The Ugly Nerd of Section 3 (...

By venayarihn

1.3M 44.1K 7.1K

STORY DESCRIPTION: San ka nakakita ng babaeng panget na nga, ay malakas pa ang loob makipagsagutan sa iba? Wa... More

PROLOGUE
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Beastmode
Chapter 3: The Bullies
Chapter 4: The Fight
Chapter 5: Jealous
Chapter 6: Responsibility
Chapter 7:Jealous Again
Chapter 8: Trouble
Chapter 9: Gonna Transfer
Chapter 10: Student-Teacher
Author's Note
Chapter 11: Ynari
Chapter 13: Unique Lotus Flower
Chapter 14: Disappointed
Chapter 15: 'Panliligaw Kuno'
Chapter 16: Bad Vibes
Chapter 17: Faking It
Chapter 18: Nerd with Inarah
Chapter 19: Hurt
Chapter 20: Swording with Nadz
Chapter 21: Draft Examination
Chapter 22: The Result
Chapter 23: The Deal
Chapter 24: Mathematics
Chapter 25: Confession
Chapter 26: Their Moment
Chapter 27: In a Relationship
Chapter 28: The Retake
Chapter 29: Revealed to Friends
Chapter 30: Celebration
Chapter 31: The Rules
Chapter 32: Girls' Night Out
Chapter 33: Aftermath of the Night
Chapter 34: Internship
Chapter 35: Internship Part 2
Chapter 36: Internship Certificate
Chapter 37: Sana
Chapter 38: Before the Examination
Chapter 39: After Examination
Chapter 40: One is Jailed, One is Threaten
Chapter 41: Graduation
Chapter 42: After Six Years
Chapter 43: Hours Before the Wedding
Chapter 44: Story Behind Part 1
Chapter 45: Story Behind Part 2
Chapter 46: Minutes Before the Wedding
Chapter 47: The Wedding
Chapter 48: The Reunion
Chapter 49: Finale
AUTHOR'S NOTE:

Chapter 12: Suitor

26.2K 920 118
By venayarihn



ALONA'S POV

Kamusta naman yung community service namin kahapon?

Ayun ang mga loko-loko patamad-tamad kase napagod daw sila sa klase kahapon gayong di naman sila mga nakinig.

Nakakaloko lang di ba.

Panget na nga ako literally mas papanget pa ata dahil sa frustrations ko sa kanila. Grrr.

Pero in fairness nabawasan ang pagiging cussing machine ko ngayon. Wala pang away ulit eh.

Saka walang masyadong nanlalait dahil sawa na ata sa nakikita nilang itsura ko. Naimmune na siguro.

Ngayon malapit nang maghapon at nakakapagod nga palang magmasipag.

Literal kase kaming nagwawalis ng daan at kanal ng Marauyon St. na to na ikalawang baranggay mula sa school namin.

Bukas naman feeding ang aming aasikasuhin.

God. Need help.

Hindi carry ng powers kong maghapong iharap ang mukha ko bukas sa mga bata. Baka matakot pa saken at hindi kainin ang aming ibibigay na pagkain.

Maturuan na rin ng pagiging generous ang limang kurimaw na kasama ko ngayon na kasalukuyang nagpapahinga.

Makailang minuto pa ang lumipas nagstart na ulit kami at nagtyatyagang tapusin ang ginagawa dahil malalagot rin talaga kami sa nakatataas pag walang nakitang result. May documentation echos pa kaseng ipinapagawa sa amin eh.

Arte.

Umayaw na rin kami pare-parehas at 5 pm dahil nakakapagod naman talaga.

"Ui nerd, himalang naging tahimik ka ata buong araw. Wala akong narinig na pagsermon mo eh. Hahaha!",asar saken ni Kimpee na sinang-ayunan naman ng apat.

"Nah. Iniisip ko lang kaseng mababawasan ang ganda ko pag nagalit ako ngayon",pabalewalang sagot ko na tinawanan lalo nilang lima.

"Tang-ina laughtrip ka nerd. Hahaha!",komento ni Rolando na namumula na katatawa kanina pa.

De sa totoo lang, depende rin naman sa mga kaharap ko ang ugali ko.

Alangan namang magmura ako dito eh wala namang gumagawa ng mali, di ba?

Muntanga naman ako nun.

"Oh sya, uwi na tayo at may bukas pa",huling sabi ko at nagpaalaman na kaming anim.

Dala ko ang motorbike ko dahil ayokong magcommute ng napawisan ako. Aba ako lang ang pangit na maarte kahit hindi kagandahan ah.

At least mabango. Oha.

3rd Day of Community Service..

Nakailang tawag rin ako sa mga barkada ko para iconfirmed ang lahat ng gagamitin mamaya sa feeding program namin.

Si Edzon kahapon ang inutusan kong makipag-coordinate sa baranggay na tipunin ang mga batang nasa edad na 15 pababa sa hall nila dahil may pafeeding nga kami.

Syempre hugot bulsa.

Parusa nga namin to di ba.

Pero di bale, barya lang naman ang mga gagastusin para sa mga kasama ko dahil mga RK.

Makailang minuto matapos ang huli kong tawag nagring ang phone ko.

Nadz Calling...

"Asan na kayo?",bungad ko dahilan para magreklamo ang nasa kabila.

"Hello to you too! Duh, gandang bungad ah. Kami na nga pina-absent mo, kaygandang pagbati",reklamo nito kaya naparoll eyes ako.

Daming sabi.

"Bilisan nyo, naiinip na ko. Kayo rin mag-aasikaso nyan",utos ko pa at binaba na ang tawag.

Sinesenyasan kase ako ni Hoturni lumapit.

Nasa backseat sya ng kotse habang ako'y prenteng nakasandal lang kanina sa poste.

Masasakit pa kase katawan ko dahil sa kasipagan kahapon kaya ayokong gumalaw.

Kunwari ako na lang ang nagdodocumentation na iuutos ko lang naman mamaya kay Alyssa.

Di pa ko nakakalapit kay Hoturni nang makarinig ako ng sigaw mula sa likuran ko.

"Zandy honeybunch! Kyaaaah!",boses ni Alyssa at naramdaman ko na lang ang pagyakap nya mula sa likod ko.

Ngunit ganun na lang ang takot nya nung humarap ako sa direksyon nya.

"AYY ANG PANGET! Sorry kala ko yung friend namin!",paumanhin nito at nagmamadaling umalis sa pagkakayakap saken at pumunta sa gilid ni Dianne na nanlalaki din ang mata.

Habang ayun si Nadz nasa isang gilid na hindi magkaintindihan sa pagpaypay sa sarili dahil mapula na sa katatawa.

Letse.

"Whoa! Mga chics! Pakilala mo naman ako nerd oh",biglang singit ni Hoturni kaya sa kanya napunta yung masama kong tingin na nakay Nadz kanina.

"Kuya, kilala mo sya?",inosenteng turo saken ni Alyssa na nakakapit pa rin kay Dianne.

Wala kase silang ideya sa kung anong itsura ang idini-disguise ko kaya ganyan makareact si Alyssa. Takot pa mandin sa mumu.

"Mga baliw, mamaya kayo dyan kay Zandy, humanda na kayo. Hala gora na dun sa main hall at mag-e-evolve na mamaya yang panget na sinasabihan nyo. Hahaha",sabi ni Nadz at pakibit-balikat na pumunta sa backseat ng kotse para ilabas ang mga ihahanda.

Isang kotse at dalawang van ang dala nila at paniguradong sobra pa sa mga aattend mamamaya ang magiging handa.

"Kayong dalawa, pumunta na kayo dun at i-facilitate nyo ang program. Mamaya kayo saken. Naiintindihan nyo?",madiing sabi ko at pinandilatan pa ng mata ang dalawa na napatakip pa sa bibig nang marealize sigurong ako ang kaharap.

Ayun nagtatakbo tuloy at hinila si Hoturni paalis.

Sinsenyasan naman ni Nadz ang ilan sa tauhan nila na buhatin ang mga pagkaing nasa kabilang sasakyan.

Yes, may mga back up. Daming paechos eh. Di kakayanin ng powers.

"Happy? Sayang-saya ka eh noh",nakairap kong komento kay Nadz na natatawa pa rin hanggang ngayon. "Wag ka ngang tumawa! Tae, ipapakain ko sayo yang mga dala nyo pag di ka tumigil dyan",banta ko at dumampot ng isang saging na nakalabas sa kinukuha nya.

"Oo na! Suko na! Haha",anito at itinaas pa ang mga kamay na parang sumusuko. "Sorry can't help it. Hahaha! Ang panget mo kase! Letse! San galing na planeta ang mukhang yan kase?"

"Gaga! Ikaw may idea nito tas ngayon tatawanan mo"

"Di ko naman kase akalaing ganan ka kapanget. Hahaha. Hayp! Buti na lang pala nagmake moves na akong iligaw ka dun sa crush mo dahil sa mukhang yan ay talagang wala kang mapapasagot eh!",sabi nito at nagsimula nang maglakad.

Pero ako'y tila naghang sa sinabi nya.

"Teka! Ano yung isa mong sinabi?"

"Sa mukhang yan ay talagang wala kang mapapasagot?",patanong rin nyang sagot na nilingon lang ako ng bahagya.

"Hindi yun! Shit! Yung isa pa!"

"Alin ba dun? Ang dami kong sinabi kaya! Halika na at kailangan na tayo dun!",pabalewalang sabi nito na halata mong pinaeexcite lang ako sa gusto kong malaman.

"Isa Nadine Montello! Pag di mo inulit sinabi mo ipa-flat ko yung tires mo!",gigil kong banta dahilan para mapaharap ito saken na may nanlalaking mga mata.

"Not my Lhamborgini please! Uulitin ko na!",pagsuko nito at inirapan pa muna ko.

"Bilis! Ulitin mo sa umpisa!"

"Oo eto na! Di ko naman kase akalaing ganan ka kapanget. Hayp! Buti na lang pala nagmake moves na akong iligaw ka dun sa crush mo dahil sa mukhang yan ay talagang wala kang mapapasagot eh!",sigaw nyang pag-ulit na nagpamaang saken.

"Crush? Si Yna?",muntangang tanong ko pa kase baka may iba syang tinutukoy.

"Yup. Ynari Aen Asuncion, right? Starting the other yesterday nililigawan mo na sya"

"Why?",tila kinabahan tuloy ako kung ano kayang naging reaksyon nun sa ginawa nitong si Nadz.

"Duh! Pag ikaw pa ang inintay naming gumawa ng moves tatanda ka ng dalaga wala pa rin noh! Maganda ka o panget torpe ka pa rin! Ikaw yung biniyayaan ng magandang mukha na hindi nagagamit para magka-girlfriend kahit isa. Kaya tinutulungan ka na namin. Sya gogora na ko dun at nang makapaghasik na ng kagandahan",anito at nag-flip hair pa bago ako nilayasan.

Shet!

Sana walang katangahang ginawa etong sina Nadz. Talagang pagbubuhul-buholin ko sila.

Aish!

Truthslap po yung sinabi nya.

NBSB at NGSB po ako.

Maraming nagkeclaim na boyfriend at girlfriend ko sila pero the truth is wala pa talaga.

Aanhin ko pa ang official na karelationship kung may nagiging boyfriend o girlfriend naman ako dahil sinasabi nila, di ba.

Saka, di ako marunong manligaw.

*Facepalm*

Magpi-feeding na nga lang muna ko.


Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 168 20
Ezra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study...
34.1K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
60.5K 2.2K 31
Mula sa makabagong panahon patungo sa nakaraan. Ano kaya ang buhay na naghihintay sa isang Delmundo? Abangan.. Book 2 title: Another Journey ...
383K 12.8K 58
Heiress Series #1 Date Started: January 5,2019 Date Finished: May 14,2020 Highest Achieved #21 Fantasy ♥️👏