Unexpectedly Crazy (Unexpecte...

By Adceecee

91.7K 3.5K 937

Isang babaeng no boyfriend since birth ang gustong magkaanak sa pamamagitan ng sinuggest na method sa kaniya... More

Unexpectedly Crazy
Story Description
Prologue: Zachie
Prologue: Dwanee
Chapter 1
Chapter 2
Character Image
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Author's Note
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 4

1.9K 71 9
By Adceecee

Chapter 4: The New Concept

Inhale. Exhale. Chant sa isipan ni Zachie. Alas singko y media palang ng umaga nasa veranda ng kwarto na siya upang mag-meditate. Habang naka-indian seat sa mat, ay nakaharap siya sa man-made spring. Nasa isang secluded area kasi ang bahay nila. Half an hour ride from the city kaya tahimik at payapa. Papasilang na ang araw kaya medyo uminit na ang simoy ng hangin.

He needs to calm and relax his mind. He's so stress with work lately. Actually hindi pa nga natatapos.

Inhale. Exhale.

Medyo namamaga parin ang bukol niya sa noo at bakas parin ang kulay ng pasa. Ok na sana dahil medyo nawala sa isip niya ang tungkol sa bukol niya sa noo kahapon, pero nang nakauwi siya ng bahay, naabutan siya ng kapatid at tinawanan siya ng bongga nito na halos malagutan na ng hininga. Naalarma naman ang mudra niya at ginamot nito muli ang bukol sa noo niya.

Inhale. Exhale.

"I now got more than a thousand followers on Instagram~" Naputol ang pag-meditate niya nang biglang sumingit ang makulit niyang kapatid. Kung kuto lang ito, matagal na niya itong natiris.

"So what?" Pagtataray niya. "Niwala pa nga sa kalahati 'yan sa mga followers ko." Pagmamayabang niya.

"Hmphf. Don't care! But guess who just followed me?" She playfully ask.

"Who?" Walang ganang gatong niya sa kapatid.

"Joshua Papandreas." Pagkarinig sa sinabi ng kapatid ay agad siyang napalingon dito.

"You're just pulling my leg."

"Nope." Sabi nito sabay pakita sa kaniya sa hawak na smart phone.

Halos lumuwa na ang eyeballs niya nang mabasa ang pangalan ng kaisa-isang taong matagal na niyang pinangarap na mapansin siya nito.

"Oh em! Waaahuhuhu. The heck did you do? Why is he following you?" Nanlulumong tanong niya sa kapatid.

"Oh. I did nothing actually. Maganda kasi ako." Pagmamayabang nito. "Inggit ka, noh?"

"Che! Watch out ka lang at mapapansin din ako ni papa Joshua!" Sabi nalang niya sabay kuha ng tumbler niyang may lamang alkaline water at ininom ito.

"By the way kuya, don't you have plans for today? Diba, wala kang work today?" Tanong ng kapatid niya.

"Yeah, wala. But I have to relax and be stress-free this day, dahil balik stress na naman bukas." Sabi niya at tumayo kaya tumayo narin ang kapatid niya.

"Ayy ganun. Magpapasama sana ako sa'yo." Nakalabi nitong usal. Pasalampak itong umupo sa bean bag na nasa kwarto niya.

"Saan naman aber?" Tanong niya sa sisteret niya habang naghahanda na para maligo.

"Sa mall. May bibilhin kasi ako."

"Malaki ka na, for goodness sake! At saka, nandiyan naman yung driver natin, o diba magpasama ka nalang kay mama." He retorted.

"Pumuntang simbahan si mama. Alam mo naman 'yon, napaka-relihiyosa. Si kuya Mameng naman, umuwi sa kanila dahil birthday ng anak niya...." Paliwanag ng kapatid niya.

"Why don't you ask your friends?"

"They're busy with their boyfriends." She added with a slight disgust on her face. "Kaya kuya pleeease."

"You know how I hate stepping in on public places." He refused.

"Then wear a disguise." Suhesyon nito.

"Nah. That won't work. And there's no way you're gonna make me come with you." Final na sabi niya at dagling pumasok na sa banyo.

---------------

"Pababa na po siya ate." Sabi ni dayh Arayat nang makabalik sa hapag-kainan. Inutusan kasi ito ni Dwanee na tawagin ang panauhin upang sabay na silang mag-agahan.

Saktong pag-upo ng dalaga ay siyang pagdating naman ng binata.

"Halika. Join us for breakfast." Sabi niya rito. Nakwento narin ng dalaga sa kaniya na nakakaintindi at marunong itong magsalita ng tagalog. Beside the fact that he needs support and companionship for the new environment, as much as she can, she's trying to make closure with him. After all, kapatid parin niya ito.

Nag-aalangang umupo ang binata. Napansin ito ni dayh Arayat kaya tumayo ang dalaga upang tulungan ito. Nababahala siguro ang dalaga dahil baka matuod na ito sa kinatatayuan nito dahil nahihiya.

"By the way, these are my children, Ari and Rei." Pakilala niya sa dalawang mga anak. "Sweetcakes, this is your kuya Juno, my half-brother." Medyo nautal pa siya nang sabihin ang huling salita. Pero balang-araw ay masasanay din siya.

"Nice to meet you po, kuya Juno!" Masiglang bati ni Ari, habang tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Rei. Tanging tango nalang ang iginanti ng binata dahil nahihiya pa ito.

"Mommy. Can we go to the mall today?" Ari suddenly asked in the middle of their silent breakfast.

"Why baby? Do you need to buy something?" Tanong niya sa anak.

"Yes, po. Konti nalang po kasi yung ball thread ko. And also, I want to tour kuya Juno around." Sagot ng anak.

"That's so sweet baby. But I can't go with you today. I have something important to do." Pagkarinig ng bata sa sinabi niya ay medyo nanlumo ito.

"Ako nalang po ang sasama sa kanila, ate. Tutal, may bibilhin din po kasi ako." Biglang sabi ni dayh Arayat kaya napangiti ang anak niya.

"Sige dayh. Magpahatid nalang kayo kay Manong."

Matapos mag-agahan at maghanda ay dumeretso na ang dalawang mga anak niya kasama sina dayh Arayat at Juno sa garahe. Nauna na siyang umalis sa kanila dahil may importanteng pupuntahan pa kasi siya.

--------------------------------

Mga ilang minuto ang binyahe nina Arayat bago nakarating sa mall.

"Ok ka lang?" Takang tanong niya nang mapansin ang binata na panay ang ayos ng sombrero sa ulo at parang hindi mapakali.

"H-Ha? I'm fine." Sagot nalang nito.

"Kung natatakot ka man sa mga tao dito, don't worry, nandito naman ako— este kami eh. Hehehe." Nahihiyang pag-comfort niya rito.

"Don't worry kuya Juno. People here won't hurt you." Malambing na sabi ng batang babae.

Pinasyal nila si Juno sa bawat section ng mall. They even bought things for him using ate Dwanee's credit card. Binigay kasi nito sa kanila bago sila umalis ng bahay.

"Ok lang na hindi niyo ako samahan. Mabilis lang naman ako." Sabi niya nang nasa tapat na sila ng department store.

"We'll come with you ate. May bibilhin din po kasi ako." Sabi naman ng batang lalaki.

"Uhh s-sige." Nag-aalangang pag-sang-ayon niya. Iniwan muna nila ang mga pinamili sa bagger area bago pumasok.

"Doon lang ako. Samahan mo muna sila, Juno." Habilin niya at dali-daling lumiko sa isang section.

---------------------------------

"We'll be fine kuya. Samahan niyo nalang po si ate, 'cause sometimes she can't figure out how to get out especially when she's in a place full of corners." Tanggi ng batang lalaki. Nagtaka naman si Juno sa sinabi ng pamangkin. Tatanungin sana niya ito nang umalis na ang dalawa habang tulak-tulak ang isang trolley. Wala na siyang nagawa kaya sinundan nalang niya kung saan lumiko si Arayat.

Nadatnan niyang namimili ang dalaga ng sanitary pads.

"Ito nalang kaya..." Narinig niyang usal nito sa sarili habang inaabot ang isang brand ng pad.

"That won't absorb quickly. Choose this one." Napalingon ito nang magsalita siya.

"J-Juno? A-Anong ginagawa mo rito?" Gulat na may halong hiya na tanong ng dalaga.

"Sinasamahan ka." Casual lang na sagot niya habang nilalagay ang ilang packs ng pads sa tray na bitbit nito.

"H-Huy anong ginagawa mo?" Takang tanong nito.

"Mas maganda pag 'yan ang ginamit mo." Sabi niya nang matapos sa paglalagay. "D-Don't get me wrong. I have two sisters at lagi akong sinasama ni mom sa tuwing pumupunta siya ng department store. 'Yan ang brand ng pads ang lagi nilang ginagamit kasi fast absorbing daw. M-Mabuti may roon 'yan dito." Dagdag niya ng mapansing nangunot ang noo ng dalaga na parang nagtataka.

"Ahhh." Napatango nalang ito. "Nga pala, ang mga bata? Ba't hindi mo sila kasama?" Tanong nito nang mapansing mag-isa lang siya at hindi kasama ang mga bata.

"They said that I should accompany you 'cause you have this kind of syndrome thingy..." Dahilan niya.

"I-I can handle myself. You shouldn't have come here. Mature nga magsalita at mag-isip ang mga batang yun, but they're still kids."

Napansin nga niya ito. Hindi niya akalaing ganoon na ang mga ito ka-mature mag-isip kahit ang liliit pa ng mga ito.

"Tara na't puntahan na natin sila." Sabi ng dalaga at nagsimulang maglakad.

--------------------------

"Geezweez. Ano pa bang gagawin mo diyan?" Naiinip na tanong ni Zachie sa kapatid. "Medyo nakakahalata na ang ilang mga tao sa beauty ko." Dagdag pa niya habang panay ang baba ng suot na sombrero.

"Alam mo kuya, nagmukha kang lalaking maton sa hitsura mo ngayon. Hahaha." Komento ni Zenazen sa kaniya sabay tawa ng malakas.

"Huwag ka ngang tumawa ng malakas diyan. Pinagtitingan na tayo ng mga tao." Suway niya.

"So? Kung naiinggit sila, di tumawa rin sila. Pfft."

"Eeeh ano pa kasi ang gagawin mo diyan sa department store?" Reklamo niya.

"Manonood ng sine. Di ka ba nainform na dito nilipat ang cinema section ?" Sarcastic na sagot ng sisteret niya.

"Harhar. Nice joke. Ikaw nalang kaya ang pumasok diyan. Dun nalang ako sa kotse maghihintay." Reklamo na naman niya.

"Ok. Madali lang naman akong kausap eh. Basta hindi na kita ipapakilala kay Sir Papandreas." Sabi nito at naglakad papasok sa loob ng department store.

" 'To naman di mabiro. Sis wait up!" Sabi niya at hinabol ang kapatid.

Kinuwento kasi nito sa kaniya na kaya finallow ito ni Joshua Papandreas sa Instagram ay dahil professor pala nito ito sa Biology subject nila. At ipapakilala raw nito siya pag sinamahan niya ito sa mall.

"Alin dito ang masarap kuya: Barbeque or sour and cream?" Tanong ng kapatid niya habang namimili ng kung anong flavor ng bibilhing junkfood.

"Kung 'yan lang naman pala ang bibilhin mo, why don't you ask Nay Perla to buy it for you." Iritableng atungal niya sa kapatid. Argh kung di lang dahil sa papa Joshua niya, di siya magpapaalipin sa kapatid niya!

"Sungit mo talaga kuya. Kung di ka lang lalaki, iisipin kong may regla ka ngayon." Sabat nito.

"Che! Tutal nandito lang din naman ako, might as well buy something worth digesting." Sabi nalang niya at pumunta sa sweets section.

"Excuse me, mister." Gah! Kotang-kota na nga siya sa kapatid niyang lagi siyang tinatawag na kuya , may tumawag na naman sa kaniya ng mister. Ghad!

"Yes?" Nilingon niya ito. Bumungad sa kaniya ang isang doll-faced little girl. Parang matutunaw ang puso niya sa ka-cute-tan nito.

"Could you reach that one for me po?" Tanong ng bata.

"Oh. This one?" Tanong niya habang tinuturo ang isang chocolate bar. Tumango naman yung bata kaya inabot niya yung chocolate.

"Thank you, po!" Nakangiting pasasalamat nito.

"Hey Ari. I think this is enough. Mom will get mad if we eat too much junks." May isang little boy naman ang lumapit sa kanila. Napakagwapo at cute din ito.

"Hello kids. Mind if I interrupt?" Biglang singit niya.

"Uhh nope." Casual na sagot ni little boy. Nakapoker face lang ito at seryosong-seryoso. Napalunok siya. Mukha kasi itong suplado.

"Bakit po, mister?" Nakangiting tanong naman ni little girl. Kung hindi lang ito cute, nakurot na niya ito sa singit dahil sa pagtawag nito sa kaniya ng mister.

"Ah eh... Are you two siblings?" Tanong niya. Naku-curious kasi siya.

"Yes po. We're twins actually." Nakangiting sagot ni little girl. Mukhang makakasundo niya ito dahil mukhang masayahin ito kumpara doon sa kakambal nitong lalaki na masungit.

"You're gay." Biglang sabi ni little boy na ikinagulat niya. That is not a question but a statement. Watabels! Hindi naman niya ginamit ang girlalu voice niya at saka naka pormang Cardo Dalisay din ang outfit niya, paano nito nahulaan na bading siya?

"Rei..." Sita ni little girl sa kapatid. "Pagpasensyahan niyo po ang kapatid ko. Napaka keen observer niya lang po kasi. Hehehe." Paliwanag nito. Ngumiti nalang siya.

"Oh wait po... You look so familiar po." Sabi pa nung little girl. Ini-scan nitong mabuti ang mukha niya at napangiti ito ng malapad. "OMG! Kayo po si Reivan Zacharies Vonwick known as Zachie, one of the owners and founders of ChelRies Fashion Company!" Malakas na sambit nito. Buti nalang silang tatlo lang ang nasa section na kinaroroonan nila, kundi baka dinumog na siya ng mga people!

"Ahehehe. So you recognized me pretty girl." Sabi niya.

"Opo naman! You're my second idol po kasi!" Bibang sagot nito.

"Second?" Takang tanong niya.

"Second po. Kasi my number one idol po is mommy!" Proud nitong sagot. Napangiti siya. Napakabait naman nitong bata. Siguro mabait din ang mother nila.

"By the way po, is this pretty?" Tanong pa nito sabay pakita sa kaniya sa kulay baby pink na dress nito. Maganda ito. It has a short-sleeved top and loose skirt na lagpas tuhod.

"Yes, pretty girl."

"Ako po gumawa nito. Actually, ako po ang nag-design, at si mommy ang nagtahi. Kasi sabi niya, I'm too young pa po to use the sewing machine eh." Pag-amin nito. Ang cute! Kung kamag-anak o kahit kapitbahay man lang sana niya ang mga cute na chikitings na ito, iuuwi talaga niya sa bahay.

"By the way, ba't kayo lang mag-isa? Asan ang mommy ninyo?" Tanong niya at saktong may tumawag sa mga bata.

"Baby Ari, baby Rei! Thank goodness nakita ko na kayo." Isang hingal na hingal at pinagpapawisang babae ang lumapit sa kanila habang kasunod ang isang lalaki na mukhang dinamitan na toothpick dahil sa kapayatan. "Tara na sa counter." Sabi pa nito at ito na ang nagtulak nung trolley ng mga bata.

"Sige po, idol Zachie. Una na po kami. Nice meeting you po pala." Paalam ni little girl habang walang imik naman yung little boy. Suplado much.

"Don't tell me, mommy at daddy nila iyon? Ang babata pa nila para maging parents. Sa bagay, mga kabataan nga naman ngayon." Sabi niya sa sarili.

Saktong nakasalubong pa ng kapatid niya yung mga bata bago nilapitan siya nito.

"Ang ku-cute naman ng mga batang 'yon kuya." Sabi nito sa kaniya. "Di naman siguro mommy at daddy nila iyon. Ang babata pa nila. Pero sabagay, mga kabataan nga naman ngayon." Ulit nito sa sinabi niya sa sarili.

"Gaya-gaya much?" Ismid niya sa kapatid.

"Anong gaya-gaya ang pinagsasabi mo kuya?" Takang tanong nito.

"Whatevs. Tapos ka na mamili?" Tanong nalang niya.

"Hindi pa eh. Hehehe." Sagot nito. Napatingin naman siya sa trolley na bitbit nito. Isa palang ang nakalagay doon— yung chichiryang pinagpipilian nito kanina. Watabels! Wala sa sariling napahilamos siya ng mukha.

Kung hindi lang dahil kay papa Joshua, hinding-hindi siya magpapakahirap samahan 'tong gagitang kapatid niya!

"Thank you talaga sa pagsama sa akin ngayon kuya." Sabi ng kapatid niya matapos nilang mamili sa mall at sunod naman nilang pinuntahan ay ang isang pastry shop na paborito niyang kainan.

"Yeah yeah whatevs. Basta ba 'yong promise mo. Pag hindi mo 'yon tinupad, kukurutin ko yang singit mo gamit ang nail cutter!" Pagbabanta niya at tinawanan lang siya ng sisteret.

"Here's your order po ma'am at sir." At dumating na ang kanilang inorder.

"Paborito mo talaga ang cookie monster kuya noh?" Tanong nito sabay subo nung inorder nitong dalawang slice ng forest cake.

"Ewan ko ba. Naging paborito ko nalang ito." Sagot nalang niya.

"Eeeehhh. Sabi ni yaya noon kaya mo 'yan naging paborito dahil doon sa childhood sweetheart mo. Ayieee si kuya~" Panunukso nito sa kaniya.

"Shutup. That was a very long time ago. And besides, I was so young and innocent back then. Sina yaya at yaya niya ang nanunukso sa amin. At noong mga panahong ding iyon, na-realized ko ng isa pala akong bulaklak. Kaso, alam mo na... si pudra natin." Sabi niya at nilantakan ang cookie monster cake.

"Kahit man lang isang boombayah diyan sa puso mo, wala kang naramdaman?" Tanong nito at napatigil siya sa pagsubo.

"I don't know." Sagot niya habang may malalim na iniisip. "Kamusta na kaya siya ngayon? Malamang may pamilya na 'yon."

"Ba't hindi mo isearch sa mga social media sites."

"Paano ko mase-search eh sa hindi ko alam ang totoong pangalan nun. Tanging palayaw niya lang ang alam ko."

"Ngek. Hanep naman ng love story ninyo. Hahaha." Di nalang niya pinansin ang kapatid. Sa halip ay nilantakan muli ang cake.

"Light bulb!" Biglang usal nito na ikinakunot ng noo niya. Saan kaya nagmana ang sisteret niya? Wala naman sa lahi nila ang mga baliw.

"Umamin ka nga. Nagda-drugs ka noh?" Tanong niya.

"Buang ka. Ni hindi nga ako umiinom ng paracetamol!" Sabi nito. "Anyways, I have a very brilliant idea kuya!"

"What?" Walang ganang tanong niya.

"Di ba ber-months na tayo ngayon?" Walang ganang napatango nalang siya. "And the next season na gagawan mo ng concept ay Christmas?" Tumango ulit siya. "What if, ang gagawin mong concept ay for kids naman." Napaangat ang tingin niya sa kapatid. Napaisip siya. Oo nga noh. May point ito.

"Minsan may silbi rin pala 'yang utak brain mo." Sabi niya at sinimangutan lang siya nito. "That's a good idea. Sino naman kayang child celebrity ang babagay sa next concept. Dapat kasi hindi lang ito magmomodel ng mga designs but nang-aatract din ng mga tao. Alam mo yun. Dapat kasi may malakas itong charm." Napapaisip silang dalawa kung sino ang kukuning maging modelo.

"How about, the little girl from the morning reality show?" Zenazen suggested.

"Nah. She's cute but not charming and attractive enough."

"How about, the little girl sa isang movie na paboritong paborito kong panoorin noong 10 years old palang ako?"

"Seriously? Hanep naman ng batang yan at hindi tumanda." Sarcastic niyang sabi rito.

"Oo nga noh." Parang tanga nitong sabi. Nai-roll over the ocean roll over the sea nalang niya ang mga mata. "Ay alam ko na kuya!" Biglang hirit na naman nito. "How about 'yong mga cuties kanina sa department store?"

"Nakakain ka lang ng cake, naging ganiyan ka na mag-isip. Bakit hindi mo nalang gawing everyday meal 'yan nang tumino ang utak mo?" Gatol niya rito at sinimangutan lang siya nito. "To be honest, they are perfect for the concept. But where on earth I'm gonna find them? I don't even know their names." 

"Where on earth talaga kuya? Ang OA mo. Ano yun, taga-North Pole sila tapos pumunta lang sila rito sa Pilipinas para mamili lang ng mga chichirya sa department store, ganern?" Sarcastic na sabi nito at sinimangutan niya ito.

"Oh wait!" He snapped. "I heard the lady called them baby Ari and baby Rei."

"Wow. Whatta broad information." Zenazen said, sarcastically. "And I'm guessing they're the only kids having that unique names." Dagdag nito. Hayh naku sumasakit na ang ulo niya kakaintindi sa takbo ng utak ng sisteret niya. Minsan normal, minsan tanga, minsan sarcastic, pero madalas baliw! Naguguluhan na siya kung kanino ito nagmana.

"Ha-Ha. Minsan nakakatulong din yang utak mo pero madalas walang kwenta 'yang lumalabas diyan sa bibig mo."

" 'To naman si kuya. Affected much." Sabi nito at napansin niyang may isang naka-unipormeng babae ang biglang lumapit sa kanila.

"Ate Jen!" Biglang sigaw ni Zenazen at binati ito ng isang mahigpit na yakap.

"Kung magyakapan kayong dalawa kala mo isang siglo na ang nakalipas nung huli kayong nagkita. Mga OA." Sabi niya at nagtawanan ang dalawang babae.

"Hi kuya Z! Hahaha" Bati ni Jen sa kaniya at umupo ito sa tabi ni Zenazen.

"So, what are you guys up to? Kasi naririnig ko mga boses ninyo mula sa office eh. Hahaha." Sabi ni Jen.

" 'To kasing si kuya, nag-iisip ng bagong concept para sa next season. Tapos may sinuggest ako. I suggested na bakit hindi nalang about sa kids ang gagawan niya ng concept, 'cause we all know that Christmas is very special and memorable season for kids. Kaya pinagtatalunan namin kung sino ang magandang gawing modelo." Paliwanag ng kapatid niya.

"Ahhh." Tango nito. "Oh wait!... May kilala akong mga chikitings na bagay na bagay para diyan. Not only they have beautiful genes, but they are very charming, attractive and well-mannered kids. Well, actually, too well-mannered, 'cause they act and think like adults, not minding they're only four years old."

"May pictures ka ba sa kanila ate?" Tanong ni Zenazen.

"Meron, I think. Sana hindi na-delete kasi nag-lag yung phone ko kanina. Wait..." Sabi nito sabay halungkat ng phone.

"Oh thank goodness! Hindi siya na-delete. Here." Sabay pakita ng phone nito kay Zenazen.

"Oh. My. Ghad." Usal ng kapatid niya na parang di makapaniwala sa nakita.

"What?" Tanong niya. Inabot naman nito ang phone sa kaniya. "Oh. My. Goliness!" Biglang usal niya.

"Bakit kuya?" Takang tanong ni Jen.

"Sila kasi yung nakita namin sa department store, ate. At sila rin sana ang gustong gawing modelo ni kuya pero hindi kasi alam namin name nila. And who would've thought na kilala niyo po pala sila! Isa kang langit na nahulog ate!" Sagot ni Zenazen. Natampal niya ang noo dahil sa huling sinabi ng sisteret niya.

"Hahaha. Anyways, the little boy's name is Conus Murex, while the girl is Cassis Miniaceae. But they're known as Rei and Ari." Jen said.

"They are perfect." Komento niya.

"Yeah but there's a problem." Sabi ni Jen.

"Bakit?"

"You have to deal with their mom first. Well, approachable naman po si ate Dwanee, kuya. Mabait siya. Ang kaso nga lang... uhm... she hates people like you." Nag-aalangang sagot nito.

"People like me? What do you mean?" Taka niyang tanong.

"Mga kagaya niyo pong... bakla." Kunot-noong nagkatinginan silang dalawa ni Zenazen sa sinabi ng kaibigan.

"Pero don't worry kuya, hindi naman po nananakit si ate, unless ikaw po 'yong nagsimula. Napapakiusapan naman po siya nang maayos. Huwag na huwag niyo lang po talaga siyang gagalitin. Hehehe."

"Patay ka kuya. Hahaha." Tinawanan siya ng kapatid. Actually, he's not scared! He's just worried 'cause maybe their mother would damage his beautiful face pag nagkataong naging dragona ito.

"Can I get their mother's number, Jen?" Tanong niya.

"Uhm... Sure kuya. Pero huwag mong ipaalam na sa akin mo nakuha ang number niya pag nagtanong siya." Pakiusap nito. Matapos ang talakan at makuha ang number nung ina ng mga bata, ay napagpasyahan na nilang umuwi.

----------------------

"Did you enjoy kuya Juno?" Tanong ni Ari. Maga-alas sais na ng gabi nakauwi ng bahay sina Juno. Halos buong siyudad kasi ang nilibot nila sa pamamasyal.

"Y-Yes. I enjoyed it." Medyo nahihiya paring sagot niya. Napangiti naman ang pamangkin niya dahil sa narinig.

Naunang umakyat na ang dalawang bata matapos iabot sa isang katulong ang mga pagkaing binili.

"Uhm... About kanina..." Nahihiyang umpisa ni Arayat habang naglalakad sila palapit sa hagdanan.

"It's ok. Good thing I was there, 'cause something bad might happen to you if I weren't." Sagot niya.

"Salamat." Gusto sanang itanong niya rito kung bakit nagkaganun ito kanina, pero pinili nalang niyang manahimik. Hahayaan nalang niyang ito na mismo ang kusang magkwento sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

800K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
835K 28.6K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.4M 153K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...