025

319 14 2
                                    


Sofia's POV

"Maw,si Elisse?" tanong ko pagpasok ko sa bahay nila. Pumunta ako sa office niya. Wala siya dun. Sabi ng Mommy niya puntahan ko nalang siya dito sa bahay nila.

Ilang araw na ko ng hindi siya nakakausap.

"Sa kwarto niya ija. Puntahan mo nalang dun. Pakisabi nalang din na kainin niya yung pagkain niya nakalagay sa lamesa diyan." sabi niya at tumango naman ako.

Umakyat ako sa taas papunta sa kwarto ni Elisse. Pagpasok ko. Nakita ko siyang nakahiga lang. Hindi naman tulog.

"Lisse?"

"Ok ka lang ba?" tanong ko.

"Masakit lang ang ulo. May konting lagnat lang." sabi niya kaya agad akong lumapit sa kanya. Linagay ko ang kamay ko sa noo niya.

Yep, may lagnat ang prinsesa.

"Ano ba kasi yung nangyari kahapon?" tanong ko.

Sino ba naman yung hindi macoconfuse sa mga message niya sa akin kahapon. Anong pinagsasabi niya na binabalik-balikan siya ng past?

Kinwento niya sa akin lahat. Yung comment sa IG post ni McCoy. Yung pagkwento niya sa kanya ng nakaraan niya. At yung pagcomfort sa kanya.

Maswerte si Elisse sa kanya.

Bigla nalang daw siyang nilagnat pagkagabi. Pero buti naman at medyo ok na siya.

"Alam ba niya na may lagnat ka?" tanong ko at sinubuan siya ng soup na nasa table. Kanina pa kasi daw di kumakain sabi ni Maw.

"Oo. Pupunta siya dito mamaya. Pumunta din nga siya dito kaninang umaga. Magpapacafe kami." sabi niya at hinigop ang natitirang sabaw sa mangkok.

"Ano kaba? Hindi pa nga maayos yang kalagayam mo gagala ulit kayo? Bruhang to! Hindi porket mayaman ka gagala ka na araw araw! Kahit magugunaw na yung Earth gagala ka pa rin ba?" sigaw ko sa kanya na parang nanay. Tinawanan niya lang ako.

"Bat naman magugunaw agad ang Earth?" patawa niyang tanong sa akin. Aba tong babaeng to.

"ADVANCE AKO MAG ISIP"

"Ewan ko sayo Sofi. Bibili lang kami then babalik ulit. Madali lang naman." sabi niya.

"Basta mag iingat kayo." sabi ko. I give up. Di ko naman madali makumbinsi to eh. Plus kasama niya si McCoy. Bala na siya.

Narinig naming bumukas yung pinto sa kwarto niya. Kaya lumingon kami. Papasok na pala si McCoy. Kasama si Michelle at Yassi.

Lumapit agad si McCoy kay Elisse at akmang lhahalikan sa noo pero lumayo agad si Elisse.

"What did I tell you about kissing?" sabi ni Elisse at nagtaas ng kilay.

"Sa noo naman. Di namam ako magkakasakit niyan." sabi ni McCoy but Elisse shook her head.

"Nandito din kami guys." sabi ni Michelle at umupo sa sofa ni Elisse. Sumunod na sa kanya si Yassi.

Pagkatapos ng iilan pangkwentuhan ay umalis na din kami. Ako kailangamg bumalik sa office, at sina Michelle at Yassi naman, pagkani-kaniyang trabaho ding gagawin.

Pagdating ko sa kompanya ay nakatanggap ako ng isang text.

From: Mr. Kanal

Babae.

Bat nagparamdam tong taong to?

To: Mr. Kanal

Miss mo ko?

From: Mr. Kanal

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon