His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETE...

By TheLostMemoryOfLove

1.1M 28.9K 2.7K

Troy and Kyla's Story ( BOOK 3 ) Highest Ranking: #1 in Mask More

Characters
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
EPILOGUE
Special Chapter 01
Special Chapter 02
Special Chapter 03
Special Chapter 04
Announcement

Chapter 32

22.6K 592 57
By TheLostMemoryOfLove


Angkin

Mabilis ang paglipas ng panahon..

Maglilimang buwan na si Kean at magtatatlong buwan naman ang buntis na lintang si Aya.

Ewan ko bah , parang kataka taka lang kasi na magtatatlong buwan na yung tiyan niya , agad..Para bang ang bilis?

Sabayan pa ng nakakadiri niyang paglilihi..Durian bah naman ang hanapin araw araw?.Halos durian na rin ang amoy ng sala namin..Napapareklamo na nga ako eh! >.<

"Mama!"

Nagising nalang ako isang umaga dahil sa sigaw ni Xandra..

Napamulat ako dahil talon ng talon si Xandra sa kama namin..

"Baby , maaga pa..Bakit mo ginising si mama.." sambit ko at kinusot ang mata

"Mama , kailangan mo ng mag ayos!" excited niyang sabi

"Para saan?" nakataas kilay kong sabi

"Para sa date--este para sa bonding natin with tito Dale and baby Kean pati na rin sina kuya!" aniya at ngumiti

Nanliit naman ang mata ko..

"Sige na mama!.Para makaalis na po tayo agad!" aniya

Agad naman akong bumangon at pumunta sa banyo para makaligo at mag ayos na..

Nang makapag ayos ako ay agad na akong lumabas ng kwarto at nadatnan ko nalang sina Dale na nasa sala na at ready na talagang umalis..

Agad akong bumaba at ngumiti sa kanya..

"Let's go.." aniya bago humalik sa noo ko..

"Akin na muna si Kean , para naman hindi ka mabigatan.." sambit ko at ngumiti

Tumango naman siya at bago pa kami makalabas ay may bigla nang nagsalita..

"Saan kayo pupunta?" si Troy at matalim na nakatingin samin ni Dale..

"Daddy , pupunta po kami sa park!" si Xandra..

Tumingin naman siya sa mga bata at sakin ulit.

"Kayo kayo lang?" aniya

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Dale..

"Oo..Kami lang." aniya

Nag tiim bagang naman si Troy at nag iwas ng tingin..

"Tayo na.." sambit ko at nauna nang lumabas..

Tahimik lang ako sa biyahe at sina Ethan lang ang nagsasalita..

Nang makarating kami sa park ay agad akong bumaba bitbit parin si Kean na gising na gising ngayon..

Kinuha naman ni Dale ang basket na may lamang pagkain at mat..

Humanap kami ng pwestong malapit lapit doon sa may playground para makapag laro ang mga bata..

"Mama , pwede po bah kaming mag laro nina kuya?" si Xandra

Ngumit naman ako at tumango..

Nang mag simula na silang mag laro ay bigla nalang nagsalita si Dale..

"Pinasunod ko nga pala yung isang kasambahay dito para naman siya na muna ang mag bantay kay baby Kean.." aniya

Napatitig naman ako sa kanya..

"Hindi halatang ready ah?" natatawang sabi ko

Hindi nagtagal ay dumating na nga ang kasambahay na sinasabi ni Dale at agad ko namang binigay sa kanya si Kean..

Napatingin naman ako sa mga bata na masayang nag hahabulan..

"Kung sakaling pwede mong maibalik ang dati , gagawin mo bah?"

Napalingon ako kay Dale ng mag salita ito..

Napa isip naman ako sa tanong niya..

"Siguro?.Hindi ako sigurado.Kasi kapag bumalik ako sa dati , mararanasan ko pa rin naman ang sakit..At kapag nagpatuloy ako sa kasalukuyan..Siguro ganun parin , pero iba na.Iba na yung situwasyon kasi iba na rin ang panahon.." sambit ko at ngumiti

"Kung pwede ko lang angkinin ang sakit na nararamdaman mo , gagawin ko..Gusto ko , masaya ka lang , at hindi ka nasasaktan..Okay lang kung ako ang makaranas ng sakit na yan , wag lang yung babaeng pinaka iingatan ko.."

Ngumiti lang ako sa kanya..

"Mama!"

Napalingon nalang ako ng marinig ko ang tawag ni Xandra..

Hinihingal itong lumapit sakin..

"Bakit?.Nahihirapan ka na naman bang huminga?" nag aalala kong sabi

Tumangon ito at umupo sa tabi ko..Hinaplos ko naman ang likod niya at binigyan naman siya ni Dale ng tubig..

"Wag ka kasing takbo ng takbo.." sambit ko at pinunasan ang basa niyang noo..

"Nakikipag laro lang naman ako kina kuya Ethan at kuya Nathan eh.." aniya

"Kahit na..Yung mga kuya mo , masisigla sila , ikaw may sakit ka..Alam mo naman ang mangyayari kapag nasobrahan ka diba?.Sasakit yang dibdib mo at isusugod ka na naman namin sa ospital...O di kaya atakihin ka ng seizure mo.." sambit ko

"Sorry mama.." aniya at humalik sa pisngi ko at niyakap ako

Ngumiti lang ako sa kanya..

"Ethan , Nathan!.Hali na kayo , kumain muna kayo.." tawag ni Dale sa kambal

Agad naman silang tumakbo papunta samin at ngumti..

"Ang basa na ng likod niyo.." sambit ko at isa isa silang pinunasan..

"Ang bilis naman kasing tumakbo ni kuya Ethan eh.." reklamo ni Nathan.

"Ang bagal mo naman..Kaya lagi lang taya eh.." si Ethan at tumawa

Sumimangot si Nathan kaya nagtawanan kami..

"Tama na nga yan..Kumain na kayo.. " sambit ko at kinuha ang mga pagkain sa basket..

Habang kumakain kami ay napansin kong tulala si Xandra..

"Xandra.." tawag ko sa kanya

Pero hindi niya ako nilingon..Agad akong napatingin sa kung saan man siya nakatingin..

Doon ko nakita ang batang lalaki na ka edad lang atah nina Ethan at Nathan..

"Xandra.." tawag ko sa kanya ulit at agad naman itong lumingon sakin..

"Mama , ba't po siya mag isa?" aniya at tumingin ulit doon sa batang lalaki

"Ba't mo naman natanong?.Kilala mo bah siya?"

Agad naman siyang nag iwas ng tingin at ngumuso..

"Xandra , kung mag isa man siya , baka may hinihintay lang siya..O di kaya may kasama siya pero iniwan siya saglit.." pagpapaliwanag ko sa kanya

"P-Pwede ko po bah siyang lapitan?" aniya na parang nagdadalawang isip

Napangiti naman ako..

"Pwede mo siyang lapitan..Kung gusto mo ibigay mo 'tong mansanas sa kanya.." sabay bigay ko sa kanya ng mansanas

Agad naman siyang ngumiti at tumayo bago tumakbo papalapit doon sa batang lalaki..

Nagsalita si Xandra pero di man lang siya nilingon nung batang lalaki..Akala ko nga babalik siya dito pero mali ako..

Nag stay siya sa tabi nung batang lalaki at kinausap ulit..Dahil nga madaldal ang anak ko , pinansin na siya at tinanggap rin yung mansanas na bigay niya..

"Mom , sino po bah yang kausap ni Xandra?" masungit na sabi ni Ethan

Nilingon ko naman siya..

"Ethan , nakikipag kaibigan lang yung kapatid mo..Napansin niya kasing mag isa lang yung batang lalaki.." sambit ko

"Ito kasing si kuya , sobrang OA!.Kala mo naman mawawala si Xandra kapag nakipag usap sa iba!" si Nathan

"Shut up , Nathan..I'm just protecting our princess.Siya lang yung babae sa ating apat.." si Ethan at umirap sa kambal niya

"Kahit na kuya , pwede naman natin siyang protektahan kung kailangan..Pero hindi yung pagbabawalan na natin siya sa mga bagay bagay.." si Nathan

"Hep!.Magtatalo na naman kayong dalawa..Tumigil nga kayo , ang tatanda niyang mga isip niyo.Kung makapagsalita kayo parang ang lalaki niyo na..Paalala 5 years old pa lang kayo.." sambit ko at tumawa

Ngumiti si Nathan pero sumimangot si Ethan.

Ito siguro ang magkaiba sa kanilang dalawa.Yung masayahin si Nathan at masungit naman si Ethan..

Napatingin ulit ako kay Xandra na papalapit na ngayon samin kasama ang batang lalaki na nilapitan niya kanina..

"Mama!." tawag niya sakin na may ngiti sa labi

"Hi po.." magalang na bati nung batang lalaki

Ngumiti kami ni Dale sa kanya pati na rin si Nathan pero si Ethan ay busangot parin..

"Mama , siya nga po pala si Jace.." ani Xandra at ngumiti

"Hi Jace , hali ka upo ka dito.." sabay tapik ko sa pwestong katabi nang inuopuan ni Xandra kanina..

Umupo naman ito at sumunod naman si Xandra..Bale magkatabi silang dalawa..

"Mama , alam mo bah?Kaya pala mag isa si Jace kasi inaalala niya yung mga moments nila nang mommy niya dito sa park.." si Xandra

"Bakit , nasan bah yung mommy mo Jace?"

Napansin kong napayuko ito kaya napakunot ang noo ko..

"W-Wala na po siya..Iniwan niya n-na po ako.." naiiyak niyang sabi

"Naku sorry..Hindi ko alam." sambit ko at agad na hinaplos ang likod niya

"Wag kang mag alala Jace , nandito lang yung mommy mo at binabantayan ka niya kahit hindi mo siya nakikita.." si Dale at ngumti kay Jace

Agad namang ngumti si Jace..

Hindi nagtagal ay nag usap na rin sina Jace at Nathan kasama si Xandra..

Pero si Ethan?.Ayun , nakasimangot na nakatingin sa tatlo..

Siguro sa bawat buay nang tao , may iba't ibang klase ng kwento..

May masaya sa simula , malungkot sa gitna..At hindi na alam kung ano ang sa huli..

May iba namang malungkot sa una , masaya sa gitna..Pero hindi ulit alam kung nao ang huli..

Pero sa istorya ko kaya?.Sa istorya naming dalawa ni Troy.

Parang hindi katulad ng iba..May tatlong mararamdaman ka sa buhay mo..Dalawang alam mo at yung isa hindi alam kung ano nga bah talaga..

Pero yung akin , yung amin..Hindi ko alam kung ano..

Magulo sa una , masakit sa gitna..

Paulit ulit lang ang lahat ng yan..

Maguguluhan ako , maguguluhan siya.Masasaktan ako at masasaktan din siya.

Ngayon..Ano bah talaga?.Kami bah yung itinadhana o hindi..

Kasi katulad ng istorya ng iba , hindi rin namin alam kung ano ang ending nito..Masaya bah o masakit..Kasi hindi naman kami ang nagsusulat sa tadhana naming dalawa.

Kasi nga..

Tauhan lang kami at hindi tagapagsulat...

Ang dapat lang naming gawin , mag mahal , masaktan at matutong lumaban..

Pero sa situwasyon namin ni Troy..Hindi ko na alam kung lalaban pa bah ako o..Dapat pa nga bah akong lumaban?.Masasaktan lang kaming pareho.Masasaktan ko siya at masasaktan niya ako.Ano nga bah ang tamang ibig sabihin ng pag ibig?

Mag mahal lang bah?.

O may iba pa?.

Continue Reading

You'll Also Like

12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4K 26 1
Rocky Veil Menian story.
9.5M 287K 71
John Ace Ramirez Santiago, Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Anak ng dating Casanova ng Saint Paul na si Frits Santiago ang nagmamay ari...