016

325 15 2
                                    


McCoy's POV

Gamit. Check.

Nakabihis na ko. Handa na lahat para sa 1 week nabakasyong to. After this balik trabaho ulit.

Dun kami magkikita sa bahay nina Elisse. Kaya pahatid nalang ako kay Papa. Para maiuwi niya yung sasakyan.

Binaba ko na yung gamit ko at nagpaalam muna kina Mama.

"Ingat ka dun ha. Enjoy lang. Message mo ko araw araw. Wag magpasaway." bilin ni Mama habang karga ang bunso namin.

"Opo ma. Mabait ako eh." pangiti kong sabi sa kanya.

"Behave ka ha. Bantayan mo si bunso." sabi ko kay Marcus at tumango naman siya.

"Nang alis na po ako." paalam ko kay Nanang.

"Mag-iingat ka dun ha. Tsaka pasalubong nalang din." Nanang talaga oh.

"Sige na. Nandun na ang Papa mo sa kotse."

Umalis na nga kami ni Papa. At dumating na din sa bahay nina Elisse.

Nandun na sina Yassi kumpleto na yung girls. Pati na din yung Hashtags.

So ako nalang talaga yung kulang?

"Hays salamat naman at makakaalis na din." sabi ni Michelle.

"Sorna." sagot ko sa kanya.

Nakita ko si Elisse na nagsisenyas na pinapapasok muna ako sa loob. Kaya ayun sumunod ako.

"Wait lang guys ah."

Pagpasok ko nandun si Tita Barbie.

"Ma, andito na si McCoy." sabi ni Elisse.

"Bakit po Tita?" tanong ko naman. Bay malay ko pa. Ipapakulong niya pa ako or ipapatokhang?

"Alagaan mo si Elisse ha. May tiwala ako sayo alam mo yan. At makakatulong na din to. Atleast doon mas magiging close kayo. Basta iingatan mo si Elisse ha." sabi ni Tita B.

"Syempre po. Ayos po yan." sabi ko kay Tita Barbie at tumingin kay Elisse na nakatingin sa baba, mapula ang pisnge.

Blush on ba yun o nagbu-blush siya?

"Sige ingat kayo."

Lumabas kami ni Elisse at sinundo kami ng isang van. Pinasok namin lahat ng gamit namin at pumwesto na.

Mahaba haba pa to.

Major Time Skip

Bumaba na kami ng van dahil nandito na kami sa rest house.

Grabe ang ganda dito. Yung beach. Yung rest house malapit lang din sa beach. Yes! Excitinggggg.

Pumasok na kami sa rest house at naka assign yung kanya kanyang kwarto. Sabi ni Elisse si Tita B pa daw ang nag assign ng mga roomates para daw sure.

At magkaroom kami.

Expected na yun eh.

Si Sofia, Michelle, at Yassi iisa ang room. At tig tatlo tatlo din sa Hashtags.

Nagsettle na muna kami sa kanya kanyang room namin. Pahinga muna ng konti.

Pagpasok ko sa room,

Nako lagot.

Iisa lang ang higaan.

Walang kahit maliit na couch.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon