Love is a Fallacy.

By DearSeven

3.1K 342 304

Love is a fallacy. Love is for fools… they say. Love is a disease. It has its twin sister. Foolishness. Fooli... More

Prologue
Chapter One - The Trip
Chapter Two - Lost Souls
Chapter Three - Borrowed Time
Chapter Four - The Good Bad News
Chapter Five - Stare Game
Chapter Six - You Again
Chapter Seven - Reunited
Chapter Eight - Titus John Lopez
Chapter Nine - Eros Bustamante
Chapter Ten - The 'Gay' Pay
Chapter Eleven - Clinic Panic
Chapter Twelve - Feels like Insomnia
Chapter Thirteen - Unexpected
Chapter Fifteen - Painful Truth
Chapter Sixteen - Bestfriend for a Day
Chapter Seventeen - Celeste
Chapter Eighteen - Outreach Program
Chapter Nineteen - Revelations
Chapter Twenty - Examination
Chapter Twenty One - The Good Book
Chapter Twenty Two - You Smile, I Smile
Chapter Twenty Three - Say You Like Me
Chapter Twenty Four - A or B
Chapter Twenty Five (1) - Why Are You Doing This?

Chapter Fourteen - Jealous Guy

62 14 8
By DearSeven

Titus POV

May dumaan na daga sa paa ni Aerith at bigla siyang napayakap sa akin. Ang lapit. Sobrang lapit ng maganda niyang mukha. Kitang-kita ng mata ko ang mapupungay niyang mga mata, ang mahaba niyang pilik mata. Ang matangos niyang ilong. Ang... ang... kanyang mga labi. Lahat-lahat ng parte ng mukha niya na parang magnet na tila humihila sa mukha ko papalapit sa kanya. 

At unti-unti... Nahalikan ko siya.

Ano ba Titus?! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Kinakausap ko na naman ang sarili ko. 

Inalis ko bigla ang labi ko sa labi niya. Naiwan siyang nakatulala. Teka, naalala ko napasigaw siya ng Anak ng gwapong bakla! Sakto. Saktong alibi. Sa tuksong naramdaman ko kanina.

"W..w..wag mo kasi akong t..tinatawag na bakla." utal-utal kong nasabi sa kanya. Pareho kaming nagulat sa nangyari. Pareho naming hindi inaasahan. Yung nagawa ko, parang reflex action. Hindi ko talaga inaakalang magagawa ko.

"S..s..sige." naisagot niya na lang na nauutal pa rin.

Hindi ko alam kung paano mag-rereact sa mga ganitong sitwasyon. Hindi namin alam pareho kung pano magrereact sa nangyari. "A..ah. Una na ko Aerith." at rumagasa ako sa paglakad habang naglalakad. Pagkalabas ko e napahawak na lang ako sa noo ko. 

Ano ka ba naman Titus? Ano ka ba naman? 

Eros' POV

Bored ako ngayon kaya guguluhin ko si Aerith. Sakto at nakapag-avail ako ng two tickets dun sa bagong bukas na amusement park. Ride-all-you-can. Ang saya kaya nun. Excited na akong isama siya. Tapos kaming dalawa lang. Tapos masaya. Masayang-masaya.

Habang papunta ako sa classroom nila eh nakasalubong ko si Tamica. Yung seatmate ni Aerith. Nakilala ko siya nung naki-seat in ako dati. 

"Tamica, si Aerith?" masiglang-masigla kong tanong sa kanya.

"Ahm, wala kasi kaming klase e. Ako pupunta ng library tapos sabi niya sakin kanina e mag-iikot ikot siya. Andito lang yun sa campus. Mahahanap mo yun." 

"Sige, salamat." ngumiti lang siya at dumiretso na sa pupuntahan niya. At ganun din ako. Nagsimula na akong libutin ang Don Marcelino Consolacion University para mahanap si Aerith.

Saktong-sakto talaga dahil wala silang pasok, mapapapayag ko siyang sumama sa akin sa amusement park. Instant date na yun. At napangiti akong mag-isa na parang baliw.

Naglalakad lang ako ng masigla at nakangiti. Para bang nakadikit sa akin lahat ng good vibes sa mundo. Nang biglang napatingin ako sa napasigaw sa isang room.

"ANAK NG GWAPONG BAKLA!"

Si Aerith. Nahanap ko din siya. Nakangiti lang ako. Naka-focus lang ako sa kanya, siya lang yung nakikita ko... kaya hindi ko napansin na kasama niya pala si Titus. Napayakap siya sa kanya. At bigla siyang hinalikan ni Titus.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ayokong makita yung nasa harapan ko pero hindi ko naman maipikit yung mata ko o kaya ibaling yung tingin sa iba. Yun bang parang nilalasap ko ang ampalaya na sobrang pait. Yun bang harap-harapan kong pinagmamasdan ang isang napakasakit na pangyayari pero hindi ako makatalikod.

A lot of girls admire me. They are all attracted to me. But in this case, it's a whole different story. I am madly captivated to this peculiar girl like she's a gigantic magnet that pulls every part of me. I really like her.

 

"W..w..wag mo kasi akong t..tinatawag na bakla." narinig kong sinabi ni Titus. Bakla? Tss. Alibi. Kung ako ang nasa lugar niya at kaharap ko ang isang dyosa. Matetempt talaga akong halikan siya.

Nung naramdaman ko na palabas na si Titus. Tumago ako sa may gilid para hindi niya ako makita. Napahawak pa siya sa noo niya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay lumabas na din si Aerith.

"HOOOY!" hinarang ko siya. Nagulat siya. At the moment na tumama na yung mga mata niya sa mukha ko e bumalik na yung ngiti ko. Tumingin lang siya sa akin. "..O bat para kang na-rape?" dagdag ko pa.

"W..wala." yun na lang ang naisagot ko. Tama. Sige, mabuti pang 'wala' yung sagot mo. Kasi kung sinabi mo pa, hindi ko din alam kung paano ako magrereact. "..aahm. Kanina ka pa ba nanjan?"

"Kakarating ko lang." sana nga, kakarating ko lang.

"Um sige..." bumalik na siya sa katinuan niya. Hindi na nakatulala, na-alibadbaran na siguro "...Nagugutom ka ba? Samahan mo naman akong mag-lunch."

Hindi siya Bad vibes. Hindi siya nagtataray. Nakakapanibago. Tumango na lang ako at pumunta na kami sa canteen. Nag-order siya ng sinigang na baboy, tapos rice tapos softdrinks. Ako naman, isang barbecue at isang sukat ng bulalo, isang sukat ng chopsuey para may veggie naman, dalawang rice, at softdrinks.

"Ang lakas mo naman palang kumain." sinabi niya  habang nakatitig lang sa akin na kumakain. Tapos na kasi siyang kumain.

"Ganito talaga ako pag depressed, malakas kumain." sinabi ko habang punung-puno pa yung bibig ko. Naiintindihan naman. Pero parang wala lang manners para sa isang artista. Pero minsan lang naman e.

Natawa siya sa pagsasalita ko habang may laman ang bibig ko. Napangiti lang ako. "Bakit ka ba depressed?" tanong niya sa akin.

Syempre hindi ko sasabihin yung totoo. "Aah..Eeeh. Dun sa napanuod kong movie. Basta kasi nakita nung lalaki yung taong gusto niya na may kasamang ibang lalaki. Tapos ang sweet nila ganun. Ang sakit lang dun sa isang lalaki.alangan namang sabihin ko na nakipaghalikan, baka ma-obvious niya naman.

 

"Masyado ka namang nagpapa-apekto. Movie lang naman yun...""

Sana nga movie lang.

"...Ano ba nung lalaki yung babae bakit sobra siyang nasaktan?" Isang tanong pero sobrang sakit. Ano nga ba? Wala naman talaga e. Kaibigan siguro.

Natahimik ako sa tanong na yun.

Hindi ko na lang pinansin. "Ate! Isang extra rice pa po!" naisigaw ko na lang kay Ate sa counter.

Kumain lang ako ng kumain at napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. 

"Ano pala ipinunta mo dito?" tinanong niya para pambasag ng katahimikan. 

"Kailangan ba may dahilan pag bibisita? Hindi pa pwedeng gusto lang kitang asarin?" at nag-smirk ako. Pangdepensa ko sa sarili ko. I have to act normal.

"Nakapagtataka ka nga ngayon e. Hindi ka nakakaasar. Hindi ka sobrang kulit, hindi rin sobrang daldal. Ang weird lang." at napapaisip talaga siya.

"Kasalanan talaga nung movie to, Aerith." 

"Sige. Ikain mo na lang yan. Para mamaya, naka-get over ka na. Alam mo kasi, yung mga malulungkot na bagay, kapag pinagtuunan mo ng pansin e mas lalo ka lang lulungkutin." paliwanag niya sa akin.

Tama. Huwag ko na lang iisipin. Huwag ng problemahin. Itatawa ko na lang yung sakit. Medyo nasiglahan ako sa sinabi ni Aerith. Tumango lang ako at ngumiti.

"Gumaganyan ka na ngayon ha." pang-aasar ko sa kanya.

"Pero nacucurious lang talaga ako. Gusto mo lang talaga akong asarin kaya pumunta ka dito? Sobrang effort naman yan para asarin lang ako." at napaka-kunot yung noo niya. Curious nga. 

"Ang totoo niyan..." inilabas ko na yung wallet ko at kinuha ko yung dalawang amusement park tickets. Pero itinago ko lang sa may gilid para hindi niya makita. "..Gusto ko sanang..." eto nakangiti na ako para presentable naman yung pag-alok ko at mapapayag ko siya.

Pero...

"Hello? O Mario bat ka napatawag?" 

May tumawag sa kanya, yung doktor niya. Isa pa yun e. Pag siya yung kausap ni Aerith. Good vibes na good vibes. Eto naman ako ngayon at parang nakadikit naman sa akin ang mga bad vibes. Kung kailan buong buo na yung loob ko at handa na akong alukin siya. Saka naman may umistorbo.

"Ano na ulit yun? Gusto mong?"

"Aaah. Wala wala. Gusto lang talaga kitang asarin..." at kumindat pa ako. "...Hindi nga lang ako effective ngayon. Ummm. Next time na lang." sunud-sunod kong sinabi sa kanya. Pero hindi na pala siya nakikinig dahil nakita niya si Titus sa may kabilang table. Nagkatitigan sila at sabay silang namula.

Hello Aerith. Do I exist to you?

"Ano na yun Eros?" muli na naman niyang  tinanong sa akin.

"A.. Ano.. Tapos na akong kumain. Uuwi na ako. Dito ka pa?" iwas ko na lang sa paulit-ulit na sakit na dulot ng pangbabalewala.

"Yun nga e. Mamayang hapon pa kasi darating yung sundo ko. Pwede bang pahatid?"

Ngumiti lang ako. "Sure."

At naglakad na kami papunta sa labas ng gate kung saan naka- park yung kotse ko. Magkasama lang kami pero ang tahimik. Hindi ko din naman kasi alam ang sasabihin ko kaya hindi na ako nagsasalita.

"Um. Nagka-gf ka na?" 

Pambasag niya sa katahimikan. Dumadaldal na siya. Hindi tulad nung unang beses kaming nagkita na ang tipid niyang magsalita. "Hindi pa." naisagot ko lang. Ako ngayon ang nagtitipid ng salita.

"Bakit naman?"

"Choosy kasi ako e."

"Choosy?"

"Sandamakmak kasi ang na-iinlove sa akin. Pero nakakatawa."

"Ha? Nakakatawa?" mukhang hindi niya napagkokone-konekta ang mga sinasabi ko. Napakunot yung noo niya pero maganda pa rin.

"Kasi sa dami ng nagkakagusto sa akin. Yung nag-iisang gusto ko, hindi niya ako gusto." at ngumiti lang ako. Uulitin ko, you have to act normal Eros.

"Paano ka naman nakasisiguro na hindi ka niya gusto?" tanong pa niya. Parang ang inosente niya pagdating sa pag-ibig. Isa din sigurong dahilan kung bakit hindi niya ma-gets na siya ang tinutukoy ko. Buti na yun, hindi na ako mahihirapan sa lagay na to.

"Ano kasi Aerith e. Kung may gusto man sayo yung isang tao o wala. Kahit hindi niya sinasabi, mararamdaman mo yun e. In my case, alam ko naman nang wala kaya hindi ko na ipipilit yung sarili ko..." tinignan ko siya. Nakatingin lang siya sa akin. Pinapakinggan niyang mabuti yung mga sinasabi ko at napapatango, minsan napapakunot pa ang noo. Ang cute lang. Parang bata. "...Basta nakakausap, nakakasama at napapasaya ko siya. Solb na ako." dagdag ko pa at ngumiti ako.

"Ang drama mo palang ma-inlove." 

Tapos ngumiti siya. Yung ngiti na hindi pilit kagaya ng akin. Yung ngiti na parang langit ang katumbas.

Ayan. Ayan ang ngiti na bumihag sa puso ko. :)

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...