011

430 21 4
                                    

McCoy's POV

Lumipas na din ang ilang araw at patuloy parin yung mga galaan namin ni Elisse. Kahapon nga lang sinama namin yung tropa namin para makilala ang bawat isa.

Hindi nga lang friendship kundi gera.

Pero parang biruan lang naman yung mga yun. Alam naman namin ni Elisse na nagkakasundo sila.

Ngayon nasa bahay ako nanunood ng movie. Horror uli.

Umiinom ako ng juice at binabalik uli ang mata ko sa movie.

Nabored uli ako.

Napaisip tuloy ako. Bukas balik na uli ako sa trabaho. Why not, mag-ikot-ikot muna?

Well, yah sige. Gala uli.

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Nagpaalam ako kay Nanang since nandito na siya. Dumating siya nung nakaraang araw.

"Nang, alis muna ako. Madali lang"

"Ingat toto."

Kinuha ko muna yung susi ng kotse at lumabas na. Naglagay ako ng seat belt at pinaandar na yung kotse.

Babalik ako sa lugar kung saan ako unang nasaktan.

Time Skip

Sapphire University. It's been years.

Pwede naman siguro mag tresspass?

Linggo ngayon. At walang estudyante sa school. Pero nakita ko na may guard sa gate kaya nilapitan ko ito.

"May kailangan po ba sila?" tanong ni Kuya saakin.

"Former student po ako dito. Gusto lang sana bumisita." sagot ko naman kay Kuya. Mukhan mabait naman.

"Ah sige po. Tuloy po kayo." sabi niya at binuksan ang gate. Haysss.

Tumango nalang ako at ngumiti. Isang simpleng sign ng 'thank you'.

Naglakad ako sa pathway tapos sa gilid nito may maliit na garden habang tumitingin-tingin sa mga gusali ng school.

Ang sarap pala bumalik dito.

Nag-ikot-ikot pa ako. Sa field, sa mga rooms. Hanggang sa napadpad ako sa isang malaking puno. Na hanggang ngayon matibay pa din.

Huminga ako ng malalim at umupo sa ilalim ng puno. Hanggang sa bumalik lahat ng alala ko sa lugar na to.

Flashback

Highschool days are the best sabi ng iilan. Para sa akin totoo. Dito yung mga araw na masaya ka talaga. Kasama yung mga kaklase at kaibigan mo. Sa panahong din ito, magmamahal ka. Masasaktan ka din.

Pumasok na sa isip ko ang isang babaeng hindi ko makakalimutan.

Si Maris Racal. My first girlfriend.

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥

"Aray! Ang kulit mo kasi. Ayan tuloy." sabi niya at tumingin sa akin na nakalabas ang babang labi. Partners kasi kami sa isang school project at kailangan gumawa ng libro. Bestfriends kami. At habang naggugupit siya nga mga ipangde-design sa libro, kinukulit ko siya kaya ayun, nahagip ng gunting yung daliri niya.

The Arranged Marriage | McLisseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon