Mending Fina [COMPLETED]

barbsgalicia által

2.2M 56.6K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... Több

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 14

53.6K 1.7K 189
barbsgalicia által

FINA

Naabutan ni Fina si Jett na nakasandal sa nakaparada nitong kotse.

Seryosong-seryoso pa ang itsura nito at malayo ang tingin. Lumingon nga agad siya sa paligid, baka kasi mamaya may nakabuntot pala sa kanya. Mahuli pa si Jett na pumupunta roon.

Pagbalik niya ng tingin dito, saktong nagsindi ito ng isang stick ng sigarilyo. Naningkit ang mga mata niya. So, naninigarilyo pala ito? Hindi niya alam 'yon ah. Hindi bagay. Lalong naging maangas ang dating nito sa kanya.

Hindi niya na lang pinansin. Hinigpitan niya ang kapit sa bitbit na bag tsaka nagpatuloy sa paglalakad.

Kaso napansin na siya ni Jett. Para itong nataranta. Nag-puff lang ito ng isang beses tapos tinapon na agad nito ang stick ng sigarilyo.

Ang bilis siya nitong nilapitan tapos hinarangan bago pa siya makapasok sa gate. "Fina, saglit lang. Usap muna tayo."

Hindi siya agad nakasagot. Napatitig kasi siya sa tinapon nitong sigarilyo. "Naninigarilyo ka pala?"

Ang tagal rin namang nakasagot ni Jett kaya nag-balik na siya ng tingin dito.

Umiwas ito. "Bakit, ayaw mo ba?"

"Wala 'kong pinaparating na gano'n. Nagtatanong lang ako."

He took a deep sigh. "Hindi ako malakas mag-yosi. Minsan nga lang. Lalo na 'pag malungkot ako."

Malungkot? 'Di niya sinasadyang mapangisi. Para itong nanghihingi ng awa. "Umuwi ka na. Wala 'ko sa mood makipag-usap."

"Kahit saglit lang?"

"Bakit ba kasi? Para saan? Akala ko okay na dahil hindi na nga kita sinipot kagabi."

Bigla nitong hinawakan ang kamay niya. "Nami-miss na kita. Pwede ba kitang makasama ngayon? Kahit isang oras lang?"

Diretso niya itong tiningnan. Ang lungkot na naman ng itsura nito. Sa pinapakita nito sa kanya, mas lalo lang siyang nahihirapan, eh. Simpleng mga salita lang naman 'yon, ang dali-daling sabihin, pero parang tumitiklop na agad siya.

Hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya. "Sige, kahit 30 minutes na lang. Maglakad-lakad lang tayo saglit. Kagaya dati."

"Hindi pwede. Umuwi ka na. Pagod na 'ko, maaga pa exam ko bukas. Tsaka baka bigla kang hanapin ng girlfriend mo."

Bigla itong bumitiw. "'Wag mo muna siyang ipasok. Ayoko siyang isipin." Tapos bumuntong hininga ito. "At wala siya ngayon. Umalis. Tumakas lang ako para puntahan ka."

"Hindi mo 'to kailangang gawin, Jett. Hindi mo kailangang tumakas para lang makita ako."

"Pa'no 'pag gusto ko?"

Halos matawa siya. "Ang kulit mo naman. Mamaya mahuli ka no'n na nagpu-punta rito, awayin niya pa 'ko."

"Hindi ka niya magagalaw, Fina. Magtiwala ka naman kasi sa 'kin."

'Di na siya nakasagot. Kung makapagsalita ito ng 'magtiwala', parang ang dali-dali lang gawin, ah.

"Late ko na nabasa text mo kaninang madaling araw," sabi pa nito. "Sorry."

"Okay lang, 'wag kang mag-sorry. Akala ko lang kasi gising ka pa."

"Ba't mo 'ko tinext? May sasabihin ka ba dapat?"

Umiwas siya ng tingin. "Wala."

Bigla naman itong humakbang palapit sa kanya. "Bakit nga?"

"Wala naman talaga."

Narinig niya na lang ito na bumuntong hininga. "Sorry. 'Di na 'ko nakareply. Nasa apartment ko kasi si Cielo kagabi. Do'n natulog."

Parang biglang kumirot ang dibdib niya. Hindi naman na dapat nakakagulat 'yon knowing na may relasyon si Jett at Cielo, pero ang sakit pa ring marinig.

"Wala kaming ibang ginawa," sabi naman agad ni Jett. "Sobra na nga kasalanan ko sa 'yo. Hindi ko na kayang dagdagan."

Napangiti siya nang mapait. "Wala naman akong sinasabi. Girlfriend mo naman siya, so okay lang kung gawin niyo kung anong gusto niyo."

"Magkasama kayo ni Pierre kanina." Bigla nitong iniba ang usapan.

Napabalik tuloy siya ng tingin dito. "Oo. Nakita mo naman, 'di ba?"

"Nabasa mo ba 'yung text ko sa 'yo kanina?"

"Nabasa ko. Sabi mo 'masakit'? E ano bang gusto mong gawin ko? Wala naman kasing masama do'n, 'di ba? Kung magkasama kami ni Pierre at sabay na naglu-lunch, okay lang naman 'yon. Wala naman akong boyfriend. At wala ring girlfriend si Pierre."

Tumalas ang tingin nito sa kanya. Mukhang tinamaan masyado. "Nagse-selos ako, Fina."

Napahilot na siya sa gilid ng noo niya. "Ano ba talagang gusto mo, Jett? 'Di ko na kasi talaga maintindihan, e. Hindi ka pwedeng magselos, okay? May Cielo ka na nga, eh. Pati ako gusto mong makuha. Ano, gusto mo lahat sa 'yo? Kung si Cielo, si Cielo. Kung ako, ako lang. Ayoko ng dalawa kami. Ang selfish-selfish mo naman. Feeling mo napaka-gwapo mo? Para lang alam mo, hindi ka artista at hindi ka rin bilyonaryo para pag-agawan naming dalawa."

Napayuko si Jett.

Do'n lang niya na-realize ang sakit at bigat ng mga salitang lumabas sa bibig siya. Napahiya niya ito.

Napapikit siya nang madiin. Bakit ba kasi siya nagtataray? E ang ayos-ayos naman ng pakikipag-usap nito sa kanya.

Tumingin na lang siya sa ibang direksyon sabay hinga nang malalim. "Sorry. 'Di ko sinasadyang magsalita nang gano'n. Sobrang nakaka-stress lang kasi talaga 'tong nangyayari. Nabigla ako."

"It's okay." Ang lungkot ng boses nito. "I deserve to hear that."

Bumuntong hininga uli siya. "Sige na, umalis ka na." Tapos tumuloy na siya ng lakad pauwi ng bahay.

Sinilip niya pa muna si Jett bago niya buksan ang gate. Nakayuko pa rin ito. Parang wala na sa sarili.

"Sabi ko, umuwi ka na," ulit niya na lang. "Baka maabutan ka pa ng ulan diyan."

Tsaka lang ito nang-angat ng tingin sa kanya. Tumitig ito saglit tapos yumuko uli at bumuntong hininga pa. Pinasok nito ang magkabilang-kamay nito sa bulsa ng suot na uniporme.

Nabigla na lang naman siya nang bumukas ang pinto ng bahay nila. Lumabas si Ate Martha na may bitbit na itim na supot ng basura.

"O, nandyan ka na pala?" sabi nito. "Ba't 'di ka pa pumapasok?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Hanggang sa napansin na lang ni ate Martha si Jett no'ng palapit na ito sa gate.

"Nandito pala si Jett, eh. Ba't 'di kayo pumasok sa loob? Baka biglang umulan, mabasa ka na naman diyan Fina."

Sinilip niya uli si Jett. Nakatingin na ito sa kanya at seryosong-seryoso ang mukha. Para bang nanghihintay ito kung papaasukin nga ba niya ito ng bahay.

Nagkibit-balikat lang siya tapos binuksan na ang gate para makalabas na rin si Ate Martha.

"Hindi na papasok si Jett sa loob," sabi niya. "Uuwi na siya."

Tumuloy na siya ng uwi. Hindi na rin naman nagsalita si Ate Martha pero halata niyang nagtataka ito sa nangyari.

Nilingon niya pa si Jett bago niya binuksan ang pinto ng bahay. Tumingala ito sa langit bago tumalikod at naglakad pabalik sa nakaparada nitong kotse.

Wala na, nalungkot na naman siya. Nagi-guilty siya sa ginawa niya kahit na alam niyang tama lang naman 'yon.

Dumiretso na siya ng pasok sa bahay. Nakakainis! Naiinis siya sa sarili niya. Naglalaban ang utak niya at puso niya. Para ngang gusto niyang lumabas ulit para habulin si Jett. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit mula sa likuran nito at mag-sorry sa mga nasabi niya kanina.

Alam niyang nahihirapan din naman ito, eh. But at least he's fighting. Parang hindi nga nito naiisip ang mga pwedeng mangyari.

Ilang sandali lang ay pumasok na rin sa bahay si Ate Martha.

Nilapitan agad siya nito. "Ano naman 'yung kanina ha, Fina?"

'Di na niya pinansin. Naglakad na siya papasok sa kwarto na parang walang narinig.

"LQ kayo?" Habol ni ate Martha. "Bakit, boyfriend mo na ba 'yung Jett na 'yon? Naku, Fina, aral muna ha. Graduating ka. Tandaan mo, nagta-trabaho Mama mo para sa 'yo."

Pinabayaan niya na lang. Sa totoo lang, hindi nakakatulong si Ate Martha sa nararamdaman niya ngayon. Lalo lang nitong pinabibigat ang dibdib niya.

**

Pagkapasok sa kwarto, initsa lang niya ang bag niya sa sahig tapos sumalampak na ng higa sa kama.

Tinakip niya ang isa niyang braso sa mga mata niya. Ang hirap! Gan'to pa lang ang mga nangyayari pero ang hirap-hirap na. Natatakot siya na baka biglang isang araw, bumigay na lang siya at pumayag sa gustong setup ni Jett. Talong-talo siya ro'n. Pero parang hindi niya rin naman kasi kaya kung magiging si Jett at si Cielo pa rin.

Nabigla na lang siya nang mag-vibrate ang phone niya. Kinuha niya agad mula sa bulsa ng suot na jacket.

Si Jett, tumatawag.

Napahilot siya sa noo. Tsk, bakit na naman kaya?

Sinagot niya ang tawag pero hindi siya nag-hello. Tumahimik lang siya at naghintay na ito ang unang magsalita.

"Fina?"

Ang lungkot ng boses nito. Parang gusto niya na tuloy magsalita na.

"Fina? Nandyan ka?"

'Di niya natiis, sumagot na siya. "Nakikinig ako."

Bumuntong hininga ito sa kabilang linya. "'Di man lang kita nayakap."

Tumiklop na naman siya. Tagos sa dibdib 'yon! Napapikit na lang siya nang madiin at tumagilid ng higa. "Jett naman..."

"Nandito pa 'ko sa tapat ng bahay niyo. Labas ka uli."

Siya naman ang napabuntong hininga. Iniba na naman nito ang usapan.

"Hindi na 'ko lalabas," sabi niya. "Umuwi ka na kasi. 'Wag ka nang pupunta uli dito. Ayokong may makahuli sa 'yo."

Hindi na ito nakasagot. Kaya siya na uli ang nagsalita. "Jett? Nandyan ka pa ba?"

"Hmm?"

"Sabi ko, uwi na."

"Ok."

'Yun na lang ang narinig niya tapos tumahimik na sa kabilang linya.

Nagtaka tuloy siya. Tiningnan niya agad 'yung screen ng cellphone. 'Di niya sure kung naputol ba ang tawag o binabaan siya nito. Hinayaan niya na nga lang. Itatago niya na sana 'yung phone sa ilalim ng unan, pero nag-vibrate uli ito.

Nag-text naman si Jett ngayon. Binasa niya na kaagad.

| Kain ka muna bago matulog. I love you|

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

1.3M 43.2K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...
1.8M 50.5K 43
Barkada Babies Series #4 Is it wrong to give it all when you love? Or is it wrong to love a person so much? Did they just loved the wrong person? Or...
3.6M 63.1K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...