Messing With Miss Ordinary

By margarinepuppy

1.8K 455 556

Gabriela Magsaysay, 21, half Filipino half German, napadpad sa Maynila para hanapin ang amang minsang nang iw... More

Author's Note
CAST
MWMO Ranking
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22

Kabanata 18

35 5 0
By margarinepuppy

Andreas POV:

I admit I was saddened with Gab's decision.  Kahit anong pilit ko ay ayaw niyang tanggapin na maging date ko sa party.

Kumukupas ka na talaga pagdating sa chicks, Andreas!

I can't help but smile with what my head is telling me pero hindi ako sanay na namimilit sa kung anong gusto ko dahil kusa ko 'yong nakukuha most of the time. I bet women won't think twice when I ask them to be my date but with Gabriella, ilang kumbinsihan namay kasama pang please pero negative ang resulta.

I can't blame her because it's her choice at ayokong pilitin siya dahil baka mas lalo ko lang siyang hindi makuha.

Relax, Andreas! Nagsisimula ka pa lang. Susuko ka na agad? No way!

"Andre! Are you with us?" tanong na pumukaw sa akin.

I'm still in the middle of my meeting with the project under Amara. Unfortunately, she was not able to come dahil sa kalagayan niya kaya 'yong secretary lang niya ang nag attend to take down notes.

Kinausap lang din namin siya thru video call when we started this.

"Oh, I'm sorry! Where were we?" I asked kahit na halatang napunta na naman sa ibang lugar ang utak ko.

Focus, Andreas! my brain hissed.

"You spaced out!" wika ni Riza na may makahulugang ngiti sa labi.

"May naalala lang, Riza. I'm sorry kung sa kalagitnaan pa ng meeting natin. That was rude."

"It's okay, Andre. Anyway, I'll get in touch with Amara so that we can start the bidding of the contractors. We will update you the soonest time possible." wika ni Riza.

"That's great. I guess we're done here. I have a meeting in fifteen minutes. Have a nice day ahead, ladies." paalam ko sa kanila bago lumabas ng conference room.

Pagkapasok ko ng opisina ko'y tinawagan ko agad si Alester. I need an update of what I ask him to do.

"Bro!" sagot niya pagkatapos ng tatlong ring.

"Busy?"

"Actually, I'm preparing for a meeting at seven. Why?"

"I just want to ask if you have any update on what I was asking you."

"Is it the first or the second one?"

"Actually, I need both, Brother."

"Hmm! I guess you're lucky, Brother. I'll send you the report about it."

"Thank you, Bro. Just send Cleo the bill."

"No problem, Bro! Ano pa't naging magkapatid tayo?"

"I owe you one. . .again, little brother."

"I'm happy na nagkainteres ka ulit sa isang babae. . .but just a piece of advice, hinay-hinay lang at mukhang fragile 'tong isang 'to. She seemed ordinary but delicate."

Napaisip ako sa sinabi ni Alester. Matalas talaga ang kilatis niya sa tao kasi hindi pa man niya nakilala si Gab ng personal ay parang kilalang-kilala na niya ito.

Buti nalang talaga at nauna niyang nakilala yong Samantha kung hindi baka nagkagusto na 'to kay Gab.

"Thanks for that advice, Bro. I'll remember that. Anyway, don't forget to be at the party tomorrow night. Bring a date!"

"I'll try, Bro. I still have pending works to do. I have a problem on one of my clients. But salamat sa imbitasyon."

"I'll expect you and Sam to be there. Bye, brother!"

Tumutok ako sa laptop ko pagkababa ko ng cellphone sa mesa. I badly want to know kung may lead na si Alester sa ama ni Gab but I am craving to know more about Maximus.

There's something about him that I want to discover. He's not the typical bartender I know. There's more about him and I want to know every detail of it.

Hindi sa pinaghihinalaan ko siya but I want to make sure that Gab is truly safe with him around her.

Gago! Mas nauna silang naging magkaibigan kaysa sa'yo, Andre! singhal ng isang bahagi ng utak ko.

Eh ano naman ngayon kung nauna silang magkakilala? As if I'd care. I just want to make everything clear dahil hindi ko hahayaang mapahamak si Gab kung sakali mang may kasamaang tinatago ang Maximus na 'yon.

See? Pinaghihinalaan mo nga talaga siya. You just hate to admit it!

Fine! I won't deny it. I can't help it. The way he talk to that man that night was really suspicious. Hindi nalalayo sa edad niya 'yong lalaki at halatang ayaw niyang may makakita o makarinig sa anumang pinag-uusapan nila.

With the looks of it, parang mataas 'yong respeto nung tao sa kaniya the way he bows his head while Maximus was scolding him. Para siyang takot dito na hindi ko mawari kung bakit.

I will find out who you are Maximus Del Piero!

Isang ping mula sa laptop ko ang umani ng atensiyon ko. It was an email from Alester marked as CONFIDENTIAL.

I opened it right away and read the content then clicked the attached file.

I read the first file about Maximus Del Pierro. Kahit ayaw kung aminin sa sarili ko, he got all my attention this past days.

So he is really related by blood kay Celestine Del Pierro. The only son he got from her late husband.

But why is he working as a bartender when he is the only heir of the Del Pierros?

Ano kayang drama sa buhay ng taong 'to at nagtitiyaga siyang magtrabaho na parang ordinaryong manggagawa lang? Wala namang napabalitang controversy sa mga Del Pierro but who knows they're just being discreet about it.

I read the report further till the end and didn't find the answers to my questions. Maybe I should stop wasting my time with him.

Mas kailangan kong magfocus kay Gab at sa layuning tulungan siya na mahanap ang kaniyang ama. Siguro kapag nangyari 'yon ay maging buo na ang pagkatao niya at maging handa na siyang bigyan ako ng chance na makapasok sa puso niya.

I'll do anything for you, Gabriella! That's a promise.

I started to open the file about Gab's father. I cleared my mind when I started reading it.

Napahinga ako ng malalim sa mga nabasa ko. I tried to calm myself knowing na mas matindi pa ang mararamdaman ni Gab kapag nabasa niya ang lahat ng 'to.

How I wish I will be with her sa panahong malaman niya ang lahat ng 'to para maalalayan man lang siya. I can't imagine how it will break her heart and worst. . .

No! I won't let it happen. I will make sure na kasama mo 'ko sa oras na malaman mo ang lahat ng 'to, Gab.

Pero paano niya tatanggapin ang katotohanang wala nang chance na makilala at makasama pa niyang muli ang kaniyang ama?

"Sir Andre, the conference room is ready for you." anunsyo ni Cleo sa akin.

Napabaling ako sa pinto kung saan sumungaw ang ulo ni Cleo. Sinagot ko siya ng isang tango saka tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Cleo, call Miss Larossa and tell her to see to it that all employees will attend the party tomorrow night. No one should be missing that event." may awotoridad kung utos sa kaniya bago ko tinungo ang conference room.

Isang 'yes sir' ang naging sagot ni Cleo saka tinungo ang kaniyang mesa para gawin agad ang utos ko.

I will see you at the party, Gab!

                                   ******

Gab's POV:

Napatingin ako sa orasan saka dali-daling tinawagan ang numero ni Miss Girly. Isang ring palang ay sinagot agad ni Miss Girly ang tawag ko.

"Hello, Gab!"

"Hello, Miss Girl!"

"Oh napatawag ka, Gab. May problema ba?" tanong niya sa'kin.

Grabe naman 'tong si Miss Girlie. Napatawag lang eh problema agad ang iniisip.

"Wala naman po. Magpapaalam lang sana ako na hindi ako makakapasok mamaya." kinakabahan man pero kailangan kong umabsent ngayon.

"Bakit naman? May sakit ka ba?" may himig pag-aalala ang boses niya.

"Ahm. . .w-wala naman po. May kailangan lang po akong puntahan na importante."

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban? Absent si Tanya ngayon Gab."

"Please po Miss Girl. Ngayon lang po talaga. Hindi na po ako a-absent ulit."

Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Kinakabahan ako lalo dahil baka hindi talaga ako payagan ni Miss Girlie.

"Sige. . .pero kailangan hindi ka mawawala sa party bukas ng gabi. Kailangan present ang lahat. Maliwanag ba, Gab?"

Mas matinding kaba ang hatid ng sinabi ni Miss Girlie kasabay ng pagpayag niyang umabsent ako ngayon.

Mali yata ang timing mo, Gab! Mapapasubo ka pa yata nito.

"Andiyan ka pa ba, Gab? Bakit hindi ka sumasagot?" sunod-sunod na tanong ni Miss Girlie nung hindi ako umiimik sa kabilang linya.

"K-Kasi Miss Girl. . .ahm. . . ano kasi. . . hindi rin ako makakadalo sa p-party bukas."

"Ano? Naku! Hindi pwede Gab! Sayang 'yong chance na makasama ka sa party, tsaka mas mababawasan 'yong sasahurin mo. Sayang naman." may panghihinayang na wika ni Miss Girlie.

Tama siya! Sayang 'yong sasahurin ko. Magiging dalawang araw ang mababawas sa sahod ko pero buo na ang pasya ko.

Tinanggihan ko na ang imbitasyon ni Andreas na maging date niya sa party. Ayokong bigyan ng chance na kulitin na naman niya ako.

"Dadalo ka, Gab ha. Aasahan kita bukas ng gabi. Tsaka kabilin-bilinan ni Sir Andre na dapat present ang lahat kaya hindi ka pwedeng hindi dumalo." wika ni Miss Girlie bago ako nakasagot. Dial tone na ang sunod kong narinig.

Saka mo na isipin ang mangyayari bukas, Gab. Ang importante ay ang ngayon. sambit ko sa sarili kasabay ang isang buntong-hininga.

Iniwan ko ang mga alalahaning 'yon sa ere bago ako pumasok sa banyo para maligo. Ninanamnam ko ang lamig ng tubig na nagbigay ng gaan sa pakiramdam ko.

Dali-dali akong nagbihis pagkatapos maligo. Nilock ko ang pinto pagkalabas ko ng kwarto saka dali-daling umalis para magpunta sa Bree's Frozen Delights.

Kabado man sa maaring malaman pero magaan ang pakiramdam ko habang nag-aabang ng bus sa highway.

Eksaktong fifteen minutes bago mag-alas syete ng pumasok ako sa snackbar na pagkikitaan namin. Medyo marami ang mga customers na naroon kaya iginala ko ang aking tingin sa paligid hanggang sa makita ko ang aking pakay.

Nakangiti ito habang kumakaway sa gawi ko. Dali-dali akong lumapit sa kaniya habang nagsisimula nang kumabog ang dibdib ko.

Relax, Gab! Baka atakehin ka niyan.

"Hi, Gab! Have a seat." nakangiting bati niya sabay hila ng upuan para sa'kin.

"Sobrang gentlemen mo yata ngayon. Baka magselos si Maximus nito ah." biro kong kantiyaw sa kaniya na ikinatawa niya pa pero saglit lang.

"Ubos na ang selos sa katawan nun. Anyway,  you order first before we start."

"Okay na ako sa juice. Huwag ka mag-abala masyado."

Kinawayan niyo 'yong isang waiter na agad namang lumapit sa table namin saka siya nag-order ng isang orange juice at blueberry cheesecake.

Hindi talaga maawat 'tong taong 'to. Sabi nang juice lang eh, may sinama pa talagang cheesecake.

Hindi ka pa rin nasasanay, Gab. Duplicate 'yan ni Maximus kaya masanay ka nang bini-baby ka.

Gusto ko matawa sa naisip ko. Sa tagal na naming magkakilalang tatlo, para na nga kaming magkakapatid na magkaiba ang nanay. Hindi matatawaran ang pag-aalaga at pag-aasikasong ginagawa nila kapag kasama ako. Sa kanilang dalawa ko nakita ang pagmamahal ng isang kapatid at isang tunay na kaibigan.

"Anong iniisip mo at parang umabot ka na yata sa Mars niyan?" pagkuway ay tanong niya sa'kin.

"Huh? Ah wala ah. Grabe naman 'to. Mars talaga?"

"Kinakabahan ka?" tanong niya na halatang nananantiya ang nga tingin.

Napakagat-labi ako sa tanong niya. Hindi ko alam kong tatango ba ako o itatago ko ang totoong nararamdaman ko sa nga oras na 'to.

Gusto kong sabihing hindi pero ang totoo'y kinakabahan ako sa kung anumang malalaman ko ngayon. Hindi ko inaasahang makaramdam ako ng ganito.

Halos buong buhay ko inaasam-asam kong may malaman tungkol sa aking ama tapos ngayong abot-kamay ko na ang mga 'yon ay di maipaliwanag na kaba ang bumalot sa akin.

"Medyo." ang tanging naging sagot ko.

Tiningnan lang niya ako ng makahulugan pero walang lumabas sa bibig niya hanggang sa dumating 'yong waiter dala 'yong inorder niya para sa'kin.

Hindi ko maiwasang hindi inumin 'yong juice dahil sa tensiyong naramdaman ko. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba.

"I understand what you feel right now, Gab. Pero alam kong ready ka sa lahat ng sasabihin ko sayo." simula niya dahilan upang ibaba ko 'yong baso ng juice na hawak ko.

Huminga ako ng malalim saka itinuon ang buong atensiyon ko sa kaniya.

"Ready na ako. Gusto ko malaman lahat ng nakuha mong impormasyon kung maaari." saad ko na may halong pakiusap.

Inabot niya sa'kin ang isang asul na envelope. Parang may isip ang mga kamay ko nang kusa 'yong umangat at tanggapin ang inabot niyang envelope.

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa'kin na parang sinasabing buksan ko 'yon. Dahan-dahan kong binuksan ang envelope at kinuha ang laman mula sa loob.

Tumambad sa harap ko ang larawan ng isang lalaki. Parang hinaplos ang puso ko ng matitigan ang larawan na nasa harap ko ngayon.


"Siya si Gerhard Walter, your father, Gab." kusang tumulo ang luha ko nang marinig ang sinabi niyang 'yon.

Sa wakas nakita ko na ang tatay ko. Sa wakas may mukha na siya na halos buong buhay kong hinintay na masilayan. Kaytagal kong hinintay na makita ang mukha niya. Na magkaroon ng katuparan ang matagal ko nang hinahangad at pangako sa nanay ko.

"He passed away six years ago because of liver cancer. It was a tough battle for him lalo na't hinanap ka niya. Kayo ng nanay mo." patuloy niyang wika.

Ang kanina'y impit na iyak ay di ko naiwasang maging isang hagulgol habang iniisip na sa larawan ko na lang pala siya makikita. Ito ang unang beses na nakita ko ang mukha niya at ito rin pala ang magiging huling beses dahil kailanman ay di ko na siya makikita pa ng personal.

Napakasakit isipin na hindi ko na pala siya makakausap at mayakap. Wala na akong pagkakataon na tawagin siya tatay at makakwentuhan siya.

"Binalikan niya kayo ng nanay mo pagkalipas ng tatlong taon doon sa dati niyong tinitirhan pero hindi na niya kayo naabutan dun. Wala ring makapagsabi kung saan kayo lumipat. Halos isang taon niya kayong hinanap, Gab. He started to drink that time because of frustration dahil hindi niya kayo mahanap."

Hinahaplos ko 'yong mukha ng tatay kong nasa larawan habang patuloy sa pagluha. Hindi ko maisip na binalikan niya kami ni Nanay. Kung hindi sana kami lumipat, siguro kasama namin siya ni nanay.

Ngunit hindi ko masisisi si nanay kung bakit mas minabuti niyang lumipat ng tirahan. Ayon sa kwento ni nanay sa'kin nung nagkasakit na siya ay pinuntahan siya ng isang babaeng nagpakilalang asawa ng tatay ko. Pinagbantaan siya ng masama ng babae oras na magpakita pa si nanay sa tatay ko.

Napilitan din si nanay na gamitin ang apelyido ng yumao kong Lola para hindi siya madaling matunton sakaling hanapin siya ng tatay ko o kahit nung babaeng nagbanta sa kaniya.

Tiniis ni nanay na itaguyod akong mag-isa kahit na tumatanggap lang siya ng labada sa mga bago naming kapitbahay. Pinalaki niya akong salat man sa mga materyal na bagay ay umaapaw naman ang pagmamahal at pag-aalagang ibinigay niya sa'kin.

"Ibinilin niya sa kaniyang anak na hanapin ka kahit na wala na siya, Gab." dugtong niya na nagpa-angat ng tingin ko.

Tama ba ang narinig ko? May kapatid ako?

"May anak siyang iba? M-May kapatid ako?"

"Oo, Gab at matagal ka na niyang hinahanap. Matagal ka na niyang gustong makita at makilala."

Napatanga ako sa sinabi niya. Sa kabila ng lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayong nalaman kong wala na pala ang tatay ko ay nakaramdam pa rin ako ng tuwa.

Tuwa na malamang mayroon pa rin pala akong kapatid na matatawag na pamilya. Kapatid na naghahanap din sa'kin ng matagal na panahon.

"Sino siya? Kilala mo ba siya? May larawan ka ba ng kapatid ko? Gusto ko siya makita, please!" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Gab. . ." may sumilay na pag-aalinlangan sa mga mata niya.

"Gusto ko siyang makilala. Parang awa mo na. Sino ang kapatid ko?"

"Ako, Gab! Ako ang kapatid mo." wika ng isang boses mula sa likuran ko.

Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon. Kahit hindi ako lumingon kilala ko ang may-ari ng boses na 'yon.

Ang boses ng kapatid ko!

Continue Reading

You'll Also Like

25.2M 729K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
26.7M 929K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
15.8M 595K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...