Epilogue

586 20 8
                                    


Months later

Elisse's POV

"Ok ok, dun to sa kabilang side." sabi ko at tinuro sa bintana malapit sa pinto. Sinunod naman ni Zeus at ikinabit ang isang balloon doon.

"Mich, dun naman to sa kabila." sabi ko ulit at ibinigay kay Mich ang mga balloons na ikakabit pa.

Why balloons nga pala?

Well, birthday ni Mokya ngayon!

Nasa office siya ngayon kasama si Tita, matapos ang kasal ay grabe ang inangat ng kompanya nila kaya doble effort din sila.

Dito kami ngayon sa bahay namin ni McCoy na malapit lang sa bahay namin ni Mommy. Dinedecorate lang namin ng konti. Uuwi na yun maya maya.

Halong kulay ng blue at yellow ang living room. Salamat sa tulong ng tropa, napagaan-gaan naman ng konti ang mga gagawin.

"Punta muna akong kusina guys." sabi ko. Pumunta akong kusina para kumuha ng juice, tig isa sa aming lahat. Alam kong pagod na sila, pero mas napagod na ako. May binibitbit ba naman tapos nagtatrabaho pa.

Hihi.

Bumalik ako sa sala at nakitang ayos na ang lahat. Si McCoy nalang ang kulang.

Nakahilata sila sa sofa. Halatang pagod, naka on ang tv. Agad naman silang tumayo ng makita nila ako at kumuha ng juice.

"Hindi na ako tutulong ulit sayo, ever." sabi ni Nikko. Napatawa nalang ako sa kanya at umupo din sa tabi ni Sofia.

Matapos ang mga kwentuhan ay tinulungan ako ni Yassi na mag-ayos at magligpit ng pinagkainan namin.

Dumating na si Mommy sa bahay, sumunod ang Daddy ni McCoy pati mga kapatid niya.

Humanda kami sa sarili naming pwesto para sa pagbukas ng pinto.

Bumukas ang pinto at pumasok si Tita Sheila, then sinundan ni McCoy.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Sabay hagis ng sari-saring kulay ng confetti. Napangiti lang siya at inikot ang tingin sa buong paligid.

"Wow grabe effort. Salamat sa surprise." sabi ni McCoy na nakatanggap ng kaliwa't kanang birthday greetings.

Nakita niya ako kaya lumapit siya sa akin. He peck my lips at yinakap ko siya.

"Happy Birthday Mokya."

Hinigpitan niya ang yakap dahilan para lumayo agad ako sa kanya. Napatawa lang ako.

Umupo kami sa sofa at binigay sa kanya ang kanya kanya nilang regalo. Syempre ako yung huli.

Kinuha ko ang maliit na box sa mesa at binigay sa kanya. Maliit lang talaga. Mga dalawang box ng posporo ang laki.

"Ano to?" tanong niya. I smiled innocently at him.

Pinunit niya ang wrapper at may isang box pa sa loob. Binuksan niya ang takip. Halos malaglag na ang mata niya ng makita ang regalo ko.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon