Lacking Brightness

By kweenlheng

214K 8.8K 2.7K

Does he really feel complete? More

one
two
three
four
five
six
seven
eight
nine
ten
eleven
twelve
thirteen
fourteen
fifteen
sixteen
seventeen
eighteen
nineteen
twenty
twenty one
twenty two
twenty three
twenty four
twenty six
twenty seven
twenty eight
twenty nine
thirty
thirty one
thirty two
thirty three
thirty three
thirty four
thirty five
thirty six
ANNOUNCEMENT
thirty eight
thirty nine
forty
forty-one
forty-two
forty-three
forty-four
forty-five
forty-six
forty-seven
forty-eight
forty-nine
fifty
fifty-one
fifty-two
fifty-three
fifty-four
fifty-five
fifty-six
fifty-seven
fifty-eight
fifty-nine
sixty
sixty-one
sixty-two
sixty-three
sixty-four
sixty-five
sixty-six
sixty-seven
sixty-eight
sixty-nine
seventy
seventy-one
seventy-two
seventy-three
seventy-four
seventy-five
seventy-six
seventy-seven
seventy-eight
seventy-nine
eight
eighty-one
eighty-two
eighty-three
eighty-four
eighty-five
eighty-six
eighty-seven
The End 🥀
Special Chapter

twenty five

4.8K 297 89
By kweenlheng












twenty five




















"Karylle? Anak?"

Banayad lamang ang pagkatok ni Nanay Rose sa pintuan ng kwarto ni Karylle upang hindi mabigla ang paggising ng alaga, kung natutulog man ito. Nang hindi makakuha ng sagot ay unti-unti na niyang pinihit ang seradura ng pintuan upang ipasok ang isang tray ng pagkain para sa dalaga. Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang masuspinde ang dalaga sa trabaho. No Showtime, No guestings, No recordings, No everything. Sa ngayon ay literal na pahinga ang ginagawa ni Karylle dahil sa dalawang araw na lumilipas ay hindi siya lumalabas ng kwarto. She decided na doon na lamang umuwi sa Condo, with her tagapag-alaga dahil pakiramdam niya'y wala na siyang mukhang maihaharap sa ina at sa mga kapatid.

Matapos magtrending ang nasabing video niya, kaliwa't kanan na ang humihingi ng permiso if they can conduct an interview with her ngunit ni isa ay wala siyang pinatulan sa mga iyon.

Sila Anne, at Vhong na madalas ang ginagawang pagtawag at pagtext sa kaniya ay hindi niya rin magawang sagutin dahil sa hiyang nararamdaman. Malamang ay hindi nakalagpas sa kahit na sino ang kababuyang nagawa, ginawa sa kaniya at hindi na lingid sa kaalaman niyang maski ang mga katrabaho sa showbiz ay napanood iyon. Ngayon ay hindi niya alam kung paano siya muling haharap sa camera, sa kabila nang nangyari.

Pagpasok ng matanda sa kwarto ay ang naka-upo ngunit nakatulalang si Karylle ang sumalubong sa kaniya. Her eyes were puffed-up, marahil ay dahil narin sa magdamag na pag-iyak.

"Anak, kailangan mo ng kumain. Isang araw nang walang laman 'yang tiyan mo." bakas sa boses ng ginang ang pag-aalala.

Alam niyang nasasaktan ang alaga dahil sa mga nangyayari ngunit hindi niya alam kung paano ito tutulungan. She wants to make a way ngunit natatakot siyang baka mas mapalala lamang niya ang sakit na nararamdaman ng dalaga.

Kung noon, Karylle was so vocal about her feelings, ngayon ay wala kang maririnig sa kaniya na kahit ano. Kung tatanungin man ay dalawa lang ang maaari niyang gawin, tititigan ka niya o hindi kaya'y hihiga at pipikit.

She must really be at the deepest part of her psyche right now.

"Anak--

Hindi na naituloy pa ni Nanay Rose ang sasabihin nang humiga na si Karylle at pumikit.

She wants to be alone.

"Iiwan ko nalang 'tong pagkain dito sa table mo ha? Kumain ka na, anak." sabi nalang ng ginang bago mag-iwan ng isang banayad na halik sa ulo ng alaga. "Wag ka ng malungkot. Andito pa ako oh. Mahal parin kita. Hindi naman mababago 'yon,"

Kasabay ng paglabas ng ginang sa kwarto ay ang malayang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Karylle. Gusto niyang gumaan ang nararamdaman, gusto niyang mabawasan 'yung sakit sa dibdib niya, ngunit hindi niya alam kung paano magsisimula. Hindi niya alam kung paano ipaglalaban ang sarili sa mga taong, paniguradong hindi naman siya pakikinggan.

Hindi siya karakter sa isang kwento na kahit makaramdam ng kalupitan sa umpisa ay paniguradong maghihilom ang sakit na nararamdaman kalaunan.

Nasa realidad siya, tayong lahat.

Realidad na hindi mo kayang takasan.

Hindi ka na makakaalis.

Nang masigurong nakalabas na ang tagapag-alaga ay muling umupo si Karylle at doon, malaya siyang umiyak hoping that it could lessen the pain inside her. Mahigpit niyang hinawakan ang comforter at doon ibinuhos ang sama ng loob.

Malinaw sa pandinig niya ang sunod sunod na pagtunog ng cellphone niya but she didn't bother looking at the messages she's been receiving. Hindi man niya basahin ay alam niyang puro pangangamusta ang laman ng mga mensaheng iyon. Kung hindi man, paniguradong puno ng awa mababasa niya.

"S-stop." bulong niya while staring at her phone, wishing it to stop from making noises na mas nakapag-papasakit ng ulo niya.

Gaya nga ng hiling niya, huminto sa pag-iingay ang cellphone niya.

Nadako ang paningin ni Karylle sa pagkain na nakapatong sa bedside table niya. It was her usual breakfast. Rice and omelette.

Juice.

Tila nakaramdam ng matinding kaba si Karylle upon seeing the orange juice prepared by Nanay Rose. Kung makita man siya ng ibang tao ay aakalain nilang may sakit siya sa isip. Sinong normal na tao ang matatakot sa isang orange juice?

Nanginginig ang kamay na inabot ni Karylle ang cellphone niya. Kung pagmamasdan ay para siyang isang batang natatakot mapalo ng mga magulang. Para siyang may iniiwasan. Takot na takot siya.

"V-Vhong,"

Sa ngayon ay isang tao lang ang naisip niyang tawagan. Pakiramdam niya'y bumalik siya sa pangyayaring iyon at kinakailangan niya ng tulong ng isang kaibigan.

Wala na siyang matakbuhan.

Kailangan niyang makahingi ng tulong.

Baka sakaling maitama niya lahat.

Ringing...

Ilang beses pa niyang na-idial ang number ng kaibigan bago ito tuluyang sumagot.

"V-Vhong, natatakot ako... Vhong, help me please! He---

Mas lalong nakaramdam ng kaba, takot si Karylle nang biglang mamatay ang telepono at hindi siya nabigyan ng pagkakataong matapos ang sasabihin niya. No one's willing to help her.

Walang kahit na sino ang makakasagip sa kaniya.

"K! Ano ba naman 'yung inumin mo 'tong isang basong juice na 'to?"

"Para naman kaming iba niyan."

"We were classmates since highschool."

"Hindi pwedeng puro ka alcohols. You better try this juice."

"No thanks. Mas prefer ko ngayon ang magpakalasing."

The moment they were forcing her to drink that orange juice, dapat ay nakaramdam na siya. She should've followed what her heart told her to do. Kaso hindi eh. She trusted them. Hindi niya inalis ang tiwalang ibinigay niya sa mga kaibigan. Naniwala siyang hindi siya mapapahamak, but she was wrong. Ngayon ay mag-isa niyang hinaharap ang kapabayaan.

"K? It isn't just a simple orange juice. Ako mismo ang gumawa nito. May secret ingredient 'to na babalik-balikan mo,"

If she could just turn back time, wala na siyang pakialam kung anong isipin ng mga tao. Sabihan man siya ng maldita or so whatever, she doesn't care. Hindi niya tatanggapin. Pero hindi e. No one can go back to rectify their carelessness. Nangyari na. And now, she has to face the consequences given to her.

"Let me send you home. Wala kang dalang sasakyan."

"N-no. Wag na. I'll just call my driver to pi--- fuck, where's my phone?"

And now, she can fully remember what has happened. It was a set-up. It was planned. Kung sinu-sino ang involved sa planong 'yon, she doesn't know. Ngunit malinaw na malinaw sa ala-ala niya kung sino ang kasama niya that night.

"Yes baby,"

"Take her dress off,"

"Take a video of us,"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata as those memory keeps on flashing back. Kahit nakapikit ay tuloy tuloy parin ang naging pag-agos ng luha niya, sign that she was really in pain. Her hands unconsciously went up to cover her ears upang hindi marinig ang paulit-ulit na pagtawa at pambabastos sa kaniya ng dating mga kaibigan.

"T-tama na," paulit-ulit niyang bulong. "Please."

"Yes, K! Keep on grinding! Yes!"

"This butt."

"Ba't nga ba ngayon ko lang naisip gawin 'to?"

"Hahanap hanapin ko 'to,"

"NOOOOOOOOO!!!!!!! I TOLD YOU TO STOPPPPPP!!!!!!!"

Nang hindi na mapigilan ang sarili ay mabilis na tumayo si Karylle. Binuhat nito ang tray ng pagkain na kanina lang ay dinala ng tagapag-alaga for her. Walang isip-isip niyang ibinalibag iyon sa dingding na dahilan ng pagkabasag ng mga plato at baso. Nang makitang kumalat ang juice na ihinanda para sa kaniya ay wala sa sarili siyang napahakbang paatras. She keeps on walking backward hanggang sa naramdaman na niya ang lamig ng dingding sa likuran niya.

"S-stop. A-ayoko na," umiiyak niyang sambit bago sumalampak ng upo. She even burried her face on her palms.





"K-karylle?"



























~

•~•~

"Adi! What dress should Agatha wear?" tanong ni Snow sa ama while she was playing the set of dolls given by her Ninang Divine.

"Who's Agatha?" tanong ni Vice. Did she really give names to her dolls?

"This one! Look! She has the same hair with Agatha in Bwood Sisters!" pagkukwento nito, showing Vice the doll with the same hairstyle as Erich's character as Agatha.

"Nakakaloka! Sino bang nanonood non dito sa bahay? Hindi naman pambata 'yon ah?" natatawang sabi niya.

"It is nanay's favorite show." sabi pa nito. This time ay 'yung mga damit naman ng dolls niya ang pinakita niya sa ama. "Adi. You choose one. What's better? They'll be having a party."

"I guess, Agatha will look better with this dress." sabi nalang ni Vice, pointing the red dress Snow was holding.

"But Noemi's dress is also red. Can I just choose the blue one?" tanong ni Snow, putting down the dress na pinili ni Vice.

"Okay then. She'll wear the blue one." umiiling nalang na sabi ni Vice habang pinagbibigyan ang anak sa gusto nito. "Saan ba pupunta 'yang dolls mo? Bakit lahat sila nakabihis?"

"Because they are attending a ball."

"A ball?"

"Yes! Where they can have fun, dance and meet friends and prince charmings." pagkukwento nito. Agad na napaangat ang kilay ni Vice nang marinig iyon.

"Paano kung wala 'yung prince charming nila sa ball?"

"It's okay. I told them that love is everywhere so they should not worry," paliwanag pa nito na tila ba alam talaga niya kung ano ang sinasabi niya.

Love is everywhere. Totoo ba?

"If I grow up, I want my prince charming to be like you." saad ni Snow while looking directly at her Adi's eyes. Napangiti naman si Vice sa sinabing 'yon ng anak. "I want my prince charming to be handsome and funny and loving and caring."

"But I'm not handsome."

"You are."

"I'm beautiful."

"You are funny."

Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Vice bago hapitin ang anak upang yakapin ng mahigpit. Unti-unti nang bumabalik ang sigla ng anak, and he's happy about that. Laking pasasalamat rin talaga ni Vice na naroon ang ina upang kahit paano'y maalagaan ang anak tuwing may trabaho siya. Ken and Chan also stood as the kid's playmates sa tuwing wala itong tutorial session.

"Have you already met your princess, Adi?"

"You are my princess, and I am your king." sabi ni Vice habang inaayos ang pagkaka-kandong ng anak.

"How about the queen? A king needs a queen,"

"Sino bang gusto mo maging queen ni Adi?" hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang itanong iyon.

Saglit na natahimik ang anak at napatitig sa kaniya.

"No one."

"N-no one?" he wasn't expecting that answer from her.

"Because Adi is alweady contented with Niyebe." nakangiting sagot nito before going down. Binalikan niya ang dalawang dolls na kanina pa niya inaayusan.

Even before he asked that question, he already has someone in mind na maaaring banggitin ng anak but he failed. She didn't mention anyone.

Pinanood na lamang niya ang bata habang giliw na giliw ito sa paglalaro ng mga dolls niya. The past few days ay hindi niya nakikitang nagdo-drawing ang anak which, somehow made him feel sad dahil alam niyang isa ito sa mga gustong gawin ng bata. He just thought that maybe, nag-eexplore ng ibang bagay si Snow dahil nakitaan niya ito ng interes sa paggawa ng crafts nang makatanggap ito ng materials from her Ninong Baunch. Naisip niyang mas magiging mainam nalang kung magfofocus siya sa brighter side ng pagbabagong nakikita sa bata.

"Niyebe, look! I found my old toys o." dire-diretsong pumasok ang pamangkin ni Vice na si Ken, carrying a box of her old toys. "Oh! Hi, Tito! Nandito ka pala."

"Walang kasama kasi si Niyebe,"

"You have lots of toys!"

Excited na tumayo si Snow, putting her dolls down upang madaluhan ang pinsan sa pagkalkal ng mga lumang laruan. Isa-isang iniinspect ni Snow ang mga lumang laruan ng ate niya.

"Ken, pakibantayan naman si Snow o. Bababa lang ako saglit,"

"Okay tito,"

Habang abala sa pagkalkal ng mga laruan ang anak ay kinuha ni Vice ang cellphone at sumubok tawagan si Terrence. Dalawang araw na simula nang lumipat siya sa bahay ng ina at hanggang ngayon ay hindi parin sila nakapag-uusap ng matino. Tatawag lamang ito pagkatapos ng training upang kamustahin ang bata. He tried texting him ngunit hindi siya nakakatanggap ng replies mula dito.

Terrence's phone kept on ringing ngunit walang sumasagot mula sa kabilang linya. Sinubukan pa ni Vice na tawagan ang nobyo ng ilang ulit but he really wasn't picking up. Inisip na lamang niya na baka abala lang ang binata sa training nito.

Vice decided to just go directly sa pool area upang magpahangin. Masiyado nang maraming nangyayari the past few days at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kung madadagdagan pa iyon.

Sa sobrang lalim ng iniisip ay hindi na namalayan ni Vice na tumabi na pala ang ina sa kaniya.

"Nasaan ang apo ko?"

Napalingon si Vice nang marinig ang boses ng ina. She adjusted her eye glasses bago nakipagtitigan sa anak. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ng matanda.

Whenever his mother is beside him, tila gusto ni Vice na bumalik nalang bigla sa pagiging bata. 'Yung wala pang problema. 'Yung anytime na gustuhin niyang lumambitin sa bisig ng ina at maglambing ay magagawa niya. Kung kaya lang niyang ibalik ang sarili sa pagiging musmos, malamang ay ginawa na niya.

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo," that made him go back to his senses.

"W-wala po,"

Mabilis niyang iniwas ang paningin dahil isa na yata sa kapangyarihan ng mga ina ay ang basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga anak nila. Ni minsan nga yata ay hindi pumalya ang ina sa panghuhula kung ano ang iniisip at nararamdaman niya. It's a mother's power.

"May problema ba?" she asked, kahit alam naman na niya ang sagot.

"Wala naman, 'nay. Nagpapahangin lang ako," he tried, ngunit nakita lang niya ang ina na umiling sign na hindi ito naniniwala.

"Ano bang nangyayari sa inyong mag-ama? Parang nung nakaraan eh si Snow ang nakikita kong tulala."

"Like father, like daughter." he joked. Bahagyang natawa ang ginang but still, she didn't buy it. Alam niyang may kailangang sabihin sa kaniya ang anak.

"Is it about Terrence?"

Nang marinig ang pangalan ng nobyo ay mabilis na napalingon si Vice sa ina. Kung may problema man siya, alam niya at sigurado siyang hindi si Terrence iyon.

"Hindi 'nay. Okay naman kami ni Terrence,"

"Siya ba 'yung tinatawagan mo kanina?"

"Opo,"

"Hindi siya sumasagot?"

"Nanay talaga. Lahat nalang napapansin. Malabo pa mata mo niyan ha."

"Tutoy, hindi naman laging mata ang kailangang gamitin. Kaya nga tayo may tinatawag na pakiramdam,"

Isinandal na lamang ni Vice ang ulo sa balikat ng ina, hoping that she could just forget kung ano man ang napansin niya at bumuo nalang ng panibagong pag-uusapan.

"Same issue?" pero talagang ayaw papigil ng ina sa pang-uusisa.

"Kung may problema man po kami ni Terrence ngayon, hindi naman tungkol sa amin. Kinalimutan na ho namin 'yung issues namin noon." sabi nalang ni Vice na muling binawi ang ulo mula sa pagkakahilig sa balikat ng ina.

"So meron ngang problema. Hindi man tungkol sa inyo, it is still a problem."

"May hindi lang kami pinagkasunduan about Snow, pero maaayos din naman ho 'to. Tatawag ako mamaya sa kaniya."

"Tungkol sa bata?" the old woman got more curious. "Ano bang tungkol sa bata?"

For the nth time ay napailing na lamang si Vice, habang pinipigilan ang sarili na sabihin sa ina ang katotohanan. He finds it unfair na mga kaibigan lang niya ang nakakaalam na si Karylle ang biological mother ng anak at ni isa sa pamilyang kasama sa bahay ay hindi niya nasabihan. Ngunit naisip niya na mas mainam nga siguro kung itatago muna niya ang katotohanan hangga't hindi pa malinaw ang isip sa kung ano ba ang dapat niyang gawin.

"May itinatago ka sa 'kin,"

It was not a question. Direktang sinabi ng matanda na may itinatago nga ang anak sa kaniya na para bang siguradong sigurado siya sa ibinubuka ng bibig.

"Nay, kailangan ko na pong paliguan si Niyeb---

"Is it because of Karylle?"

Literal na natuod si Vice at hindi naituloy ang binabalak na pagtayo nang marinig ang pangalan na iyon sa matanda. Ilang araw na niyang hindi naririnig ang pangalan na 'yon, and hearing that name has given him an extreme aghast.

"Hinihintay ko lang naman na ikaw ang magsabi sa 'kin dahil naniniwala akong hindi mo 'ko kinakalimutan bilang nanay mo, pero hanggang kailan ako maghihintay, 'Toy?  dire-diretsong sabi ng matanda habang direktang nakatingin sa mga mata ng bunsong anak. "Kailangan pa ba kitang pilitin para sabihin mo sa 'kin kung anong nararamdaman mo?"

"Nay, it wasn't my intention na itago ko sa 'yo to. Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo dahil maski ako hindi handa sa nalaman ko," sabi na lamang niya, trying to avoid his mother's gaze. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata ng ina dahil matinding konsensya lamang ang nararamdaman niya.

"Naglilinis ako ng kwarto mo nung makita ko 'yung DNA result under Terrence's pillow." pagkukwento ng ina. "Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman."

"Hindi naman na ho siguro importante 'yon. Nakapag-usap na kami ni Karylle. Iiwas siya sa anak ko--

"Hindi mo ba naiisip na nagiging maramot ka na?"

"Nay, anak ko naman ho ang pinag-uusapan dito. Hindi naman yata ako papayag na basta basta ko nalang siya ipagkatiwala sa iba,"

"Sa iba? Iba, ba ang turing mo kay Karylle?"

Saglit na natahimik si Vice. Hindi niya alam kung paano pa ba sasagot sa ina without offending her.

"Nay, wala hong patutunguhan 'tong usapan natin na 'to. Malinaw na ho ang usapan namin ni Karylle. Hindi na magbabago 'yon,"

Hindi na hinintay pa ni Vice na magsalita ang ina. Walang pakundangan siyang tumayo at naglakad paalis ng pool area, ngunit mabilis din siyang napahinto nang marinig ang sinabi ng matanda.

"Kung hindi dahil kay Karylle, tingin mo ba may anak ka ngayon?"

Awtomatikong napalingon si Vice sa ina.

"Ako ho ang naghanap at gumawa ng paraan para magkaanak ako," katwiran ni Vice.

"Nung nagkaroon ng problema sa dapat na carrier mo noon, sino ang sumagip sayo?" tanong ng matanda.

"Hindi ko naman alam na--

"Alam mo man o hindi, si Karylle parin ang nakatulong sa 'yo." pagputol ng ginang sa dapat ay sasabihin ng anak. "Nung hindi ka makapagbigay ng dugo sa anak mo, sino ang tumulong sayo? Ibang tao ba?"

Will all the realizations coming inside him, wala nang ibang nagawa si Vice kundi ang manahimik. Buo niyang nilamon ang sariling mga katwiran.

"Tutoy, wala kang karapatang magdamot sa taong nagbigay ng kasiyahan mo. Kung wala si Karylle, wala kang anak na inaalagaan ngayon." dagdag pa ng ina. "Lawakan mo ang isip mo. Hindi mawawala 'yang takot na nararamdaman mo kung hindi mo susubukang kumilos. Lumaki kang mabuting bata. 'Wag mong hayaan na lamunin ka ng takot na ikaw lang din naman ang gumawa,"

This time ay si Nanay Rosario na ang tumayo at naglakad papasok ng bahay. Naiwan namang lutang at walang kibo si Vice, still swallowing the exhortations given by the old woman. Mariin siyang napapikit nang marealized ang mga bagay bagay, at mas lalong nakaramdam ng takot dahil totoo namang malaki ang utang niya kay Karylle at kung meron mang dapat magdamot sa kanilang dalawa, hindi siya 'yon.

Bumalik si Vice sa pool area at hindi muna itinuloy ang paglabas. Holding his phone, hindi alam ni Vice kung dapat ba niyang ituloy ang binabalak na gawin oh wag nalang muna, ngunit hindi man niya gustuhin ay paulit-ulit niyang naririnig ang pangaral ina na siya ring paulit-ulit na dumudurog sa kaniya.

Bago pa man niya matawagan ang nais niyang tawagan ay siya namang pagtunog ng cellphone niya.






Karylle calling...





Kung kanina'y handa na siya, ngayon ay tila naramdaman niya muli ang takot.

Handa na ba talaga siya?

Nag-off ang phone niya nang matapos ang pag-dial ni Karylle sa number niya. 'Akala ko ba handa ka na' sabi niya sa sarili. Napahilot na lamang siya sa sentido.

Karylle calling...

Dahil sa gulat sa biglaang pagtunog ng cellphone ay accidentally niyang napindot ang home button ng phone kaya hindi man niya gustuhin ay nasagot niya ang tawag ng kaibigan(?)


"V-Vhong, natatakot ako... Vhong, help me please! He---



Mabilis na kumunot ang noo ni Vice. Vhong? Nagkamali si Karylle ng nai-dial. Nang maputol ang tawag ay si Vice mismo ang nakaramdam ng takot for her.

After what happened... pagkatapos ng issue'ng kinasangkutan ni Karylle ay hindi na siya nakadinig ng balita about dito maliban na lang sa balitang nasuspinde nga ito sa Showtime, at kahit sa ibang guestings.

And for sure, her name is still everywhere in social medias.

Mabilis na tumayo si Vice at lumabas ng pool area. Walang paalam niyang nilisan ang bahay, na ang tanging nasa isip lang ay 'he needs to be there for her'. Hinayaan niyang lamunin siya ng pagiging makasarili. Hinayaan niyang lamunin siya ng sarili niyang takot, and because of that, maybe because of that, hindi niya natulungan at taong tumulong sa kaniya.

Hindi niya alam kung nasaan ngayon ang dalaga pero dahil malapit lang naman ang Condong tinutuluyan nito sa bahay niya, nagbaka-sakali niyang naroon ang kaibigan.

Pagdating sa unit ay si Nanay Rose lamang ang sumalubong sa kaniya. Nagulat pa nga ang matanda dahil hindi na lingid sa kaalaman niya ang hindi pagkakaintindihan between Karylle and Vice.

"N-nay, si Karylle?" tanong niya na hindi manlang magawang tignan ang ginang sa mga mata nito. His eyes were fixed sa loob ng unit, hoping na makita doon si Karylle.

"Naku. Nasa loob ng kwarto niya. Kahapon pa nga walang kain kain 'yon," bakas ang pag-aalala sa boses ng ginang. Wala namang makasisisi sa kaniya. She's been Karylle's tagapag-alaga simula pa nang bata ito at kahit hindi man sila tunay na magkadugo ay itinuturing na niyang tunay na anak ang dalaga.

"P-pwede po ba akong pumasok?"

"Oo nga. Pasok ka anak. Tatawagin ko lang si Karylle. Baka ikaw ang makapagbababa don,"

Habang papasok ng unit ay parehong nagitla ang dalawa nang marinig ang malakas na kalabog na nagmumula sa kwarto ni Karylle. Nagkatinginan pa ang ginang at si Vice na kahit puno ng pag-aalala para sa dalaga ay kapwa hindi nakagalaw.

"K," bumalik na lamang sa ulirat si Vice nang marinig na tila may nabasag sa loob ng kwarto.

Kumaripas ng takbo ang dalawa hanggang sa marating nila ang kwarto ng dalaga.

Broken plates and glasses were on the floor. Nagkalat din ang juice na ginawa ng ginang. Gusto mang tulungan ni Nanay Rose ang alaga ay wala siyang nagawa kundi ang maiyak nalang. Bakit kailangang si Karylle pa ang makaranas nito?

Little sobs filled in the room. Awtomatikong nadako ang mga mata ni Vice sa isang sulok ng kwarto, at tila kinurot ang puso niya nang makita ang itsura ng kaibigang tumulong sa kaniya.

"K-Karylle?"



Continue Reading

You'll Also Like

25.2K 228 7
Iba't-ibang maiikling kwento na para sa mature readers. GXG, BXB, Jousei, Seinen atbp.
16.1K 527 28
Because we all can't get enough of EulBert. And because we weren't given the ending we all dreamed off for our beloved Marcial and Corazon. So lets c...
217K 774 5
PUBLISHED complete story under dreame. Now do you remember?-gulo ang isip na tinignan ko sya..ano daw? I'm sorry but I'm sure ngayon lang tayo nag...
340K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...