Love is a Fallacy.

By DearSeven

3.1K 342 304

Love is a fallacy. Love is for fools… they say. Love is a disease. It has its twin sister. Foolishness. Fooli... More

Prologue
Chapter One - The Trip
Chapter Two - Lost Souls
Chapter Three - Borrowed Time
Chapter Four - The Good Bad News
Chapter Five - Stare Game
Chapter Six - You Again
Chapter Seven - Reunited
Chapter Eight - Titus John Lopez
Chapter Nine - Eros Bustamante
Chapter Ten - The 'Gay' Pay
Chapter Twelve - Feels like Insomnia
Chapter Thirteen - Unexpected
Chapter Fourteen - Jealous Guy
Chapter Fifteen - Painful Truth
Chapter Sixteen - Bestfriend for a Day
Chapter Seventeen - Celeste
Chapter Eighteen - Outreach Program
Chapter Nineteen - Revelations
Chapter Twenty - Examination
Chapter Twenty One - The Good Book
Chapter Twenty Two - You Smile, I Smile
Chapter Twenty Three - Say You Like Me
Chapter Twenty Four - A or B
Chapter Twenty Five (1) - Why Are You Doing This?

Chapter Eleven - Clinic Panic

91 17 11
By DearSeven

"Miss Aerith Kristen Park. Pinapatawag ka sa Clinic?" sabi ni Ma'am pagkatapos niyang basahin ang isang papel na iniabot sa kanya ng student nurse.

 

Pinapatawag sa Clinic? Parang Dean's office naman yang clinic na yan. "Bakit daw po?" tanong ko sa kanila.

"Your daddy told the university physician na pumasok ka kahit na nilalagnat ka." paliwanag nuung teacher namin. "You better go to the clinic." dagdag pa niya. Srsly? Hindi ako makapaniwalang may fever ako, kahit sumayaw sayaw pa nga ako dito para makiita nilang buhay na buhay ang katawang lupa ko e. Pero... MAS HINDI AKO MAKAPANIWALA NA SI DADDY ANG NAGPAPASABI. Since when did he actually care? 

Pero wala ng panahon mag-isip dahil nasa harap ko na ngayon ang student nurse at tinutulungan na akong tumayo. "Kaya ko." ano ako? lumpo? Sumama na ako sa student nurse papunta sa clinic.

Pagdating namin sa clinic. Isang nakangiting mukha ang sumalubong sa akin. Hindi na naman nakikita yung mga mata niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. In a galit tone but not with a galit face.

"Ganito kasi yun. naka-leave this day yung Doctor niyo dito so I volunteered as a substitute." paliwanag niya tapos ngumiti. "...Kaya pinatawag kita dito."

"Wow naman Mario..." wag ko daw kasi siyang tawaging Doc. "...Baka madami akong ma-miss na lessons niyan." sabi ko. Pero actually okay lang sa akin kasi ang boring dun.

"Ma-miss. Ma-miss. Hayaan mo na yan, na-miss lang kasi kita. Di ka na pumupunta sa ospital." ang korni ng doktor na to. Pero syempre lagi kasi akong na-oospital. Ako yung lagi niyang nakakausap doon pag naka-confne ako.

"So, kelangan ma-ospital ako?" tapos tumawa ako ng maikli at mahina.

"Kapag sinabi kong pupunta ng ospital, ma-coconfine agad? Pwede ka namang bumisita."

"E busy ako. Nag-aaral na uli ako Mario eh." 

"At kailan ka pa nagkahilig sa pag-aaral?" tapos tinawanan niya ako. Ay nako. may mga pangarap naman ako sa buhay nnoh. Akala neto. Porke matalino siya. Nag-bitter bigla.

"Ikaw na. Ikaw na matalino at nag-graduate ng Med School ng 20 years old. Hiyang hiya ako." sunud sunod kong sinabi sa kanya.

Tumawa lang uli siya. Wala man lang akong na-aaninag na bad vibes sa taong to. Lagi siyang masaya. "Kamusta ba grades mo?"

"Ewan ko pa. Wala pang results. Pero nag-aaral naman akong mabuti e." kumindat pa ako like saying Ako pa"...Pa-meryenda ka na Mario." bigla akong siningit. Kasi kung grades din lang ang pag-uusapan eh wala akong maipagmamalaki kumpara sa mga naabot nitong halimaw sa katalinuhan na to.

 "Osige. Bibili lang ako ha. Iwan ka muna dito."

"Okay po." 

Lumabas na siya ng pinto at naiwan na akong mag-isa dito. Buti pa tong clinic hindi kulay white yung mga dingding dito. Kulay light green. Pwede na. Kaysa naman yung para akong nasa langit.

Riiiing... Riiiing...

Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Hindi naka-save number niya. Sino naman kaya to?

"Hello?"

"Oy nasan ka?"

"Asa school. Bakit?"

"Nasa klase ka nakikipag-usap ka."

"Wala ako sa classroom."

"E asan ka?"

"Teka. Teka. Sino ba to?"

"Ano? Hindi mo nakikilala tong gwapo kong boses?" Gwapo? Mayabang? Ay kilala ko na to. Sino pa nga ba?

"Kilala ko na."

"Very good. I-save mo na tong gwapo kong number. O san ka nga?" haynako. Pati number gwapo.

"Clinic."

"Ha? Sige. Bye." hindi pa ako nakakasagot eh dali-dali niya nang pinatay yung tawag. Anong problema nun?

Naiwan na naman akong nag-iisip pero hindi na napahaba dahil dumating nadin si Mario na may dalang dalawang spaghetti, dalawang siopao at dalawang softdrinks. Iniabot niya na sa akin yung libre niya. "Salamat." sagot ko. "...Uunahin ko tong siopao."

Nakaka-tatlong subo pa lang ako ng biglang lumagabag ang pinto ng clinic. At tumambad sa akin ang isang lalaki na mukhang nagulo-gulo ang buhok sa kakatakbo. Medyo nanlaki ang mata ko nung nakita ko siya. Nagulat ako dahil hindi ko namang inaasahang pupunta si Titus dito. "Aerith. Okay ka lang ba?" tanong niya habang naka-diretso lang yung tingin sa akin. Ang serious nung face niya.

"Mukha ba akong hindi okay?" sagot ko sa kanya.

"Okay ka nga. Nagsusungit ka e." bulong niya sa sarili niya pero rinig na rinig ko naman. Akala neto.

"O anong ginagawa mo dito?" usisa ko.

"Masakit yung ulo ko." paliwanag niya.

"Masakit yung ulo pero pagkapasok mo tinanong mo kung okay lang ba ako." nag-smirk ako. Bawal ako mag-feeling? Minsan lang to. Kunwari mahaba ang hair ko. Tumingin ako uli sa kanya at hindi pa rin siya makasagot sa sinabi ko kaya iniwas niya na lang yung tingin niya. At umupo na sa may dulo ng kama sa clinic.

Tumayo na din si Doc Mario at iniabot sa kanyang ang ilang gamot. "O inumin mo to." kinuha lang ni Titus at tumango.

Nag-usap kami ni Mario tungkol sa kung anu-ano. Na parang kaming dalawa lang yung asa clinic. Makalipas ang ilang minuto... Muli na namang lumagabag yung pinto.

"HOY! Okay ka lang?"

"Okay lang syempre."

"E bat sabi mo asa clinic ka?" 

"Pag nasa clinic kailangan hindi ka okay? E ikaw? Bat ka andito?"

"Hindi ako makahinga. Hinihingal ako. Hindi kaya ipapasok yung kotse ko sa loob kaya tinakbo ko mula gate hanggang dito..." at ininom niya muna yung tubig na iniabot sa kanya ni Doc Mario "...Ganyan ka kalakas sa akin." at kumindat pa siya sa akin.

"Tss. Korni." mahinang sabi ni Titus na rinig naman naming apat sa loob ng clinic. Nagsusungit na naman siya. Ganyang-ganyan yung itsura ni Titus nung una kaming nagkakilala sa bus. Ang sungit. Ang seryoso. Parang pasan niya yung mundo at ako yung nagpa-pasan sa kanya.

Napangiti lang ako.

"Kamusta na yung pilay mo?" tanong ni Mario sabay hawak sa kaliwang siko ko. Pambasag din sa katahimikan na nagsimula pagkatapso magsalita ni Titus.

"Okay naman na Mario. Pero kapag sobrang lamig medyo sumasakit syempre Baguio kaya siguro pero kapag mas tumagal pa ito. Mawawala na din."

"Pa-check up mo lang lagi sa akin ha."

"Opo." ngumiti siya at ginulo-gulo niya na naman yung buhok ko. Palagi na lang akong ginagawang bata nito. 

"Bakit pag siya hindi ka nagsusungit?" tanong ni Eros. 

"Malamang doktor ko to. Baka pag nagsungit ako e resetahan ako ng maling gamot. O kaya ipahamak ako nito. Mamatay pa ako." tapos ngumiti ako.  Kasi joke yun. Hindi lang talaga benta yung joke kapag ako ang nagjojoke e. At isinubo ko na ang natitirang spaghetti. At uminom na ng softdrinks. 

"Hindi ako ganun a." pangdedepensa naman ni Mario sa sarili niya.

Muli na namang bumukas yung pinto.

At pumasok na yung Student Nurse. Nginitian niya lang kaming lahat dahil naawkward-an siguro siya kasi pagkapasok niya eh nakatitig kaming apat sa kanya. 

"O siya. Ikaw na munang bahala sa dalawang pasyente dito ha. Ihahatid ko lang si Aerith." bilin ni Mario dun sa Student Nurse.

"Teka. Teka. Ako na lang maghahatid!" sigaw ni Eros habang nakatingin lang si Titus sa amin.

"Hindi ka pa masyadong makahinga di ba? Magpahinga ka muna." at binuksan na agad-agad ni Doc Mario yung pinto hindi niya na inantay makasagot si Eros. Asa harap ng clinic yung kotse ni Mario kaya nakasakay kami kaagad. "Ikaw Aerith a. Isang buwan ka pa lang dito. Dalawa na agad-agad ang admirers mo." pang-aasar niya sa akin habang nakangiti na naman siya.

"Anong admirers ka diyan. Mga wala lang magawa sa buhay yung mga yun."

"Obvious naman na alalang-alala sayo. Yung isa showy. Yung isa naman, medyo 'getting to know his feelings stage' pa lang siya."

"Ay nako Mario. Doctor ka. Hindi ka manghuhula para sabihin yung nararamdaman nila."

"Maniwala ka sa kin. Lalaki din ako. Alam ko nararamdaman nila."

"Ayan na naman yung feelings-feelings, love-love, chuchu na yan..." at napatingin ako sa relo ko. "...dalian niyo na pala baka pagalitan na ako nina Mommy at Daddy. Hindi pa naman ako pala-gala dahil wala akong friends, magtataka mga yun."

"Alam mo Aerith, may dalawang klase ng umiibig. Yung isa manhid sa nararamdaman ng iba at yung isa naman ay manhid sa mismong nararamdaman niya."

Napaisip ako sa sinabi ni Mario. Ano yun? Hindi ko naiintindihan. Hindi ko talaga maintindihan yang pag-ibig na yan.May dalawang klase ng umiibig? Yung isa manhid sa nararamdaman ng iba at yung isa naman ay manhid sa mismong nararamdaman niya?

Agad kaming nakarating sa bahay ng hindi namin namamalayan. "Oy wag mo na masyado isipin yung sinasabi ko. Antayin mong may magbukas ng isip mo tungkol sa mga yan bago mo intindihin." payo ni Doc Mario sa akin.

At nagdire-diretso ako sa kwarto ko. Puzzled pa rin sa sinabi ni Doc Mario. Bat kasi nagsasabi sabi pa yun sa akin tungkol sa pag-ibig e. At bakit parang interesado naman ako. Ay ewan. Ang sakit pala sa ulong isipin ng pag-ibig na yan.

Humiga na ako. At ipinipilit na alisin lahat ng iniisip ko. Pero hindi mawala. Hayaan ko na lang siguro. Mawawala din tong iniisip. Curious lang siguro ako. Yun lang.

Riiiing... Riiiiing... Riiiing. 

Kinuha ko kaagad yung phone ko sa bag. May tumatawag. Hindi na naman naka-save yujng number niya. Sino naman kaya to?

"Hello?..." hindi pa din nagsasalita yung tumatawag. "...Hello?" inulit ko yung sinabi ko.

Nag-antay ako ng ilang segundo baka magsalita na. At makalipas ang ilang segundo. Narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Okay ka lang ba talaga?" 

Si Titus.

"A..a.. Okay lang ako." utal-utal kong naisagot. Tulad ng pagkabigla ko nung nagpunta siya sa clinic eh nabigla din ako sa pagtawag niya. "...Saan mo nakuha yung number ko?"

"Dun sa feeling artista." rinig ko sa boses niya yung pagka-irita. "... Di na mahalaga kung pano pero Doktor mo ba talaga yung naghatid sayo?" biglang segue naman ng lalaking to.

"Oo. Bakit?"

Bakit ko nga ba tinanong kung bakit? Interesado ba akong malaman? Kailan pa ako naging interesado? Hay nako. Ano na banag nangyayari sakin.

"Kasi... Ewan ko. Nagseselos ata ako. Sige. Bye." at agad-agad niyang pinatay yung tawag.

Bumilis  at lumakas yung tibok ng puso ko yun bang parang lalabas na sa dibdib ko. Anong klaseng pakiramdam to? Parang abnormal na talaga tong puso ko. Tumitibok ng wala sa katinuan.

Kailangan ko na talagang magpunta sa clinic.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...