031

276 14 5
                                    

Elisse's POV

"You can finally see him now." sabi ng Doktor kaya napatayo ako at ganun din sina Sofi.

"Mauna ka na muna." sabi ni Sofia. I flash her a smile.

Pinaikot ko ang doorknob. Malakas parin ang tibok ng puso hanggang ngayon.

Binuksan ko pinto at bumungan sa akin si McCoy.

May tubo na naka-attach sa bibig niya. May malaking bandage sa ulo. Mostly tubes everywhere, kung saan saan nakalagay.

Ngumiti ako sabay patak ng isang luha. Lumapit ako sa kanya.

Nilagay ko ang isang kamay ko sa pisngi niya. Patuloy ang pagpatak ng mga luha.

"Uy Mokya." sabi ko. Hoping to hear an answer from him. Kahit marinig niya lang.

Kinuha ko ang upuan na nasa gilid ng hospital bed at umupo doon.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya at kinuha ang kamay niya. Hinawakan ko lang iyon.

"Yan kasi. Ang tanga tanga mo." sabi ko at bumuhos pa ulit ang mga luha.

"Gumising ka na. Nagugutom na ako." sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

"Nakakabwiset to."

"Ginigigil mo ako. Kakainis ka." sabi ko. Secretly hoping for him to wake up and hug me again.

Bumukas ang pinto at bumungad si Mommy at Tita Sheila. Both shocked and scared at the same time. But I'm pretty sure naexplain na nina Sofi sa kanila yung sinabi ng doktor.

Nagbeso ako kay Tita at Mommy at lumabas na muna ng kwarto.

Paglabas ko, sinalubong agad ako ni Ryle at Nikko.

"Lisse. Kailangan nating pumunta sa police station." sabi nila. Hinawakan ni Yassi ang kamay ko at tumango ako.

Lahat kami sumama papuntang police station, except for Mommy and Tita.

"May cctv sa labas ng mall na pinuntahan niya." sabi ng isang police officer. At may binuksang isang file mula sa computer. Kli-nick niya ito at lumabas ang cctv footage.

"May lalaking sumilip sa ilalim ng kotse niya." sabi niya. Tinitigan kong maigi yung footage.

May isang lalaking naka hoodie at mask. Bumaba mula sa isang sasakyan at mukhang may ginawa yata sa kotse ni McCoy dahil pumunta siya sa ilalim nito. Then, bumalik ukit sa sasakyan niya na parang walang nangyari.

Pero teka, yung sasakyan nayun. Parang familiar.

Napansin siguro nila na nakunot ang noo ko sa confusion.

"Lisse, ok ka lang?" tanong ni Michelle.

"That car... It seems.. Familiar."sabi ko at mas tinuon ang atensiyon ko sa footage na yun.

"Base sa pag examine namin sa kotse, putol yung chord ng preno. That's why naaksidente siya. Malaki ang pruweba na ang lalaking yan ang pumutol sa chord." sabi ng pulis.

Yung plate number..

Now I know!

"Jerome.."

"Lisse?"

"Si Jerome yan." pagkakaklaro ko.

"Any proofs Miss Joson?" tanong ng pulis sa akin.

"The plate number." sabi ko. Nakatitig parin sa screen.

"It's not enough. Pero sige, subukan natin." sabi niya at kumuha ng papel at nilista ang pangalan ni Jerome. Then after that, binigay niya sa akin yun.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon