026

309 15 8
                                    


McCoy's POV

Months have passed. At parang ayos na din naman ang lahat. No sign of Jerome. Ayos ang trabaho. Pati na yung time namin sa tropa ay ayos din.

At alam niyo ba? Si Ryle at Sofia, official na.

Sa ilang buwang nagdaan kahit parati silang nag-aaway, di namin aakalaing magiging sila din pala.

Yung last na message ni Ryle kay Sofia, yung pupunta siya sa office nina Sofi, manliligaw na pala yun.

Di namin inaakalang seryoso pala siya pagdating kay Sofi.

Inamin niya sa amin na mahirap siyang kumbinsihin, pero mabuti nalang at nagbukas ng soft side si Sofi sa kanya.

Sabi nga niya, mahirap daw siyang pakiligin. Medyo nahirapan nga daw siya. Pero parang tinaman talaga kay Sofia kaya pursigido talaga siya.

Worth it naman ang lahat kasi matapos lahat ng yun, sinagot na di siya ni Sofia.

Dalawang palaging magkaaway, naging official?

Kami naman ni Elisse, nagcelebrate ng 3rd monthsary last Friday. 3 months na pala kami. 3 months and counting. And salamat naman at walang negative vibes na nag-iinterupt sa mga buhay namin ngayon.

Yung wedding preparations ay ongoing parin. Mas uunahin munang paghandaan yung pagiging CEO ni Elisse next year.

Papunta ako ngayon sa Starbucks para bumili ng paborito naming frappe. Balak kong pumunta Starbucks ngayon at bisitahin siya.

Sumakay ako ng kotse at pumunta na sa Starbucks.

Pagkarating ko doon ay agad akong umorder ng dalawang frappe para samin. Sinigurado ko na ding madaliin kasi alam kong madalas gutumin si Elisse. At, ayaw nun maghintay.

Pagkalabas ko ay may nakasalubong akong familiar na taong naka hoodie. Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa kanya na akala mo kung sinong may balak. Tumingin din siya sa akin.

Jerome Ponce. What the heck is he doing here?

Malamang McCoy bibili din sa Starbucks. Hindi mo naman alam kung anong plano niya sa buhay diba? Kung gusto niyang pumunta dito pupunta siya. Ikaw may ari? Ikaw may ari?

Tumingin din siya sa akin at agad ngumiti.

Close tayo?

"Oh hey! It's Elisse's boyfriend!!!" sabi niya. May topak yata to.

Tumingin lang ako sa kanya na weirdong weirdo.

"It's ok. I don't bite." sabi niya. I don't bite daw. Matapos sa ginawa niya kay Elisse noon at yung sa cafe? I don't bite? Aso ka? Aso?

"Excuse me. Aalis na ako." sabi ko. Pano naman ako makakaalis kasi nakaharang siya sa pinto.

Naalala ko yung bilin ni Elisse sa akin nung nagmeet ulit sila sa cafe.

Wag kong papatulan. Wag na kong makikipag-usap. Pabayaan ko nalang. Bye.

"Mag-usap muna tayo ano kaba. Chill, chill lang muna." sabi niya pi-nat ang likod ko.

Feeling close ang mokong. Ahay.

"Sorry pero aalis na ako. May kailangan pa akong puntahan." sabi ko at pilit na lalabas na sana pero hinaharang niya talaga.

"Para kanino ba yan? Kay Elisse?" tanong niya at tinuro ang bitbit kong paperbag na may lamang dalawang frappe.

"It's none of your business. Kailangan ko ng umalis." sabi ko sa kanya. Kairita na eh.

"Hindi siya mahilig sa frappe Bro. Alam ko yung paborito niya eh an-"

"Alam ko kung ano yung paborito niya. At hindi mo na rin alam kung ano yung mga gusto niya ngayon." pagpuputol ko sa sinabi niya. Mabuti nalang at tumahimik din.

"Easy ka lang. Grabe naman to." sabi niya at tumawa.

Yes, may sayad nga.

"Excuse me Jerome but I really have to go." sabi ko. Trying to sound na hindi nagmamakaawa. Naiinis na ko eh. Kagigil tong taong to.

"Ok let me tell you. Hindi kayo magtatagal." sabi niya dahilan para tumingin ako ng masama sa kanya.

Manghuhula na ang trip niya ngayon? Nasobrahan ba sa advance ng pag-iisip?

"Pano mo naman na sabi yan?" inis na tanong ko.

"Kasi nandito na ako." sabi niya at turo sa sarili niya. May pa smirk pa.

Proud na proud siya bes. Grabe.

"Ano ngayon kung nandiyan ka?" inis ulit na tanong ko sa kanya.

"Don't you ever heard of 'First love never dies.'?"

Yan lang yung pagbabasehan mo?

"Kung ano man ang nangyari noon. Noon pa yun. Don't you ever heard of 'Past is past.'?" nakasmirk na pabalik ko sa kanya. Alam kong nalamangan ko eh.

"Maghanda ka McCoy. I'll try to win Elisse back." sabi niya.

At sa tingin mo ba papayag ako?

Maghanap ka ng sarili mong prinsesa! Wag kang manguha ng may may-ari na! Shortcut lang?

"Sabi mo try. Well then, let me see you try." sabi ko at nagsmirk sa kanya.

Wanna play it this game? Fine.

Sorry for breaking my promise Elisse. Di ko na matiis na di patulan eh. Ginigigil na niya ako.

"Malakas ang power mo ngayon since present ka. Kahit sa past na ako, kaya ko paring lamangan ka sa paningin ni Elisse." sabi niya at nagpamewang.

Oh model ka na ngayon? Ano ba ang gulo mo!

"I don't freakin care. Now, excuse me dahil pupuntahan ko ang prinsesa ko." sabi ko at ngayon, tinulak ko na siya ng konti para umalis siya sa daanan.

Inis akong sumakay ng sasakyan. Gigil na gigil na ako sa kanya. Grabe ang topak nung lalaking yun.

Imagine ah, na sa kanya na si Elisse 4 years ago. Siya naman tong may kasalan! Ipagpapalit lang niya si Elisse ng ganun ganun nalang?! Tapos ngayo ano, masaya na kami, guguluhin naman niya? Wala ba siyang buhay? Pakielamero eh. May buhay naman siguro yun, yun yung pakialaman biya. Hindi yung maninira ng buhay ng may buhay!

Wala ka kasi lablayp. Pwe!

Maghanda ka McCoy. I'll try to win Elisse back.

"Win Elisse back mo mukha mo!" sigaw ko sa loob ng kotse. Kagigil nga talaga.

Pinaandar ko ang kotse at nagdrive papunta sa Joson Industries.

Time Skip

Pagkapasok ko palang sa office ni Elisse, nakita ko siyang nakaupo sa swivel chari niya. Seryoso ang mukha at binabasa ang mga documents na nakalagay sa isang folder.

Nakita niya ako kaya agad siyang ngumit at tumayo papunta sa akin.

Gigil level decreased to 0%.

Yinakap niya ako ng madali at agad kinuha ang paperbag sa kamay ko.

Mas mahal niya ang pagkain kaysa sa akin.

Agad siyang sumalampak sa sofa niya kinuha ang isang frappe. Pinag-fiestahan na niya yun.

Tiningnan ko lang siya. Patuliy parin na tunatakbo sa isip yung mga pinagsasabi ni Jerone kanina.

Ano kaya yung plano nun?

Basta isa lang ang sigurado ako.

Hinding hindi ko hahayaang mapunta sa kanya si Elisse.

Ang akin, akin lang.

Hindi ako magpapatalo sayo, Jerome Ponce.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon