My Accidental Fiancee

Oleh im_Amystery

79.1K 1.4K 119

***WATTY'S 2018 SHORTLISTED*** [DE GUZMAN SERIES #3] (Story of Lia's and Eldrick's son from My Best Friend/Bo... Lebih Banyak

Author's Note
C01: He's Awake • Tan-Tan
C02: Her Best friend • Tan-Tan
C03: She's Awake • Tan-Tan
C04: She Can't Remember • Tan-Tan
C05: Hospital Talk • Tan-Tan
C06: Hospital Talk • Ren
C07: She's Going • Ren
C08: She's Going • Tan-Tan
C09: Strangers' Starting Point • Tan-Tan
C10: She's Scared of the Dark • Tan-Tan
C11: She's So Clumsy and Slow • Tan-Tan
C13: The Promised Date • Tan-Tan
C14: Falling • Tan-Tan
C15: Last Day of Vacation • Tan-Tan
C16: Back to Manila • Tan-Tan
C17: Back to Manila • Ren
C18: Back to School • Tan-Tan
C19: Friends' Revelation • Tan-Tan
C20: He Remembers • Tan-Tan
C21: Wanting Her • Tan-Tan
C22: Her Last Night • Ren
C23: Her Last Night • Tan-Tan
C24: Her Past Came Back • Tan-Tan
C25: Her Past Came Back • Ren
C26: Welcome Party Riot • Tan-Tan
C27: The Last Request • Tan-Tan
C28: The Last Request • Ren
C29: Farewell, My Accidental Fiancée • Tan-Tan
C30: Farewell, My Accidental Fiancé • Ren
C31: The Finale • Tan-Tan
Epilogue • Tan-Tan
My Accidental Fiancée Songs
Bonus Chapter - Giving Away The Bride

C12: Ms. And Mr. Popular • Ren

1K 27 0
Oleh im_Amystery


ANO bang nangyayari sa'kin? Bakit ba ako nagpapadala sa mga sinasabi ng mga tao kanina?

"Sige. Ganito na lang. Aalalayan kita ng isang beses. Pag-aralan mo kung paano mo matatamaan, okay?" sabi ni Tan-Tan.

"S-Sige."

Pumwesto siya sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Inilapit niya rin ang mukha niya sa'kin. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko ang init ng hininga niya sa bandang leeg ko.

"Uy! Tingnan mo 'yung nasa shooting booth oh! Ang sweet nila tingnan!"

"Oo nga! Ang gwapo pa ng guy! Ang swerte ni Ate!"

"Sinabi mo pa! Matangkad at maputi na, gwapo pa! Tapos parang pang-model pa 'yung katawan! OMG!"

Narinig kong bulungan ng mga babaeng nasa paligid namin.

"Pero swerte rin naman si Kuya roon sa girl. Ang ganda niya kasi!"

"Agree! Parang porselana ang balat! Ang kinis! Kakainggit!" dagdag pa nila.

Na-concious tuloy ako bigla sa mga papuri nila.

"Talagang swerte 'yung lalaki! Chicks kaya 'yon! Ang sexy!" sabi naman ng isang lalaki sa kaibigan niyang babae.

"Bagay talaga sila, 'no?" sagot nito.

"Hindi ah! Mas bagay kami!"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang padausdusin ni Tan-Tan ang kamay niya sa braso ko upang ayusin ang porma ng pagkakahawak nito sa laruang baril.

"Doon ka sa dulo ng baril titingin," patuloy ni Tan-Tan. Hindi ko masyadong mapakinggan nang mabuti ang mga sinasabi niya. Mas naaagaw kasi ng mabangong amoy niya at init ng kanyang katawan ang buong atensyon ko. Pakiramdam ko'y sasabog na ang dibdib ko sa sobrang tensyong nararamdaman ko. Naiilang na rin ako sa posisyon namin.

"Dapat diretso lang ang tingin mo sa target. Kapag sigurado ka nang tama ang pwesto mo, saka mo kalabitin itong gatilyo," sabi niya at — bulls-eye!

"Ayan, nakatama ka na. Nakuha mo ba?" tanong niya sa'kin. Tumango lang ako nang dahan-dahan.

"Sigurado ka? Gusto mo ulitin ko?" Marahas kong iniling-iling ang ulo ko.

"H-Hindi na! Ah! Manong, ayaw ko na pong maglaro! Heto na po 'yung baril niyo!" Nagmamadaling inabot ko sa mama 'yung baril sabay lakad nang mabilis palayo roon.

"Teka lang! Hoy!" habol sa'kin ni Tan-Tan. "Ano bang nangyari sa'yo? Bakit bigla ka na lang umalis?"

"W-Wala!"

"Eh, saan ka pupunta?"

Saan nga ba ako pupunta? Napakunot-noo si Tan-Tan nang hindi ako makasagot.

"S-Sa c.r.! Sa lady's room ako pupunta! S-Sige! Diyan ka muna!"


NGAYON,nandito nga ako sa c.r. at hindi pa rin mapakali. Ilang minuto na rin ang lumipas mulanang takbuhan ko si Tan-Tan.    

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at ibinuga rin ito. Makailang ulit ko itong ginawa hanggang sa bumagal ang tibok ng puso ko.

Mabuti na lamang at mag-isa lang ako rito. Kung hindi ay mapagkakamalan akong may sayad sa utak o kaya'y may asthma.

Nang pakiramdam ko ay okay na ako, pinihit ko na ang doorknob at lumabas ng banyo.

"Bakit ang tagal mo? Okay ka lang ba?"

Halos lumundag ang puso ko sa biglang pagsasalita ni Tan-Tan. Nakasandal siya sa pader ng C.R. ng mga babae.

"O-Oo, o-okay l-lang ako." Akala ko'y okay na ako. Pero isang sulyap lamang kay Tan-Tan ay nagwawala na ang puso ko.

"Halika na nga! Balik na tayo kayla Ru-Ru."

"Pero hindi pa natin nalilibot 'yung buong plaza!"

Napatakip ako bigla ng bibig. Nagulat ako sa sinabi ko. Automatic na bumuka na lang ito at nag-demand na mamasyal pa kami.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Napabuntong-hininga naman si Tan-Tan.

"Hindi ka pa ba pagod?" tanong niya at umiling naman ako.

"Sige, para hindi ka mapagod, magba-bike tayo," sabi niya at naglakad na palayo.

"P-Pero bawal akong mag-bike." Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Ako ang bahala sa'yo."

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko nang mamasdan ko ang ngiti niya. Anong klaseng expression 'yon? Bakit ganoon ang epekto nito sa'kin — parang tumigil saglit ang mundo ko?


"KUMAPIT ka nang mabuti sa'kin. Baka malaglag ka niyan," sabi ni Tan-Tan sabay higit sa kaliwang braso ko.

Nirentahan niya ang isang single bike para magamit namin ng isang oras. Nakaangkas ako ngayon sa likod niya at pilit na inilalayo ang sarili sa kanya. Baka kasi maramdaman niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko 'pag nanatiling ganito kami kalapit sa isa't isa.

"Kinakabahan ka ba?" Nagulat ako sa tanong niya habang umaandar kami.

"B-Bakit?"

"Huwag kang kabahan. Hindi ko naman hahayaang mahulog ka at masaktan," natatawang turan niya.

Ngayon ko lang nakitang tumawa si Tan-Tan at masasabi kong kakaiba talaga ang mga ngiti niya — may kakaibang kiliti sa puso.

Ewan ko ba kung anong klaseng magic ang meron sa lalaking ito. Napapabilis niya ang tibok ng puso ko pero siya rin ang nakapagpapakalma rito.

"Ren, kumapit ka nang mabuti." Binilisan ni Tan-Tan ang pagpadyak sa pedal nang malapit na kaming dumaan sa papataas na lupa. Mabilis na napayakap ako sa baywang niya.

Nahaharangan man ng malapad niyang likuran ang sariwang hangin na sana'y tatama sa aking mukha ay ayos lang. Napalitan naman ito ng nakakahumaling niyang amoy.

Nakapikit na sininghut-singhot ko ang likuran niya. Dinama ko rin ang init ng likuran niya gamit ang aking pisngi. Hindi ko maintindihan pero parang ayoko ng matapos ang mga sandaling ito.

Ithink I'm falling...

Bigla akong natauhan at agad na inilayo ang mukha sa likuran ni Tan-Tan. Hindi ko alam kung gaano na kapula ang mukha ko pero sigurado akong nakakahiya ang mga pinaggagagawa ko!

'Yung mga tsismisan kanina ang may kasalanan nito!

Nang matapos na ang oras namin ay ibinalik na namin ang bike at naupo na lamang sa isang bench.

"Nagugutom ka na ba?" tanong niya sa'kin.

"Medyo."

"Dito ka lang. Hahanap muna ako ng pwede nating makain."

"Sige," maiksing tugon ko at umalis na siya.

Dalawang minuto pa lamang nakakaalis si Tan-Tan ay may biglang lumapit sa akin.

"Hi, miss. Pwedeng makiupo?" tanong ng isang lalaking nakamaong na jacket.

Tumango lang ako at saka siya umuposa tabi ko.    

"Hi! I'm Daniel and you are?" sabi niya habang naka-extend ang kamay niya na parang inaalok akong makipag-'hand shake'.

"Ren," tipid na sagot ko at nakipagkamay sa kanya.

"Taga-rito ka ba?"

"Hindi."

"Anong ginagawa mo rito sa Batangas?"

"Nagbabakasyon."

"Ah, turista ka pala. Ano naman ang masasabi mo sa lugar na 'to?"

"Malinis, presko, nakaka-relax at maraming magagandang tanawin."

"Akala ko, one word na naman ang isasagot mo sa'kin."

Hindi na ako nag-comment at ipinagpatuloy na lamang ang pagtingin sa direksyong pinuntahan ni Tan-Tan.

"Mag-isa kasi akong pumunta rito. Wala akong kasama. Pwede mo ba akong samahan mamasyal?"

"Hindi pwede. May kasama ako. May binili lang siya," sagot ko.

Tumayo siya sa harapan ko.

"Saglit lang naman tayo.At saka hindi tayo lalayo para makita natin agad kapag dumating na 'yung kasama mo," sabi niya sabay lahad ng kamay niya.

Tinitigan ko lang iyon. Bakit ba gusto nitong magpasama sa'kin? Maliligaw ba siya 'pag 'di ako sumama?

"Sige na. Saglit lang-..." Naputol 'yung sasabihin ng lalaki nang may magsalita mula sa likuran niya.

"Hindi siya pwedeng sumama sa'yo,"

"Sino ka ba? At saka ikaw ba ang tinatanong ko?" tanong ng lalaki kay Tan-Tan.

"Hindi. Pero hindi siya pwedeng sumama sa'yo dahil ako ang kasama niya," sagot ni Tan-Tan at saka siya pumunta sa harapan ko.

"Halika na. Wala akong nakitang magandang kainan dito," sabay hatak sa'kin ni Tan-Tan.

"Teka nga!" sigaw ng lalaki paghawak niya sa balikat ni Tan-Tan. "Bastos ka ha! Kita mong nag-uusap pa kami ni Ren tapos bigla-bigla mo siyang ilalayo sa'kin?"

Inalis ni Tan-Tan ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki. Kitang-kita ang pagkainis sa mukha ni Tan-Tan.

"Uulitin ko. Hindi siya pwedeng sumama sa'yo dahil ako ang orihinal na kasama niya. At pwede ba? 'Wag na 'wag ka nang lalapit sa fiancée ko! Baka maging kasing pangit mo pa ang baby namin!"

The guy was stupefied. Maging ako ay nagulat din sa sinabi niya.

Oo, fiancé ko nga siya pero ngayon ko lang siya narinig na sinabi niya na fiancée niya ako. Binanggit niya pa ang tungkol sa baby na nasa tiyan ko — ang baby namin!

Ano ba 'yan! Hindi ko na tuloy matanggal 'yung ngiti ko sa labi!

"S-Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Tan-Tan habang sinusubukan kong humabol sa paglalakad niya. Parang nakakaladkad na kasi niya ako sa sobrang bilis niya maglakad.

"Sa Jollibee!" walang lingun-lingong tugon niya.

"Nawala lang ako saglit, may kausap ka na agad na ibang lalaki! Tapos ibinigay mo pa 'yung pangalan mo! Kainis!"

"Ha? Saan ka naiinis?" tanong ko kay Tan-Tan nang hindi ko narinig ang ibang sinabi niya. Pabulong lang kasi iyon at talagang sobrang hina. Ang narinig ko lang ay: 'Nawala lang ako saglit.... Tapos... Kainis!' 'yan lang 'yung narinig ko sa sinabi niya.

Saan ba siya naiinis?    

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.3K 135 11
Cover is not mine. Credit to the rightful owner
163K 4K 29
The RICH And The POOR (crazy) Meet... Yanri Shiratori Isang simpleng dalaga na mahirap pa sa daga. Na walang hinangad... Kung di ang mahanap... Ang k...
134K 1.8K 38
Si Tzarina Grethel Romero Ay Simpleng Babae Lang .. Hindi Niya Inaakala Na Ang Ama Nya Ay Isang Mafia Boss, Ipinag Kasundo Siya Nito Sa Matalik Niyan...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...