Love is a Fallacy.

By DearSeven

3.1K 342 304

Love is a fallacy. Love is for fools… they say. Love is a disease. It has its twin sister. Foolishness. Fooli... More

Prologue
Chapter One - The Trip
Chapter Two - Lost Souls
Chapter Three - Borrowed Time
Chapter Four - The Good Bad News
Chapter Five - Stare Game
Chapter Six - You Again
Chapter Seven - Reunited
Chapter Nine - Eros Bustamante
Chapter Ten - The 'Gay' Pay
Chapter Eleven - Clinic Panic
Chapter Twelve - Feels like Insomnia
Chapter Thirteen - Unexpected
Chapter Fourteen - Jealous Guy
Chapter Fifteen - Painful Truth
Chapter Sixteen - Bestfriend for a Day
Chapter Seventeen - Celeste
Chapter Eighteen - Outreach Program
Chapter Nineteen - Revelations
Chapter Twenty - Examination
Chapter Twenty One - The Good Book
Chapter Twenty Two - You Smile, I Smile
Chapter Twenty Three - Say You Like Me
Chapter Twenty Four - A or B
Chapter Twenty Five (1) - Why Are You Doing This?

Chapter Eight - Titus John Lopez

95 15 13
By DearSeven

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Nag-iipon ng lakas ng loob para makalapit sa kanya. Nag-iisip ng sasabihin... kung paano ko nga ba siya i-aapproach... ano isasagot ko kung tinanong niyang ganito o ganyan. E basta! Bakit ko nga ba iniisip ang mga yon? Bakit nga ba ako nakatayo dito ngayon? Bakit gusto ko siyang lapitan? Imposible namang attracted ako sa kanya. Pero bakit?

Hindi ko talaga alam.

Naalala ko nung una ko siyang nakita. Hindi ko ikakaila na maganda siya una ko pa lang siyang nakita. Pero syempre kasama ko nun si Iris kaya nasasapawan yung ganda niya. 

Sino si Iris?

Ang mahal at tanging babaeng mamahalin ko. Maganda, maalaga, mapagmahal, matalino, mabait. Lahat na ng pwedeng gustuhin ng isang lalaki sa babae, nasa kanya na. Isa lang talaga ang pinroproblema ko, ayaw sa akin ng mga magulang niya.

Hindi naman kasi kami ganun ka-yaman. Motor lang ang ginagamit ko kumpara sa kotse ng iba pang nanligaw sa kanya. Simple lang yung paraan ko, pero ako yung pinili niya. Na sadya namang ikinainis ng pamilya niya. Kaya naman kung magkikita kami, laging patago. Pero handa akong magtiis sa ganito lang kaysa naman mawalay siya sa akin.

Ayokong mawala siya. Hindi ko kakayanin.

Nagdecide kaming pumunta sa Pangasinan sa aming seventeenth monthsary. Pero syempre, patago uli. Ang sabi niya, fieldtrip. 

Sumakay na kami sa bus ng Park Travel Co. Pagkasakay namin e naghanap kami ng bakanteng upuan at ang natabihan namin ay ito ngang si Aerith. Unang kita ko pa lang sa kanya, parang napukaw niya yung atensyon ko. Which is so unlikely, hindi naman ako ganito. Wala akong pinagmasdang ibang babae sa buhay ko kundi si Iris lang. Kaya naman nabadtrip ako sa sarili ko kung bat ako nagkaganun. At nahawa pati si Aerith.

Hindi naman talaga ako masungit. Kay Aerith lang. Sa katunayan niyan, approachable talaga ako pero yung mundo ko umiikot lang sa akin at kay Iris kaya di ko pinapakialaman ang buhay nila.

Pero hindi ko alam kung bakit nung pagsakay namin sa bus na iyon e hindi lang yung mundo kong si Iris ang nakikita ko. May isa pa. Pero hindi kasinglaki ng larawan ni Iris sa mga mata ko. Pero habang pinagmamasdan ko siyang sumasagot sagot sakin at nagsusungit. Ramdam ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan. 

Tapos biglang nagsimula na ang bangungot nung tumigil yung bus.

“Hala. Bakit tumigil yung bus? Bakit?” alalang-alala na sabi ni Iris. Ang kanyang malambing na boses na ngayon ay takot na takot.

“Sorry po, ititigil lang po namin pansamantala itong bus dahil ito yung order ng boss namin sa amin. Ipagpapatuloy po natin uli tong byahe kapag sinabi na nila.” sabi nung konduktor.

What? Bakit?

“Bakit daw po?” tanong ni Aerith sa konduktor. Exactly. Why?

“Pinapahanap niya yung anak niya. Baka daw kasi sumakay sa isa sa mga bus dito e.” sagot ni Kuya. Sa dami ba naman ng mga bus. Malalaman pa ba nila yun.

"Ano pong pangalan?" 

Hindi ko na masyadong narinig yung sagot ni Kuya. Dahil bigla na lang may kung anong malaking  sasakyan na bumangga sa may likuran ng bus na sinasakyan namin.

At...

At...

At...

Tsk. Ang sakit. Sobrang sakit.

Napapikit na lang ako.

Muli kong naramdaman ang sakit na iyon. Ang sakit na mapagmasdan ng sarili mong mga mata ang pagkawala ng isang taong mas mahalaga pa ang buhay kaysa sa buhay mo.

"Titus. Kahit napakaraming nagsasabing hindi tayo bagay. Kahit kailan, hindi ako naniwala at kahit wala na ako, hinding-hindi ako maniniwala..." ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang sabihin yun "...Sana magpatuloy pa din ang pag-ikot ng mundo mo kahit hindi na ko magiging parte nito..." may tumulong luha sa kaliwang mata niya na nagtulak sa mga luha kong walang tigil sa pagtulo "...Hindi ko na kaya. Basta sa araw araw na pag-gising ko at kahit pa hindi na ko magising. Mahal na mahal kita."

Hinipo hipo niya pa ang mukha  ko na tila ayaw niyang pakawalan. Nakikita ko siyang lumalaban kaya hinawakan ko ang mga kamay niya. Ayaw niya.. Ayaw niyang ipikit ang mga mata niya marahil iniisip niya na baka hindi niya na muli pang maibuka.

At sa huling sampung segundo.  Na ramdam kong ito na talaga ang huli. Pinilit niyang sinabi "This is what I want Titus. Kung hindi man ngayon, kundi sa pagtanda natin. Death will come to me. And I'm happy to die lying in your arms. I'm truly happy."

and again she smiled, yung mga ngiti na tila bumubulong na "It's okay Titus. It's okay."

....

Yun yung mga tipo ng ala-ala na hindi mo alam kung kakalimutan mo o hindi, kasisiyahan mo o hindi. Yung mga ala-ala na alam mong huli na kaya kailangan mong i-treasure. O kalimutan na lang ang katapusan na iyon dahil gusto mong ma-stuck sa mga panahon na hindi niyo alam na matatapos pala.

"Pogi? Hindi kaya. Bakla! Kung maka-iyak ka wagas, Tss. So, ano? End of the world na ba? Tandaan mo hindi lang ikaw ang namatayan dito. Huwag kang magmukmok na parang ikaw lang ang nawalan..." biglang nag-flashback ang mga katagang to ni Aerith matapos niya akong damayan. "Tss. Di man lang marunong mag-thank you."

Napatingin akong muli sa babaeng nakaupo sa bench. "Thank you."  sa pagdamay sa akin nung kailangang kailangan ko. At dahil din sayo napasakay ako sa helicopter na yun kasama si Iris. Salamat.

 Hanggang sa naisipan ng paa ko na lumapit sa kanya. Wala namang utak yung paa ko pano nangyari yun? Hindi ko mapigilan. Akala ko kuntento na ko na pagmasdan siya. Ano bang nangyayari sa kin?

Hindi ko din alam. 

"Pwedeng tumabi?" nakangiti kong tanong sa kanya. Mukhang nagulat siya. Hindi naman talaga ako masungit eh. Pero yun na yung first impression niya sa akin dahil nga sa mga pangyayari sa bus kaya siguro hindi niya din inaakala.

Tinitigan niya lang ako. Ano kayang iniisip niya? Ang tagal  niya bago sumagot "Sige." sabi niya lang. Ang tipid naman nitong magsalita.

"Siguro nabigla ka dun sa nangyari sa canteen kanina. Pero ganun talaga ako, hindi ko kayang makakita ng sinasaktan..." I lied. Wala naman talaga akong pake sa ibang tao e. Siya lang yung iniligtas ko ng ganun. Bukod kay Iris. Akala nga ng mga barkada ko eh may sakit ako "...Tsaka yung sa bus at nung aksidente? Hindi talaga ako masungit. Bad mood lang talaga ako nun. Itong pinapakita ko sa iyo ngayon, ito talaga ako. Pero seryoso din ako kung minsan, lalo na kung di ko kilala yung kausap ko. Kaya siguro ganun din ako makipag-usap sayo nun." paliwanag ko sa kanya.

Baka sabihin niya O tapos? Bakit mo yan sinasabi sakin ngayon?

Pero bakit ko nga ba sinasabi? Ano ba naman to? Bigla na lang akong nagkwento na ewan. Siguro gusto ko lang ayusin yung first impression niya sakin. Oo, yun yun Titus. 

Hayst. Kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Okay." sagot niya lang dun sa napakahabang sinabi ko. Hindi man lang makisama to. 

"Ganyan ka ba talaga?"

"Anong ganyan?"

"Ganyan." 

"Ano nga?"

"Parang laging walang interes sa mga bagay-bagay."

"Oo."

Obvious naman na nagsasabi siya ng totoo na ganun talaga siya. At tsaka bihira ko lang siyang makitang nakangiti. Mukha ngang wala pa siyang masyadong kaibigan e. May nakaaway pa siya kanina.

"Anong year mo na?..." tanong ko para matapos ang maikling katahimikan na iyon na iginugol ko sa pag-iisip kung ganoon talaga siya. 

Tinitigan niya lang ako. Walang emosyon yung mukha niya. Di ko mabasa kung anong iniisip niya. "...Ako 4th year." dagdag ko pa.

"2nd year. Fourth year na din dapat kaya lang tumigil ng dalawang taon dahil tinamad ako."

"Yan na yung pinakamahabang sinabi mo sa akin. Congrats..." ngumiti pa ako. Nakakatuwa kasi. "...tinamad? seryoso?"

"Oo. Magpapahinga lang ako. Pumayag naman sila kasi kahit naman hindi ako mag-aral sigurado ng maganda ang buhay ko."

Waw. Rich kid. Tinignan ko yung mukha niya. Mukhang hindi siya nagyayabang. Seryoso siya. Wala ata sa bokabularyo nito ang ngumiti e.

 "Aaah." nasabi ko na lang habang tumatango-tango. Hindi ko alam kung anung sasabihin ko dun sa sasabihin niya.

*Teng neng. Teng neng*

Bell po iyan.

"Salamat Bell. You saved me from this awkwardness dahil wala na kong masabi."

"Sabay na tayo." alok ko sa kanya. Alangan naman bigla ko na lang siyang iwan dito. Manners naman oh. 

Tumango lang siya.

Nakakailang hakba pa lang kami mula dun sa kinauupuan namin nang biglang may dumating na lalaki at dumiretso kay Aerith na parang kakilala niya.

Matangkad. Mestiso. May itsura (ang awkward naman kasi para sa isang Pogi na kagaya ko na sabihan ang kapwa kong lalaki na Pogi. Baka isipin pang PoGay ako.)

"Tara na, Aerith" sambit nung lalaki sabay kuha sa bag ni Aerith. At hindi man lang tumingin sa akin na parang hangin lang ako.

"Ano na namang ginagawa mo dito ha?" naiiritang tanong ni Aerith sa kanya.

"Makiki-seat in ako sa klase niyo. Pwede daw sabi nung Dean..." paliwanag niya kay Aerith. Bigla siyang humarap sa akin. "...Ay may kasama ka pala. Hi, I'm Eros Bustamante...

Boyfriend ni Aerith." tumalikod na siya at naglakad papalayo. "...Late na tayo." at ginuyod niya na si Aerith papalayo.

Boyfriend? Bakit parang disappointed ka ha Titus? A hindi. Baka nabigla lang kasi naman di ba ang angas angas nung Aerith na yun. Malamang kawawa yung boyfriend niya dun.

Girlfriend? Meron ako nun. Yung pinaka-dabest na girlfriend sa mundo. Kung move on lang ang pag-uusapan, wala sa isipan ko yun, lalong wala sa gawa, lalong wala sa mga plano ko sa buhay ko. Mahal na mahal ko si Iris. 

Naniniwala ako na parang LDR lang ito. Asa langit siya, asa lupa ako.

Pero yung pagmamahal. Hindi nawawala. Hindi nababawasan.

No distance, space or even death can even stop my feelings from reaching her.

Tumingin ako sa langit... 

"Iris. I miss you so much. I would be willing to give up my whole life for a moment with you. And I should have died on that day with you instead of living this lifetime without you."

At tulad ng sirang plakang paulit-ulit. Bumalik uli lahat ng sakit.

At tulad ng paulit-ulit na sakit. Paulit ulit ding tumutulo ang luhang kung kaya ko lang ipunin,marahil ay inilunod ko na ang sarili ko dito at mamaalam na lang dito sa mundo.

Masaya ako?

 Hindi ko lang maisip kung ano bang nagawa ko bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Deserve ko ba to. At napakasakit dahil pati na ang sarili ko ay pina-plastik ko.Pinapaniwala na masaya ako. 

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...