Tiwala
Napaatras nalang ako dahil mas lumapit pa siya sakin..
"Akin ka lang Kyla.." aniya at agad akong hinalikan.
Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat..
Patuloy parin ako sa pag atras kahit na hinahalikan niya ako..
Ewan ko..Hindi ko siya maitulak..
Hindi ko siya kayang itulak.
Hindi ko napansin ang bote ng alak sa lamesa kaya nang matabig ko ito ay agad itong nabasag..At dahil papaatras ako , natapakan ko ang bubog nito..
Agad naman akong napapikit sa sobrang hapdi..
Naansin ni Troy iyon kaya agad niya akong hinawakan sa kamay.
"Okay ka lang?" aniya
Hindi niya rin siguro napansin ang pagkabasag ng bote kaya hindi niya alam na tinitiis ko na ang hapdi sa paa ko!
"Sa t-tingin mo magiging o-okay ako kung nakatapak ako ng b-basag na bote?" nahihirapan kong sabi
Napababa naman nag tingin niya sa paa ko at nanlaki nalang ang mata niya ng makitang dumudugo na iyon..
"G-Gagamutin kita.." aniya at bubuhatin na sana ako pero agad ko siyang pinigilan
"Ako na.." sambit ko
"Pero mahihirapan ka.."
"Sanay na ako.."
"Ako na ang gagamot sayo.."
"Ako na nga."
"Ako na."
"Ako na..Ang kulit naman eh." inis kong sabi
"Ako na nga kasi.Paano ka maglalakad kung masakit pala yan?Tyaka hindi mo makikita ng maayos ang sugat lalo na't sa paa mo pa.." aniya
Magsasalita pa sana ako pero agad niya na akong binuhat..
"Ano bah?!" halos pabulong kong sabi dahil baka magising ang mga kasambahay.
"Sa ayaw o gusto mo , ako ang gagamot sayo.." aniya at naglakad na papunta sa sala..
Agad niya naman akong pina upo sa sofa at kinuha ang first aid kit sa kusina.
Nang makarating siya at hawak niya na ang bulak na may betadine at agad na iniangat ang paa ko..
Bali nakaluhod siya sa harap ko at nakapatong sa tuhod niya ang paa ko..
"A-Aray..Dahan dahan naman.." sambit ko nang maramdamang humapdi lalo ang sugat ko..
"Bakit mo bah kasi tinabig yung bote?.Ayan tuloy nasugatan ka pa.."
"At kasalanan ko pa talaga?.Eh ikaw kaya yung naglagay nun sa mesa..Tapos hina--..I mean , ikaw ang may kasalan ng lahat.." sambit ko at nag iwas ng tingin
Shucks!.Muntik ko ng masabi yung word na yun!
"Wag ka kasing nakikipagtalo sakin..Kaya ka laging nasasaktan eh." aniya at binaba ang paa ko at binalik sa lalagyan ang mga gamot
Nanatili siyang nakaluhod sa harap ko at nakatitig sakin.
"Kung hindi naman kasi ako makikipagtalo sayo , baka isipin mong.." hindi ko tinapos nag sasabihin ko
"Bakit , ano bah dapat ang isipin ko kapag hindi ka nakipagtalo sakin?" nakataas kilay niyang sabi
"W-Wala!" sambit ko at tatayo na sana pero agad na naman akong nakaramdam ng hapdi sa paa ko
Arghh!.Muntik ko ng makalimutan may sugat nga pala ako!
Ang tanga mo talaga Kyla! >.<
"Hintayin mo ako dito , ibabalik ko lang toh sa kusina tapos ako na ang bubuhat sayo papunta sa kwarto mo.." aniya at tumayo
"Kaya ko ang sarili ko , hindi mo na ako kailangan pang buhatin.." sambit ko
"Kyla , bubuhatin kita kasi alam kong hindi mo kaya..Wag kang magpanggap na malakas ka.May kahinaan ka rin.." aniya at umalis
Umirap naman ako at tumayo kahit na masakit parin yung sugat..
Paika-ika pa akong lumakad dahil masakit talaga siya..
Nang umabot ako sa hagdan ay agad akong huminga ng malalim.
"Kaya mo toh Kyla.." sambit ko at humakbang na
Pero bago pa ako makadalawang hakbang ay may bigla nalang humila sakin at akala ko talaga mahuhulog na ako!
Pero naramdaman ko nalang na nakalutang ako kaya agad akong napatingin kay Troy na nakangising nakatingin sakin..
"Sabi ko sayo diba , hintayin mo ako..Ang tigas talaga ng ulo mo.." aniya at humakbang na paakyat ng hagdan
Nang muntikan na akong mahulog ay agad akong napakapit sa leeg niya..
"Kumapit kang mabuti , sige ka baka hindi kita masalo agad.." aniya at ngumisi
Napakunot naman ang noo ko.
"Ano naman kung hindi mo ako masalo , wala naman akong pakialam kung masaktan ako." sambit ko
"Hindi ko sinabing hindi talaga kita masasalo , masasalo kita pero hindi agad agad..Tyaka hindi ko naman hahayaang masaktan ka.." aniya
"Hindi daw hahayaan..Eh sinasaktan niya na nga ako.." bulong ko
"Anong sabi mo?" aniya at tumigil sa paglalakad
"Wala.." sambit ko at nag iwas ng tingin
"Ano nga.." pag pupumilit niya
"Sabing wala eh.." sabay irap ko
"Hayst!.Kung hini lan talaga ako nabibigatan sayo , nakipagtalo pa ako.." aniya at may binuksan na pinto
Napakunot naman ang noo ko ng mapagtanto na hindi ito ang kwarto namin ni Dale.
"T-Teka..Nasan ako?" tanong ko sa kanya ng pina upo niya ako sa kama..
"Nasa kwarto natin.." aniya at sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay
"Anong kwarto natin..I-Ihatid mo ako sa kwarto namin ni D-Dale!" sambit ko
"Dito ka matutulog." aniya at humiga sa kama at hinila rin ako pahiga.
"Troy!.Hindi pwede!.Maghihiwalay na tayo kaya hindi na tayo pwedeng mag tabi!" halos pasigaw kong sabi
Hindi na siya nagsalita kaya ng lingunin ko siya ay nakapikit na ang mata niya..
Tulog na bah siya?
Napatingin ako sa pilik mata niyang mas mahaba pa sa pilik mata ko..Sa ilong niyang matangos at sa mapula niyang labi..
Para siyang anghel para sakin..
Anghel na siyang nagpatibok ng puso ko..Anghel na siyang bumuo ng buhay ko..Noon.
Kasi ngayon , hindi ko pa mahanap ang kulang..Hindi ko pa mahanap kung saang parte na napunta ang kaligayahan ko.
"Dahan dahan sa pagtitig , baka matunaw ako.."
O.O
Napaiwas naman ako ng tingin at bumakod..
"I-Ihatid mo na a-ako sa kwarto ko.." nauutal kong sabi
Napatili nalang ako ng bigla niya akong hilahin ulit pahiga at yakapin ng mahigpit..
Bale nakaharap ako sa kanya habang yakap niya ako.
"Ayaw ko..Dito ka matutulog ngayong gabi.."aniya
Dug Dug..Dug Dug..
Shucks Kyla!
Puso kalma ka muna..Kailangan kong makaalis dito!
"H-Hindi pwede..B-Baka magtaka si D-Dale kung nasan ako.." sambit ko at pilit na kumakawala sa yakap niya
"Hindi naman kayo ni Dale diba?Tyaka asawa kita , kaya dito ka matutulog sa tabi ko.." aniya
"Per--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako
Humiwalay siya at hinaplos ang pisngi ko..
"Ibabalik ko ang dating tayo..Gagawin ko lahat para maging masaya ka ulit.." aniya at hinalikan ang noo ko
Pumikit na siya at siguro matutulog na..
Naramdaman ko naman ang luhang tumulo sa mata ko..
Magtitiwala ako Troy..Magtitiwala ako sayo na maibabalik mo nga ang dating tayo..Sana mapasaya mo ako ulit bago pa maging huli..
Pumikit nalang din ako at huminga ng malalim..
Pagbibigyan kita sa gabing toh..
Dito ako matutulog sa tabi mo.
At sana , bukas pagkagising ko..Masaya na ulit ako.