037

389 19 0
                                    

Elisse's POV

Weeks later

"Elisse, kalma lang. Di ka pa mamamatay." sabi ni Sofia at nagfocus sa paglagay ng eyeshadow sa mata ko.

Pano ba naman eh nanginginig ako. Halos buong katawan sa sobrang kaba.

Eto na. Dumating na ang araw na hinihintay ko.

It's the day.

Napapansin na siguro ni Sofia na masyado akong nagpapawis at nanginginig. Siya nag-aayos sa mukha ko. Nahihirapan na siya ng konti kasi galaw na ako ng galaw.

"Lisse ano ba. Kalma lang." pagsusuway niya.

"Hindi ako mapakali Sofiiii. Kinakabahan ako." sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Binitawan niya ang mga tools na hawak niya at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi parin ako makapaniwalang ikakasal na ang bestfriend ko." sabi niya. Nakikita ko na unti unti ng lumuluha ang mata niya.

"Pero nandito ka na ngayon. Diba nga sabi mo, alam mo na ang mga haharapin mo once na um-oo ka?" sabi niya. Tumango ako.

"Well face it. Kahit anong mangyari nandito lang kami. Ako. Para sumuporta sayo." sabi niya. This time, lumuluha na siya. Ngumiti lang ako at pinigilan ang mga luha. Baka masira pa make up ko, pagalitan niya pa ako.

"Kaya kalma ka lang. Dahil si McCoy ang pakakasalan mo, hindi ibang tao. Okkk back to work." sabi niya at pinunasan ang mga luha niya at napatawa ng mahina. Bumalik siya sa maayos na pagkaupo at patuloy sa pag-ayos ng itsura ko.

Matapos ang ilang minuto ay pinaharap na ako ni Sofia sa salamin.

Wow, mukha akong tao.

Simple lang ang pagkagawa niya. Parang natural lang kung tingnan.

"Bihis ka na. Aayusin pa yang buhok mo." sabi ni Michelle na nandito din sa loob ng kwarto. Naligo kasi sila nina Yassi kanina.

Nagtataka nga ako kung bakit ang aga aga palang ay inaayusan na nila ako. The wedding starts at 3 at 12:30 palang ngayon.

"Ano guys mas excited pa kayo saakin ganun? Ang tagal pa ng oras ah." sabi ko. They rolled ther eyes at me.

"Kayo na kaya muna mag-ayos." sabi ko sa kanila. Agad silang nagtatakbo sa mga vanity at inayusan ang mga sarili. Tsk. Tatlo talagang to.

Umupo muna ako sa sofa. Hindi pa naman ayos ang buhok ko. Itsura palang. Pero mukha na akong tao kaya ayos na yun.

Tiningnan ko silang tatlo habang seryosong inaayusan ang mga sarili nila. Napatawa ako ng mahina nung nag-agawan sila sa foundation.

Nangyayari na talaga. Wala ng atrasan. I'm a few steps away. Malapit na.

Hindi ko alam ang magiging kinalabasan nito. Basta ang importante sa akin, ang makasama siya. I sound so cheesy, but it's true.

Parang gusto kong maluha pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka magalit si Sofi lagot na..

I'm good hands, kaya wala dapat akong ipag-alala.

Okieee, ligtas ako.

Kamusta na kaya si McCoy? Matagal-tagal na bago ko siya huling nakita ah. Kasi nga daw, bad luck na makita ang bride bago siya maglakad papuntang altar.

Tumingin ulit ako sa kanilang busy parin sa pag-aayos. I leaned on the couch and close my eyes. Siguro mabuting makatulog muna.

McCoy's POV

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon