The Taming Game (Montalban...

By DianeJeremiah

587K 19.5K 4.9K

"Maybe some women aren't meant to be tamed. Maybe they just need to run free til they find someone just as wi... More

Author's Note
Introduction
Prologue
Chapter 1 Lauren
Chapter 2 See You Again
Chapter 3 Where Are You?
Chapter 4 Escaped
Chapter 7 How to Tame the Tigress
Chapter 8 Spy
Chapter 10 Let's Play
Chapter 11 How to Tame the Lioness
Chapter 15 Enticing
Chapter 16 Jaz In Time
Chapter 19 What Now?
Chapter 20 Instantly
Chapter 21 I Do...n't
Chapter 22 Our Own
Chapter 23 As Your Wife
Chapter 25 Hot Summer
Chapter 27 Regardless
Chapter 29 Life and Death
Chapter 31 Hit It
Chapter 32 Refuge

Chapter 13 Stop Making Me Crazy

14.5K 738 151
By DianeJeremiah

"Her heart was wild, but I didn't want to catch it. I wanted to run with it, to set mine free."


JC POV


"Bakamagulat ka paggising mo isang araw, hinahanap-hanap mo na ang mga halik ko..."

Ipinilig ko yung ulo ko pagkaalala ko sa mga sinabi ni Lauren sa akin kahapon ng umaga ng nasa bakuran niya kami.

Nataranta si mama nung makita yung tatlong itim na magagarang kotse sa labas ng bahay na inuupahan ni Lauren kaya agad siyang nagtungo doon, kasama si Macy. Ako naman, out of curiosity, sumunod ako sa kanya. Mas lalo na siyang nag-alala ng makita niya yung tatlong lalaking malalaki ang katawan na nakatayo sa labas ng gate niya.

Yun pala... ang mama niya yung dumating. Noon ko lang siya nakita ng personal, and I must say... kulang yung salitang maganda para i-describe siya.

"... yung mga haplos ko sayo..."

Stop! Sigaw ng isipan ko.

Sinubukan kong inabala yung sarili ko sa pagsasalansan ng mga paninda namin dito sa bakeshop. Maluluka yata ako ng wala sa oras kapag hinayaan kong kontrolin ng mga sinabi ni Lauren sa akin yung utak ko.

"... yung pagkakadikit ng mainit na balat ko sa balat mo."

"Enough!" Malakas na sigaw ko.

Bigla tuloy natahimik lahat ng kasamahan namin dito kasama si mommy, pati nga yung papasok pa lang sanang customer, natigilan na sa may bukas na pintuan.

"Anak, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

"I-I'm..." I clear my throat. "I'm fine mommy." Lihim kong pinapagalitan yung sarili ko. "M-may iniisip lang po ako."

Mataman niya akong pinakatitigan. "Are you sure?" Lumapit siya sa akin at sinalat yung noo ko at tsaka yung leeg ko.

"Mommy, wala po akong sakit." Marahan kong tinanggal yung kamay niya sa leeg ko.

"Chine-check ko lang anak, baka kako may sakit ka dahil bigla ka na lang napapasigaw diyan." Nag-aalalang saad niya.

Napabuga ako ng hangin. "Okay, maybe I'm not in a good shape for work today, mom." Matamlay na sabi ko.

"It's alright." Hinagod niya yung likod ko. "Sige na, umuwi ka na lang muna." Nakakaunawang sabi niya. "Take my car."

Tumango lang ako sa kanya. Pumasok ako sa loob ng mini office namin ni mommy para kunin yung bag ko at yung susi ng kotse. Matamlay na nagpaalam ako sa kanya bago lumabas ng bakeshop.

Kasalanan 'to lahat ng Lauren na yun eh! Kung hindi naman kasi siya... hmp! Mababalatan ko talaga siya ng buhay. Ngitngit ko habang nagmamaneho na pauwi ng bahay.

Pero mukhang pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Nadatnan ko ba naman siya sa bahay! Bwisit talaga ang babaeng 'to!

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko sa kanya. Tumayo talaga ako sa harapan ng screen ng TV habang nakasalampak sila ni Cryler sa sahig at abala sa paglalaro.

"Ate!" Reklamo ni CJ. "Pwede ba umalis ka -"

"Tumahimik ka!" Gigil na sabi ko sa kapatid ko. "Ikaw." Baling ko kay Lauren na abala sa pagpipindot sa play station. Di man lang ako pinapansin ng bruha. "Umuwi ka na!" Sabay turo sa bukas na main door namin.

"Yes!" Napasuntok pa sa hanging bigkas niya. "Ano ba yan, panalo ako? Libre mo 'ko ng pizza mamya ha?" Ngiting-ngiting sabi pa niya kay CJ at pabiro pa itong sinuntok sa braso.

"Si ate kasi!" Napapakamot sa ulong reklamo ni CJ.

"Ah basta natalo ka..."

"Damn it!" Sa sobrang inis ko dahil binabalewala niya yung pagtataray ko sa kanya, hinugot ko yung saksakan nung TV sabay walk out.

"Ano bang problema mo?" Noon lang ako pinansin ni Lauren.

Hindi ko siya pinansin at inis na inis na nagtungo ako sa likod ng bahay. Tumayo ako sa gilid ng swimming pool at napapikit na ilang ulit akong huminga ng malalim.

"Ano bang problema mo?"

Mabilis akong nagmulat ng mga mata ng marinig ko yung boses ni Lauren. Sinundan pala niya ako. At ngayon nga, nakatayo na siya sa tabi ko.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin?" Napahalukipkip na kompronta niya.

Tiningnan ko siya ng masama. "Talaga, Lauren? Hindi mo alam?" Saad ko. "O nagmamaang-maangan ka lang?"

Hindi siya agad nakakibo. Nagkibit balikat siya kapagkuwan. "Whatever. I don't care anyway."

Muli akong napapikit para kalmahin yung inis ko. "Pwede bang umuwi ka na?"

"Ayoko nga!" Mabilis na sagot niya na ikinamulat ng aking mga mata. "Si CJ nag-imbita sa akin dito. At bakit ka ba kasi umuwi?"

"Malay ko ba kasi na nandito ka pala? At isa pa, masama ang pakiramdam ko -" Natigilan ako ng may mapagtanto. "Saglit nga, bakit ba ako nag-eexplain sayo?"

"Aba malay ko sayo!" Pilosopong sagot niya.

Naningkit yung mga mata ko. Walang sabi-sabing itinulak ko siya sa pool. Natalsikan pa ako ng tubig sa lakas ng impact ng pagkakabagsak niya.

"Yan ang nababagay sayo!" Inis na sabi ko.

Kumampay-kampay siya at napapahilamos sa mukha. "Bakit mo ginawa yun?!" Malakas na tanong niya.

Tinawanan ko lang siya saka binelatan. "Buti nga sayo." Tuya ko pa bago tumalikod.

"Sumusobra ka na ha?!" Sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at nakangising nagpatuloy lang sa paglalakad pabalik sa loob ng bahay. Pero bago pa man ako makapasok, may mahigpit na kamay ng humawak sa braso ko at marahas akong iniharap saka isinandal sa pader.

"Sumusobra ka na." Nanlilisik yung mga mata ni Lauren habang nakadagan sa akin, pinning me against the wall.

"P-pwede ba? Bitawan mo 'ko!" Pagpupumiglas ko.

"I'm going to tell your parents about you, being not a virgin anymore." Banta niya.

Nanlaki yung mga mata ko. "Don't you dare!"

Nanunuyang napangisi siya. "And what are you gonna do to stop me this time?"

Bumangon muli yung inis ko sa kanya kaya nagpumiglas ako. Kung saan-saan na tumama yung kamay ko at paa na sinisipa-sipa siya. Pero sadyang mas malakas siya sa akin.

"Enough!" Sigaw niya.

Natigilan ako bigla. Biglang pumasok sa isip ko yung eksena naming dalawa noon sa may parking lot ng bar na pinuntahan ko that night. Ganito din... nag-aaway kami tapo... tapos...

And then her lips landed hard on mine. Her body's pushing me on the wall. She's kissing me, hard, rough and savagely ravishing my mouth. Damn it, hindi ako makahinga. Parang naipon na yung hangin sa baga ko.

She jerkly shove her tongue inside my mouth which made me moan, involuntarily. Para niyang hinihigop lahat ng lakas ko at pinapalitan niya iyon ng kakaibang init na naglalakbay na sa aking katawan, lalong lalo ng idiniin niya yung hita niya sa may bandang ibaba ng puson ko. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na tinutugon ko na ang bawat atake ng labi niya sa labi ko.

Damn... she's so good at this. She can manipulate my body anytime she wants to. Pati yung utak ko nag-shut down na rin yata. Kaya hindi ko mapigilang hindi mapaungol sa-

"Ehem."

Isang malakas na tikhim ang nagpabalik sa aking katinuan at mabilis na itinulak si Lauren na halatang dismayadong-dismayado.

Napalunok ako ng makita si CJ na nakahalukipkip na nakatayo sa bukas na pintuan at nakatitig lang sa amin.

"Seriously?" Saad niya.

Marahas na nagpakawala ng hininga si Lauren saka napasuklay sa kanyang may kahabaang buhok na nakalugay ng mga sandaling iyon. Bakat na bakat na din ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot na puting t-shirt dahil sa nabasa siya.

Seryoso ang mukhang hinarap niya ako. "We're not done yet." May pagbabantang bigkas niya saka tumalikod at nilagpasan si CJ.

Muli akong napapikit ng mga mata, napayuko at napahawak sa mga tuhod ko na para bang nanghihina. Natigilan lang ako ng mapansing nakatayo pa rin si CJ doon at nakatingin sa akin.

Napadiretso ako ng tayo. "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Pasok sa loob." Pilit na nagtataray na sabi ko.

"You're so dead." Napailing-iling na sabi ni CJ bago pumasok sa loob ng bahay.

Arrrggghhh! Inis na inis na sigaw ko sa loob-loob ko. Ngani-ngani ko ng sabunutan yung sarili ko!

---------------------------------

"Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" Tanong ni mommy sa akin habang kumakain kami ng hapunan.

Saglit pa akong naguluhan sa tanong niya. "O-okay na po ako mommy." Tugon ko na lang saka napayuko at kunwaring itinuon ang atensyon sa kinakain.

"Bakit anak?" Tanong ni mama. "May sakit ka ba?"

"W-wala po ma." Sabay ngiti ng tipid sa kanya.

"Kaninang umaga kasi, bigla na lang siyang napapasigaw sa bakeshop. Kaya akala ko may lagnat." Kwento ni mommy. "Kaya pinauwi ko agad."

Kailangan ba talagang in-detail? Lihim tuloy akong napapangiwi.

"Lagnat?" Nakangisi ng makahulugang bigkas ni CJ. "Si ate nilalagnat?" Pag-uulit pa niya, tiningnan ko siya ng makahulugan. "Ang sabihin niyo po inaapoy siya ng-"

Mabilis kong tinakpan yung bibig niya. Nagtatakang natigilan tuloy sina mama na napatingin sa aming magkapatid.

"Ah eh... ang ibig po niyang sabihin... ano po... mainit kasi kaya siguro parang inaapoy ako ng lagnat kanina." Dahilan ko habang nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig ni CJ.

Pilit niya iyong tinanggal. "Nainitan ka kasi -" Muli ko na namang tinakpan yung bibig niya.

"Ano bang sinasabi ng kapatid mo, ha JC?" Naguguluhang tanong ni mama.

"Ah ang gusto niyang sabihin ano po ma, ano..." Mabilis na nag-isip ng maia-alibi. "Ano po, nasira yung aircon sa kuwarto ko, kaya nainitan po ako kanina." Lihim kong pinandilatan si CJ ng tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya.

Hindi nakakibo agad si mama. "May hindi ba kayo sinasabing dalawa sa amin ng mommy mo?" Saka nagdududang nagpalipat-lipat ng tingin sa aming magkapatid. "CJ." Tawag niya sa kapatid ko ng walang sumasagot sa amin.

"Wala po ma." Sagot ni CJ.

"Sigurado ka?" Paniniguro pa ni mama.

"Opo ma." May tipid na ngiting tugon niya. Napatango-tango si mama. "Pero ma!" Saka may mapaglarong ngiti sa labing napasulyap sa akin si CJ.

"Ano yun?" Cuirous na tanong ni mama.

Subukan mo lang magsalita, puputulin ko dila mo! Tiningnan ko siya ng makahulugan. Napangisi lang sa akin ang loko!

"Tungkol po kay Lauren." Panimula ni CJ na ikinasinghap ko. Ang lakas na ng kabog sa dibdib ko.

"Bakit si Lauren?" Tanong ulit ni mama.

"Uhm..." Kunwari pang nag-alinlangang sambit niya. "Magpapaalam po sana ako sa inyo. Magha-hiking daw po kami ni Lauren next week, pag day off po niya."

Para akong nakahinga ng maluwag pagkatapos. Magkakaroon yata ako ng sakit sa puso pag nagkataong nagsumbong si CJ kina mama.

Napatango-tangong nag-iisip si mama. "Hmm... okay. I trust Lauren." Tugon niya pagkatapos. "Mabuti yata siyang impluwensya sayo anak." Natutuwang dugtong pa ni mama.

"I don't think so." Pabulong na komento ko.

"Ano yun anak?" Baling sa akin ni mama.

"Ah... wala po ma." Saka ngumiti sa kanya ng tipid.

Ngingisi-ngisi lang naman si CJ. Palihim ko naman siyang inirapan. Ni-remind ko yung sarili ko na kausapin siya mamya, pagkatapos naming kumain at kung nasa taas na sina mommy.

At nung makahanap na nga ako ng tiyempo, hinablot ko siya sa braso at dinala sa likod ng bahay, kung saan hindi kami maririnig nina mama.

"Keep your mouth shut, will you?" Mahina ngunit madiing paalala ko sa kanya. "Kung hindi malalagot ako kina mama."

"Bakit ate? Anong meron sa inyo ni Lauren? Hmm?" Nanunukso pa yung mga mata niya.

"Wala!" Mabilis na sagot ko. Sa wala naman talaga eh.

"Eh ano yung nakita ko kanina?" Patuloy niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Wala yun! Namamalikmata ka lang!"

"So hindi totoong naghalikan kayo-" Muli ko na namang tinakpan yung bibig niya gamit yung kamay ko.

"Tumahimik ka, baka marinig ka nila mama." Saka tinanggal din yung kamay ko sa bibig niya. "At tsaka hindi kami naghalikan, siya ang humalik sa akin."

Nanunuksong napaarko ang kanyang kilay. "Parang hindi naman ganun yung nakita ko eh. Narinig ko pa nga yung ungol mo."

"Cryler!" Sita ko sa kanya.

Tawang-tawa siya sa akin. Alam ko, namumula na yung mga pisngi ko ngayon. Sa lahat kasi ng pwedeng makakita, kapatid ko pa!

"Ano bang gusto mo para tumahimik ka?" Tanong ko.

"Hmm..." Napaisip na bigkas niya na nakahawak pa ang hintuturo sa baba. Si mama ang naaalala ko sa gestures niyang yan. "Bigyan mo ako ng ten thousand pesos."

"What?!" Nagulat na bulalas ko. "Ten thousand? No way!"

"Okay, eight thousand pesos." Tawad niya saka itinaas baba pa sa akin yung kilay niya. "Kapalit ng pananahimik ko.

Aba... marunong ng mam-blackmail! "Aanhin mo ba yun?" Tanong ko na lang.

"May bibilhin lang akong sapatos." Sagot niya. "Ano magbibigay ka ba o hindi?"

"O siya siya sige! Basta mangako kang hindi ka magsasabi kina mama tungkol sa nakita at narinig mo kanina." Pagpayag ko.

Muli na naman siyang napaisip. "Kailan mo ibibigay yung pera?" Tanong niya.

"Bukas." Napakunot noong tugon ko.

"Eh di bukas na lang ako mangangako pag nasa akin na yung pera." Saka ako nginisian. "Good night ate. See you tomorrow?" Nang-aasar pang saad niya.

Napameywang ako saka napasimangot. Sigurista din 'tong isang 'to eh. Hmp!




-Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

513K 19.1K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
387K 5.2K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
165K 5.7K 53
The S's #5 Z