Mending Fina [COMPLETED]

By barbsgalicia

2.2M 56.6K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... More

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 15

56.4K 1.6K 196
By barbsgalicia

FINA

"Uy, Fina!" Bigla siyang siniko ni Ellie. "Tulala ka na naman diyan. Sabi ko sa 'yo magpatingin ka na sa doktor, eh."

Nilingon niya lang naman ito habang nagme-makeup ito sa tapat ng salamin sa loob ng ladies' room. "Ano ka ba, pagod lang ako kaya ako natutulala. Inaantok na nga 'ko."

"Pagod? Monday pa lang pagod ka na agad? Ano bang nangyayari sa 'yo? E tapos na nga prelims natin last week. 'Wag mo sabihing hindi ka pa nakakapag-pahinga nang mahaba."

Bumuntong hininga siya. Hindi naman dahil tapos na ang exams e hindi na siya mapapagod. Ilang gabi na siyang hindi nakakatulog nang dire-diretso. Pa'no ba naman kasi, iniisip niya pa rin si Jett.

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin siya makaget-over sa huling text nito sa kanya. Sa tuwing binabasa niya 'yon, parang pinanghihinaan na lang siya ng mga tuhod.

After that night na pinuntahan siya nito sa bahay, hindi na uli ito nagparamdam. Naisip niya na lang na siguro nakabantay na naman ang suicidal nitong girlfriend kaya hindi na ito makatext sa kanya.

Nalulungkot siya sa totoo lang. Kahit na dapat nga matuwa na lang siya kasi kahit papa'no e nagkakalayo na sila. Hindi na siya nito kinukulit. Magiging madali na ang lahat. Pero pasaway talaga puso niya, eh. Suicidal din. Gustong-gustong nasasaktan.

Habang tumatagal, mas lalo niya itong hinahanap-hanap. Nasanay na yata talaga siya na pinupuntahan siya nito sa bahay 'pag gabi. Nasanay na siyang nagte-text ito para ipa-alala na kumain siya, na mag-ingat siya sa pagpasok, na matulog na siya kasi gabi na. Saglit lang naman silang naging gano'n pero, kasi, sinanay siya ni Jett.

Kagabi nga, mga 9pm, nag-text ito sa kanya. Sabi lang naman nito sa text, "Fina". Pero nataranta na agad siya. Wala siyang load kagabi kaya lumabas pa siya ng bahay kahit na malakas ang ulan para lang magpa-load.

Kaso, nadismaya siya. Nag-reply siya rito pero 'di na ito nag-text back. Nalungkot siya. Si Jett naman kasi, magte-text tapos 'di magre-reply.

Napatingin na lang uli siya kay Ellie ngayon. Pinanood niya ito habang naglalagay ito ng kulay pula sa pisngi.

"'Di ka ba napapagod sa ginagawa mo?" Tanong niya. "Parang ang dami mong nilalagay sa mukha."

"Minsan lang naman 'to. Alam mo naman, kailangan kong magpa-ganda today kasi magkikita kami ni boyfriend, 'di ba?"

Humarap na rin siya sa salamin. "Hindi mo naman kailangang magpa-ganda. Pangit lang ang nagpapa-ganda. Nag-aayos ang tawag diyan."

"Oo na. Ilang beses ko ng narinig 'yan sa 'yo."

"Totoo naman kasi. Ang ganda mo na Ellie, 'wag ka ng mag-makeup. Tapos ang laki pa niyang hikaw mo. 'Pag nahuli ka ng C.I natin, tatawanan talaga kita."

"Tsk, 'wag mo na nga 'kong pinapansin. Minsan lang naman ako nakakapag-ayos ng gan'to. Palibhasa ikaw, meron kang natural beauty kaya 'di mo na kailangang mag makeup talaga."

"Bakit, ikaw din naman may natural beauty ah. Ang layo kaya ng agwat ng ganda mo sa 'kin."

"I know." Ngumiti pa talaga ito nang pa-cute sa salamin.

Natawa na lang siya. "Alam mo pala, sabi sa 'kin ni Ate Martha, 'pag bagong gising ka raw sa umaga tapos maganda ka, ibig sabihin, maganda ka talaga. Kasi 'yun 'yong mga oras na wala kang ka-ayos ayos sa mukha, e."

"Talaga? Hala! E 'pag bagong gising ako mukha 'kong bruha, e. Ibig sabihin gano'n talaga itsura ko? Tayo-tayo buhok tapos may natuyong laway sa gilid ng bibig?"

Natawa na naman siya! "Ewan ko sa 'yo, Ellie. Ang baliw mong kausap kahit kelan." Sumilip siya sa suot niyang relo pagkatapos. 5pm na pala.

"Una na nga lang akong umuwi," sabi niya sa kaibigan. "Tutal, 'di rin naman tayo magkakasabay. May date ka pa."

"Oo, tama. Umuwi ka na. Istorbo ka sa pagme-make up ko, eh."

Natawa lang uli siya tapos bumeso na rito. "Ingat ka. 'Wag sasama kung saan-saan."

"Opo. Daig mo pa kuya Allen ko kung maka-bilin ka. Hoy, matulog ka agad, ha? Maaga duty na 'tin bukas. 'Pag naiwanan ka ng service papuntang ospital, tatawanan lang din kita."

'Di na niya ito sinagot. Napa-iling iling na lang siya tapos naglakad na palabas ng C.R.

Sakto namang pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang dumaan si Jett at Cielo. Hindi siya nakagalaw! Para siyang biglang binuhusan ng malamig na tubig do'n mismo sa kinatatayuan niya.

Magka-holding hands pa ang mga ito. 'Di niya tuloy alam kung tutuloy pa siya ng lakad o babalik na lang muna siya sa loob ng C.R. Ang malas pa, ang bilis siyang napansin ni Cielo.

"Oh, it's you!" Tumigil pa talaga ito at si Jett sa harapan niya. "Hi!"

Hindi siya nakapagsalita! 'Yung puso niya, biglang bumilis ang tibok. Sumimple siya ng silip kay Jett na nasa tabi ni Cielo, at halatang nagulat din ito.

"Natatandaan mo 'ko?" masayang tanong pa ni Cielo sa kanya.

Kinabahan na siya. Hala, bakit? Anong meron at bigla siya nitong kinausap?

Siningkit niya na lang ang mga mata niya. Nag-kunwari siya na inaalala niya ang mukha nito kahit na ang totoo'y kilalang-kilala niya naman ito.

"Cielo, let's go," sabat naman ni Jett. Hinila pa nito ang kamay ni Cielo para umalis na.

Akala niya makakahinga na siya nang maluwag dahil gumawa na ng paraan si Jett, pero mukhang wala pang balak umalis do'n si Cielo. Yumakap pa talaga ito sa bewang ni Jett na parang naglalambing.

Iniwas niya na lang agad ang tingin niya.

"Babe, look," tawag pa ni Cielo kay Jett. "The girl at the bookstore. Natatandaan mo siya?"

Namanhid na ang mga kamay niya. She didn't see this coming. 'Di niya naisip na magkakaharap-harap silang tatlo nang gan'to ka-biglaan. Hindi naman siya makatingin kay Jett. Kabadong-kabado siya baka biglang makahalata si Cielo.

"Babe, you remember her?" ulit pa ni Cielo.

"No. Hindi ko siya naa-alala."

"Ano ka ba, babe! 'Yung pumulot sa mga ballpens ko. Natatandaan mo na?"

"Hindi ko nga siya maalala. Halika na, male-late ka na sa klase mo."

Nagtaka na lang naman siya nang bigla lang ngumiti nang matamis 'tong si Cielo, tapos nagbalik ng tingin sa kanya. Bumalik din tuloy ang pamamanhid ng mga kamay niya. Sobrang awkward nito.

"Dito ka rin pala nag-aaral?" sabi sa kanya ni Cielo. "Ang galing! Uy, pasensiya ka na dito sa boyfriend ko, ah. May pagka-suplado kasi talaga 'to, e. Lalo na sa mga taong hindi niya ka-close." Sinuklay pa talaga nito ang buhok ni Jett.

Umiwas na lang uli siya ng tingin. Sumasakit na ang dibdib niya.

"Tsaka hindi ka talaga niya maa-alala," Cielo even added. "Wala kasi 'tong interes sa ibang babae. Loyal 'to sa 'kin, eh. 'Di ba babe, ako lang mahal mo?"

Hindi na niya talaga nagawang tumingin sa dalawa. Feeling niya bigla na lang siyang mapapa-walkout sa bigat ng loob niya ngayon. Ba't gano'n, may alam na ba si Cielo? Bakit kung magsalita ito e parang pinatatamaan siya nito.

"Ano pa lang pangalan mo, Miss?" pangungulit pa rin ni Cielo sa kanya.

Buti na lang inakbayan na ito ni Jett. "Tara na, Cielo, male-late ka na."

"No! Nakikipag-kaibigan pa nga 'ko, o!"

Nagulat siya sa inasta nito kaya napatingin na uli siya rito. Seems like Jett's right, this girl has an attitude.

Nagpumilit pa rin naman 'tong si Jett na mailayo ang girlfriend nito. "I said let's go. Gusto mo bang mapagalitan ng prof mo?"

"May grace period naman, ah." Sabay balik nito ng tingin sa kanya. "Gusto ko lang makipag-kilala. I'm Cielo, by the way."

Nakikipag-shake hands ito. Pero sa sobrang kaba niya ngayon, 'di niya alam kung tatanggapin niya ba 'yon o hindi.

Nagulat na lang siya nang si Cielo na mismo ang umabot sa kamay niya para makipag-shake hands. "I said, I'm Cielo. You are?"

"F-Fina."

"Nice name. Tara, bibilhan kita ng cupcake para naman makapag-thank you ako sa ginawa mo sa book store."

Pinanglakihan siya ng mga mata! Tapos nabigla na lang siya nang hilain na siya nito sa kamay. Kamuntik pa siyang mawalang ng balanse. Sa taranta niya tuloy bigla niyang nabawi ang kamay niya.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Cielo. Parang hindi nito ineexpect na tatanggi siya.

"Ayaw mo?" Ang tapang ng boses nito.

Napahaplos siya sa buhok niya. "S-sorry, aalis na kasi ako eh. May pupuntahan pa 'ko."

Ngumiti naman ito sa kanya. "Okay lang. May next time pa naman. Ano bang number mo? Text-text tayo."

Ilalabas na sana nito ang phone nito, pero buti na lang uli napigilan agad ito ni Jett. "Tara na. Ang kulit mo na naman." Tumingin sa kanya si Jett. "Sorry, miss." Tapos hinila na nito nang tuluyan si Cielo paalis.

Siya naman, napahawak na lang sa pader malapit sa pintuan ng C.R. What was that! Parang umikot ang paningin niya sa mga nangyari. Sumimple pa siya ng sulyap kila Jett. Nakita niyang hinila ni Cielo ang mukha ni Jett para halikan ito sa labi. Mas lalo siyang bumigay.

Naupo na muna siya sa katapat na bench. Mahigpit siyang napakapit sa laylayan ng uniform niya at pumikit nang madiin. Gusto niyang maiyak! Ang bigat-bigat ng dibdib niya ngayon. 'Di niya alam kung ano 'yung nangyari kanina. Ni hindi man lang siyang naka-kilos nang matino. Parang bigla siyang natakot kay Cielo.

Gulat na lang siyang napa-angat ng mukha ngayon nang biglang may lumabas sa C.R.

Akala niya si Ellie na. Buti na lang ibang babae. Do'n lang siya nahimasmasan.

Hindi siya nito pwedeng maabutan do'n dahil magtatanong at magtatanong lang ito kung ba't 'di pa siya umaalis. Kaya tumayo na lang siya agad para tumuloy na sa pag-uwi.

**

Alas diyes na ng gabi, pero gising na gising pa rin siya.

Hanggang ngayon kasi iniisip niya pa rin 'yung nangyari kanina. Takang-taka siya sa inasal ni Cielo. Ba't ito gano'n? Parang may alam na ito eh. Hindi tuloy siya mapakali. Pinagkakabit-kabit niya nga lahat, pero kahit anong isip niya, wala talaga siyang matandaang ginawa niya na ikadududa ni Cielo.

Napahilot siya sa noo niya. Mas naiintindihan niya na si Jett ngayon. Naiintindihan na niya kung bakit gustong-gusto na nitong makipaghiwalay sa girlfriend nito. Cielo is such a spoiled brat. 'Di niya maimagine na may gano'ng klase pala talaga ng babae. Kawawa si Jett.

Bigla niya tuloy itong na-miss. Ilang araw na niyang tinitiis na hindi sila nagkakasama. Ang hirap na talagang pigilan ng sakit.

Nahihirapan siya 'pag nasa campus. 'Yung kahit na anong iwas ang gawin niya, nakikita't nakikita niya pa rin si Jett at Cielo na magkasama. Nakakainggit. Para sa kanya, hindi deserve ni Jett ang klase ng girlfriend na katulad ni Cielo.

Tiningnan niya ang screen ng cellphone niya. I-text niya kaya si Jett? Magre-reply kaya 'yon?

Naiinis siya sa sarili niya dahil bigla niya itong gustong makita ngayon. Gusto niya itong makasama kahit saglit lang. Yayakap lang siya. Sobrang miss niya lang talaga si Jett. Namimiss niya na 'yung dati.

'Di niya namalayan, nagte-text na pala siya sa phone niya. Tinype niya lang naman, "gusto kitang makita."

Pinag-isipan niya pa kung ise-send niya kay Jett o ica-cancel niya na lang. In the end, sinend niya na rin. Bahala na! Kung magreply ito, e 'di masaya siya, kung hindi naman, okay lang din.

Sinuksok niya na ang phone niya sa ilalim ng unan, tapos pinatay na ang ilaw sa lampshade.

**

Nagising si Fina nang maramdamang nagva-vibrate ang phone niya.

Kinapa niya agad 'yon sa ilalam ng unan niya para kunin. Nakapikit pa siya dahil ang bigat ng mga mata sa antok. Sinagot niya ang tawag nang 'di man lang tinitingnan kung kaninong number.

"H-hello?" Inaantok pa boses niya.

"Fina."

Si Jett! Napamulat agad siya. Para siyang nabuhayan ng dugo. Saglit niyang sinilip ang screen ng phone. Pangalan nga ni Jett ang nando'n!

Tsaka niya lang naalala na tinext niya nga pala ito kanina bago siya nakatulog.

Binalik niya na uli ang phone sa tapat ng tenga niya. "H-hello? Bakit?" 'Yung puso niya, ang bilis na naman ng tibok.

"Nandito 'ko sa labas ng bahay niyo."

Taranta siyang napabangon ng kama. Napalipad niya pa 'yung kumot. "Nandyan ka? T-teka, lalabas ako." Binaba na niya ang tawag at initsa na lang ang phone niya basta-basta.

Nawala ang antok niya ro'n. Pati katinuan niya parang nawala rin. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng kwarto. Sa sobrang taranta niya ni hindi na siya nakapag-bihis nang maayos. Naka-maluwag na t-shirt lang siya at maiksing shorts.

Pagkabukas niya ng pinto ng bahay, naabutan niya si Jett na nakatayo sa tapat ng gate. May hawak itong nakabukas na payong kasi umuulan.

Napangiti siya nang mapait. Totoo nga, nandito nga talaga ito. Pinuntahan talaga siya ni Jett.

'Di na siya nagpatagal pa. Tumakbo na siya papunta rito nang wala man lang payong at suot na tsinelas. Niyakap niya ito nang mahigpit sa leeg. Muntik pa nga silang matumba dahil sa lakas ng bwelo niya, pero buti na lang nakabalanse agad si Jett.

Niyakap din siya nito nang mahigpit sa bewang.

Ang sarap sa pakiramdam na makita at mayakap si Jett ngayon. Parang nawala lahat ng lungkot niya. Nagtagal sila sa gano'ng ayos bago niya niluwagan ang yakap niya at tumingala rito.

Nakangiti ito sa kanya. "Gusto mo 'kong makita?"

Napangiti rin siya sabay tumango. So dahil nga talaga sa text niya kung bakit ito nagpunta ngayon. Natuwa siya. Isang sabi niya lang, pumunta na ito.

Hindi na siya nagulat nang ilapit ni Jett ang mukha niya para halikan siya nang madiin sa labi. Napasinghap siya at napapikit. She missed this. She missed him so much! At sa diin pa lang din ng paghalik ni Jett ay naramdaman niyang miss na miss din siya nito.

She hugged him tighter and kissed him back.

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...
96.7K 5.3K 45
COMPLETED ✔️ ⭐️ A RomancePH official "Kilig All Year 'Round" read. ⭐️ Valentine's Day 2021 Special ❤ At the age of 27, no boyfriend since birth B o...
66.8K 880 23
GRAB THE HARD COPY OF REACHING THE SKY PUBLISHED UNDER 8LETTERS BOOKSTORE AND PUBLISHING ♡ || There are things that people wanted to have but they ca...