Listen To My Song

By wistfulpromise

4.8M 75.9K 6.2K

(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalan... More

Paunang Salita
LTMS: Prologue
Chapter 1 ♬ Façade Emotions
Chapter 2 ♬ Welcome to the Band
Chapter 3 ♬ Quit or Go?
Chapter 4 ♬ So Different
Chapter 5 ♬ Painful Memories
Chapter 6 ♬ Unusual You
Chapter 7 ♬ What was that all about?
Chapter 8 ♬ At War with Mr. Cold
Chapter 9 ♬ Music Camp
Chapter 10 ♬ He's Strange
Chapter 11 ♬ Phobia
Chapter 12 ♬ Hidden Music
Chapter 13 ♬ You Captured Me
Chapter 14 ♬ Thoughtlessly Falling
Chapter 15 ♬ Officially One of Us
Chapter 16 ♬ In Search of the Voice
Chapter 17 ♬ G-Clef
Chapter 18 ♬ The Voice
Chapter 19 ♬ Capable Of Love Again?
Chapter 20 ♬ Battle of the Bands
Chapter 21 ♬ Blow Gun Twins
Chapter 22 ♬ Sorry
Chapter 23 ♬ Friend or Foe?
Chapter 24 ♬ His Secret
Chapter 25 ♬ Mr. Sungit
Chapter 26 ♬ What you mean to me
Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine
Chapter 28 ♬ Behind the Shadows
Chapter 29 ♬ Arnis Fighter
Chapter 30 ♬ Broken Song
Chapter 31 ♬ Unexpected Visitor
Chapter 32 ♬ The Start
Chapter 33 ♬ Glissando Sisters
Chapter 40 ♬ Hide and Seek
Chapter 40.5 ♬ Hide and Seek
Chapter 41 ♬ Serendipity Gang
Chapter 42 ♬ Broken Law Continuation
Chapter 43 ♬ Nathan's Dare
Chapter 44 ♬ Puzzle Pieces
Chapter 45 ♬ His Love
Chapter 46 ♬ Putting Up The Pieces
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Orion's Story part II)
Chapter 47 ♬ The Revelation (Family's Secret)
Chapter 48 ♬ Finally! *sigh* with a Smile =)
Chapter 50 ♬ A Surprise for You
Chapter 51 ♬ Girls Fight
Chapter 52 ♬ Naughty Date
Chapter 52.5 ♬ Naughty Date
Chapter 53 ♬ Conflict
Chapter 54 ♬ Her Guardians
Chapter 55 ♬ Answered Puzzles
Chapter 56 ♬ One's Nightmare
Chapter 57 ♬ Exchange Students
Chapter 58 ♬ Where She Rules
Chapter 59 ♬ Surprise! Surprise!
Chapter 60 ♬ Lost Pendant
Chapter 61 ♬ He's One of the Bad Guys
Chapter 62 ♬ Confession
Chapter 63 ♬ Unspoken Truth
LTMS: Christmas Special
Chapter 64 ♬ Love or Responsibility?
Chapter 65 ♬ The Encounter
Chapter 65.5 ♬ The Encounter
Chapter 66 ♬ Meeting the Allies
Chapter 67 ♬ Face Off
Chapter 68 ♬ The Countdown...
Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)
Chapter 69 ♬ Close to End
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (First Part)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (The Fight)
Chapter 70 ♬ Battle of the Gang (One Final Blow)
LTMS: Epilogue
A Letter To The Reader ♥

Chapter 49 ♬ New Found Love

49.1K 799 70
By wistfulpromise

Chapter 49

(Revised & Edited. Well not really. LOL.)

 Nathan POV


Hindi ko talaga akalain na si Serene ang anak ng kasama ni lola sa Gang ng pamilya namin. Akalain nyo yun nakakasama ko pala ang respetadong GCLEF sa mundo ng mga gangsters? Langya. Kahit siguro sino ay pag-aagawan ang posisyon ko makasama lang si Serene/GCLEF ang idol at tinitingala ng lahat. 

Akala ko nadiskubre ko na ang pinakatatagong sikreto ni Serene at yun ay ang pagiging myembro ng 'The Intricate Band'. Yun pala 'isa' lang yun sa 'dami' ng mga sikreto nya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko pa nga sya lubos na kilala at lalo ng hindi ko akalain na sa mukha at pigura nyang iyon nakatago ang pinaka malaking sikreto sa lahat at yun ay ang pagiging myembro nya ng isang Gang. 

"O ano, kamusta na ang ating sleeping beauty?" naglakad si Rico at tumabi sa inuupuan ni Jace na kama habang busying busy sa kinakain na tinapay.

"Sleeping beauty? Sira." mahinang sagot ni Jace since hindi pa sya ganun kagaling mula sa pagkakabaril.

Nandito kaming lahat ngayon sa ospital ako, si Rico, Shane at--

"Oi pare!" napalingon kami sa dumating at nakita si Niel na pumasok

"Kamusta? Ang tagal mong nawala ah?" bati ko sabay tapik ng balikat nya. 

"Welcome back Niel." sabi naman ni Shane.

Kumaway lang sila Jace at Rico sa kanya at saka nagpalitan ng ngitian at kamustahan. 

"Kamusta? Ikaw ang kamusta Jace." Lumapit si Niel sa kama na hinihigaan ni Jace sabay bulsa ng dalawang kamay. "Mabuti at hindi ka napuruhan, sanggain mo ba naman kasi yung bala."

"Sus! Ganyan lang kasi pag-inlove" tawa ni Rico "Gagawin lahat para sa kanya." bulong at sabay tawa nya ulit

"Sino ba kasi yung babaeng yan? Mukhang malakas ang tama mo sa kanya ah" --Niel

"Aba tinatanong pa ba yan?" inakbayan ni Shane si Niel "Sino pa nga ba eh di ang nag-iisa nating muse sa band."

"No other than tentenetenten... Serene Lopez!!" padramatic effect pa ni Rico.

Ako lang ba? O napansin din nila ang gulat sa mukha ni Niel na agad din nyang itinago ng gamit ang ngiti?

"Ah ganun ba? So... kayo na ni Serene?" tanong ni Niel kay Jace

Napatingin kaming lahat kay Jace, excited sa ibibigay nyang sagot. Naku si Jace pa! Ngayon lang yan magkakaroon ng lovelife kaya interesado kaming malaman 

"Ewan." matipid nyang sagot

"Ewan?" dismayadong sabi ni Rico "Ano ba naman yan 'tol! ang hina mo yatang dumiskarte."

"Akalain nyo si Jace may pagkatorpe rin pala?" pigil na tawa ni Shane

"Ano? Sinong torpe?" pabiro kong tanong sabay lagay ng isang kamay sa tenga.

"Si Jace!" si Rico at Shane.

"Sinong torpe ulit? Hindi ko narinig?" paglalagay ko ulit ng kamay sa tenga ko.

"Si Jace!!"

Nabalot ng tawanan sa buong kwarto dahil sa pangangantsaw namin sa kanya. Minsan lang kasi mangyari ito eh kaya lubuslubusin na! 

Bigla na lang kaming binatuhan ni Jace ng unan "Sige inisin nyo pa ako, hintayin nyo lang talaga na gumaling itong kamay ko at makakatikim kayo sa akin."

Pero tinawanan lang namin sya at saka hinagis pabalik sa kanya yung unan.

"Si Jace pikon o!" --Rico

"Kayo naman eh hindi pa nasanay kailan ba yan hindi napikon?" tawa ni Shane

"Eh di kapag nanjan si Serene!" hirit ko pa. Yeah! ang sarap mang-inis grabe!

Makakatanggap pa sana ako ng flying vase galing kay Jace ng bigla na lang nagpaalam si Niel sa amin na aalis na muna sya.

"Ang bilis naman? Kadarating mo lang ah" sabi ni Shane na may pagtataka

"May gagawin pa kasi ako, sige mga 'tol." pagtatapik nya sa balikat namin isa isa at saka lumabas

"Anong nangyarr doon?" kunot noong tanong ni Rico.

Anong nangyari doon? Yun ang hindi namin alam. Nagkatinginan lang kami isa isa at nagkibit balikat. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Niel. 

"Anyways.. balik tayo sa topic natin." tinignan ko lang ng nakakalokong ngiti si Jace "Ano ba? hindi ka pa ba gagalaw pare? Baka maunahan ka na!"

"Sabihin mo lang sa akin at ako na ang manliligaw para sayo." offer pa ni Rico.

"Talagang hindi nyo ako titigilan noh?" masungit na tanong nya sa amin

Ang sungit nya lang talaga kahit kailan. Buti at nakakatagal pa si Serene sa kanya. Bilib lang din talaga ako sa babaeng yun. Napapalambot nya kasi kung sila ang magkasama eh.

"Ganito kasi yan 'tol kung kailangan mo ng tulong namin nandito lang kami, di ba? Di ba?" ngisi sa amin si Rico at napatango naman kami .

"Kami pa" turo ko pa sa sarli ko "Kami yata ang expert jan"

"Di ba sabi mo nasabi mo naman na sa kanya na mahal mo sya? At nasabi na rin nya sayo na mahal ka nya?" --Shane

"Parang." sagot ni Jace

"Parang? Pero di ba sabi mo narinig mong sinabi nya bago ka mawalan ng malay?" tanong ko.

"Malay nyo di ba? Iba lang pala ang narinig ko" --Jace

"Haist! Sya na rin yun! Basta ang kailangan nyo na lang ay finalization!" --Rico

Tinaasan lang sya ng kilay ni Jace.

Nagkatinginan na lang kami nila Rico at Shane. "Naiisip nyo ba ang naiisip ko mga dudes?" nakakalokong tingin ko sa kanila

Tumango si Shane sabay ngiti. "In ako jan!"

 

"Tama! At ngayon ang kailangan mo na lang magpractice." ngiting aso ni Rico kay Jace (oo mukha kasi syang asong ulol! este asong pacute pala! )

"Magpractice saan?" --Jace

"Magpractice ng sasabihin na may feelings! Wag yung parang galit saka bawas bawasan mo ang kasungitan mo pare."

"Agree." --Shane

"Oo nga naman." dagdag ko pa

"Tss." --Jace

"Ayaw mo ba yun? Para malaman natin kung ano na talaga estado nyo ngayon?" sabi ko

"Tama ulit! at the best way na gagawin mo ay yung ganito o." nagpout si Rico sa harapan ni Jace "Kahit sinong babae hindi makakatanggi jan kapag tayo na ang gumawa sa harapan nila. Malay mo bumigay diba? Tapos BOOM! kayo na!"

Dahil dito, nakatanggap sya ng isang napakalakas na batok mula kay Jace.

 

"Aray naman!" hapo ni Rico sa ulo "Bakit naman may sapak pa? ikaw na ngang tinutulungan eh."

"Ako pagaganyanin mo? May topak ka na talaga." --Jace

"Wala namang masama kung susubukan mo diba?" ngisi ni Shane

"Tss napaka-isip bata." --Jace

"Lahat nagiging weird pag-inlove." --Rico

"As if namang naranasan mo na?" pagbabaling ng tingin ni Shane kay Rico

"Hahah-- hindi pa. Yun ang sabi nila eh." nagpeace lang si Rico sa amin

"LOL!" tawa ko hahaha wala na akong masabi eh. "Kung gusto mo ako na lang ang kikiss sa kanya, parang ganito o." biro ko sabay pout at aktong ikikiss si Rico sa cheeks.

Oo ako naman ang sinapak ngayon ni Jace. Sabi ko sa inyo may pagka brutal ang taong 'to eh.

"Lumayo ka nga pare! Kadiri ka!" lumayo sa akin si Rico at saka tinampal ang mukha ko palayo sa kanya "Try mo na dali Jace! Pa-pout na yan!" 

"Gusto mo ulit sapak?" --Jace

"Oo gusto ko ng ice cream 'sa pack' " --Rico

"Adik ka na talaga sa pagkain Rico!" --Shane

"Matagal na ngayon mo lang napagtanto?" tawa ni Rico

"Tama na yan! Sapak-kat hindi pa tayo tapos sa ating paksa, na si Jace ay paamuhin o giliw!" padramatic effect na yuko ko pa sabay lagay ng kamay sa tyan at ang isa naman ay nakataas na parang yumuyuko sa harap ng isang hari.

"Bilib na talaga ako sayo Nathan." tapik sa akin ni Shane "At kailan ka pa naging makata?"

"Ngayon lang naman pagkatapos kong masapak kanina, natrigger yata ang utak ko." tawa lang kami ng tawa habang sinasabi ang lahat ng iyon.

"Minsan talaga hindi ko maisip kung bakit ko kayo naging kaibigan." bulong pa ni Jace habang umiiling. Hindi na lang namin pinansin ang reklamo nya at sabay sabay pa namin sinabi na "Pout! Pout! Pout!" sinabayan pa namin ito ng pagpout para mang-inis. Kahit nga si Shane ay nakisabay na rin.

 "Bahala kayo sa buhay nyo pero hindi ko gagawin yan." umayos ng higa si Jace patagilid at patalikod sa amin. Inilagay pa nya yung unan nya sa may tenga at saka nagtaklob ng kumot.

"Hindi yan pwede!" 

Hinila namin  yung kumot palayo sa kanya sabay hila pa sa kanya at pinaayos ng upo.

"Ano ba! Tigilan nyo nga ako!" naiinis na sambit ni Jace pero syempre papaawat ba naman kami? Hindi!Haha!

"Sori pare but.. NO." sabay sabay ulit naming sabi sa huling salita

"Haist! bakit kasi may ganun pa?" mabilis na kamot ni Jace sa ulo halata ang pagkainis.

"Gusto mo ba talagang malaman kung mahal ka ba talaga nya?"

Nagkibit balikat pa daw sya kunwari "Kailangan pa bang itanong yan?" 

"Naman pala eh! Pout na yan! Remember pare.. it's now or never.

"Take the risk naman 'tol! Simpleng bagay lang yan eh. Kita mo nga yung bala nakaya mong sanggain pagpout hindi mo magawa?" 

Sige kantsaw lang kami. Sigurado papayag din yan!

 Pagkatapos ng ilang taon na pagpipilit... (oo kami nang O.A.)

"Try mo na dali! at nang makita namin." pagpipilit pa namin sa kanya.

Nagmake-face lang sya sa harapan namin at saka sumimangot.

"Naman o! Jace naman dali! Hindi naman pout yan eh kundi simangot! dapat ganito o" pakita pa ni Rico ng nguso nya.

Nakasimagot pa rin si Jace tapos unti unti nyang hinahabaan halatang pilit sa ginagawa nyang pagpopout. Tahimik lang kaming lahat tapos yung ginawa nya na yun saglit bigla na lang kaming natawa.

"Pfft. HAHAHA!!" 

"Napakalagim pare!! AHAHAHA!!! Potek!!

 

"Pinagloloko nyo lang yata ako eh" reklamo sa amin ni Jace.

"hindi sa..ahahaha!..par-. para ka kasing... pfft. AHAHAHAHA!!!" 

Tawa pa namin. Pero nainis ata ang ating studyante kaya ayun nagtaklob ulit.

"Haist! Bahala nga kayo jan!"

 

"Pare ang sagwa talaga!" tawa ko sabay lagay ng isang kamay sa balikat ni Shane "Potek! Naiiyak ako!"

"Hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa eh." namumula na yung mukha ni Shane sa kakatawa 

"Pfft. Ahahaha!! Mukha kang timang!" nilagay pa ni Rico yung mga kamay sa tyan na parang hindi na makahinga sa kakatawa  "Kung ako siguro yung babae tatakbo na ako palayo! Hahaha!!"

 

 Nung medjo nahimasmasan na kami sa kakatawa...

"Isa pa dali! Para makita natin ang improvement!" hirit pa namin pero pinaghahampas nya na kami ng unan kasi tawa pa rin kami ng tawa.

"Mga baliw talaga kayo!" sabi nya pero mahahalata mo sa mukha na parang natatawa na rin sya "Magsilayas na nga kayo! Ako na naman kasi nakita nyo eh!"

"Sus! Ikaw pa lang kasi ang inlove eh." sumbat naman namin 

Sisipain pa sana nya kami nang bigla na lang naming narinig ang katok sa pinto at tuluyan na nga itong bumukas. Speaking of love of his life...

"Babes!" lingon ni Rico sa dumating 

Nagngingisian na lang kami sa isa't-isa "Jace yung sinabi namin sayo ah" bulong ni Rico sa kanya

"Tss hindi ko gagawin yun." --Jace

"Bahala ka, ikaw rin" sabi pa namin habang nagpipigil ng tawa at nagpaalam kay Serene para lumabas na ng pinto. 

Sa labas tawa lang kami ng tawa habang sumisilip silip pa sa pinto kung ano nang nangyayari sa loob. Ano nang sabi ni Jace kanina? na hindi daw nya gagawin yung advice namin? haha well miracle as it is, ginawa pa rin nya and this time mas cute nang tignan kaysa sa ginawa nung una nyang trial. Expect the unexpected talaga ang pwedeng nyang gawin pag nanjan si Serene. And I can say that, this day was a success kahit na ba dumami ang audience nila ng dahil sa amin. 

Teehee! pssst! sikret lang yun ah. Papatayin kasi kami ni Jace kapag nalaman nya ang pinaggagagawa namin

***

Sa wakas! Natapos na rin ang mumunting palabas sa ospital kaya ngayon heto ako sa mall at naglalakad lakad. Kahit saan ako mapadaan nagtitinginan ang mga tao sa akin. Tss ngayon lang ba kayo nakakita ng pogi? Ang sarap sanang itanong sa kanila eh pero sa halip nginingitian ko na lang sila sabay kindat sa mga babae na animo'y matutunaw na sa kagwapuhan ko. Hay ang sarap ng buhay! sabay lagay ko pa ng dalawang kamay sa batok ko at sumisipol sipol na akala mo ako ang may ari ng daan na dinadaanan ko. 

(A/N:  ahem... Humahangin ata? feel nyo ba mga readers?" )

Nathan: *sipol*sipol* Honesty is the best policy po *winks*

(A/N:  Sabi ko nga eh. Hinay-hinay lang baka mapatrobol ka na naman XD geh babush! )

Nathan: Oh wait!! pwede po pasegway? *grins*

(A/N: shoooorr !! dalian mo ah! wala ng time!!)

Nathan: ok! Hi mga readers pati na rin sa mga fans ko! (ahem) haha!!! thank u sa pagbabasa!! asahan nyo sa mga susunod na mga chapters makikieksena ulit ako sa mga love scene nila Jace at Serene pero sa ngayon hayaan muna natin sila ahahaha!!! Shhhh!! *evil laugh*"

(A/N: pssst!! hoy!! bawal yan! lagot ka kay Jace!)

Nathan: hahahaha!! ok lang yan. Sarap inisin ng taong yun eh XD geh bye!!! waah! hinaharass na ako ni Ms. Otor dito! help! LOL! *winks with flying kiss*)

 

P.S. Medjo jeje pa ako nyan kaya wag nyo na akong pansinin ^ LOL. (A/N: 12/12/13)


Napahinto ako sa paglalakad at pumasok sa isang shoe store. Ayos! Ito ba yung sinasabi nilang new design ng sapatos nila? sabay kuha ko ng sapatos sa isang istante at tinignan ng may ngiti sa aking mga mata. Kung sinuswerte ka nga naman talaga ngayon araw na 'to o! Grabe I Love You Ms. Author na talaga!! pinapagaan mo ang buhay ko eh.

Sa tabi kung saan ako masayang nakatayo may lumapit sa aking babae na halatang interesado rin sa mga sapatos. Busyng busy sya sa pagtingin tingin kaya hindi ko na binigan ng pansin. Nang bigla na lang may nahulog mula sa bag nya na isang maliit na lalagyan at bumukas ito sa ibaba sakto sa pagitan ng mga paa nya. Ano na nga bang tawag ng mga babae sa bagay na yun? Yung may powder at sa salamin na ginagamit nila sa mukha? Compact yata? Basta yun!

Syempre dahil sa good mood ako at may pagkagentleman din naman ako kahit papaano yumuko ako at pinulot ito. Sa repleksyon ng salamin aksidente kong nakita yung suot na panty ng babae since nakapalda lang sya. And I'm like, what the heck?! kadalaga na Dora pa rin ang design ng panty nya? pfft! dahil doon hindi ko mapigilang matawa habang nakayuko pa rin at aktong pupulutin yung compact sa baba. But the next thing I know...

"BASTOS!" sinampal lang naman ako ng napakalakas ng babae sabay hiyaw kaya lahat ng mga tao sa paligid nakatingin na sa am.in. Namumula sya sa hiya at ako naman gulat na gulat sa ginawa nya. 

"Look it's not what you think" 

"Look what you think ka jan! mukha mo! huli ka nga sa akto eh! manyak!" tinulak nya ako saka sinipa in the place you called 'what hurts the most' saka tumakbo palayo 

Ow! sh*t!! who the heck is that girl?!! Tss!! Ito na nga ba sinasabi ko eh kaya ayokong magpakabait. Ikaw na ngang nagmamagandang loob ikaw pa ang napapahamak. Humanda lang talaga kapag nagkita kami ulit. 

(A/N: LOL! puro kalokohan muna si otor at tymperst muna sa magulo nilang mundo hahaha. Ito na ba ang simula ng pagbabago ng mundo ni Nathan sa buhay pag-ibig? at congrats pala sa ating lab team!! yeah sa wakas!!)

Continue Reading

You'll Also Like

7M 146K 58
[PUBLISHED UNDER PSICOM] BOOK 1 of IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Behind those smiles are playful lies, and behind those lies, the horror of the past awaits...
31.4K 748 33
To give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running countless drugs and selling teenage girls, a...
1.3M 47.7K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
439K 12.6K 68
Editing || Not your typical "best-friend-turns-to-lover" love story. ;)