The Arranged Marriage | McLis...

By jairahxelle

19.8K 673 163

[ WARNING: Written during year 2017-2019, cringey and corny af. DO NOT READ AHHSHAHSHSHSHAHZ SAKSAKIN NIYO NA... More

Reading my first story after almost 2 years
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
Shoutout ♡
015
016
017
Shoutout ♡
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
Shoutout♡
028
029
030
031
032
033
035
036
037
Epilogue
Welcome, Felize Mckenzie De Leon

034

308 16 6
By jairahxelle

Elisse's POV

I've been spending the past few hours in trying to untangle the ropes. Pero wala talaga. Pinagpapawisan na ako sa pagod ng paggalaw dito sa upuang to.

Masyadong mahigput ang pagkakatali. Siguro may marka sa to sa kamay ko.

Malapit ng maggabi, ibig sabihin babalik na dito si Jerome any minute.

Wala na akong maisip na paraan kung paano makawal dito. Unti unti ng natatanggap ng damdamin ko na hindi ko na nga ulit makikita si McCoy.

Pero hindi ako papayag.

Pero parang imposible na din. Wala na akong magawa.

Pinipigilan kong pumatak ang mga luha mula sa mata ko. Hindi ako titigil, gagawin ko hanggang sa kaya ko. Gagawin ko ang lahat para makatakas ako dito.

Bumukas ang nag-iisang pinto at pumasok si Jerome. Bumilis ang tibok ng puso lalo na't nung magtagpo ang mga mata namin. Nakangisi lang siya, sa istura ko ngayon, halata siguro niya na sinusubukan kong makawala.

"Time's up." sabi niya. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang nga tali.

Kita mo nga naman.

Pinipilit kong makawala sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas talaga siya.

Matapos niya akong mapakawalan ay itinali niya ulit ang kamay ko, doble pa sa higpit nung nauna.

Mashaket.

Nag-iisa lang siya kaya medyo nahihirapan na din siya sa sobrang likot ko. Gusto ko makawala eh.

Pero hindi nga naman siya ang pinakamatalining tao sa mundo.

Kayaman-yamang tao, hindi manlang naghire or nagpatulong sa iba or what. Mas pinili niya pang mag-isa. Yan tuloy nahihirapan na siya.

Hindi nga naman ginagamit utak. Konting isip naman oh! Hindi kaya nakatali ang paa ko.

With no other word, sinipa ko ang mahal niyang tinatagong yaman. As hard as I can, sana hindi ka na magkaanak niyan.

Napa-aray naman siya sa sakit at nabitawan niya ako. Kahit nakatali ang kamay ko, tumakbo ako papunta sa pintuan papalabas ng basement.

Pero nakalock, pinaikot ko ng pinaikot ang doorknob, wala parin. Mahirap na nga kasi nakatali pa ang kamay ko.

Ano ba naman nasa loob ako! Hindi na to kailangan ng susi!

Pero may keyhole, so may susi nga to. Sigurista din pala si Jerome.

Ng makarecover na siya sa 'sayaw' na ginawa niya ay agad itong tumakbo sa akin.

Then sinamapal ako. Malakas. Sapat na para matumba ako sa lupa. May marka na naman to!

He grabbed my chin and made me face him. Klaro sa mukha ang galit nito.

"SASAMA KA SA AKIN!" sigaw niya. Pati ang mga laway na nakatakas sa bibig niya ay nagfly-away.

"HINDI AKO SASAMA SA TAONG MABAHO ANG HININGA!" sigaw ko pabalik sa kanya kaya ayun, nasampal ako ulit.

Pinatayo niya ako ng super harsh at aakmaing sasampalin ulit pero nakailag ako at sinipa siya ulit.

Di manlang talaga nag iisip. Tsk.

Puro ka sampal. Bakla!

Kinaladkan niya ako sa isang part ng basement na hindi ko pa napuntahan or nakita manlang, may isa pang pinto doon. Nakabukas na.

Sayang.

Gumalaw ako ng gumalaw para makawala sa hawak niya, pero hinigpitan niya pa ito lalo.

Nakita ko yung kotse niya dun sa labas. Nakita ko di na may mga pumapatak ng ulan. At unti unting lumakas ito.

Paniguradong yung private jet niya yung gagamitin palipad ng Japan.

Yes, may private jet siya. Pero walang pambayad maghire ng mga tao para tulungan siya para di na siya masipa ulit.

I slowly start to give up.

Malabo na.

Malabi ng makatakas pa ako.

Malabo ng makaalis dito.

Malabo ng makita at mayakap ulit ang Mokya ko.

Malabo na.

Malabo ng maglakad ako sa altar. At pupunta sa kanya.

Malabo ng makita ko siyang magising.

Malabo na.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, masyado ng bumaha sa isip ko mga gagawin ni Jerome.

Nawalan na ako ng pag-asa. Dahil alam kong talo din naman ako.

Bakit ba pa kasi tayo lumalaban kung alam namin nating sa huli, tayo din naman ang talo?

Bakit pa ipagpipilit ang sarili sa bagay na kusang lumalayo sayo?

Bakit ka lumalaban, pero wala namang dahilan para lumaban pa?

Dahil ba sa konting pag-asa na nararamdaman mo?

O dahil gusto mong ipakita sa taong mahal mo na ipaglalaban mo siya, ano man ang mangyari?

Yun.

Ipaglalaban ko siya. Ano man ang mangyari.

Hinihintay niya pa ako. Kaya dapat lumaban pa ako.

May pangarap kami kaya dapat lumaban ako.

Hinihintay niya ako kaya dapat lumaban ako.

Gigising pa siya kaya dapat lumaban ako.

Mahal ko siya kaya dapat lumaban ako.

McCoy's POV

Nagmadali akong pumasok sa kotse para hindi mapansin ng mga tao.

Tumakas ako galing ospital. Mahina pa ang katawan ko, pero hindi, kailangan niya ako ngayon. At mas importante siya.

Ngayong hapon lang, natrace na ang location ni Elisse at Jerome. Ipapagpabukas pa nila ang pagpunta dun, since gabi at umuulan pa.

Nagalit ako dahil hindi sila kumikilos, pati na din si Tita, gusto ng puntahan si Elisse ngayon agad.

Ayaw nila ako paalisin sa ospital so tumakad ako.

Ng lumabas muna sina Tita at Mama ay yun yung kinuha kong time para makaalis dito.

Then eto, nandito na ako sa kotse ni Mama, papunta sa lokasyon ni Elisse.

Mahina man ako ngayon, pupuntahan ko parin siya.

Di bale ng manghina ako.

Nakarating ako doon. Binilisan ko na ang takbo para mas madali akong makarating doon.

Ang laki ng lugar. Parang abandonadong bahay, hindi ko pa nararating to.

May nakita akong isang bukas na pinto, papunta siguro yun sa isang basement.

Tumakbo ako doon, hindi na pinapansin ang sakit ng ulo. Malapit na ako. Kaya dapat hindi na ako susuko.

Sumilip ako sa bukas na pinto, at ayun.

Nakita ko siya.

Hinihila siya ni Jerome papunta sa pintong sinisilipan ko.

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila. Sinuntok si Jerome sapul sa mukha kaya natumba agad siya.

Tinitigan lang ako ni Elisse pero hinila ko siya papunta sa bukas na pinto.

Naramdaman kong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. At hinigpitan ko din ang pagkakahawak ko sa kanya.

Pero naramdaman kong nawala ang hawak niya sa akin ng bigla siya hilahin ni Jerome.

Pinalikod niya si Elisse at naglabas ng baril, tinutok sa akin.

Galenggg.

"Buhay ka pa pala?" tanong niya. Ay hindi. Patay na ko. Patay.

"Nakikita na, tinatanong pa." sabi ko sa kanya.

"Dapat namatay ka na!" sigaw niya sa akin. Nginisihan ko lang siya.

"Ang tanga mo kasi. Hindi mo sinigurado." sabi ko. Lumapit siya sa akin at pilit na pinipigilan siya ni Elisse mula sa likod.

Sinipa niya ako sa tiyan. Kaya napaluhod ako sa sakit. Umikot nanaman ulit ang paningin ko.

Pinigilan niya si Elisse na lumapit sa akin. At tinulak siya dahilan para matumba si Elisse.

Malakas yun ah. Babae to tol!

Tumayo ako at akmang susuntukin siya pero hawak niya pa din ang baril. Nginisihan niya ako at tinutok ulit ito sa akin.

"Wag ka ng umeksena McCoy. Hindi mo na siya makukuha ukit sa akin!" sigaw niya na may pa nginig nginig effect pa. Kitang kita sa mukha nito ang galit.

Ramdam ko ang hapdi sa tiyan ko at sakit ng ulo ko. Pero hindi ko na pinansin yun.

"Ibalik mo siya sa akin Jerome." seyosong sabi ko. Tinawanan niya lang ako at biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa baril.

"Bye bye."

Pinikit ko ang mata ko, hinihintay ang pagkakatama ng bala sa akin.

"Elisse mahal kita!" naisigaw ko pa. Bago man ako mamatay, at least nasabi ko at alam niya.

Hanggang sa makarinig ako ng putok ng baril.

Pero wala akong naramdamang sakit sa katawan ko.

Minukat ko ang mata ko at nakita ang gulat ng ekspresiyon ni Jerome.

Tumingin ako sa baba.

Hindi pwede.

Nandun si Elisse. Nakahiga. Dugo niya nakakalat sa sahig.

Bumagsak ang mundo sa balikat ko ng makita ko siya. Na ang dugo niya nandun sa malamig na sahig. Ang walang malay na Elisse.

Umakyat ang galit sa akin at galit na galit kong sinugon si Jerome at sinuntok sa mukha, as hard as I can.

May isa pang pintuang bumukas, at nagsipasok ang mga pulis.

Perfect timing. Kagigil.

Agad nilang pinosasan si Jerome.

Lumuhod ako sa walang malay na Elisse, pinipigilan ang mga luhang gustong lumabas.

Pinatong ko amg ulo niya sa dalawang hita ko, nagbabakasakaling magising siya.

Hindi to pwede.

Dapat ako nalang.

"Lisse, gising." sabi ko at inalog ang walang malay niyang katawan. Nakita ko sa may bewang niya sa pinagmulan ng maraming dugo. Dun siya natamaan.

Ako dapat ang nandiyan hindi ikaw.

"Lisse!"

Tuluyan ng pumatak ang mga luha at patuloy ko siyang pilit gisingin, pero wala.

Bakit ba?

Bakit ba kasi palagi nalang kami?!

Gusto lang namin maging masaya bawal ba yun?

May dumating na rescue team at agad agad siyang nilagay sa stretcher at ipinasok sa ambulansiya. Sumama naman ako.

Hawak ko lang ang kamay niya habang umiiyak, hoping for her to wake up.

Wala tong sakit ng ulo at tiyan ko sa nararamdaman ko ngayon.

Wala akong pakialam kung umiikot ang paningin ko. Ang gusto ko maligtas si Elisse.

"Please lumaban ka."























Continue Reading

You'll Also Like

72.3K 2.2K 59
Siya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in pre...
5.3K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
5K 3K 27
Isang babaeng nag nanais lamang na mahalin siya ng mga taong nasa paligid niya. Ngunit dahil sa itsura na mayroon siya puro pambubully ang naranasan...
36K 2.4K 59
Dalawa silang umalis magkapatid...dalawa silang bumalik mag-ina. Sa edad na beinte uno, hinarap ni Kennie ang tahimik na pangungutya ng komunidad, pa...