Can't live without you (BL)

By Eisenchan

527K 22K 2.7K

*Living with my Step-Brothers Sequel* Pagkatapos kong magkaroon ng diploma ay ang kasunod ko namang pagsubok... More

CAST
Chapter 2: Not a total Stranger
Chapter 3: Ex's and Oh's
Chapter 4: Double Trouble
Chapter 5: Kiss me gently
Chapter 6: Gimme more
Chapter 7: Elevator Trouble
Chapter 8: He ate my heart
Chapter 9: Bad memories & Sweet Kisses
Chapter 10: Make you feel my love
Chapter 11: I, My, Me, Mine
Chapter 12: Gotta be you
Chapter 13: You belong with me
Chapter 14: Love me like you do
Chapter 15: I'm with you
Chapter 16: Into the new world
Chapter 17: Déjà vu
Chapter 18: You're so gay
Chapter 19: I wish for you
Chapter 20: Dramarama
Chapter 21: Don't know what to do
Chapter 22: Kill this love
Chapter 23: Kick it
Chapter 24: Hope Not
Chapter 25: Love Shot
Chapter 26: We belong
Epilogue
Preview: Ice X Fire
AMTR & Upcoming stories

Chapter 1: My Ex-E-O

38.6K 1K 85
By Eisenchan

Bbasjtr as Eisen Fuentes


Eisen's POV


Ang buhay ay parang isang libro na may simula at meron ring katapusan. Pero ang buhay ay hindi basta basta natatapos dahil maraming kwento ang nalilikha sa bawat desisyon mong ginagawa. Palaging may bagong simula, palaging may bagong pagsubok, palaging may pagkabigo pero hindi ibig sabihing dapat na ikaw ay sumuko. Sa loob ng tatlong taong nanirahan ako sa aking uncle ay marami akong natutunan sa buhay. Hindi lahat ng may kapangyarihan at kayamanan ay nagiging masaya sa kanilang buhay. Hindi lahat ng mga taong nasa paligid mo ay dapat pagkatiwalaan. At higit sa lahat ay dapat mong alagaan ang mga taong nasa paligid mo habang sila ay nandiyan pa at kapiling mo.

Matagal-tagal din bago kami nakamove-on sa pagkamatay ni Uncle. Kasama ng kanyang pagkawala ay ang pagkawala rin ng kayamanang meron siya. Kahit isang kusing ay walang napakinabangan ang kanyang nag-iisang anak na si Lance na aking pinsan. Inilaban namin sa korte ang karapatan ni Lance pero nabigo kaming ipanalo ito dahil ayun sa aming kalaban ay nakaw ang yaman na meron si Uncle at meron silang ebidensiya nito. Mahirap para sa amin dahil lahat ng ari-ariang meron sila ay kinuha sa amin. Mabuti na lang at may sarili akong savings at nakakuha ako ng murang bahay na pansamantala naming tinutuluyan. Ang pinoproblema ko ngayon ay ang pag-aaral ni Lance sa kolehiyo dahil mahal ang kurso na kinuha niya.

Naglakas loob akong pumunta ng maynila para maghanap ng trabaho pero inuna ko muna ang offer sa akin bilang HR Rep. sa isang kompanya sa Taguig. Mabuti na lang at gumagana pa rin pala ang Jobstreet at napakinabangan ko ito. Naging smooth naman ang interview at final interview dahil pinaghandaan ko pati na rin ang exam. Mabuti at one-day processing lang dito kaya mabilis kong malalaman kong tanggap ba ako o hindi. Sobrang tuwa ko nang matanggap ako sa kompanya at mabilis akong nabigyan ng contract pero laking gulat ko nang pinigilan ako ng HR Manager sa pagpirma ng contract dahil may mas magandang offer daw sila sa akin.

"I will let you read the contract first and please pag-isipan mo ng mabuti ito Mr. Fuentes dahil bihira lang ang pagkakataong ito" ngumiti siya sa akin at inabot ang kontrata.

Lumabas muna siya ng meeting room para hayaan akong makapag-isip. Sa loob ng contract ay inaalok ako na maging secretary. Doon pa lang ay gusto ko nang i-decline ang offer pero nang makita ko ang magiging sweldo ko ay nagdalawang isip ako bigla. Wala akong experience sa pagiging secretary at take note fresh grad ako kaya malamang hindi ko magagampanan ng maayos yun. Pero P45,000 monthly salary kumpara sa P30,000 na offer sa akin bilang HR Rep. plus may P10,000 na transportation allowance monthly at may libreng condo stay pa hanggang sa matapos ang contract. May healthcare benefits na up to P200,000 per illness at ang pinakabongga ay ang P50,000 na signing bonus. Parang nakajackpot talaga ako sa offer na to, hindi na ako mahihirapan kung papano babudgetin ang pera kapag nag-aral ulit si Lance dahil sobra-sobra na to sa ini-expect ko.

Gusto ko na sanang pirmahan agad pero nabasa ko na kapag nagresign ako at hindi pa tapos ang contract ay kailangan kong magbayad ng fee na P200,000. Napaisip ako nang mabuti kong tatanggapin ko ba ang offer na to. Malamang marami siguro ang nagreresign dahil baka panget ang boss o kaya masama ang ugali nito. Pero kailangan na kailangan ko na talaga ng pera dahil ilang linggo na lang ay magpapasukan na at kailangan ko na ng pera na ipambabayad sa tuition ni Lance. Habang nag-iisip ako ay biglang pumasok ang HR Manager para tanungin ang aking desisyon. Kahit na nakakaramdam ako ng hindi maganda sa magiging desisyon ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pag-sign sa contract. Gaya nga ng mga madalas na linya ng mga callboy "Kapit patalim para may kainin".

Pagkauwi ko ay masaya kong ibinalita kay Lance ang pagkakaroon ko ng magandang trabaho at gaya niya ay nagulat din siya sa laki ng offer sa akin. Napagdesisyunan naming sa isang university na lang din siya sa maynila mag-aaral para magkasama kaming titira sa condo. Mas makakatipid kami dahil hindi na namin kakailanganing magbayad ng renta ng bahay dahil ang condo unit pati na rin ang tubig at ilaw ay sagot ng kompanya. Alam kong masaya siya dahil mas mapapalapit siya sa kanyang nobyo na si Gunter na nag-aaral din dito sa maynila.

Sabado ng umaga nang marating namin ang condo unit na nakalaan para sa akin. Nag-ayos kami ng aming mga gamit at mabuti na lang ay nandito rin si Gunter para tumulong sa amin. Dahil iisa lang ang kama ay bumili na rin ako ng isa pang higaan para kay Lance. Mas mapapabilis sana ang aming trabaho kung hindi panay ang landian ng dalawang kasama ko. Nakakatuwa silang pagmasdan na akala mo'y mga bata na naghaharutan. Naaalala ko pa noon kung paano sila nagsimula bilang magkaaway hanggang sa nahulog ang damdamin nila sa isa't isa. Hindi ko mapigilang mainggit sa sobrang ka-sweetan nila sa isa't isa.

"Magboyfriend kana kasi Kuya para hindi kana mainggit" pang-aasar ni Lance. Hindi ko namalayang kanina pa pala nila akong napapansing nakatitig sa kanilang dalawa.

"Loko ka" dugtong ni Gunter sabay batok nang mahina kay Lance.

"Ehh napapansin ko kasing naiinggit na si Kuya sa pagiging sweet natin kaya dapat magboyfriend na rin siya para magawa na natin yung double date" sagot ni Lance sabay akap kay Gunter. Hindi ko mapigilang mapaikot ang aking mata sa sobrang kasweetan ni Lance kay Gunter.

"Hoy tigil-tigilan mo ako Lance. Nagfofocus muna ako sa career ko kaya wala akong panahon sa love-love na yan" pagdadahilan ko.

"Eh sinabi nyo na rin po yan dati kuya eh, sabi mo magfofocus ka sa pag-aaral at saka ka makikipagrelasyon kapag nakapagtapos kana" biglang sagot ni Gunter. Pilyo din tong batang to eh.

"Hoy akala ko ba kakampi kita Gunter?" kunwaring naiinis pero medyo naiinis na talaga ako nun.

"Eh baka naman kasi hindi ka pa rin nakakamove-on kay Jeth-ano nga ba ulit ang pangalan nun?" pang-aasar ni Lance. Sinusubukan talaga ako ng dalawang to.

"Subukan mong ituloy yan at pag-aaralin kita sa Laguna para magkahiwalay na kayong ulit ni Gunter!" pagbabanta ko at biglang humigpit ang pagyakap ni Lance kay Gunter.

"Joke lang kuya ito naman hindi mabiro, alam ko namang nakamove-on kana kay JETH-RO" sabi ni Lance at nagawa niya pang-i emphasize ang pangalan ni Jethro at saka ngumiti.

"LAAAAAAANCEEEEEEE!" sigaw ko at saka ko siya binato ng unan galing sa couch. Mabilis siyang nakakalas sa pagkakayakap kay Gunter kaya imbis na siya ang tamaan ay si Gunter ang tinamaan ng unan sa mukha.

Parehas kaming nagulat sa pangyayari pero imbes na sa akin siya gumanti ay dinampot niya ang unan at hinampas ito kay Lance para gumanti. At doon na nagpatuloy ang harutan nilang dalawa. Nakakatuwa lang isipin na ang laki ng pinagbago ni Lance simula nang dumating sa buhay niya si Gunter. Ang dating iresponsable at bastos na magsalitang si Lance ay biglang nagbago nang mainlove siya kay Gunter. Iba talaga kapag nagmamahal ka, kayang-kaya nitong baguhin kahit sino man. Bigla ko tuloy naisip kong hindi kami naaksidente ni Jethro nun at hindi siya nagkaroon ng amnesia ay baka ganito rin kami kasaya. Pero tatlong taon na rin naman ang nakakalipas kaya nakamove-on na rin ako sa kanya. Nakamove-on na ba talaga ako? Well siguro kasi every other day ko na lang siyang inaalala hindi kagaya dati na everday, every hour, every minute, every color, every hue - is represented by me and you. JOKE!!!

Pero siguro nga nakamove-on na talaga ako. Kasi yun ang dapat na mangyari kasi hindi naman talaga kami para sa isa't isa. Siguro nabigyan lang talaga ako ng pagkakataong maranasan ang magmahal. Siguro nga sapat nay un at dapat maging thankful na lang ako at nangyari yun. Darating din naman siguro yung taong nakalaan sakin pagdating ng panahon, uy ang lakas maka-Aiza. Pero seryoso baka sa bagong kompanya kong papasukan ay baka makilala ko na siya. Excited na akong pumasok sa Monday.

Lunes ng umaga, hindi ko inaasahang mapapasarap ang tulog ko. Well hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos kagabi kaya late na akong nagising. Halos takbuhin ko ang banyo para makaligo. Mabilisang pagligo lang yung mas mabilis pa sa kantang 1,2,3 ni Britney Spears. Pagkatapos kong maligo ay tinungo ko ang aking kwarto para magbihis. Nagtataka ako kung bakit wala na sa higaan niya si Lance. Nang matapos akong magbihis ay nakita ko siyang naghahanda ng breakfast sa kusina.

"Running late?" nakangiti niyang bati.

"BAKIT HINDI MO AKO GINISING?" tanong ko sabay subo ng hotdog. Napangiwi ako dahil mainit pa pala ito.

"Kakaluto ko pa lang niyan" natatawa niyang sabi.

"Gigisingin na sana kita kaso ayun bigla ka na lang nagtatakbo sa banyo" dugtong pa niya habang nagpiprito.

"Dapat kanina mo pa ako ginising, tingnan mo wala na tuloy akong time magblower" sabay kuskos ng tuwalya sa aking buhok at dahan-dahang umupo sa upuan.

"Bat ka ba nagmamadali kuya eh 8am pa yung pasok mo? Maaga ka pa ng isa't kalahating oras at saka walking distance lang naman dito yung office mo" sambit niya at nilagay sa plato ang mga natitirang hotdog na niluto niya.

"Kailangan kong magcheck ng mga access sa rooms na restricted area. May mga rooms ang company na iilang tao lang ang pwedeng pumasok at bilang secretary syempre dapat may access ako sa mga rooms nay yun lalong lalo na sa office ng boss ko" sagot habang ngumunguya ng sliced bread.

"Kilala mo na ba ang boss mo?" naupo siya sa harapan ko at nagsimulang kumain.

"Hindi pa nga eh, kaya kailangan ko ring pumasok ng maaga para makilala ko siya. At dapat maaga ako dun para hindi siya madisappoint sa akin" pagkatapos kong kainin ang sliced bread ay agad akong nagtooth brush at hinanda ang mga gamit na dadalhin ko papasok ng office.

"Kuya pwede ba akong dumalaw kay Gunter mamaya?" tanong ni Lance bago ako makalabas ng pinto.

"At saan naman ang punta niyong dalawa?" tanong ko.

"Magdidate lang kami, somewhere" nakangiti niyang sabi halatang kinikilig.

"May pera ka ba?" tanong ko at dudukot na sana ako sa wallet ko.

"No, don't worry. May pera pa ako kuya at saka pagdating kay Gunter ay dapat hindi na galing sayo yung perang gagastusin ko" pagpigil niya sa akin at hindi ko naman napigilang mapangiti.

"Okay, enjoy your day!" sagot ko sabay bukas ng pinto.

"I will!" maikling tugon niya.


Wag uuwi ng sobrang late" pahabol kong sabi at sumang-ayon naman siya bago ko isinara ang pinto.

Nakakainggit talaga sila, mabuti pa ang college students padate-date na lang kung saan saan. Samantalang ako ito walang katime-time makipaglandian. I wonder kung may magkakagusto pa kaya sa akin? Sa totoo lang maraming nanligaw sa akin noong nag-aaral pa ako ng College sa Laguna. Isa na dun si Lester, gwapo siya at active sa sports. Minsan nga naaalala ko sa kanya si Jules pero alam mo yun kahit anong effort niyang panliligaw sa akin nun ay hindi ko talaga magawang ma-fall sa kanya. Wala kasi akong ibang inisip nun kundi si Jethro. So heto na naman tayo at si Jethro na naman ang naiisip ko. Grabe Eisen, tigilan mo na at magfocus kana sa career mo ngayon.

Saktong 7am ay narating ko ang kompanyang pagsisilbihan ko, siguro ng maraming taon? Napaka modern ng pagkakadesign ng kompanya. Ang elevator ay napaka high-tech dahil meron silang screen kung saan dun mo pipindutin kung saang floor ka pupunta. May label ang bawat elevator from A-J at kusang bubukas ang pinto nun kapag napindot mo na sa screen ang floor na gusto mong puntahan. Lalabas sa screen ang letter ng elevator na papasukan mo at yung letter mismo na nakalagay sa ibabaw ng elevator ay iilaw kapag pwede na itong sakyan. Sobrang convenient nito hindi na to dadaan pa sa ibang floor dahil derecho na to mismo sa floor na gusto mong puntahan.

Mabilis kong napuntahan ang floor kung saan ako magwowork at doon ko nakita ang HR Manager na nag-hire sa akin. Masaya niya akong binati at tinour sa floor kung saan ang magiging station ko. Dinala niya ako sa conference room, comfort room, lobby, production floor at huli ay sa office ng CEO. Nakaramdam ako ng kaba nang tumayo ako sa harap ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil baka natatakot ako na baka terror ang magiging boss ko. Hindi ko rin ini-expect na CEO pala ang magiging boss ko dahil ang buong akala ko ay isang department head ito o kaya project manager. Pero dahil andito na rin naman ako ay wala ng atrasan to.

Restricted area ang office ng CEO dahil sa mga confidential files at documents na meron sa loob nito. Kaya kinakailangan mo pang magbadge gamit ang ID mo para makapasok ka. Pero habang binabadge ko ang ID ko ay nagrered signal ang device at ibig sabihing wala pa akong access sa room. Nagtaka naman ang HR Manager kong bakit wala pa akong access sa room dahil dapat ngayong araw ay meron na. tumawag siya sa security department para ipaalam ang tungkol sa access ng badge ko.

"I'm really sorry Mr. Fuentes. Bago ko ibigay sayo ang badge at ID ay na make-sure ko na may access ka sa mga rooms lalong lalo na sa office ng CEO. Ang weird lang at biglang nawala ang access mo." Sambit niya pagkatapos niyang makausap ang security dept.

"Pero don't worry nakausap ko na sila. All you have to do ay pumunta sa ground floor sa may left side corner andun ang office ng security department. Pumasok ka dun at ibigay mo sa guard ang Badge mo at alam na nila kung anong gagawin. Wala pang 1 minute yun".


At ayun nagpaalam na siya sa akin dahil may aasikasuhin pa siyang ibang new hires. Bago pa man akong makalayo ay bigla siyang sumigaw.

"Make sure to comeback before 8am, Hate ni Mr. Wells ang pagiging late!" at saka siya sumakay ng elevator.

Wait tama ba ako ng pagkakarinig? Mr. Wells? Don't tell me isa sa mga Wells Brothers ang nagmamay-ari ng kompanyang ito? Baka si Jules dahil sa kanilang magkakapatid siya ang may potential na maghandle ng business. Malabong si Josh dahil dati pa lang ay hindi na siya interesado sa pagpapatakbo ng mga malalaking kompanya. Malabong si Jean at James dahil wala rin sa kanila ang may interes sa ganitong industriya. At lalong lalo na si Jethro dahil isa siyang abogado, magiging conflict ito sa kanyang work. Kaya possibly si Jules nga ang tinutukoy niya. Pero wait, hindi naman ito affiliated ng Wells Co. kaya malabong sila ang nagpapatakbo nito. Baka naman ibang kamag-anak nila ang may-ari nito o kaya nama'y mali lang ako ng pandinig at kung ano-ano agad ang ina-assume ko.

Kung sakali mang isa sa kanila ang nagpapalakad nito ay mabuti kong hindi si Jethro dahil ewan hindi ko pa rin siya kayang harapin sa ngayon. Baka himatayin ako o kaya naman hindi makapagsalita kapag nagkita kami sa hindi inaasahang pagkakataon. Nawala sa isip ko na kanina pa pala nakabukas ang elevator na pinindot ko sa screen. Muntikan na itong magsara kaya mabuti na lang at nakaabot ako. Jusme, Eisen magfocus ka nga sa first day mo at hindi puro kalandian ang iniisip mo.

Pagkarating ko sa ground floor ay agad kong tinungo ang office ng security department. At ayun hindi lang pala ako ang may problema sa mga access lima kami ang nagpapaayos ng access. Ang buong akala ko ay mabilis lang proseso nito gaya ng sabi sa akin ni Ms. Reena, yung HR Manager. Pero mali ang akala ko kasi halos 15 minutes bago ako naasikaso ng guard. Mabilis akong lumabas ng security dept nang matapos ang pag-ayos sa access ko. 5 minutes na lang at mag-aalas otso na. kung mamalasin ka nga naman ay mahaba ang pila sa elevator kapag ganitong oras. Mabuti at maayos at mabilis ang mga elevator kaya nakasakay kaagad ako sa loob. Kahit siksikan ay nagkasiya ako sa pinakadulo ng elevator.

Dahan-dahan kong nirereview ang mga notes na binigay sa akin ni Ms. Reena sa aking phone. Nagtataka ako kung bakit isa-isang nagsisilabasan ang mga taong nasa loob ng elevator. Hanggang sa ako na lang ang natira sa loob, ang akala ko pa noon ay sira ang elevator kaya lalabas na sana ako ng may pumasok na gwapong lalaki. Napaatras akong muli at pumuwesto sa dulo, tiningnan niya akong mabuti. Para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig nya. Hindi ko napigilang mapangiti sa kahihiyan at nagulat naman ako nang bigla rin siyang ngumiti sa akin. Siya na nga ata yung destiny ko sa kompanyang ito. Nakaramdam ako ng excitement at kaba nang magsara ang pinto dahil baka sakaling gahasain niya ako sa loob ng elevator. JOKE! Napakadisente niya at amoy na amoy ko ang pabango niya kahit malayo ang pwesto ko sa kanya. Grabe nakakapanglambot ng tuhod. Habang pinagpapantasiyahan ko sya ay siya naman ay abala habang nakikipag-usap sa kanyang phone at ang isang kamay naman niya ay may hawak na kape. Nagulat na lang ako ng mapasigaw siya.

"Oh crap!" sabay yuko. Hindi ko alam kung ano ang tinitingnan niya at bakit siya nakayuko.

Hindi nagtagal ay bigla siyang lumapit sa akin at ako naman ay nakaramdam ng kaba sa paraan ng pagtitig niya sa aking katawan. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kuya wag naman sa elevator pwede naman sa C.R. pero seryoso kinakabahan ako sa mga oras na yun lalong lalo na nang ipatong niya ang mga kamay niya sa aking balikat. Sisigaw na sana ako ng rape nang bigla siyang magsalita.

"I'm so sorry but I really need your help" bigla na lang niyang hinatak pababa ang coat ko. Sa bilis ng ginawa nya ay halos hindi na ako nakapagreact. Hanggang sa mahubad niya sa akin to. Ang akala ko ay huhubarin niya rin polo ko pero bigla niyang inabot sa akin ang coat niya at nagbukas ang elevator.

"I promise, ibabalik ko rin to!" at saka siya nagmamadaling lumabas ng elevator.

Tinitigan ko ang coat na inabot niya sa akin at doon ko napansin may bakas ng kape ang kanyang coat. Kinuha nya ang coat ko para gamitin dahil nabasa ng kape ang coat niya? Nakakaloka, sino ba siya sa inaakala nya. Hahabulin ko sana siya pero hindi ko na siya makita sa area. Pag check ko sa relo ko ay 8:02 na, kaya halos liparin ko ang pagpunta sa office ng CEO. Jusko po late ako sa first day, actually hindi naman talaga ako late pero sa pagmimeet naming ng boss ko ay late ako. Pagkabadge ko sa device na katabi ng pinto ay nagreen ang signal ang ilaw, tanda na may access ako sa loob. Kaagad akong pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay andun na nga ang boss ko. Nakaupo sa upuan habang nakatalikod sa desk niya. Walang man lang desk plate sa ibabaw ng kanyang table kaya hindi ko alam kung pano ko siya I-aaddress. Abala ito sa pakikipag-usap sa telepono hanggang sa marinig ko nang husto ang kanyang boses. Wait, parang familiar sa akin ang boses nito.

"You're late!" sabi niya nang matapos niyang ibaba ang telepono.

"I'm so sorry sir, kasi po" napatigil ako sa pagsasalitang nang umikot ang upuan niya na para bang coach sa the voice. At laking gulat ko nang makita ko ang mukha ng aming CEO, walang iba kundi si.

"JETHRO?" hindi ko inaasahang mapapalakas ang boses ko dahil hindi ko inaasahang siya ang makikita ko.


Papanong nangyari yun? Isa siyang abogado at papanong siya ang CEO ng kompanyang ito? Kumunot ang noo niya at saka nagsalita.

"What did you say?" tanong niya.

"Ah- I mean si, Sir Jethro" nauutal kong sabi.

After 3 years na hindi kami nagkita ay para bang walang nagbago sa hitsura niya. Siya pa rin yung taong minahal ko ng sobra. Siya pa rin yung Jethro na iniyakan ko gabi-gabi. Siya pa rin yun, siya pa rin. Pero sa dinami-rami ng pagkakataon at lugar ay dito pa kami magkikita sa kompanyang ito at siya pa ang magiging boss ko.


Itutuloy....


A/N: Sinong mag-aakalang kaya ko palang mag-update ng isang chapter para sa dalawang story.

Originally, Oct. pa dapat ang release nito (Can't live without you) kasi nga magkakaroon siya ng spoiler sa story na ginagawa ko ngayon.

Para malaman nyo ang simula ng love story ni Lance at Gunter ay basahin nyo ito (The Curse of Fuentes kiss). Mas magfofocus ako sa update dito dahil nga mas nauna to pero pinagbigyan ko lang ang request nyo na magkaroon na ng book 2.

Pero depende pa rin kung ilang votes at comments ang makikita ko baka maging weekly rin ang pag update ko. xD

Continue Reading

You'll Also Like

159K 5.2K 43
Driven by aspiration to give back the life her mother once had, Emeraude Armani Suarez kept her eyes focused on the greater things. Her ambitions shu...
400K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
244K 7.7K 73
Paano kung mahulog ka sa isang taong hindi naman dapat? Paano kung mangyari ang hindi dapat mangyari? Paano kung ang taong minahal mo ay isang pagkak...