Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 49 ♬ New Found Love
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 53 ♬ Conflict

47.8K 757 67
By wistfulpromise

(A/N: Hola! dedicated pala 'to para sa kanya dahil sya ang unang nagcomment dun sa last chappie ko ~_____^ hope ur reading this and thank u so much for reading my story

 

Thanks for waiting!

 

***

Chapter 53

(Not super Revised & Edited. Dispensa mi amigos. LOL)

 

Rico's POV

Hello! Wow first POV ko ito ah! Siguro hindi ko naman na kailangang magpakilala di ba? Kilala nyo naman na ako eh kaya wag na! Basta hindi pa naman ako ganun katanda dahil sixteen pa lang naman ako, ang baby boy ng banda. *winks*

 

"Rico mukhang busy yata ang lahat ng tao dito ah." napatingin ako kay Nathan dahil sa pangangalabit nya.

Si Shane busy sa computer samantalang si Niel at Jace naman busy sa paglalaro ng playstation. Nandito kami sa music room/tambayan namin. Since wala pa naman kaming gig ngayong mga panahong 'to, naging kaugalian na namin na dito ang pagtambayan sa tuwing walang ginagawa.

"Psst! Shane! Anong ginagawa mo? Palaro naman pleaseeee??" 

"Dun ka nga! Busy ako eh." kung makataboy naman 'to... ouch, ang sakit sa feeling ah.

"Busy daw. Eh saan naman? Patingin." 

Aktong kukunin na yun ni Nathan ng bigla itong inalayo ni Shane sa amin.

"Nope. Hindi pwede." --Shane

"Eh bakit nga patingin lang naman eh." sabi ko

"Yung babae pa rin ba yan sa group chat na nakilala mo?" --Nathan

"Oo nga! Ano na ba yung name nun sa chatbox? May chocolate chuchu yun eh."

"Mysterious Chocolate!" pahayag ni Nathan

"Oo! Yun yon!! Grabe adik siguro yun sa chocolate" 

"'Mysterious' talaga eh noh? Ano kayang itanatago nya at talagang napakamysterious ng dating sa akin nyang babaeng yan?" --Nathan

Hindi sumagot si Shane pero nakita namin na hindi nya mapigilang ngumiti.

"Huli ka 'tol! Haha! Sino ba yan ah? Ipakilala mo na kasi sa amin!!" tumalon kami sa sofa ni Nathan at saka pinagitnaan si Shane.

"Lumayo nga kayo sa akin! Shupi!"

"Naks si Shane oh in love na!" asar ko sa kanya na may kasamang siko

"Grabe napaglilipasan na tayo ng panahon Rico! Looks like love is in the air." --Nathan

"Sus! Eh di ba meron ka na rin?" 

"Sino naman?" --Nathan

"Eh di yung Dora girl na ikwinekwento mo sa amin! Hahaha! Bagay kayo nun! pramis!" tawa ko

"BALIW! Hindi ko papatulan yun noh! Saka humanda lang talaga sa akin yun pag nagkita kami." 

Natatawa na lang ako sa nakasimangot na mukha ni Nathan habang inaalala yung mga nangyari noong araw na yun. "Ang sabihin mo nakahanap ka lang ng katapat mo kaya highblood ka."  

Wala pa kasing nagpahiya ng ganun kay Nathan kaya mainit ang ulo sa tuwing ibinabalik ko sa usapan yung babaeng yun. Bukod kasi kay babes na lagi kaming binubogbog kung minsan (haha exagge?) wala ng babaeng gumawa sa kanya nun.

"Nakita mo na ba yung magazine?" tanong ko sa dalawa. Pero sa mukha ni Shane na parang hindi mapigilang ngumiti sa harap ng katchat nya. Ahhh, mukhang hindi yata namin 'to makakausap ng maayos. May sariling mundo eh.

"Yung magazine ba kamo na tayo featured? hayop 'tol! Hindi ko akalaing ganun pala ako kapogi!" 

"Hanep ka 'tol ah! Mas malakas pa ang hangin mo kaysa sa electric fan namin!" 

"Gandang lalaki kasi 'to." dagdag pa ni Nathan sabay pogi sign at kindat sa akin. 

"Yuck 'tol, bromance? Lumayo ka nga sa akin!" inakbayan ba naman ako at aktong yayakapin para mang-asar pa! Sarap upakan! Tss

Kinuha ko yung magazine doon sa loob ng bag ko tapos sabay naming tiningnan yung mga pictures namin doon sa loob. Sayang nga lang at wala si babes dito. Sana sa susunod na edition kasama na namin sya.

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng naging sila ni Jace at Serene. Bilib din ako dun pakulo ni Jace ah, kinausap pa talaga kaming lahat para dun sa plano na na dance mob para kay Serene. Akalain mo yun! May ganung side din pala ang isang Jace Alvarez?

Tumunog ang tyan ko. Huhu. Gutom na ako gusto ko ng kumain. Naglalakad na ako sa may hallway ngayon.

"Hi Rico! Ang cute mo talaga!"

"Waaaaah! Ang gwapo mo na nga sa picture gwapo pa sa personal!"

"Pa-autographed naman ako ng magazine ko pleasee???"

"Ay ako rin!!!"

At dahil doon, napalibutan na ako ng mga babae ng wala pang isang kisap mata. Nang dahil sa isang teen magazine na kami ang fineatured, mas sumikat at mas naging kilala yata kami rito sa school-- ay hindi, kahit pala saan hindi lang dito sa school. Haha kita mo nga naman, ang pogi ko talaga! *winks*

 "Thank you Rico! I love you!"

"Ang bait mo talaga! Salamat!"

"Your welcome girls." sabi ko gamit ang aking million dollar smirk (oo mahal yun eh!) "Love you too!" sabay kindat doon sa mga babae na nagpa-autographed sa akin. Sinong chickboy? Aba! Hindi ako yun ah! Kumaway na lang ako sa kanila at binigyan pa ng huling ngiti bago tuluyang umalis. 

Tumunog ulit ang tyan ko.

 


WAH! Akala ko panaginip ka lang kanina tunog ng tyan pero hindi pala. Huhu gutom na ako. Kumain na ako kanina kaso pakiramdam ko kulang pa sa akin. Ewan ko ba, may butas yata yung tyan ko kaya hindi mapuno mapuno kaya hindi nabubusog. Kain naman ako ng kain pero hindi naman ako tumataba. May uod na kaya sa tyan ko kaya ganun?

NOOOO!! Ayoko pa mamatay!!! Huhuhu gusto ko ng tumaba!

(A/N: O.A much?)

Rico: sabi kasi dun sa napanood ko may flesh-eating bacteria daw Ms. Otor!! Di kaya yun ang dahilan kung bakit hindi ako tumataba??! 

(A/N: chill lang Rics! Wag kang mag-alala, mahalaga pa ang papel mo sa estoryang ito kaya mahaba haba pa ang buhay mo... sa ngayon.)

 


Huhu hindi na nga ako binigyan ni Ms. Author ng pagkain tinakot pa ako! Napaupo na lang ako habang hawak hawak ang tyan ko. Gutom na talaga ako huhu. Paano na lang ang kwentong 'to kapag nawala ako? Eh di wala ng super cute at makulit na Rico? Ang bad mo Ms. Author! 

"Excuse me? Okay ka lang?" napatingin na lang ako dun sa isang malambing na boses na narinig ko. Kahit parang nanlalabo ang mata ko sa gutom alam kong maganda sya. Waw. Binabawi ko na pala yung sinabi ko Ms. Otor! Ang bait mo! Hahaha ang gandang chicks eh kaso... ang kailangan ko ngayon ay...

"Pagkain." 

"Sorry?" umupo sa harap ko yung pagkain--este yung babae para marinig yung sinasabi ko

"Pagkain. Gusto ko ng kumain" patuloy ko lang na sambit.

Naghahallucinate na nga ata ako eh kasi tingin ko roon sa babae pagkain. Waah! Ano bang nangyayari sa akin? 

Nakita ko syang ngumiti tapos may kinuha doon sa loob ng bag nya. 

"Sayo na 'to o, tumayo ka na jan mukha ka kasing pulubi eh."

 

Kumislap yung mga mata ko nung nakita ko yung inaabot nya sa akin. Burger!!! Yum!!! Tinulungan nya akong tumayo pero yung tingin ko nakatutok lang sa burger na ngayon ay hawak hawak ko na. Haha! oo nga noh? Mukha nga akong pulubi kanina. Kapag kasi nagugutom ako nanghihina ako eh. Nung naramdaman ko ang pagdampi ng kamay nya sa balat ko bigla akong napatigil. Parang nawala yung gutom ko. Yung parang may kakaiba sa loob ko na parang ngayon ko lang naramdaman. Yung parang... 

"Sige maiwan na kita ah. Nice to meet you pala ulit... Rico." at pagkatapos nun umalis na sya agad ng hindi ko namamalayan. 

Rico? Kilala nya ako? Hawak pa rin sa kamay ko yung burger na binigay nya pero nakatayo lang ako doon at nakatunganga. Hindi ko kasi maintindihan yung nararamdaman ko. Yung mga mata nya at yung malambing nyang boses... ngayon ko lang naramdaman 'to. Sino sya?  Teka wait-- kilala ko sya eh! Nakilala ko na sya noon! Ano na ba kasi yung pangalan nya??? Wah! Hindi ko na maalala! 


Jace's POV


"Ako ang uupo sa harap!!"
 --Rico

"Hindi! Doon ka sa likod! Ako na jan alis!" --Nathan

"Shane! Si Nathan o! Mang-aagaw ng upuan."

Napapailing na lang ako at napapakamot sa mga pinaggagawa nila. Nasaan na ba kasi sya? Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. Tss as usual, late.

"Dude chill! Kanina ka pa busangot yang mukha mo. Anong nangyari?" umupo si Shane malapit sa inuupuan kong sofa. Sumandal sya at saka binuklat yung isang dyaryo para magbasa.

Nandito kami sa isang waiting area. Sila Nathan at Rico nasa labas pero hanggang dito abot yung boses nila. Padami na ng padami ang mga estudyante sa labas pati na rin dito sa loob. Ngayon kasi ang alis namin para sa class outing. 

Iniangat ni Shane yung tingin sa akin nung hindi ako sumagot sabay taas ng isang kilay 

"Si Serene noh?"

"Sino pa nga ba?" dumating si Niel at saka tinapik tapik ang mga braso namin bilang pagbati tapos saka sya umupo at itinaas yung dalawang paa sa mesa. Sumipol sipol pa sya at saka kinuha yung isang mansanas sa tabi nya

"Tss. Masaya ka ata ngayon?" ngiti ko sa kanya. Ngumiti lang sya bilang sagot sabay kagat sa mansanas na kinuha.

"Hi Niel." may lumapit na babae sa kanya. Hinaplos haplos yung mukha nya at saka may ibinulong na ikinatawa naman nya. Kung hindi ako nagkakamali inaakit sya nung babae. At ok lang sa kanya yun? Umalis din agad yung babae na may pahabol pang kindat sa direksyon nya. 

Napakunot noo na lang kami ni Shane kay Niel. Pati sya napansin na parang may nagbago.

"Whoa!! What was that? Ganda ng chicks pare!" sipol ni Nathan pagkapasok nya sa loob. Sinundan pa ng tingin yung babae palabas ng pinto

"May hindi ka ba sinasabi sa amin Niel?" tanong ni Rico na may nakakalokong ngiti sa mga labi

"Sabihin na lang nating, marami akong narealize na mga bagay bagay and its time for a change." kindat nya sa amin sabay kagat ulit ng mansanas na malapit na nyang maubos. 

Nagkatinginan kami ni Shane na may kyuryosidad sa aming mga mata. Hindi ito ang dating Niel at alam kong napansin nilang lahat yun. 

 "Oh well then, welcome to tha club!" tuwang tuwa na sambit ni Nathan sabay tapik ng balikat kay Niel. 

'Welcome to the club' nga siguro, dahil pareparehas na sila ni Rico at Nathan na Cassanova ng grupo. 

 

"Sige labas muna pala ako mga 'tol" tumayo si Niel at saka tumingin sa suot na relo "Magpapahangin muna ako habang wala pa yung ibang mga sundo natin." at pagkatapos nun lumabas na sya ng pinto.

"Naiiyak ako," sabi ni Rico "Binata na kasi yung isa nating kasama mga tsong!! Hahaha!"

"Ulol! Binata ba yun? Dinamay nyo lang ata sa kalokohan nyo eh!" --Shane

Nagtaas si Nathan ng dalawang kamay na parang sumusuko sa nagawang kasalanan

"Wala akong kinalam jan ah. Siguro nainggit lang sya sa amin ni Rico na masaya pala ang maging girl hunter." kindat ni Nathan kay Rico

"Tss palibhasa kasi hindi nyo pa nakilala yung mga katapat nyo." pailing iling na sambit ni Shane sa kanila

"Hay buhay, siguro nga." umupo si Rico sa tabi ni Shane 

"Anong nangyari sayo Rico at mukha kang lutang jan?" nakatingin kasi sya sa malayo and he's smiling dreamily. Nakainin nito?

"Kanina pa yan ganyan eh, nakangiti ng walang dahilan" --Nathan

"Naengkanto yata, gisingin nyo nga." --Shane

"O baka gutom kaya nagkakaganyan." dagdag ko pa. Kapag ayan kasi si Rico gutom tinalo pa ang isang lukaret sa kanto, kung anu-anong nagagawang gawin.

"Oi Rico!" 

"Ang ganda nya.." nakangiti nyang sambit sa kung saan man. 

Tss wala na yata 'to, natuluyan na. Hindi na namin makausap ng maayos eh.


Biglang tumunog ang cellphone ko. 

"Hello?" sinagot ko yung nagvivibrate na phone sa bulsa ko. Si Serene na kaya 'to?

"Jace." 

Napaupo na lang ako ng maayos dahil sa narinig na malalim na boses mula sa kabilang linya.

"Dad." 

"Sabi nila tinatakasan mo raw yung mga nagbabantay sayo. Kailan mo ba ako susundin Jace?" 

Napatahimik na lang ako. Parang ayoko ang kahahantungan ng usapang 'to

"Listen," sabi nya nung hindi agad ako nakasagot "Sana maintindihan mo na I'm just doing this for your own good son. Hindi lang dahil ikaw ang papalit sa akin kapag nawala na ako, it's because you're my son." 

Napapikit na lang ako at saka sumandal sa inuupuan ko. Hindi ko na marinig yung tawanan ng mga kasama ko sa paligid. Masyado na akong nakulong ng aking isipan para pansinin pa ang mga bagay bagay.

"But Jace, hindi pa rin ako sumusuko na mapa-oo ka sa mga desisyon ko. Just always remember that I'm doing it for you. I love you son." 

Naninibago ako sa mga naririnig ko mula kay dad. Hindi sya dating ganito dahil kilala sya ng lahat bilang isang matapang at walang inuurungang pinuno. Hindi sya basta basta nagpapakita ng soft side nya, kahit pa sa akin na anak nya. Bago pa ako makasagot pinutol nya na linya na nag-uugnay sa aming dalawa. Muli na lang akong napapikit at napabuntong hininga ng malalim

Serene's POV

Waaah! Late na naman ako! Kasalukuyan na akong tumatakbo ngayon papunta ng school. Hindi na ako ulit nagpahatid kasi tumakas lang ulit ako doon sa dalawa. Panigurado sasama na naman kasi yung mga yun eh. Section lang namin ang pwedeng pumunta dahil section A lang naman ang nanalo at hindi sila. Kulit kasi!

 Napahinto ako ng bigla kong nabitawan yung bag ko. Hays! Wrong timing talaga! Sa gitna pa talaga ng daan mahuhulog eh noh? Tsktsk. Akma ko na syang pupulutin ng may bigla na lang akong mapansin na mabilis na takbo ng sasakyan sa gilid ng aking paningin. Bago pa man ako mabunggo, napahawak na ako sa hoodie ng sasakyan na ginamit ko para makatalon at makalayo. 

Aba loko 'tong mga 'to ah. Hindi ba naman prumeno? Buti na lang mabilis ako dahil kung hindi dedbol na ako ngayon. Sisigawan ko pa sana yung nagmamaneho ng bigla na lang lumabas yung mga sakay sa loob ng sasakyan. 

"Ikaw si Serene di ba?" sambit ng isang lalaki na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin.  Nakasuot sya ng purong itim at nakashades. Sobrang ayos din ng pagkakagel nya ng buhok na parang kahit lumindol o bumagyo hindi magugulo.

James Bond? istatchuuu?!

Pinalibutan na ako ni James Bond-- este ni kuya in all black kasama ng mga kasama nya sa likod. 

"Sumama ka sa amin" sabi nya gamit ang kanyang napakadeep voice sabay ngisi ng nakakaloko. Kung ibang tao lang siguro ako natakot na ako. 

"Anong kailangan nyo sa akin?" 

"Basta sumama ka na lang." tumango sya sa mga kasama para hawakan ako at ipasok sa kotse. 

"Grabe ang ganda pala ng syota ng magiging bossing naten." sambit pa ni kuya #1 sabay hawak sa akin

"*Weet*wew!* at ang seksi pare!" dagdag pa ni kuya n#2. Pinagitnaan nila akong dalawa. 

What the hell?! Hindi ko sila kilala at mas lalong ngayon ko lang sila nakita. At saka ano yung 'syota ng magiging bossing nila?' Gusto ko pa sanang makipagchit-chat pero late na ako!!

Madali lang akong nakatiwalag sa mga hawak nila, yumuko ako ng konti at napahawak sa lupa na syang ginamit ko para makabwelo at makalayo sa kanila. Ninja style. chos

"Pasensya na mga kuya pero late na talaga ako sa pupuntahan ko eh. Next time na lang ah?" kumaripas na ako ng takbo bago pa nila ako maabutan. Pero tulad nga ng inaasahan ko hindi nila ako basta basta lulubayan.

Jace's POV

Lumabas na rin muna ako sa waiting area para magpahangin. Mas mabuti na rin sigurong dito ko na hintayin sa labas si Serene.

Ang biglang paggalaw ng mga halaman ang nakakuha ng aking atensyon habang naglalakad sa may garden ng school. Tahimik akong nakinig at nagmatyag. Wala pang ilang sandali meron ng umatake at sumugod sa direksyon ko. Sinubukan nya akong suntukin pero agad ko itong nailagan at saka sya sinipa sya tyan. Muli syang tumayo at sumugod kaya nagkaroon ng laban sa pagitan naming dalawa. Buti na lang madalang lang daanan ng tao ang lugar na 'to kaya nakasisiguro akong walang makikiusyoso.

Sa muli nyang pagsuntok nahawakan ko na yung kamay nya at agad akong nakaikot papunta sa likod nya kaya ngayon nakapulupot na ang braso ko sa leeg nya. 

"Anong ginagawa mo rito?" madiin kong tanong pero tulad ng inasahan ko, sinagot nya lang ako ng nakakalokong tawa.

"Pinadala ng ama mo para mapapayag ka na maging isa sa amin." sabi nya na para bang ito ang pinakaobvious na sabihin sa mundo

"At sa tingin mo sa pagbugbog sa akin mapapapayag mo ako?" tss talagang bang nag-iisip sila?

"Chill! Naglalaro lang tayo 'tol. Pasasaanbat papayag ka rin." sabay ngisi sa akin. 

Itinulak ko sya palayo at saka binigyan pa ng huling suntok sa mukha. Ayaw ko talaga ng pang-asar nyang ugali na para bang lahat ay laro lang sa kanya. 

"Hindi na magbabago ang desisyon ko kaya umalis ka na dito Aiden." Si Aiden ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ng ama ko sa gang nya. Kung hindi ako nagkakamali nasa edad na dalawapu't lima na sya. Kanang kamay sya ni dad pagdating sa negosyo.

"Psh." punas nya sa nagdudugo nyang mga labi "Sigurado ka ba? Kahit sabihin ko sayong sinasayang mo lang ang oras mo sa akin sa kakadadal ngayon? Dahil ang mas nasa panganib ay hindi ikaw kundi sya."

Nakita nya siguro ang blanko kong tingin kaya natawa na lang sya bigla. 

"Hindi ba't sinabi ng ama mo na 'gagawin nya ang lahat mapapayag ka lang?' Time is running out Jace at kailangan ka namin sa grupo sa ayaw mo man o hindi." madiin nyang sambit sa huling salita. 

 Isa lang ang naiisip ko na pwede nilang gamitin laban sa akin. Walang iba kundi si...

 

 "Anong ginawa nyo sa kanya?" hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na hinawakan ang kwelyo ng damit nya papalapit sa akin. 

 "Tss. Now I finally got your attention." ngisi nya na gustong gusto kong burahin "Ayun, siguradong nakikipaghabulan na sa kanya yung ibang inutusan ng ama mo para kunin sya at gamitin laban sayo. Sana nga nahuli na nila noh? Para matapos na ang problema." 

Sinuntok ko sya sa mukha na syang kinatumba nya. Iniangat ko sya ulit sa sahig at madiin na hinawakan ang damit nya.

"Makinig ka sa akin," pigil kong sambit habang nanggigil na muling ilapat ang kamao ko sa mukha nya "Sa oras na malaman kong sinaktan nyo sa, kahit konting gasgas o pasa ang makita ko, buhay nyo ang magiging kapalit." saka ko sya sinuntok ng napakalakas na muling nakapagpatumba sa kanya sa baba. 

"Anong nangyayari di-- whoa!! Nice blow!!" napalingon ako sa dumating at nakita si Nathan na papalapit sa akin. Pabalik balik ang tingin mula sa akin pabalik kay Aiden

Hindi ko na sya pinansin at inilabas ang cellphone ko. Please Serene, pick it up...pick it up...

*The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, plea-*

 

SH*T!


"Jace saan ka pupunta?! Ilang minuto na lang at aalis na tayo!!"
 tawag ni Nathan sa balikat ko pero hindi ko na sya ulit nilingon at kumaripas na ng takbo.

 Serene sana ok ka lang...

***

 A/N: halu guys! I know that this story is obviously already pretty long. I'm sorry! I just can't help but write, write and write! natutuwa kasi ako hahaha and I'm enjoying it XD Alam ko rin na marami pang unanswered question at mga bagay bagay na hindi nyo gaanung maintindihan but I'll promise i'll try to explain everything sa mga susunod pang mga chapters. 

Please feel free to ask any questions kung may hindi man kayo naintindihan o kung ano pa man. Kulang po kasi ang isang chapter para iexplain lahat ng sikreto kaya i'm doing it one at a time so I hope u understand that :)

Wag po kaung mahihiyang magtanong ah? :) I'm open basta kaya kong sagutin ng hindi nasspoil ung story ^____^ maybe next time I'll try to have a special chapters about sa character at kung anu nga ba ang role nila dito sa story hmmm... not sure but we'll see. 

 

Anyway yun lang naman po! ^^ and thank u so much for all of my amazing readers, mapasilent readers man o hindi. Love y'all! mwuah! 

Continue Reading

You'll Also Like

32.9K 218 38
Poems originally written by yours truly. English, Taglish and Tagalog poems for everyone. If you have a topic and wanted a poem about it. Please don...
439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)
7M 146K 58
[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits...
123K 2.8K 41
She was a person whose life is just full of fun and adventure. Not until she met Sunjae Lee, the person that she needs to kill. But will she?