dahil kung hindi!

Ipapaubos ko ang lahat ng pagkain sa dalawa kong kaibigan ng walang nguyaan na magaganap!

Nagdududutdot ako sa phone at sinend iyon kay cloud babe.



*JILLIAN'S POV*

Para akong tangang ngumingisi sa gilid habang pinagmamasdan si greysen na nakakunot ang noo at di matigil sa pagpaparoo't parito, umiling ako haaayyyy pag ibig!

Ang ganda nya sa suot na pula at hapit na dress, nag uumapaw ang KKK! kaputian, kakinisan at kagandahan tch. Pfft! Di ko maiwasan matawa sa sarili kong joke!

Wala akong masabi sa ayos ng restau. Halos punuin na kasi namin ng rose petals itong loob, yun kasi ang paborito ni cloud yung mga petals, pumunta pa kayo ng condo nya at buksan isa isa ang mga libro lahat yon merong nakaipit na petals!

Di ko maiwasan mapaisip, hanggang ngayon kasi parang di pa din natatanggap ng sistema ko na si bessy ay magkakarelasyon ulit at hindi sa lalake, kundi sa babae! Kaloka.. hindi ko akalain na makakasama ko sya sa samahang rainbow! Hahahaha!

"What are you lookin' at?" Agad na kumunot ang noo ko sa tanong ni raven na nasa harapan ko na pala, at kelan pa to bumalandra sa pagmumukha ko?

"Excuse me?"

"I said, what are you lookin at me?" Tinuro nya pa ang sarili, napanganga naman ako LITERAL na napanganga! Ba't ko naman sya titignan?

I rolled my eyes na halos ikahilo ko, lintik!

Kanina pa to simula ng ipakilala sya samin nila ate max and grey, parang lagi ako iniinis!

"Wag kang feeling, umalis ka sa harapan ko" inis na sabi ko mahina lang yon, yung tipong kami lang ang magkakarinigan.

Ewan ko lang ha, pero mainit ang dugo ko sa lalakeng to, feeling ko kasi inaasar nyako, nang aasar ang mga pag ngisi nya sakin.

Tumawa lang sya sabay naglakad papasok sa kusina. Abnormal!

Pansin ko lang din, pwede na kaming maging twinnie ni cryst. Dahil sinasapian na ako ng pagkamasungit

"Pwede ba freak, wag kang paikot-ikot? Kumalma ka si cloud lang yun!" Inis na sabi ni max habang hinihilot ang sentido hahaha!

"Hindi lang sya LANG! Si cloud yun, max! Si cloud! Alam mong iba ang toyo nun, baka mamaya hindi nya to magustuhan.. at mas lalong hindi nya ako sagutin! ano gagawin ko?"tarantang sabi ni greysen, kunot na kunot ang noo nya at kitang kita ang pagkabahala sa mukha.

Natawa kaming apat, nailing ako.. patay na patay! Hahaha!

Nakarinig kami ng tunog ng kotse, yung tunog na nagpaparking kaya naman natarantan sila cryst. And chito, pano sila ang nakatoka sa music, pagdating sa instrument magkasundo yang dalawa.

Pumwesto si chito sa cajon, si cryst. Naman ang sa gitara,

"Let's go," aya ni raven samin papasok ng kitchen



*CLOUD'S POV*

Pagkapark, ingat na ingat akong lumabas ng kotse. Masakit ang katawan ko as in SOBRANG SAKIT, cute na cute nanaman kasi sakin si ate saturn at hindi nakapagpigil na lamugin ako.

Kaya naman wala nakong lakas mag ayos pa, ang suot ko ay black shorts, white shirt na pinatungan ko ng jacket at red na fliflops, kakain lang naman kami di ba?

Pagpasok agad na umalingawngaw ang tugtog ng restau. Napahinto pa ko ng mapansin na ang natakpakan ko ay rose petals, inilibot ko ang paningin ko sa lapag.

"W-wow ang ganda.." wala sa sariling bigkas ko dahil sa pagkamangha sa nakikita ko.

*Girl.. I've been searchin so long thru this world,

Trying to find someone who could be

What my picture of love was to me

And you came along—-*

Mabilis na kumabog ang dibdib ko ng makilala ang boses ng kumakanta..

Inangat ko ang paningin ko at hinanap ang kumakanta, napaawang ang bibig ko ng makita si chito at cryts. Na nakangiti sakin..

Si chito ang kumakanta habang nakaupo sa cajon, si cryst. Naman ang naggigitara..

*when i so you i knew you were the one..—*

May tinuro si chito, sinundan ko ang tinuro nya. At halos hindi ako makahinga dahil grabe na ang pagwawala ng puso ko ng makita si grey, pinasadahan nya ko ng tingin at ngiwing ngiwi sa nakita.

Dahan dahan syang naglakad palapit sakin, may bitbit syang bulaklak.

Di ko maiwasan mapalunok, natutuyuan ako ng lalamunan! Ano ba ang nangyayari?!

*i've been waiting for you.. all my life for somebody who—*

Nang makalapit agad nya ibinigay sakin ang bulaklak, tinanggap ko yon.

"T-thankyou.." nahihiyang sabi ko, nakangiwi lang sya sakin. Hindi nya siguro matanggap ang suot ko, malay ko naman kasi na may gantong pasabog pala sya di ba?

Hinawakan nya ang kwelyo ng jacket ko at marahan na hinila yon, napapikit ako ng halikan nya ang noo ko.

"yung ayos mo parang sa kapitbahay ka lang dadayo.." bulong nya na purong sarkastiko.

Agad na nag init ang mukha ko, nahihiya ako..

"S-sorry.. p-para saan ba at may paganto ka..?"nakatungo lang ako, nahihiya kasi talaga ako plus pa na nagwawala ang puso ko tsk!

Imbis na sumagot hinalikan nya lang ulit ang noo ko, napahawak nako don baka kasi may lipstick nya na

"Matte lipstick gamit ko, don't worry."

Napanguso ako ng hilahin nya ko paupo, pero agad din napanganga dahil ang ganda ng table namin!

Umangat ang tingin ko kay grey na puno ng lambing ang pagkakangiti sakin, "i-i am so speechless.."sabi ko

Natawa sya, "salamat sa mga kaibigan mo"

Bago pa ko sumagot, may naglapag ng pagkain sa harapan ko. Nanlaki pa ang mata ko ng si jillian yon! Nandito ang lahat ng mga kaibigan ko? Seriously?

"Kaloka ka bessy, ang ganda ng porma mo! Para ka lang makikipagtsismisan sa kanto, osya pakaenjoy! hahaha!" Sabi ni jillian bago umalis.

Natawa ng malakas ang kaharap ko, kaya napasimangot ako.

Sunod sunod na inilabas nila ate max ang pagkain, nagtaka pa ako sa last na naghatid dahil di ko kilala, friend pala ni grey. Raven ang pangalan.

"Ba't ganyan nga naman kasi ang suot mo? Sinabi ko ng sa restau. Tayo kakain di ba?" Nagpipigil na tawang tanong ni grey

"Sabi mo kasi anything comfortable eh.."

"Kumportableng kumportable ka nga dyan hahaha, let's eat"

Hindi ko na sya sinagot, nagugutom na din naman ako.. pinipilit kong wag panginigan ng kamay dahil sa sakit na nararamdaman ko, masyadong naging hard sakin si ate saturn tsk!

Habang ngumunguya, tumingin ako kila chito.. halatang nagpipigil sila ng tawa, siguro dahil sa ayos ko! Tsk!

"Babe.." tawag sakin ni grey

"Hmm?"

"I love you.."puno ng lambing ang pagbigkas, ang sarap nanaman sa pandinig at etong puso ko hindi na ata titigil na paglalandi dahil panay ang pagbilis ng kabog, kung may sakit lang ako sa puso kanina pa ko patay!

Napatitig ako sakanya, parang hinahalukay ang kaloob looban ko sa way ng pagtitig sakin ni grey, para bang kinakausap nya ang kaluluwa ko.

Bakit ba.. bakit ba ang ganda ganda mo sa paningin ko? Para akong nanay mo na proud na proud sa taglay mong ganda..

Ngumiti sya at tumayo, para akong nahihipnotismo ng mga titig nya, dahil ng tumayo sya ay nakasunod pa din ang paningin ko. Inilahad nya ang kamay nya sakin.

Inabot ko iyon, agad napalitan ang tugtog unang lyrics palang ay nagandahan na ko,

Automatic na napahawak ako sa balikat nya nang hapitin nya ang bewang ko, nananatiling ang mga mata ko nakatitig lang sa mukha ng kaharap ko, hindi ko maibaling sa iba ang paningin ko dahil naiimagine ko na ang pag ngisi ng nga kaibigan ko.

"Nagustuhan mo ba—" Di ko na sya pinatapos pa dahil galak na galak ako ngayon.

"I love it.." nakangit kong sagot.

Lumaki ang ngiti nya, nagning ning ang mga mata tsk tsk tsk! That's greysen fhinley! Alam ko na masaya sya sa naging sagot ko.

Marahan nya kong hinapit at mas lalong mapadikit sakanya, kaya naman ang mukha ko napabaling sa gilid.

Napaiwas ako ng tingin ng mabungaran sila ate max na parang cctv ang mga natang nakabantay samin, agad nag init ang mukha ko at nagsumiksik sa leeg ni grey.

"G-grey.." mahinang tawag ko.

"Hmm..?"

"Papatayin ako sa asar nila jillian pagtapos nito.."parang batang sumbong ko. Bigla sya natawa.

"Makipag asaran ka din para patas hahaha!" Gatong nya pa. Hinampas ko braso nya

"Wow ah! Ang laking tulong ng sinabi mo!" Badtrip na sagot ko.

Tumawa lang sya, ramdam ko ang paghagod nya sa likod ko. Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko. Hindi ko nanaman maiwasan mapapikit dahil sa init ng katawan nya, ang sarap sa pakiramdam!

Bumuntong hininga sya.

"May sasabihin ako.." Humigpit pa ang yakap nya, papatayin ata ako nito sa yakap!

Napalunok ako, nanunuyo ang lalamunan ko!

"W-what is it?"

"Ito ang una at huling panliligaw ko sayo.." mahinang sabi nya.

Napasinghap naman ako. Agad na nangunot ang noo! A-ano daw?!

Agad ako kumalas sa pagkakayakap sakanya, nagtaka at litong lito ang bumalatay sa mukha nya.

Huminto ang pagtugtog nila cryst.

Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko, kung nalilito sya MAS nalilito ako! Agad na pumaloob ang sakit sa puso ko, nanunuot! At gustong kumawala sa mata ko para maging luha..

"W-what?!"Mahinang tanong ko. Napakagat ako sa labi para pigilan ang emosyon ko!

Hindi ko alam kung bakit ganung reaction ang ipinakita nya, dahil mukha syang nabahala.

"Sabi ko ito na ang una at huling panliligaw ko sa—- ouch! W-what was that for?!" Nakahawak sya sa pisngi nya dahil sa pagkakasampal ko.

"Para sa panggagago mo! Pagtapos mo ko pakitaan ng kung ano ano! Iparamdam sakin na mahalaga ako sayo at mahal mo ko, tapos ngayon sasabihin mo saking ito na ang huling panliligaw mo??! Wow grey! Youre unbelievable! At wow ulit ang effort mo ah? Pinaghandaan mo pa talaga to!" Marahas kong pinunasan ang pisngi ko. Tumalikod ako lalayasan ko na sana sya ng agad nyang hawakan ang kamay ko.

"Ano ba?! Let me go!" Pagpalag ko. Kunot na kunot ang noo nyang nakatingin sakin.

"Stupid! Ano ba yang pinagsasabi mo?!" Naiinis na sabi nya.

"What?! Wag mo ko mastupid stupid greysen! Sasabihin mo lang na ayaw mo na sakin eeffortan mo pa ng ganto?! At idinamay mo patalaga ang mga kaibigan ko para ipakita sakanila ang ganto?! Ha! Very nice! Bitawan mo ko uuwi na ko!" Galit na sabi ko. Sabay atungal na parang bata

"What the— pfft! HAHAHAHAHAHAHA!!" Tawa nya, rinig ko din ang bungisngisan ng iba pang kasama namin.

PinunAsan ko ang pisngi ko na puno ng luha, tinignan ko ng masama ang kaharap ko na walang humpay sa kakatawa.

Damn you!

Lumapit sya sakin, umatras naman ako.

Napakagat sya ng labi habang nagpipigil ng tawa at iiling iling pa.

Nang iinis talaga ang isang to eh!

"Come here pfft!"

Naningkit ang mga mata ko, "anong tinatawa tawa mo?! Nakakainis ka talaga! Nakakabwisit ka! Wag ka makalapit lapit sakin kundi tatadyakan kita!" Nanggigil na sabi ko.

Pero ang bruha inilang hakbang nya lang ang pagitan namin at mabilis nagpadampi ng halik sa labi ko.

Natulala naman ako, nagwala ulit ang puso ko sa pagkabog at parang tangang umawang ang bibig.

Yung kamay nyang marahan na humahaplos sa pisngi ko, yung mga ngiting may bahid na pagkapilya, mga matang malambing na nakatingin sakin at ang kamay nyang nakapalibot sa mga bewang ko... lahat, lahat ng iyon nakapagpaamo sa naghahasik kong damdamin kanina!

"You idiot, pano ko magagawang gaguhin ang isang dyosang katulad mo? Pano ko magagawabg gaguhin ang taong mahal ko?" Iiling iling pa sya, hindi naman ako nakapagsalita.

Oh eh ano pala yung sinasabi nya kanina?

"Ito na ang una't huling panliligaw ko na HINDI TAYO, ayaw ko ng patagalin pa dahil alam ko naman na patay na patay ka sakin hahaha! Kidding.." huminga sya bg malalim at puno ng pagmamahal ang mga matang nakatitig sakin..

"You give me a feeling no one else gives me.. I remember the first day i ever looked into your eyes and felt my entire world flip..

Hindi man halata, pero tinamaan na ko ng kamandag mo! Hahaha you're incredibly beautiful, love.. and thanks to chito dahil kaibigan ka nya at isinama sa party ko, dun nagsimula ang lahat right?"

Napapikit ako sa marahang paghaplos nya sa pisngi ko, isama pa ang lahat ng mga sinabi nya. Para ako nakalutang hindi ko maintindihan kung ano ba ang nararamdaman ko dahil naghalo halo na, pero isa lang ang alam ko.. mahal ko sya at masaya ako.

"I love you... will you be my girlfriend?" Malambing na sabi nya.

Hindi ko alam kung bakit, pero isa isang nagbagsakan ang mga luha ko.

I cupped her face to see those beautiful almond eyes..

"Yes"

Napapikit nalang ako ng kabigin nya ko, naramdaman ko ang paglapat ng labi namin sa isa't isa.. hindi ko maiwasan mapangiti, sobrang saya ko. Nag uumapaw ang kasiyahan sa puso ko at walang mapaglagyan!

——————————————————————

Continue Reading

You'll Also Like

177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
395K 27.2K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
418K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
43.3K 2.1K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...