My Accidental Fiancee

By im_Amystery

79.2K 1.4K 119

***WATTY'S 2018 SHORTLISTED*** [DE GUZMAN SERIES #3] (Story of Lia's and Eldrick's son from My Best Friend/Bo... More

Author's Note
C01: He's Awake • Tan-Tan
C02: Her Best friend • Tan-Tan
C03: She's Awake • Tan-Tan
C04: She Can't Remember • Tan-Tan
C05: Hospital Talk • Tan-Tan
C06: Hospital Talk • Ren
C07: She's Going • Ren
C08: She's Going • Tan-Tan
C09: Strangers' Starting Point • Tan-Tan
C10: She's Scared of the Dark • Tan-Tan
C11: She's So Clumsy and Slow • Tan-Tan
C12: Ms. And Mr. Popular • Ren
C13: The Promised Date • Tan-Tan
C14: Falling • Tan-Tan
C15: Last Day of Vacation • Tan-Tan
C16: Back to Manila • Tan-Tan
C17: Back to Manila • Ren
C18: Back to School • Tan-Tan
C19: Friends' Revelation • Tan-Tan
C20: He Remembers • Tan-Tan
C21: Wanting Her • Tan-Tan
C22: Her Last Night • Ren
C23: Her Last Night • Tan-Tan
C24: Her Past Came Back • Tan-Tan
C25: Her Past Came Back • Ren
C26: Welcome Party Riot • Tan-Tan
C27: The Last Request • Tan-Tan
C29: Farewell, My Accidental Fiancée • Tan-Tan
C30: Farewell, My Accidental Fiancé • Ren
C31: The Finale • Tan-Tan
Epilogue • Tan-Tan
My Accidental Fiancée Songs
Bonus Chapter - Giving Away The Bride

C28: The Last Request • Ren

918 18 0
By im_Amystery

HINDI ko inasahang dadalawin pa ako ni Tan-Tan bago ako makalabas ng ospital. Kinalimutan na lamang niya dapat ang tungkol sa akin. I don't deserve him.

"Okay ka lang ba, Ren?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Andrea pagkabalik niya matapos niyang ihatid si Tan-Tan palabas.

"Bakit ganoon, Andrea? Kahit anong piliin ko'y may masasaktan at masasaktan pa rin ako."

Agad na tumabi sa'kin si Andrea at pilit akong inaaalo. Subalit lalo lamang lumakas ang paghagulgol ko.

"Nakita ko sa mga mata ni Tan-Tan kung gaano ko siya nasaktan nang pumiglas ako sa yakap niya at pagtabuyan siya. Hindi ko gustong masaktan o malungkot siya, Andrea. Gusto kong sumaya siya pero mas gugulo lang ang lahat kapag sumama ako sa kanya," sambit ko sa pagitan ng aking mga hikbi.

"Shh. Kailangan mong maging matatag. Tahan na, Ren. Maawa ka sa sarili mo. Wala ka ng ibang ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak," umiiyak na sabi niya rin sa'kin habang yakap-yakap ako. "Hindi mo maiiwasang masaktan ang isa sa kanila kasi mamimili ka. Kahit sino ang piliin mo, may maiiwan at maiiwan pa rin — may masasaktan at masasaktan pa rin."

"Pero, Ren... Sigurado ka na ba sa desisyon mong sumama kay Leo? Siya na ba talaga ang mahal mo?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Andrea.

Pinunasan ko ang mga luha ko at napatingin sa singsing na ibinigay sa'kin ni Leo.

"Kailangan niya ako, Andrea. Tulad ko'y nagluluksa rin siya sa pagkamatay ng anak namin. Gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak. Kahit itanggi niya nang maraming beses, alam kong sinisisi niya ang sarili niya. Mahina man ang pagkakasabi niya niyon noong oras na kalalabas ko lang ng E.R. at sobrang nanghihina, rinig na rinig ko kung paano niya sisihin ang sarili niya. Hindi ko siya kayang iwan, Andrea."

Niyakap niya ako nang mahigpit at napahagulgol. "Sorry, Ren. Wala akong magawa para sa'yo."

Tumahan lamang kami nang dumating na si Leo at inaya na akong umuwi. Hindi na siya nagtaka nang sinabi namin ni Andrea na nagdadrama lang kami dahil magkakalayo na kami.

Ito ang desisyon ko. Kailangan kong magpakatatag — dahil alam kong ito ang makabubuti sa lahat.

Si Tan-Tan?

Alam kong makakaya niya. Kailangang kayanin niya at kailangang maging masaya na siyang muli.

Halos tatlong buwan na lamang at alam kong matitigil na ang lahat ng lungkot at sakit na nadudulot ko sa kanya.

Dahil iyon ang araw na kailangan na kailangan na niya akong kalimutan.


ISANG buwan na akong naninirahan sa mansyon ng pamilya ni Leo kasama siya. Mabait at maalaga rin si Leo tulad ni Tan-Tan at kahit na hindi pa rin nagbabalik ang mga alaala ko'y naiintindihan ko na kung bakit ako nahulog noon kay Leo.

"Babe, tinatanong na ng organizer kung ready na ba ang list of guests natin. Kailan mo sa'kin ibibigay ang listahan ng mga gusto mong imbitahan?" tanong sa'kin ni Leo habang nagda-drive papunta sa campus. Lumipat na rin doon si Leo since last month kaya lagi na kaming magkasama.

"Si Andrea lang naman ang maiimbita ko kaya ayos na iyong listahan mo. Hindi ko rin naman gusto ang masyadong maraming bisita," tugon ko habang sa harapan lamang nakatuon ang aking paningin.

"Okay. Narito na tayo." Bumaba na ng kotse si Leo at pinagbuksan ako. "Hindi na kita maihahatid sa classroom niyo. May group meeting kasi ako ngayon. Nandito naman na si Andrea kaya may makakasabay ka naman."

"Okay lang." Agad na lumakad ako sa kumakaway na si Andrea.

"Sunduin kita mamaya sa classroom mo!" sigaw ni Leo at tumango lang ako.

"Ren, mukhang nasa tapat na naman ng building natin si Christian. Anong gagawin mo?" bulong sa'kin ni Andrea pagkalabas namin ng parking lot.

"Sa fire exit tayo daraan."

"Sigurado ka bang ipagpapatuloy mo lang ang pag-iwas mo kay Christian nang ganito? Hindi mo ba talaga siya kakausapin?"

"Para ano pa, Andrea? Ito ang naging desisyon ko!"

"Pero masaya ka ba sa desisyon mo?"

Hindi ako sumagot at binilisan na lamang ang paglalakad.

"Ren, nakikita kong hindi ka masaya. Why don't you give yourself a chance — to be happy?"

"Andrea, please! Dalawang buwan na lang at matatapos na rin ito kaya hindi mo na ako kailangang alalahanin pa."

Hinarangan ako ni Andrea nang papasok na ako sa fire exit.

"Matatapos ba talaga ang lahat ng ito pagkatapos ng dalawang buwan? Hindi mo ba talaga ito pagsisisihan?" Diretsong nakatingin sa mga mata ko si Andrea.

"Mabait si Leo, Andrea. Mahal niya ako."

"Mahal ka rin naman ni Christian. Pero ikaw? Sino ba talaga ang mahal mo?"

"Ano ba ang gusto mong marinig mula sa'kin? Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa, hindi ba?"

"Oo! Pero akala ko'y magiging masaya ka!"

"Masaya ako!"

"My God, Ren! Huwag mo nga akong pinaglololoko! Sinong masayang tao ang ngumingiti ng peke? Ako pa ang pagsisinungalingan mo?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong tutulo na ang mga luha ko. Napahinga naman nang malalim si Andrea.

"Look, Ren. Hindi ko gusto ang mga nangyayari. Naiintindihan ko naman kung ano ang tumatakbo sa utak mo pero kailangan ba talagang ganito ang mangyari — na ikaw lang ang magsasakripisyo? Unfair iyon, Ren! Hindi kailangang ikaw lang ang magparaya! You deserve to be happy."

Niyakap ako ni Andrea. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang aluin ako ng kaibigan ko.

"Huwag kang mag-alala, Andrea. Hindi man ngayon, naniniwala akong magiging masaya rin ako sa hinaharap."


MABILIS na dumaan ang mga araw at dalawang buwan na rin ang lumilipas nang huli kong nakita si Tan-Tan. Wala rin akong kahit anong balita tungkol sa kanya dahil walang nangangahas na sabihin sa'kin. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin humuhupa ang galit ni Leo kay Tan-Tan. Sa katunayan, marinig lamang niya ang pangalan ni Tan-Tan ay ikinaiinis na niya.

"Is the fit alright?" tanong sa'kin ng mananahi habang sinusukat ko ang susuotin ko sa susunod na araw.

Tumango naman ako at tinignan ang sarili sa malaking salamin.

Napakaganda at napakagarbo ng damit. Ang mga palamuti nito ay kumikinang na parang mga bituin sa kalangitan. Ang puting sutlang tela nito ay mahigpit na kumakapit sa aking balat na lalong nagpalabas ng hubog ng aking katawan.

"You look perfect." Napalingon ako sa taong nasa likod ko.

"Good evening, Mr. Hudson," bati ng mananahi kay Leo.

Lumapit sa'kin si Leo at hinalikan ako sa noo.

"Everything is settled now. Naibigay ko na rin sa barkada ang mga imbitasyon. I want to give you everything, Ren. I want to make you the happiest bride in the world."

Napangiti ako sa sinseridad na ipinakita ni Leo sa'kin mula pa noong mga nakaraang buwan. I stepped forward and gave him a soft kiss in the cheek.

"Thank you, Leo."

I let myself feel at peace in Leo's arms.

Dalawang araw na lang at matatapos na ang lahat.    

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
35K 648 26
How long does it take to be like by someone? Buong buhay ni Margarita Lopez ginugol niya sa pag-aaral.Ginagawa niya lahat para maipagmalaki siya n...
254K 4.4K 57
When sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.
248K 3.6K 54
Mia always has those strong and defensive way to interact with boys except from his brother. Being defensive leaded her to encounter the school's he...